Pupungas-pungas si Bryle na nagising dahil sa tunog ng cellphone na nasa drawer lagi ng bedside table ng kamang tinutulugan, sa kuwarto na ipinaukupa sa kaniya ni Sarina.Matapos ang pagtatalo nila sa sementeryo kahapon, naroon pa rin siya sa bahay ni Sarina. Hindi niya naituloy ang pagsugod sa mga Fontallan upang bawiin sina Leia at Lacey dahil natauhan din siya bandang huli.Salamat sa magkapatid na Alab at Sarina. Hindi siya pinayagan na makaalis kahit pa muntik na siyang sumpungin ulit ng sakit niya. Imbes na matakot mas isiniksik talaga ng dalawa sa isip niya na hindi dapat siya magpadalus-dalos.“Hindi maaari na papalpak ako ngayon dahil buhay ng mag-ina ko ulit ang nakataya. Ito na ang huling pagkakataon ko upang mabuo ulit ang pamilya ko. Hindi ko dapat sayangin,” sabi niya sa kaniyang sarili kahapon nang matauhan siya.Nakunot ang noo niya nang makita niyang numero lamang ang tumatawag.“Hello?” sinagot naman niya iyon pero nang tingnan niya’y patay na ang cellphone kaya pala
Lumipas ang ilang araw na abala si Kenneth. Panay ang alis nito dahil inaasikaso raw ang mga kakailanganin nila sa kasal. Ito mismo ang naglalakad, lalo na ang mga papeles dahil nga fake lahat ng ipinagagawa nito.Nag-iingat ang demonyo.At kung mahal siguro ito ni Leia ay maaawa o mata-touch siya sa binata dahil sa hindi basta-basta na effort nito, pero dahil salungat siya sa ginagawa nito ay wala siyang pakialam. Ni hindi siya interesado kapag dumadating si Kenneth.“Bukas sasama ka sa amin ni Mommy. Titikman natin ng pa-sample ng catering na kinuha niya,” sabi sa kaniya ni Kenneth minsan ay dumating ito. Kung saan ito galing, hindi niya alam. Basta may bitbit itong brown envelop na kinalalagyan ng mga document. Nakalapag na iyon sa bedside table.“Kayo na lang siguro. Alam mo naman na mailap sa akin ang Mommy mo. Baka magkagulo lang kami doong dalawa,” aniyang umiwas.“Hindi ‘yan dahil siya mismo ang nagsabi na sumama ka.”Napatingin siya kay Kenneth. Hindi niya pinaniniwalaan iyon.
“Papa, tulong!” Napabalikwas ang naalimpungatang si Bryle. Malim ang bawat paghinga niya at buhol-buhol ang kaniyang mga pawis sa noo.Ang sama, sobrang sama ng panaginip niya tungkol sa kaniyang anak. Duguan daw si Lacey habang humihingi ng tulong sa kaniya. Subalit kahit anong pilit niyang abutin daw ang kaniyang anak ay hindi raw niya mahawak-hawakan.Humihingal niyang pinakaisipang maigi ang kaniyang panaginip. Kung ano ang ibig sabihin.“Hindi kaya nanganganib ang buhay ng mag-ina ko?” napagtanto niya sa kaniyang isip-isip pagkaraan. Sari-saring kaisipan pa ang pumasok sa kaniya na lalong gumulo sa kaniyang isipan.Ilang saglit pa ay nahimasmasan na siya. Nagmamadali siyang lumabas sa inuukupang kuwarto. Hinanap si Sarina. Kailangan niyang makausap si Sarina. Kailangang malaman nila ni Alab ang tila masamang pangitain ng napanaginipan niya.“Sarina!” Sa may balkonahe niya ito nakita. Pero dahil kasalukuyang may kausap ito sa cellphone ay isinenyas sa kaniyang saglit lang at umupo
Nang pumasok ang sasakyan na sinusundan sa napakalaki at napakataas na driveway gate ng isang mansyon ay itinigil na rin ni Bryle ang kinasasakyang motor. Sinadya niyang may malayong distansya upang hindi siya mapansin, lalo’t may guwardya na nagbabantay.Tama nga si Sarina. Hindi basta-basta mapapasok ang mansyon nina Kenneth. Dadaan sa butas ng karayom ang sino mang magtatangka.Matapos magpakawala ng napakalalim na hininga ay bumaba na siya sa motor. Luminga-linga sa paligid. Panay ang punas at himas niya sa kaniyang mukha sa hindi na alam na susunod na gagawin.Hanggang sa nakapagpasya siya. Walang masama na bawiin niya ang kaniyang pamilya sa mapayapang paraan. Papasok siya, magpapakilala, at makikipag-usap ng maayos na babawiin na niya ang mag-ina niya dahil hindi naman totoo na ipinaubaya niya nang husto kay Kenneth ang kaniyang mag-ina.Mainam nga’t malaman nila na may asawa at ama ang itinatago ni Kenneth na sina Leia at Lacey—at siya ‘yon.Siguro naman kahit parehas demonyo s
“Diyos ko, Leia. Huwag mo nang uulitin iyon. Aatakehin ako sa puso sa iyo,” ang takot na takot na wika ni Aling Marina nang puntahan silang mag-ina sa kuwarto.“Sorry po. Hindi ko po sinasadya. Kahit ako ay nagulat sa ginawa ko,” aniyang may kinig sa labi. At pagkuwa’y binalingan ang anak na yakap-yakap. “Ayos ka lang ba, Anak?”“Opo, Mama.” Kumawala ng yakap si Lacey. Hindi na ito umiiyak pero ang pula ng ilong at sisigok-sigok pa rin.Ngumiti siya rito. Inayos-ayos ang buhok nito. “Pasensya ka na kanina? Wala iyon. Ginawa ko lang iyon para bitawan ka ni Lola Alvina mo. Pero bad ‘yon. Huwag kang hahawak ng kutsilyo, Anak. Masusugatan ka.”Bagsak ang mukha at malungkot ang mga mata na tumango ang bata. Naawa siya kaya gustong-gusto niyang sabihin na magiging maayos din ang lahat. Subalit paano niya masasabi iyon kung alam niyang wala namang kasiguraduhan?“Mama, gusto ko na pong umuwi. Ayoko na po ng maraming toy. Ayoko na po na maglaro nang maglaro rito. Mas gusto ko na pong umuwi kay
Naulit ang magarbong handaan sa mansyon ng Fontallan. But this time, nangyayari ang pagsasalo dahil bisperas na ng kasal nina Kenneth at Leia.Katulad ng ibang probinsya, ang San Lazaro ay isinasagawa pa rin ang kinaugaliang malaking sayawan kapag may ikakasal. Iyon ay upang isagawa ang sinasabi nilang huling pagiging binata at dalaga ‘raw’ ng magiging bride at groom.At katulad ng mangyayari bukas, binuksan ng pamilya Fontallan ang gate ng mansyon para sa lahat ng gustong makisaya sa kanila. Welcome ang lahat ng taga o hindi taga San Lazaro.Sa harap ng mansyon ay ang bonggang kasiyahan ng madaming tao. Sa likod naman ay ang nagkusang tulong-tulong na mga kapitbahay para sa ihahanda bukas. Ang mga kalalakihan ay nagkakatay ng napakadaming baboy at baka, ang mga kababaihan naman ay mga tulong-tulong sa paggagayat ng mga rekado.Ganoon daw talaga sa San Lazaro. Hindi kailangan ng catering dahil handa ang lahat ng tao na tumulong.“Ngumiti ka naman, Leia. Sayang ang ganda mo kapag nakasi
ARAW NG KASAL.Magarbong-magarbo ang lahat. Makikitang pinagkagastusan talaga ng mag-asawang Don Dionisio at Donya Alvina ang kasal ng bunso nilang anak. Handa na ang mansyon na siyang reception area rin, kasama ang simbahan ng San Lorenzo Cathedral. Nakalatag ang isang red carpet sa labas patungo sa aisle hanggang sa altar ng San Lorenze Cathedral. At sa tuwina ay may mga nahuhulog na maliliit na red and white rose petals sa loob ng simbahan na siyang nagbibigay ng goosebump feeling sa mga unang dumadating sa simbahan para sa seremonya.Subalit kung gaano kasaya ang lahat ay siya namang lungkot ng bride. Nakaupo si Leia sa harap ng salamin at suot na niya ang kaniyang corset style wedding gown na hindi basta-basta ang halaga. Kung gaano siya kaganda sa sandaling iyon ay siya namang lungkot ng mukha niya.Siya na yata ang pinakamalungkot na bride sa buong mundo sa sandaling iyon, hindi lamang dahil sa ayaw niyang ikasal sa lalaking hindi niya mahal kundi dahil din sa hindi niya pa naki
Naiinip man dahil kanina pa siya naghihintay kay Sarina ay idinadaan na lamang ni Bryle sa pagpalatak ang inip, at minsan sa pagsuri-suri ng sasakyan. Ano ba kasi’ng aasahan niya? Normal lang naman sa babae ang matagal magbihis.Kanina pa siya nakasakay sa kotse na binili talaga ni Sarina para sa plano nilang ito. Brand new pa nga sana ang bibilhin ng dalaga pero siya ang hindi pumayag dahil baka masayang lang ang sasakyan kapag nagkabulilyaso.Handa na siya sa patungo sa San Lazaro upang dumalo sa kasal—upang bawiin na ang kaniyang asawa at anak.Sa wakas, dumating na ang araw upang isakatuparan nila ang plano!“Ang tagal mo,” reklamo niya nang sa wakas ay dumating din ang dalaga. At napabuga talaga siya ng hangin sa bunganga dahil kuntodo makeup si Sarina. Ang halter maxi dress in deep red nitong suot ay halos kita na ang buong kaluluwa nito. Backless na nga may slit pa na halos hanggang singit na. Kung hindi nga lang sila nagmamadali ay sasabihin niyang hindi sila aalis hangga’t hin