Share

CHAPTER 72

Nang pumasok ang sasakyan na sinusundan sa napakalaki at napakataas na driveway gate ng isang mansyon ay itinigil na rin ni Bryle ang kinasasakyang motor. Sinadya niyang may malayong distansya upang hindi siya mapansin, lalo’t may guwardya na nagbabantay.

Tama nga si Sarina. Hindi basta-basta mapapasok ang mansyon nina Kenneth. Dadaan sa butas ng karayom ang sino mang magtatangka.

Matapos magpakawala ng napakalalim na hininga ay bumaba na siya sa motor. Luminga-linga sa paligid. Panay ang punas at himas niya sa kaniyang mukha sa hindi na alam na susunod na gagawin.

Hanggang sa nakapagpasya siya. Walang masama na bawiin niya ang kaniyang pamilya sa mapayapang paraan. Papasok siya, magpapakilala, at makikipag-usap ng maayos na babawiin na niya ang mag-ina niya dahil hindi naman totoo na ipinaubaya niya nang husto kay Kenneth ang kaniyang mag-ina.

Mainam nga’t malaman nila na may asawa at ama ang itinatago ni Kenneth na sina Leia at Lacey—at siya ‘yon.

Siguro naman kahit parehas demonyo s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status