“Red tulips again?” Lumipas na ang ilang araw pero hindi ko pa rin alam kung sino ang sa likod ng mga red tulips na ito. Araw-araw akong nakakatanggap ng isang tangkay ng bulaklak. At, ngayon nga ay may isang tulip na naman sa nakasipit sa locker ko. Pinaglalaruan ba niya ako? “Sana all laging nakakatanggap ng bulaklak,” pang-aasar ni Kristel. “Pahiram naman ng ganda mo. Anyway, kanino ba galing ‘yan? Kay Gemar ba?” Gemar? Imposible naman na sa kanya ito galing. Speaking of him, ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita pagkatapos ng encounter namin sa parking lot. Nasaktan kaya siya sa mga sinabi ko? “Hindi ko alam. Sige, mauna na ako sa ‘yo sa classroom.” Tumango lang naman si Kristel bilang tugon habang nangangalkal pa sa locker niya. Maraming tumatakbo sa isip ko habang tinatahak ang hallway papunta sa classroom. Masaya ako na pagkatapos ng hindi magandang salubong sa akin ng paaralan na ito ay may nagawa pa ring humanga sa akin. Ngunit, literal s
Read more