Kumakabog ang dibdib ni Leia habang inaabangan ang sinasabi ni Lacey na balita tungkol kay Bryle.Hawak-kamay silang mag-ina na naroon sa living room ng mansyon. Nakaupo siya sa wheelchair at nakatayo ang kaniyang anak sa pagitan ng mga paa niya."Bryle, asawa ko, ano ba talagang nangyari sa ‘yo?" at paulit-ulit na usal ni Leia sa pangalan ng kaniyang asawa. Halu-halong emosyon ang nararamdaman niya sa sandaling iyon na pinangungunahan ng matinding pag-aalala.Nang biglang nag-black out ang TV. Namatay bigla.Takang-taka silang mag-ina. At mas nagtaka pa sila nang makita nilang si Donya Alvina ang may kagagawan niyon. Hinugot nito ang saksakan ng TV at pinutol ang wire gamit ang hawak nito na gunting. Siniran nito ang TV upang hindi na ulit mabuksan.Ngumisi ang inakala nilang mabait na donya. “Starting now, you are not allowed to watch TV o humawak ng kahit anong gadget.”Umawang ang mga labi ni Leia. Takang-taka ang kaniyang hitsura. Napayakap naman sa kaniya si Lacey dahil natakot i
"Good morning!" ngiting-ngiti si Kenneth nang mabungaran niya ang mukha nito sa paggising niya. Nagising siya sa masuyo nitong halik sa kaniyang noo.Tipid lang na ngumiti si Leia sa binata at agad na nilingon ang tabi niya. "Nasaan si Lacey?" tanong niya agad nang hindi niya makita ang anak sa kama."Oh, relax lang. Nasa labas na siya at naglalaro kanina pa. Hindi ka na muna namin ginising kasi ang sarap ng tulog mo.”Tiningala ni Leia ang wall clock. Mag-aalas otso na pala ng umaga. Bigla siyang nakaramdam ng hiya."Sana ginising mo pa rin ako. Nakakahiya sa mommy mo.”"Okay lang ‘yan. Siguro napagod ka sa byahe kahapon kaya nasarapan ka ng tulog.”Napayuko siya ng ulo dahil sa tingin niya ay hindi iyon ang dahilan. Sapagkat ang totoo ay hindi siya nakatulog agad kagabi dahil sa kakaisip niya kung ano’ng buhay ang makakaharap nila ni Lacey doon sa mansyon, at syempre kung ano na ang kalagayan din ngayon ni Bryle.Ang saklap na naghiwa-hiwalay silang pamilya dahil sa kahirapan o sa ta
"Ang aga-aga tulala ka," puna ni Sarina kay Bryle. Nakita kasi nito ang lalaking bisita na nasa labas ng bahay at halatang ang lalim ng iniisip.Tarantang napalingon si Bryle sa dalaga. "Gusto mo ng kape? Sorry, pinakialaman ko na ang kusina mo."Ngumiti ng matamis si Sarina "Sus, walang anuman. Buti may kape kang nakita?”“Meron. Iyong instant coffee. Mag-isa na nga lang pero ibibili kita kung gusto mong magkape.”“No thanks. Hindi naman ako nagkakape. Natira lang siguro iyan ng kuya ko noong dumalaw siya rito. Anyway, ano’ng gusto mong almusal?""Naku, huwag na. Okay na ako rito sa kape.""Nahiya ka pa? Halika doon tayo sa kusina. Gawan na lang kita ng sandwich."Napakamot-ulo na lang si Bryle sa kabutihang ipinapakita sa kaniya ng dalaga. Buti na lang at nakilala niya ito dahil kung wala siguro ito ay hindi niya alam kung saan na siya ngayon pupulutin."Upo ka muna diyan habang nagpiprito ako. Kuwentuhan tayo.” Binuksan ni Sarina ang gas range at nagsalang agad ng palayok. Kumuha ng
Nilandi agad ni Sarina ang dumating na don. Hindi siya nagkamali, si Don Dionisio nga ang bisita niya.“Do you want water, Honey? Nauhaw ka ba sa byahe?”“Yes, please?”“Okay, give me second. Ikukuha kita,” anang dalaga at saglit na kumawala muna sa pagkakaligkis sa matandang foreigner. Buti na lang talaga at nakakaunawa ito ng wikang Tagalog kahit hirap ito sa pagsasalita.Nagtungo agad siya sa kusina at anong gulat niya nang makita niya ang pinagkapehan at cellphone ni Bryle sa lamesa. Dali-dali niya iyong mga iniligpit. Ang mug ay binanlawan lamang niya at ang cellphone ay itinago sa may cupboard.“Ay!” Na buti na lang nagawa niya agad dahil sumunod pala ang matanda.Sa kusina pa lang ay inumpisahan na nila ang romansahan. Nakaupo ang matanda nang Don sa dining table at nakakandong naman si Sarina dito na animo’y sawa kung makapulupot."I remember, why did it take you so long to open the door?""Because I didn't know it was you who arrived, Honey. Akala ko kung sino lang na naman na
“Bryle, puwede ka nang lumabas diyan.” Pagabi na nang kinatok ni Sarina si Bryle. Nagulat pa ang dalaga dahil biglang labas si Bryle. Pero nang makita niyang dumiretso sa banyo ito ay napabulanghit siya nang tawa."Sorry, ang tagal kasi umuwi ng matandang ‘yon. Sinulit talaga ang pagkikita namin," aniya na sinundan si Bryle."Okay lang, pero grabe ihing-ihi na ako kanina pa. Muntik na talaga akong umihi sa may bintana, eh," wika ni Bryle na nagsi-zipper pa ng pantalon na lumabas ng banyo. "Ang tagal niyo, ah?"Pilyang ngiti ang itinugon ni Sarina. Pagkuwa’y may ipinakita itong makapal na bandle ng dolyar. Malulutong pa. Halatang kalalabas sa bangko ang mga maraming dolyares."Shopping tayo ngayon gusto mo? Para makapagpalit ka na rin ng damit?""Ang dami niyan, ah?""Syempre ginalingan ko kanina. Inubos ko ang t*mod ng matanda kaya tuwang-tuwa," pagmamalaki ni Sarina. Hindi man lang kababakasan ng hiya. Talagang sanay na sanay na ito sa kahayukan at sa mga pagsasalita ng mga bulgar.Na
“M-may tumatawag kanina kaya… kaya nakita ko ang cellphone mo pero hindi naman na tumawag. Tapos… tapos nakitawag na rin ako. Naalala ko kasi si Elena,” kinakabahang paliwanag ni Leia kay Kenneth. Nanginginig ang kaniyang mga kamay na ipinakita ang numero ni Elena na nakasulat sa papel.Nagtatagis ang mga ngipin ng binata na humakbang palapit sa kaniya at hinablot ang papel. Galit ang mukha na pinunit ng malilit na piraso bago itinapon sa basurahan.Naluha si Leia, pero marahas niyang pinahid ng kamay ang luha sa mukha niya.Alam niya na may pag-asa pa. Aasa pa rin siya ng tulong. Hindi siya mawawalan ng pag-asa.Hindi man palaging langit ang hatid ng akala ngunit sa bawat madilim na ulap, sisikat at sisikat ang liwanang ng pag-asa.Binalingan siya ni Kenneth ng mabangis na tingin. “Bakit? Ano ang usapan niyo ni Elena?”“W-wala.”“Sinungaling!” Kulang na lamang ay matanggal ang mga balikat niya sa pagkakayugyog nito nang hawakan siya.“K-Kenneth, na-nasasaktan ako,” daing niya. Halos m
Pabagsak na ibinalik ni Kenneth ang cellphone nito sa glove compartment ng kaniyang kotse habang nagmamaneho.Bahagyang nagulat pa si Leia na napatingin sa cellphone bago sa guwapong mukha ng binata."Sa susunod na makita pa kitang humawak ng cellphone, Leia, ay lagot ka na sa ‘kin!" madilim ang mukhang sabi ni Kenneth pagkuwan. Nakatiim-bagang ito.Maang na napakunot si Leia. "Pero bakit? Sinabi ko naman na sa iyo na si Elena lamang ang tinawagan ko kanina.”Nagtataka na talaga siya kung bakit parang lahat na lang ay ipinagbabawal sa kaniya. Pati na sa anak niyang si Lacey. Kahit ayaw niyang mag-isip tuloy ng hindi maganda ay napapaisip talaga siya. Hindi na niya maiwasan. Dinadagdagan lamang ni Kenneth ang pagdududa niya na may itinatago ito. At natitiyak niya tungkol iyon kay Bryle."Basta at sundin mo na lang ako kung ayaw mong masaktan!" madiing sagot ni Kenneth. Kitang-kita na napakahigpit ng pagkakahawak nito sa manibela."Pero bakit nga? Ano ba’ng masama kung hahawak o gagamit
Takang-taka na si Bryle dahil hindi na niya ma-contact ang number na ginamit kanina ni Leia. Inis na inis niyang ibinulsa na ang cellphone.Nanghihinayang siya nang sobra. Sana siya na lang ang nakasagot sa tawag ng asawa kanina at hindi si Sarina.Sayang! Sayang talaga!Alam na niya sana ngayon kung nasaan ang asawa at anak niya kung nasagot niya iyon. Mababawi na sana niya ang mga ito mula sa baliw na Kenneth na iyon.Kanina lang niya napagtanto na malamang ay si Kenneth ang lalaking sumagot kanina sa tawag niya. Gusto nga niyang suntukin ang sarili dahil ang tanga-tanga niya na hindi agad naisip iyon.Hula niya naman ngayon ay pinatay na ni Kenneth ang cellphone kaya hindi na niya matawagan. Siguro rin ay nabosesan siya ng g*go.Wala siyang nagawa kundi ang bumalik na lang ulit sa bahay ni Sarina. Wala rin naman siyang matutuluyan doon sa San Carlos. Doon na lang muna siya habang nag-iisip kung paano niya mababawi ang mag-ina niya."Bryle?" Gulat na gulat ang dalaga sa kaniya nang m