Lahat ng Kabanata ng AKALA KO AY LANGIT: Kabanata 41 - Kabanata 50

84 Kabanata

CHAPTER 40

Nakatitig si Leia sa kisame ng silid, nakahiga ng tuwid, at ang kaniyang mga palad ay nakapatong sa kaniyang tiyan. Tahimik siyang nakahimlay habang nagmumuni-muni. Wala siyang anumang kilos. Isinusalang ang mga sinabi ni Kenneth, iniisip niya ang mga damdamin na inamin nito para sa kaniya.Alam niya na mali, na hindi na dapat niyang iniisip iyon, at dapat ay agad niyang tinanggihan ang alok nitong pag-ibig dahil may asawa na siya. Ngunit sa kabila ng lahat, naguluhan pa rin siya.Ang gulo-gulo ng isip niya.Oo, iniwan siya ni Bryle, sila ng anak nila, ngunit buhay pa rin ang kaniyang asawa kaya't wala siyang karapatan na agad niya itong ipagpapalit. May pag-asa pa na bumalik ang kaniyang asawa sa kanilang pamilya, kaya't hindi maaaring agad na ibaling niya ang kaniyang nararamdaman sa ibang lalaki. Isa pa, tiyak siyang si Bryle pa rin ang kaniyang iniibig.Hindi rin naman niya masisisi si Bryle kung bigla itong umalis. Marahil, nakaradam lang talaga si Bryle ng takot o pagod gawa ng p
Magbasa pa

CHAPTER 41

“Juice niyo po, Ate.” Inilapag ni Elena ang tinimpla nitong inumin sa lamesa.“Salamat, Elena,” pasalamat naman niya. Sumimsim siya niyon at nakaramdam siya ng kaginhawaan. “Ano nga pala ang apelyido mo at ilang taon ka na? Sorry kanina, nakatulog ako. Hindi tuloy tayo agad nakapagchikahan pagdating mo.”“Ako po si Elena Bonalos, Ate Leia. Twenty-three naman po ako,” mabining sagot ng dalaga.Tiningnan niya muna si Lacey na naglalaro sa may di-kalayuan dahil tumakbo ang bata. “Lacey, dahan-dahan lang. Iyang mga sugat mo.”“Opo, Mama.” Kumaway sa kaniya ang anak at muling ipinagpatuloy ang paglalaro.“Nagmeryenda na po kanina si Lacey,” imporma sa kaniya ni Elena.Nakangiting tumango siya rito at muling nag-usisa. “Paano ka nakuha ni Kenneth na bagong kasambahay?”“Ah, kaibigan niya po ang pinsan kong si Kuya Athan. Tinawagan po ako noong isang araw ni Kuya Athan. Ipinasok niya po ako kay Kuya Kenneth at sakto may alam din po ako sa therapist dahil nagtrabaho po ako sa isang wellness ce
Magbasa pa

CHAPTER 42

Lubos na ikinagulat ni Leia nang dumating na ang mga bisita ni Kenneth na itinawag nito kay Leia. Sila pa ay ang mga magulang ni Kenneth.Parehas mataba ang dalawang matanda. Hitsurang Pinay ang mommy ni Kenneth at mukhang Amerikano naman ang daddy nito.“Mom, Dad, si Leia po, my fiancée,” ngiting-ngiti na pakilala ni Kenneth sa kaniya sa magulang nito na galing pa sa America.Ang ngiti ni Leia ay dahan-dahang napalis. Parang pasabog iyon para sa kaniya. Fiancée siya ni Kenneth? Kailan pa?“So, totoo pala talaga ang sinasabi niyo ng Kuya Marvin mo? I thought you were just kidding all along,” blangko ang ekspresyon ng mukha na saad ng ginang.Nagkibit-balikat naman ang ama ni Kenneth. Ito ang mukhang istrikto. Lalaki na hindi masalita.“Of course, I'm serious, Mom. We shouldn't treat the fiancée thing as a joke. At ang totoo ay si Leia mismo ang dahilan bakit ako umuwi rito sa Pilipinas,” patotoo pa ni Kenneth sa mga magulang.“Kenneth, sandali lang,” pagtutol na sana ni Leia, pero inak
Magbasa pa

CHAPTER 43

Mugto ang mga mata ni Leia nang umagang iyon at ang totoo, ayaw nga sana pa niyang bumangon. Ang kaso ay panay kasi ang katok sa pinto ng sinumang tao na nasa labas ng silid niya.“Pasok po,” tugon niya at pinilit nang bumangon.Tulog pa si Lacey sa tabi niya."Good morning," bati agad ni Kenneth sa kaniya na ngiting-ngiti nang magbukas ang pinto.Saglit siyang natulala dahil naalala niya ang ginawa ng binata kahapon, na ipinakilala siyang fiancée nito nang walang paalam sa kaniya. Nagi-guilty talaga siya para sa mga magulang ni Kennetha dahil malinaw na niloloko nito."Sorry, I think your morning isn't going well." Nawala ang ngiti sa mga labi ni Kenneth. Napalitan ng ngiwi."Um, hindi naman. Nagulat lang ako kasi nandito ka pa pala. Wala ka bang lakad ngayon?""Well, masanay ka na na lagi mo akong kasama." Ngumiti ulit ang binata."Bakit?""Dahil may kinuha kami ni Kuya Marvin na pansamantalang mangangasiwa sa SkyShip Express habang busy ako.”"Pero bakit? Sayang naman?" Nagulat na n
Magbasa pa

CHAPTER 44 (spg)

Kahit anong pilit ni Leia, hindi talaga siya makatulog. Patuloy sa pagtakbo sa utak niya ang napakaraming nangyari sa lumipas na bente kuwatro oras, lalong-lalo na ang nais siyang pakasalan ni Kenneth.“I don’t care, Leia. Basta maging asawa lang kita ay okay na ‘yon sa akin. Wala akong pakialam kung totoo o hindi na kasal ang mangyayari,” narinig na naman niya sa isipan niya na sinabi ni Kenneth, at talaga namang kinikilabutan siya.Ano ba ang mga nangyayaring mga ito? Totoo ba ang mga ito?Ginusto niyang sampalin ang sarili upang masiguro niyang hindi siya nanaginip. Hindi lang niya ginawa dahil hindi na kailangan, dahil naramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang paa.Hindi panagip ang nangyayari. Totoo ang lahat.“Diyos ko, tulungan niyo ako,” naibulong niya kasabay nang pagsubsob niya sa kaniyang mukha sa mga palad.“Huh!” Ngunit agad din siyang nag-angat ng ulo nang naramdaman niyang may nagbubukas ng pinto ng silid.Parang binabayo ang dibdib ni Leia nang pumasok na si Kenneth. Ngi
Magbasa pa

CHAPTER 45

Tagos sa dingding ang tingin ni Leia habang patuloy sa pagpatak ng kaniyang mga luha. Tapos na kanina pa ang pambababoy ni Kenneth sa kaniya, wala na rin ito. Matapos makaraos ay basta na lang na iniwan siya.Sa oras na iyon, demonyo na ang tingin niya sa binata. Isang demonyo na halang ang kaluluwa.Ang walanghiya! Ginahasa siya!“Ate Leia! Ate Leia!” Biglang pasok si Elena sa silid. Dinaluhan siya’t niyakap. Mukhang alam nito kung anong kahayupan ang ginawa sa kaniya ni Kenneth.Animo’y wala sa sariling nakatingin pa rin siya sa malayo habang kipkip ang kumot hanggang kaniyang dibdib.“Ate, sorry po. Sorry po kung wala akong nagawa kanina para tulungan ka,” sabi pa ni Elena. Umiiyak na.Mas rumagasa ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Mas naawa siya sa kaniyang sarili, sa kaniyang sinapit.“Ayos ka lang, Ate?” Sinipat-sipat siya ni Elena. Pinunas ang kaniyang mga luha.Sa ginawa nito’y nagbalik ang kaniyang huwisyo. Basang-basa ng luha ang kaniyang mga mata na bumaba ang tingin niya r
Magbasa pa

CHAPTER 46

Naglalabada nang gabing iyon si Aling Celia."’Nay?" nang biglang mahinang tawag ni Bryle sa kaniya sa madilim na parte ng labas ng bahay nila.Takang-taka ang matanda na inaninag niya ang nagsalita. Alam agad nito na si Bryle iyon dahil kahit kailan ay hindi niya makakalimutan ang boses ng kaniyang mga anak, lalo na ang kaniyang bunso.“Diyos ko, Anak. Ano’ng ginagawa mo rito?” Noong una ay natakot ang matanda dahil bakit nasa harapan niya ang anak imbes na nasa kulungan ito, subalit mas nanumbalik ang pagkasabik niya rito."Mas pipiliin ko na lamang mamatay kaysa makulong ng ganoong katagal, ‘Nay. Hindi ko po kaya pala na mawalay ng ganoong katagal sa mag-ina ko," damang-dama ang bigat sa dibdib na saad ni Bryle. Siya lang ang natira na buhay sa halos dalawampung preso na tumakas. Lahat ng kasama niya kundi nahuli rin ay namatay naman, kasama na roon si Andong."Pero, Anak, mas mapapahamak ka sa ginawa mong ito! Bakit ka tumakas? Hindi ka na ba talaga nag-iisip, ha?" Awang-awa na niy
Magbasa pa

CHAPTER 47

Nakikipag-usap si Aling Linda sa mga magulang ni Kenneth tungkol sa kasal. Sa pekeng kasal, ayon na rin kay Kenneth, ngunit walang kaalam-alam ang Don at Donya nitong mga magulang.Ang sabi ni Kenneth sa kaniya kanina ay makisama siya sa lahat ng gustong gawin ng mga magulang nito, mapalabas lang na kasal sila ni Leia.Isang beses pa na nakaramdam ng matinding pagkaawa si Aling Linda para sa anak na si Leia, subalit sa huli, pinili pa rin nitong maging sunod-sunuran kay Kenneth."So, okay na ang lahat? Sa probinsya na lang namin gaganapin ang kasal?” pagtatapos na nga ng usapan ni Donya Alvina.Nagkatinginan muna sina Aling Linda at Leia, bago tumango si Aling Linda sa mag-asawang mayaman na mga magulang ni Kenneth. “Kung iyon ang gusto niyo, Balae, ay walang magiging problema.”"Huwag kang mag-alala, Balae, masaya ang kasalan doon sa probinsya namin,” masayang pakikipagkamay pa ni Donya Alvina kay Aling Linda.Nahiya naman ang ginang dahil wala man lang itong maitulong sa kasal. "Kayo
Magbasa pa

CHAPTER 48

“Elena, tulungan mo ako. Tulungan mo kami ni Lacey. Kailangan naming makaalis dito. Ayokong sumama kina Kenneth sa probinsya nila,” pakiusap ni Leia sa itinuturing na ngayon na kaibigan at kakampi na dalaga.Hindi niya inasahan ang pagliliwanag ng mukha ni Elena. Animo’y may spring ang kinauupuan nito na nagtulak dito upang makalapit agad sa kaniya. Tumingin-tingin ito sa paligid, mukhang tinitiyak muna nito na wala si Kenneth sa paligid.Nasa balkonahe sila ng malaking bahay. Pinili niya muna doon magpahangin pagkaalis ng mga magulang ni Kenneth. Kinailangan niya ng hangin dahil sa bigat na ng kaniyang dibdib. Halos hindi niya matanggap na ang natatanging makakatulong sana sa kanila ni Lacey upang makawala sa impyerno nilang kinasadlakan na kaniyang nanay ay wala, walang balak na tulungan sila. Ang sama-sama ng loob niya pati na rin sa sariling ina niya.Dumagdag sa sakit ang ginawang pagtalikod na iyon ng nanay niya sa kaniya. Sa kaniyang sarili’y hindi niya tuloy mapigilan ang magta
Magbasa pa

CHAPTER 49

Lakad-takbo si Bryle. Hindi niya sinayang ang sandali na mapuntahan ang asawa at anak niya. Hindi niya iniinda ang kaniyang mga sugat at pasa. Kahit paano ay nakapagpahinga na siya at may lakas na kaya buo na ang kaniyang loob na babawiin na niya ang mag-ina niya.At naroon na siya malapit sa bahay ng g*gong Kenneth!Ang kaso ay biglang may nakita siyang naka-motor na pulis kaya naman nagtago muna siya.Wala siyang kaalam-alam na nakita siya ng anak niyang si Lacey. At dahil nagtago siya, nang tingnan siya ni Leia ay hindi siya nakita nito.Lumabas lang si Bryle sa pinagtaguan nang makalayo ang pulis at hindi na niya matanawan. Takbo ulit siya sa bahay nina Kenneth at kinatok iyon."Sino ‘yan?" boses ng babae mula sa loob ng bahay.Kinatok niya ulit at hinintay na pagbuksan siya."Ano po ‘yon?" at silip nga sa kaniya ng babae."Sina Leia at Lacey! Palabasin mo sila dito! Sabihin mong nandito na ako! Binabawi ko na sila!" malakas ang boses na sabi niya."Huh?" Nagtaka ang babae."Sabing
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
9
DMCA.com Protection Status