Share

CHAPTER 56

"Ang aga-aga tulala ka," puna ni Sarina kay Bryle. Nakita kasi nito ang lalaking bisita na nasa labas ng bahay at halatang ang lalim ng iniisip.

Tarantang napalingon si Bryle sa dalaga. "Gusto mo ng kape? Sorry, pinakialaman ko na ang kusina mo."

Ngumiti ng matamis si Sarina "Sus, walang anuman. Buti may kape kang nakita?”

“Meron. Iyong instant coffee. Mag-isa na nga lang pero ibibili kita kung gusto mong magkape.”

“No thanks. Hindi naman ako nagkakape. Natira lang siguro iyan ng kuya ko noong dumalaw siya rito. Anyway, ano’ng gusto mong almusal?"

"Naku, huwag na. Okay na ako rito sa kape."

"Nahiya ka pa? Halika doon tayo sa kusina. Gawan na lang kita ng sandwich."

Napakamot-ulo na lang si Bryle sa kabutihang ipinapakita sa kaniya ng dalaga. Buti na lang at nakilala niya ito dahil kung wala siguro ito ay hindi niya alam kung saan na siya ngayon pupulutin.

"Upo ka muna diyan habang nagpiprito ako. Kuwentuhan tayo.” Binuksan ni Sarina ang gas range at nagsalang agad ng palayok. Kumuha ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status