Lakad-takbo si Bryle. Hindi niya sinayang ang sandali na mapuntahan ang asawa at anak niya. Hindi niya iniinda ang kaniyang mga sugat at pasa. Kahit paano ay nakapagpahinga na siya at may lakas na kaya buo na ang kaniyang loob na babawiin na niya ang mag-ina niya.At naroon na siya malapit sa bahay ng g*gong Kenneth!Ang kaso ay biglang may nakita siyang naka-motor na pulis kaya naman nagtago muna siya.Wala siyang kaalam-alam na nakita siya ng anak niyang si Lacey. At dahil nagtago siya, nang tingnan siya ni Leia ay hindi siya nakita nito.Lumabas lang si Bryle sa pinagtaguan nang makalayo ang pulis at hindi na niya matanawan. Takbo ulit siya sa bahay nina Kenneth at kinatok iyon."Sino ‘yan?" boses ng babae mula sa loob ng bahay.Kinatok niya ulit at hinintay na pagbuksan siya."Ano po ‘yon?" at silip nga sa kaniya ng babae."Sina Leia at Lacey! Palabasin mo sila dito! Sabihin mong nandito na ako! Binabawi ko na sila!" malakas ang boses na sabi niya."Huh?" Nagtaka ang babae."Sabing
“Oh, bakit ka umiiyak?” pag-alo agad ni Donya Alvina nang makita nitong umiiyak ang batang si Lacey na kalong ni Leia sa likod ng kotse ni Kenneth nang dinaanan nila ang mga ito sa hotel.“Nagtatampo lang, Mom. May nakita kasing toy sa nadaanan namin,” si Kenneth ang sumagot sa ina.Magsasalita sana ang bata, pero mabilis na tinakpan ni Leia ang bibig ng anak.“Alvina, come on, let's leave now,” mabuti na lang din at tawag na ng asawang si Don Dionisio sa asawang Donya na nasa isang mas magarang sasakyan. Sabay-sabay silang uuwi sa probinsya, pero magkaiba ang sasakyan nila.“Drive safely, Kenneth,” habilin muna ni Donya Alvina sa anak bago tinungo ang sasakyan ng asawa.Nauna ang kotse ng parents ni Kenneth, nakasunod sila. Tahimik lang pa rin si Leia sa byahe, lalo na nang nakatulog na si Lacey.“Kapag nasa probinsya na tayo ay paninidigan mo pa rin ang sinabi ko na pamangkin mo lang si Lacey. Huwag mo sana akong ipapahiya lalo na ang pamilya ko, Leia. I'll repeat, this is the only t
“Nasaan na kayo?” tumulo ang mga luha ni Bryle hang nakatanaw sa kawalan. Pagod na siya sa kalalakad kaya naisipan muna niyang magpahinga. Umupo muna siya sa tabi ng kalsada, pero sa tuwing may dadaan na tao ay ibinababa niya ang sumbrero niyang sout para hindi makita ang kaniyang mukha at hindi siya makilala. Hindi siya dapat papahuli, dahil babawiin pa niya ang asawa at anak niya sa g*gong Kenneth na iyon.Ang problema, hindi talaga niya alam kung saan siya magsisimula. Nagmistula na nga siyang tanga kanina pa na lakad nang lakad. Hindi naman na siya puwedeng bumalik sa bahay ni Kenneth upang tanungin ulit ang katulong. Sigurado siyang nakatawag na ng pulis ang babaeng iyon.Inilabas niya ulit ang inagaw niyang cellphone sa babae sa bulsa ng hoodie jacket na ipinahiram sa kaniya kanina ng kaniyang Kuya Edgar. Panay ang tsek niya at baka may tumawag, nag-text, o nag-chat, pero wala pa rin talaga. Mabuti na lamang at full charge ang cellphone.Hanggang sa nakita na lang niya ulit ang s
Si Kenneth na mismo ang nag-ayos ng hihigaan niya. Iyong kasambahay sana pero pinaalis iyon ni Kenneth. Gusto raw ni Kenneth na ito ang mag-aasikaso sa kaniya."Okay na. Puwede ka nang magpahinga," sabi ni Kenneth nang matapos na ito.Parang walang narinig si Leia. Nakaupo siya kaniyang wheelchair at tahimik na nakatanaw sa bintana. Malalim na naman ang inilalakbay ng isip niya. Hindi talaga niya mapigilan.Mabuti na lang ay napakurap si Leia. Natauhan din siya, nawala siya sa malalim na pag-iisip. At doon na niya napansin na nakatingin na pala sa kaniya nang matagal si Kenneth."Iniisip mo na naman siya?" malungkot na tanong nito sa kaniya."S-sorry,” kinabahang paghingi niya ng paumanhin."Okay lang, Leia. Hindi mo naman ‘yon maiaalis sa ‘yo agad dahil asawa mo siya. Huwag kang mag-alala dahil kapag naging mag-asawa na tayo ay makakalimutan mo rin siya unti-unti tulad nang paglimot niya sa inyo."Hindi siya nagkomento. Naiyuko lang niya ang ulo.Umikot si Kenneth sa kama para lapitan
"Hello?" Napakabilis ang tibok ng puso ni Bryle na sinagot ang unknown registered na tawag. Umaasa siyang si Leia na iyon. Sana ang asawa na niya ang tumatawag.Ang kaso ay walang sumagot sa kabilang linya."Hello?” ulit niya na napatuwid nang upo, kaso ay wala pa ring sumagot. “Leia, ikaw na ba ‘yan? Mahal, si Bryle ito! Ako ito!"“Hello, sino ka? Bakit nasa sa iyo ang cellphone ng girlfriend ko? Nasaan si Elena?” ngunit boses na ng lalaki sa kabilang linya.Napabuntong-hininga si Bryle at dali-daling pinatay ang tawag. Dismayadong-dismayado siyang napapikit. Halos madurog ang cellphone sa kaniyang kamao sa sobrang inis."Lowbat ka?" sabi na naman ng makulit na babaeng katabi niya.Tiningnan lang niya ito.Agad namang may kinalkal sa bag niya ang babae at saka iniabot sa kaniya na bagay. "Ito gamitin mo muna.”"Ano ‘yan?""Power bank. Puwede kang mag-charge dito."“Hindi na. Salamat.”“Hindi low batt ang cellphone mo?”Alinlangan man ay tumango siya at ibinulsa niya ulit ang cellphone
Kumakabog ang dibdib ni Leia habang inaabangan ang sinasabi ni Lacey na balita tungkol kay Bryle.Hawak-kamay silang mag-ina na naroon sa living room ng mansyon. Nakaupo siya sa wheelchair at nakatayo ang kaniyang anak sa pagitan ng mga paa niya."Bryle, asawa ko, ano ba talagang nangyari sa ‘yo?" at paulit-ulit na usal ni Leia sa pangalan ng kaniyang asawa. Halu-halong emosyon ang nararamdaman niya sa sandaling iyon na pinangungunahan ng matinding pag-aalala.Nang biglang nag-black out ang TV. Namatay bigla.Takang-taka silang mag-ina. At mas nagtaka pa sila nang makita nilang si Donya Alvina ang may kagagawan niyon. Hinugot nito ang saksakan ng TV at pinutol ang wire gamit ang hawak nito na gunting. Siniran nito ang TV upang hindi na ulit mabuksan.Ngumisi ang inakala nilang mabait na donya. “Starting now, you are not allowed to watch TV o humawak ng kahit anong gadget.”Umawang ang mga labi ni Leia. Takang-taka ang kaniyang hitsura. Napayakap naman sa kaniya si Lacey dahil natakot i
"Good morning!" ngiting-ngiti si Kenneth nang mabungaran niya ang mukha nito sa paggising niya. Nagising siya sa masuyo nitong halik sa kaniyang noo.Tipid lang na ngumiti si Leia sa binata at agad na nilingon ang tabi niya. "Nasaan si Lacey?" tanong niya agad nang hindi niya makita ang anak sa kama."Oh, relax lang. Nasa labas na siya at naglalaro kanina pa. Hindi ka na muna namin ginising kasi ang sarap ng tulog mo.”Tiningala ni Leia ang wall clock. Mag-aalas otso na pala ng umaga. Bigla siyang nakaramdam ng hiya."Sana ginising mo pa rin ako. Nakakahiya sa mommy mo.”"Okay lang ‘yan. Siguro napagod ka sa byahe kahapon kaya nasarapan ka ng tulog.”Napayuko siya ng ulo dahil sa tingin niya ay hindi iyon ang dahilan. Sapagkat ang totoo ay hindi siya nakatulog agad kagabi dahil sa kakaisip niya kung ano’ng buhay ang makakaharap nila ni Lacey doon sa mansyon, at syempre kung ano na ang kalagayan din ngayon ni Bryle.Ang saklap na naghiwa-hiwalay silang pamilya dahil sa kahirapan o sa ta
"Ang aga-aga tulala ka," puna ni Sarina kay Bryle. Nakita kasi nito ang lalaking bisita na nasa labas ng bahay at halatang ang lalim ng iniisip.Tarantang napalingon si Bryle sa dalaga. "Gusto mo ng kape? Sorry, pinakialaman ko na ang kusina mo."Ngumiti ng matamis si Sarina "Sus, walang anuman. Buti may kape kang nakita?”“Meron. Iyong instant coffee. Mag-isa na nga lang pero ibibili kita kung gusto mong magkape.”“No thanks. Hindi naman ako nagkakape. Natira lang siguro iyan ng kuya ko noong dumalaw siya rito. Anyway, ano’ng gusto mong almusal?""Naku, huwag na. Okay na ako rito sa kape.""Nahiya ka pa? Halika doon tayo sa kusina. Gawan na lang kita ng sandwich."Napakamot-ulo na lang si Bryle sa kabutihang ipinapakita sa kaniya ng dalaga. Buti na lang at nakilala niya ito dahil kung wala siguro ito ay hindi niya alam kung saan na siya ngayon pupulutin."Upo ka muna diyan habang nagpiprito ako. Kuwentuhan tayo.” Binuksan ni Sarina ang gas range at nagsalang agad ng palayok. Kumuha ng