Share

CHAPTER 41

“Juice niyo po, Ate.” Inilapag ni Elena ang tinimpla nitong inumin sa lamesa.

“Salamat, Elena,” pasalamat naman niya. Sumimsim siya niyon at nakaramdam siya ng kaginhawaan. “Ano nga pala ang apelyido mo at ilang taon ka na? Sorry kanina, nakatulog ako. Hindi tuloy tayo agad nakapagchikahan pagdating mo.”

“Ako po si Elena Bonalos, Ate Leia. Twenty-three naman po ako,” mabining sagot ng dalaga.

Tiningnan niya muna si Lacey na naglalaro sa may di-kalayuan dahil tumakbo ang bata. “Lacey, dahan-dahan lang. Iyang mga sugat mo.”

“Opo, Mama.” Kumaway sa kaniya ang anak at muling ipinagpatuloy ang paglalaro.

“Nagmeryenda na po kanina si Lacey,” imporma sa kaniya ni Elena.

Nakangiting tumango siya rito at muling nag-usisa. “Paano ka nakuha ni Kenneth na bagong kasambahay?”

“Ah, kaibigan niya po ang pinsan kong si Kuya Athan. Tinawagan po ako noong isang araw ni Kuya Athan. Ipinasok niya po ako kay Kuya Kenneth at sakto may alam din po ako sa therapist dahil nagtrabaho po ako sa isang wellness ce
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status