Gabi ng family dinner sa mansyon ng mga Fontallan. Marangya’t napakaliwanag ang malawak na lawn na napapaligiran ng iba’t ibang palamuti na karamihan ay ang mga paboritong bulaklak ni Donya Alvina. Abala ang mga kasambahay sa pag-aasikaso sa paligid at ang mga staff naman ng inupahang catering sa mga masasarap na pagkain.At sa sandaling iyon, kasalukuyang nagdaratingan na ang maraming bisita. Napupuno na ng mga magagarang sasakyan ang garahe ng mansyon, pati na rin ang driveway.Hindi lamang kasi ang malalapit na kamag-anak ng don at donya ang inimbitahan kundi pati na rin ang malalayo, basta raw may dugong Fontallan.Maingat na isinara ni Leia ang bintana kung saan siya sumisilip. Kung ang lahat handa na sa magiging masayang okasyon… ‘daw’, siya hindi. Sinunod niya ang sinabi ni Kenneth na hindi siya lalabas at magpapanggap na lamang na masakit ang kaniyang tiyan o ulo. At hindi siya nalulungkot dahil doon, katunayan mas gusto nga niya iyon. Matutulog na lang siya. Wala siyang balak
“Elena…” usal pa ni Leia. Mabilis na pumintig ang kaniyang dibdib. Kahit sa malayo ay kilala niya ang dalaga maski pa siguro nakatalikod ito. At sobrang nasabik siya na makita muli ang tanging itinuturing niyang kaibigan sa ngayon. Ang tanging taong alam niyang handa silang tulungan ni Lacey kapag mabibigyan lamang ng pagkakataon.Kumaway sa kaniya si Elena at nagtatakbo palapit.Napangiti na siya’t naging pahinga ang paghinga niya sa sobrang kasiyahan.“Ate Leia…” Katulad niya ay naiiyak ang hitsura ni Elena nang lapitan siya nito. Nakangiti pero nangingilid ang mga luha nito.“Diyos ko, Elena!” Madamdamin naman niyang iniangat ang mga kamay, nag-anyaya ng yakap.Pinagbigyan naman siya ng dalaga. Dumukwang ito at mahigpit siyang niyapos.“Mabuti nakasunod ka rito?” hinayaan na niyang tumulo ang kanyang mga luha na tanong.“Nagpasuyo lang ako sa boyfriend ko, Ate. Sakto pala na pagpunta namin ay may okasyon kaya hindi ako nahirapang makapasok. Nagpanggap akong kasama ng mga catering.”
"Wow! Astig!" hangang-hangang bulalas ni Sarina nang makita na niya si Bryle na naka-black suit. "Nagmukha kang tao at mas naging guwapo! Mai-in love na yata ako sa ‘yo!" biro pa nito.“Hoy!” Itinulak ni Bryle ang noo ng dalaga. Naglalandi na, eh. May pahimas nang nalalaman ito sa kaniyang braso. "Subukan mong ma-in love sa ‘kin at babatukan kita!" seryosong babala rin niya rito.Napakaganda ni Sarina. Napakaalindog. Kahit sinong lalaki ay matutukso rito. Gayunman kapatid na kasi ang turing niya sa dalaga at alam niyang hindi na hihigit doon. Isa pa’y mula nag-asawa siya ay hindi na siya nagkagusto pa sa ibang babae. Ibinigay na niya ang lahat ng pagmamahal niya sa kaniyang asawa.Humagikgik si Sarina na may kasamang nang-aakit na haplos na naman sa bicep niya. "Try natin gusto mo?"Ipinakita naman ni Bryle na kinilabutan siya. “Tumigil ka nga! Kadiri ka!"Doon na napabulangwit ng tawa si Sarina. Joke joke lang nito ‘yon dahil nakakatandang kapatid lang din ang turing nito kay Bryle at
“Police ang kuya mo?” Nagitla si Bryle nang mapansin niya ang suot na uniporme ng kapatid ni Sarina. Kamuntikan na siyang tumakbo upang tumakas. Pakiramdam niya kasi, kapag lalapit sila kay Alab ay biglang lalagyan siya nito ng posas sa kamay.Inirapan siya ni Sarina. Pagkuwa’y hinampas sa balikat. “Ilang beses ko nang sinabi sa iyo na pulis ang Kuya Alab ko. Hindi ka ba nakikinig sa mga pinagsasabi ko sa iyo, huh?”Ilang beses siyang napalunok. “Baka naman huliin ako niyan kapag lumapit tayo? Alam mong wanted ako sa batas?”Tumirik naman ngayon ang mga mata ng dalaga. “Alam ko at alam na rin ni Kuya.”“Sinabi mo?” Nilikuban na talaga siya ng takot at pagdududa.“Syempre sinabi ko. Paano ka niya tutulungan kung magsisinungaling ako sa kaniya?”Napamura si Bryle kasabay nang paghakbang ng isa patalikod. Ang hitsura niya’y handa sa pagtakbo oras na tama ang kaniyang hinala.“Umayos ka nga. Hindi narito si Kuya para hulihin ka kundi tulungan.”“Parang mahirap paniwalaan ‘yan,” dahilan niy
Napabalikwas ng bangon si Leia sa biglaang pagbukas ng pinto sa silid na kinaroroonan niya ng anak na natutulog. Pumasok doon si Kenneth na susuray-suray.Nahintakutan niyang niyakap si Lacey dahil parang bangag din ang binata. Tutungo-tungo ang ulo nito na naglakad at umupo sa gilid ng kama.“T-tapos na ba ang kasiyahan niyo sa labas?” kunwari ay kalmado niyang tanong kahit na tumatahip na ang matinding kaba sa kaniyang dibdib.Walang imik na nagtanggal ng sapatos si Kenneth.Lalong nahintakutan si Leia. Diyos ko, tulungan sana sila ng anak niya o kahit ng anak na lang niya.“Kukunin ko lang po si Lacey.” Mabuti na lamang at parang agad siyang nadinig ng Diyos. Biglang sumulpot si Aling Marina at may pagmamadali na kinuha ang natutulog na si Lacey. Madali rin itong lumabas karga ang bata.Gustong mapaiyak si Leia. Sobra-sobra ang pasasalamat niya kay Aling Marina. Kumukurap-kurap ang mga mata niya at nanginginig ang mga labi niyang tumagilid na ng higa. Kipkip niya sa dibdib ang hangg
Pupungas-pungas si Bryle na nagising dahil sa tunog ng cellphone na nasa drawer lagi ng bedside table ng kamang tinutulugan, sa kuwarto na ipinaukupa sa kaniya ni Sarina.Matapos ang pagtatalo nila sa sementeryo kahapon, naroon pa rin siya sa bahay ni Sarina. Hindi niya naituloy ang pagsugod sa mga Fontallan upang bawiin sina Leia at Lacey dahil natauhan din siya bandang huli.Salamat sa magkapatid na Alab at Sarina. Hindi siya pinayagan na makaalis kahit pa muntik na siyang sumpungin ulit ng sakit niya. Imbes na matakot mas isiniksik talaga ng dalawa sa isip niya na hindi dapat siya magpadalus-dalos.“Hindi maaari na papalpak ako ngayon dahil buhay ng mag-ina ko ulit ang nakataya. Ito na ang huling pagkakataon ko upang mabuo ulit ang pamilya ko. Hindi ko dapat sayangin,” sabi niya sa kaniyang sarili kahapon nang matauhan siya.Nakunot ang noo niya nang makita niyang numero lamang ang tumatawag.“Hello?” sinagot naman niya iyon pero nang tingnan niya’y patay na ang cellphone kaya pala
Lumipas ang ilang araw na abala si Kenneth. Panay ang alis nito dahil inaasikaso raw ang mga kakailanganin nila sa kasal. Ito mismo ang naglalakad, lalo na ang mga papeles dahil nga fake lahat ng ipinagagawa nito.Nag-iingat ang demonyo.At kung mahal siguro ito ni Leia ay maaawa o mata-touch siya sa binata dahil sa hindi basta-basta na effort nito, pero dahil salungat siya sa ginagawa nito ay wala siyang pakialam. Ni hindi siya interesado kapag dumadating si Kenneth.“Bukas sasama ka sa amin ni Mommy. Titikman natin ng pa-sample ng catering na kinuha niya,” sabi sa kaniya ni Kenneth minsan ay dumating ito. Kung saan ito galing, hindi niya alam. Basta may bitbit itong brown envelop na kinalalagyan ng mga document. Nakalapag na iyon sa bedside table.“Kayo na lang siguro. Alam mo naman na mailap sa akin ang Mommy mo. Baka magkagulo lang kami doong dalawa,” aniyang umiwas.“Hindi ‘yan dahil siya mismo ang nagsabi na sumama ka.”Napatingin siya kay Kenneth. Hindi niya pinaniniwalaan iyon.
“Papa, tulong!” Napabalikwas ang naalimpungatang si Bryle. Malim ang bawat paghinga niya at buhol-buhol ang kaniyang mga pawis sa noo.Ang sama, sobrang sama ng panaginip niya tungkol sa kaniyang anak. Duguan daw si Lacey habang humihingi ng tulong sa kaniya. Subalit kahit anong pilit niyang abutin daw ang kaniyang anak ay hindi raw niya mahawak-hawakan.Humihingal niyang pinakaisipang maigi ang kaniyang panaginip. Kung ano ang ibig sabihin.“Hindi kaya nanganganib ang buhay ng mag-ina ko?” napagtanto niya sa kaniyang isip-isip pagkaraan. Sari-saring kaisipan pa ang pumasok sa kaniya na lalong gumulo sa kaniyang isipan.Ilang saglit pa ay nahimasmasan na siya. Nagmamadali siyang lumabas sa inuukupang kuwarto. Hinanap si Sarina. Kailangan niyang makausap si Sarina. Kailangang malaman nila ni Alab ang tila masamang pangitain ng napanaginipan niya.“Sarina!” Sa may balkonahe niya ito nakita. Pero dahil kasalukuyang may kausap ito sa cellphone ay isinenyas sa kaniyang saglit lang at umupo