“Juice niyo po, Ate.” Inilapag ni Elena ang tinimpla nitong inumin sa lamesa.“Salamat, Elena,” pasalamat naman niya. Sumimsim siya niyon at nakaramdam siya ng kaginhawaan. “Ano nga pala ang apelyido mo at ilang taon ka na? Sorry kanina, nakatulog ako. Hindi tuloy tayo agad nakapagchikahan pagdating mo.”“Ako po si Elena Bonalos, Ate Leia. Twenty-three naman po ako,” mabining sagot ng dalaga.Tiningnan niya muna si Lacey na naglalaro sa may di-kalayuan dahil tumakbo ang bata. “Lacey, dahan-dahan lang. Iyang mga sugat mo.”“Opo, Mama.” Kumaway sa kaniya ang anak at muling ipinagpatuloy ang paglalaro.“Nagmeryenda na po kanina si Lacey,” imporma sa kaniya ni Elena.Nakangiting tumango siya rito at muling nag-usisa. “Paano ka nakuha ni Kenneth na bagong kasambahay?”“Ah, kaibigan niya po ang pinsan kong si Kuya Athan. Tinawagan po ako noong isang araw ni Kuya Athan. Ipinasok niya po ako kay Kuya Kenneth at sakto may alam din po ako sa therapist dahil nagtrabaho po ako sa isang wellness ce
Lubos na ikinagulat ni Leia nang dumating na ang mga bisita ni Kenneth na itinawag nito kay Leia. Sila pa ay ang mga magulang ni Kenneth.Parehas mataba ang dalawang matanda. Hitsurang Pinay ang mommy ni Kenneth at mukhang Amerikano naman ang daddy nito.“Mom, Dad, si Leia po, my fiancée,” ngiting-ngiti na pakilala ni Kenneth sa kaniya sa magulang nito na galing pa sa America.Ang ngiti ni Leia ay dahan-dahang napalis. Parang pasabog iyon para sa kaniya. Fiancée siya ni Kenneth? Kailan pa?“So, totoo pala talaga ang sinasabi niyo ng Kuya Marvin mo? I thought you were just kidding all along,” blangko ang ekspresyon ng mukha na saad ng ginang.Nagkibit-balikat naman ang ama ni Kenneth. Ito ang mukhang istrikto. Lalaki na hindi masalita.“Of course, I'm serious, Mom. We shouldn't treat the fiancée thing as a joke. At ang totoo ay si Leia mismo ang dahilan bakit ako umuwi rito sa Pilipinas,” patotoo pa ni Kenneth sa mga magulang.“Kenneth, sandali lang,” pagtutol na sana ni Leia, pero inak
Mugto ang mga mata ni Leia nang umagang iyon at ang totoo, ayaw nga sana pa niyang bumangon. Ang kaso ay panay kasi ang katok sa pinto ng sinumang tao na nasa labas ng silid niya.“Pasok po,” tugon niya at pinilit nang bumangon.Tulog pa si Lacey sa tabi niya."Good morning," bati agad ni Kenneth sa kaniya na ngiting-ngiti nang magbukas ang pinto.Saglit siyang natulala dahil naalala niya ang ginawa ng binata kahapon, na ipinakilala siyang fiancée nito nang walang paalam sa kaniya. Nagi-guilty talaga siya para sa mga magulang ni Kennetha dahil malinaw na niloloko nito."Sorry, I think your morning isn't going well." Nawala ang ngiti sa mga labi ni Kenneth. Napalitan ng ngiwi."Um, hindi naman. Nagulat lang ako kasi nandito ka pa pala. Wala ka bang lakad ngayon?""Well, masanay ka na na lagi mo akong kasama." Ngumiti ulit ang binata."Bakit?""Dahil may kinuha kami ni Kuya Marvin na pansamantalang mangangasiwa sa SkyShip Express habang busy ako.”"Pero bakit? Sayang naman?" Nagulat na n
Kahit anong pilit ni Leia, hindi talaga siya makatulog. Patuloy sa pagtakbo sa utak niya ang napakaraming nangyari sa lumipas na bente kuwatro oras, lalong-lalo na ang nais siyang pakasalan ni Kenneth.“I don’t care, Leia. Basta maging asawa lang kita ay okay na ‘yon sa akin. Wala akong pakialam kung totoo o hindi na kasal ang mangyayari,” narinig na naman niya sa isipan niya na sinabi ni Kenneth, at talaga namang kinikilabutan siya.Ano ba ang mga nangyayaring mga ito? Totoo ba ang mga ito?Ginusto niyang sampalin ang sarili upang masiguro niyang hindi siya nanaginip. Hindi lang niya ginawa dahil hindi na kailangan, dahil naramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang paa.Hindi panagip ang nangyayari. Totoo ang lahat.“Diyos ko, tulungan niyo ako,” naibulong niya kasabay nang pagsubsob niya sa kaniyang mukha sa mga palad.“Huh!” Ngunit agad din siyang nag-angat ng ulo nang naramdaman niyang may nagbubukas ng pinto ng silid.Parang binabayo ang dibdib ni Leia nang pumasok na si Kenneth. Ngi
Tagos sa dingding ang tingin ni Leia habang patuloy sa pagpatak ng kaniyang mga luha. Tapos na kanina pa ang pambababoy ni Kenneth sa kaniya, wala na rin ito. Matapos makaraos ay basta na lang na iniwan siya.Sa oras na iyon, demonyo na ang tingin niya sa binata. Isang demonyo na halang ang kaluluwa.Ang walanghiya! Ginahasa siya!“Ate Leia! Ate Leia!” Biglang pasok si Elena sa silid. Dinaluhan siya’t niyakap. Mukhang alam nito kung anong kahayupan ang ginawa sa kaniya ni Kenneth.Animo’y wala sa sariling nakatingin pa rin siya sa malayo habang kipkip ang kumot hanggang kaniyang dibdib.“Ate, sorry po. Sorry po kung wala akong nagawa kanina para tulungan ka,” sabi pa ni Elena. Umiiyak na.Mas rumagasa ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Mas naawa siya sa kaniyang sarili, sa kaniyang sinapit.“Ayos ka lang, Ate?” Sinipat-sipat siya ni Elena. Pinunas ang kaniyang mga luha.Sa ginawa nito’y nagbalik ang kaniyang huwisyo. Basang-basa ng luha ang kaniyang mga mata na bumaba ang tingin niya r
Naglalabada nang gabing iyon si Aling Celia."’Nay?" nang biglang mahinang tawag ni Bryle sa kaniya sa madilim na parte ng labas ng bahay nila.Takang-taka ang matanda na inaninag niya ang nagsalita. Alam agad nito na si Bryle iyon dahil kahit kailan ay hindi niya makakalimutan ang boses ng kaniyang mga anak, lalo na ang kaniyang bunso.“Diyos ko, Anak. Ano’ng ginagawa mo rito?” Noong una ay natakot ang matanda dahil bakit nasa harapan niya ang anak imbes na nasa kulungan ito, subalit mas nanumbalik ang pagkasabik niya rito."Mas pipiliin ko na lamang mamatay kaysa makulong ng ganoong katagal, ‘Nay. Hindi ko po kaya pala na mawalay ng ganoong katagal sa mag-ina ko," damang-dama ang bigat sa dibdib na saad ni Bryle. Siya lang ang natira na buhay sa halos dalawampung preso na tumakas. Lahat ng kasama niya kundi nahuli rin ay namatay naman, kasama na roon si Andong."Pero, Anak, mas mapapahamak ka sa ginawa mong ito! Bakit ka tumakas? Hindi ka na ba talaga nag-iisip, ha?" Awang-awa na niy
Nakikipag-usap si Aling Linda sa mga magulang ni Kenneth tungkol sa kasal. Sa pekeng kasal, ayon na rin kay Kenneth, ngunit walang kaalam-alam ang Don at Donya nitong mga magulang.Ang sabi ni Kenneth sa kaniya kanina ay makisama siya sa lahat ng gustong gawin ng mga magulang nito, mapalabas lang na kasal sila ni Leia.Isang beses pa na nakaramdam ng matinding pagkaawa si Aling Linda para sa anak na si Leia, subalit sa huli, pinili pa rin nitong maging sunod-sunuran kay Kenneth."So, okay na ang lahat? Sa probinsya na lang namin gaganapin ang kasal?” pagtatapos na nga ng usapan ni Donya Alvina.Nagkatinginan muna sina Aling Linda at Leia, bago tumango si Aling Linda sa mag-asawang mayaman na mga magulang ni Kenneth. “Kung iyon ang gusto niyo, Balae, ay walang magiging problema.”"Huwag kang mag-alala, Balae, masaya ang kasalan doon sa probinsya namin,” masayang pakikipagkamay pa ni Donya Alvina kay Aling Linda.Nahiya naman ang ginang dahil wala man lang itong maitulong sa kasal. "Kayo
“Elena, tulungan mo ako. Tulungan mo kami ni Lacey. Kailangan naming makaalis dito. Ayokong sumama kina Kenneth sa probinsya nila,” pakiusap ni Leia sa itinuturing na ngayon na kaibigan at kakampi na dalaga.Hindi niya inasahan ang pagliliwanag ng mukha ni Elena. Animo’y may spring ang kinauupuan nito na nagtulak dito upang makalapit agad sa kaniya. Tumingin-tingin ito sa paligid, mukhang tinitiyak muna nito na wala si Kenneth sa paligid.Nasa balkonahe sila ng malaking bahay. Pinili niya muna doon magpahangin pagkaalis ng mga magulang ni Kenneth. Kinailangan niya ng hangin dahil sa bigat na ng kaniyang dibdib. Halos hindi niya matanggap na ang natatanging makakatulong sana sa kanila ni Lacey upang makawala sa impyerno nilang kinasadlakan na kaniyang nanay ay wala, walang balak na tulungan sila. Ang sama-sama ng loob niya pati na rin sa sariling ina niya.Dumagdag sa sakit ang ginawang pagtalikod na iyon ng nanay niya sa kaniya. Sa kaniyang sarili’y hindi niya tuloy mapigilan ang magta
“Saan ba talaga tayo pupunta, Mahal?” nagtataka na talaga si Leia sa ginagawa nilang mag-asawa. Isang linggo na ang nakakalipas mula nakalaya si Bryle sa kulungan at heto sila ngayon, paakyat sa isang bundok.Buong akala ni Leia ay magdi-date lang sila ng asawa dahil may surpresa raw ito sa kaniya, ngunit heto sila, nagpapakahirap sa pag-akyat sa matarik na daanan ng bundok. At hindi niya maintindihan.“Sumasakit ba ang mga paa mo?” Nag-alala na si Bryle nang maalala niya ang mga paa ng asawa.“Hindi naman pero pagod na kasi ako,” pag-amin ni Leia.Ngumiti si Bryle. “Huwag kang mag-alala, malapit na tayo.”“Saan ba kasi tayo? Ano ang gagawin natin dito sa bundok?”“Basta natitiyak ko na matutuwa ka.”Napanguso si Leia. Tumigil na talaga siya sa paglakad at parang bata na humalukipkip ng mataas.Natawa si Bryle dahil ang cute ng kaniyang misis kapag ganoon na nagtatampu-tampuhan. Binalikan niya ito at masuyong ikinulong sa mga palad ang napakaganda nitong mukha saka siniil ng buong pagm
"Bryle…" sa una ay mahinang sambit ni Leia sa pangalan ng asawang matagal na niyang nais makita. Ilang sandali na hindi siya huminga. Hanggang sa rumagasa ang mga luha niya sa mga mata. Hindi siya makapaniwala na darating nga si Bryle at makikita niya itong muli." Bryle!" mayamaya ay malakas na niyang tawag sa asawa nang mahimasmasan siya. Akmang papaikutin na niya ang gulong ng wheelchair at susugurin niya ito ng yakap, pero marahas na hinablot ni Kenneth ang kaniyang isang braso.“Dito ka lang!” galit na singhal nito sa kaniya."Bitawan ko ako, Kenneth!" Umiiyak niyang lingon sa isa pang asawa, sa demonyong nagpapanggap niyang asawa.“Hindi ka maaaring lumapit sa kaniya!” nagtatagis ang bagang na babala ni Kenneth.Gawa niyon, sa nakitang walang ingat na paghawak ni Kenneth sa asawa ay lalong nakuyom ni Bryle ang dalawang kamao niya. Gustong-gusto niya agad na ipagsusuntok sa mukha ni Kenneth. Kumpirmado, sinasaktan nga ng g*go ang kaniyang asawa.“Who are you?! Why are you causing
“Bakit ang tagal nina Alab?” Pabalik-balik ang lakad ni Bryle habang naghihinatay sa bayan ng San Lazaro kung saan ay sinabi sa kanila ni Alab na maghihintay sila.“Hindi ko alam,” sabi naman ni Sarina. “Pero wala ka namang dapat ipag-alala dahil kahit makasal sina Kenneth at Leia ay hindi pa rin iyon magiging ligal dahil kasal sa iyo si Leia, tapos peke pa malamang ang mga dokumentong ipinakita ni Kenneth.”Nahimas ni Bryle ang kanyang bunganga. “Kahit na. Masakit pa rin sa akin kung maihaharap ni Kenneth si Leia sa altar. Parang natalo pa rin niya ako kapag gano’n.”“Mahalaga pa ba iyon? Ang pride mo kaysa ang kaisipang mababawi mo ang mag-ina mo? Iyon lang naman ang mahalaga rito, ang mabawi sila at mailayo sa kapahamakan, hindi ba?”Napabuntong-hininga si Bryle. Hindi na siya nagkomento. Nahimas-himas na lamang niya ang kanyang noo at pinilit na habaan pa ang pasensya.Tama naman si Sarina.SAMANTALA…"Dumating na ang bride, Boss," bulong ng isang tauhan kay Kenneth. Ngumisi si Ken
ANG NAKARAAN…“Aalis kayo dito sa San Lazaro?” tanong ni Kenneth kay Katia. “Oo. Doon na kami mag-aaral ng college ni Alab sa Maynila. Nakapasa kasi kami sa isang scholarship na inaplayan namin at sagot lahat ng foundation ang gagastusin namin kahit na doon kami mag-aral,” sagot ng mahinhing dalaga. Nasa silong sila noon ng punong mangga. Dinalaw niya noon ito dahil sa balitang iyon. Hindi siya nakatiis. “Ang unfair naman yata.” At hindi rin niya gusto na aalis ang dalaga tapos kasama pa ang itinuturing niyang karibal.Maang na napatingin sa kaniya si Katia. “Ano naman ang unfair doon? Hindi ka ba masaya na makapag-aaral ako?” “Masaya ako na nakapasok ka sa scholarship. Ang hindi ako masaya ay ang aalis ka at kasama mo pa si Alab, Katia,” pag-amin niya.“Bakit naman? Boyfriend ko si Alab, Kenneth, kaya walang masama.” “Pero boyfriend mo rin ako, hindi ba?” “Boyfriend? Ano’ng pinagsasabi mo, Kenneth? Hindi kita boyfriend.” Napaismid siya dahil nasaktan siya. “Boyfriend mo ako da
"Hayup ka! Ano’ng ginawa mo kay Bryle?! Ano’ng ginawa mo sa kaniya?! Ano ang ginawa mo sa pamilya namin?! Ano ang kasalanan namin sa ‘yo at ginulo mo kami ng ganito?! Ano?!" Nagwala na ng tuluyan si Leia. Hindi niya napigilan ang kaniyang sarili. Binayo-bayo niya ang dibdib ni Kenneth. Nauunawaan na niya ang lahat. Malinaw na malinaw na talaga sa kaniya na niloko lamang siya ng binata, na pinaniwala lang siya nitong iniwan sila ni Bryle pero ang totoo ay hindi. Ang totoo ay ginamit ni Kenneth ang sitwasyon nila, ang kawalan nila ng pera na mag-asawa.Sinenyasan ni Kenneth ang isang tauhan nito. Agad iyong sumunod. Lumapit ito kay Aling Linda.“Ano’ng gagawin mo?!” sindak ang ginang."Mama!" hiyaw ng batang si Lacey. Walang anu-anong kinuha kasi ito ng lalaki mula kay Aling Linda."Bitawan mo ang apo ko!" protesta ni Aling Linda. Ayaw nitong ibigay ang apo. Sa kasamaang palad isang suntok sa sikmura ang ginawa dito ng isa pang tauhan ni Kenneth kaya agad na nawalan ng lakas at namilipit
"Bakit ba kasi ang layo ng bahay niyo sa bahay ng Fontallan?" hindi na makapaghintay si Bryle na tanong ulit niya kay Sarina. Halos paliparin na talaga niya ang sasakyan marating lang nila sana agad ang mansyon nina Kenneth."Syempre noong ibinahay ako ni Dionisio ay pinili talaga niya na sa malayo para hindi kami magtagpo ng asawa niyang pangit."Napalatak siya at lalo pang diniinan ang silinyador ng sasakyan. "Kumapit ka!" tapos ay anito sa dalaga."Dahan-dahan kundi baka tayo naman ang mabangga nito. Baka sa ginagawa mong pagmamadali ay lalong hindi mo na makikita ang asawa mo kasi tigok na tayo," nakaingos na paalala ni Sarina sa kaniya. Sinulyapan nito ang pambisig na orasan. “Don’t worry, maaga pa naman. Baka naghahanda pa lang sila ngayon.”Sa kasamaang palad ay tila ba wala nang naririnig sa sandaling iyon si Bryle. Kontrolado naman niya ang manibela kaya alam niyang hindi sila maaksidente. Isa pa ay hindi niya hahayaang maaksidente sila dahil kailangan siya ngayon ni Leia. Ili
Sandaling hindi nakakilos si Bryle sa hindi maipaliwanag niyang nararamdaman. Ang tindi ng galit niya. Kuyom na kuyom niya ang mga kamao na kulang na lang ay bumaon ang mga kuko niya sa mga palad niya. Halos madurog na rin sa kamay niya ang cellphone na hawak.Papatayin niya si Kenneth! Papatayin niya talaga! Isinusumpa niya!"Bryle, ano’ng nangyari? Ano’ng sabi ng asawa mo at ni Kenneth?" alanganing tanong ni Sarina. Natatakot ang dalaga sa hitsura ni Bryle.Mabagsik ang naging tingin ni Bryle sa dalagang katabi. Hindi pa rin niya makuntrol ang galit. "Pagkatapos ng kasal ay dadalhin niya si Leia sa Amerika. Doon daw sila magsasama. Mabuti na lamang at nakinig ako sa inyo kundi baka nadala na ng g*gong iyon ang asawa ko sa ibang bansa kung pumalpak sana ako.”Nanlaki ang ulo niya nang mabilis na na-imagine niya na nasa ibang bansa sina Lacey at Leia. Imposible na masusundan na niya sila oras na mangyari iyon."Diyos ko, ano itong ginagawa ni Kenneth? Siya nga yata talaga ang may sayad
Naiinip man dahil kanina pa siya naghihintay kay Sarina ay idinadaan na lamang ni Bryle sa pagpalatak ang inip, at minsan sa pagsuri-suri ng sasakyan. Ano ba kasi’ng aasahan niya? Normal lang naman sa babae ang matagal magbihis.Kanina pa siya nakasakay sa kotse na binili talaga ni Sarina para sa plano nilang ito. Brand new pa nga sana ang bibilhin ng dalaga pero siya ang hindi pumayag dahil baka masayang lang ang sasakyan kapag nagkabulilyaso.Handa na siya sa patungo sa San Lazaro upang dumalo sa kasal—upang bawiin na ang kaniyang asawa at anak.Sa wakas, dumating na ang araw upang isakatuparan nila ang plano!“Ang tagal mo,” reklamo niya nang sa wakas ay dumating din ang dalaga. At napabuga talaga siya ng hangin sa bunganga dahil kuntodo makeup si Sarina. Ang halter maxi dress in deep red nitong suot ay halos kita na ang buong kaluluwa nito. Backless na nga may slit pa na halos hanggang singit na. Kung hindi nga lang sila nagmamadali ay sasabihin niyang hindi sila aalis hangga’t hin
ARAW NG KASAL.Magarbong-magarbo ang lahat. Makikitang pinagkagastusan talaga ng mag-asawang Don Dionisio at Donya Alvina ang kasal ng bunso nilang anak. Handa na ang mansyon na siyang reception area rin, kasama ang simbahan ng San Lorenzo Cathedral. Nakalatag ang isang red carpet sa labas patungo sa aisle hanggang sa altar ng San Lorenze Cathedral. At sa tuwina ay may mga nahuhulog na maliliit na red and white rose petals sa loob ng simbahan na siyang nagbibigay ng goosebump feeling sa mga unang dumadating sa simbahan para sa seremonya.Subalit kung gaano kasaya ang lahat ay siya namang lungkot ng bride. Nakaupo si Leia sa harap ng salamin at suot na niya ang kaniyang corset style wedding gown na hindi basta-basta ang halaga. Kung gaano siya kaganda sa sandaling iyon ay siya namang lungkot ng mukha niya.Siya na yata ang pinakamalungkot na bride sa buong mundo sa sandaling iyon, hindi lamang dahil sa ayaw niyang ikasal sa lalaking hindi niya mahal kundi dahil din sa hindi niya pa naki