Share

CHAPTER 62

“Ano’ng sabi mo? Sinabi mo bang Kenneth?” salubong ang mga kilay na tanong ni Bryle kay Sarina.

“Oo, bakit?” takang-balik naman ng dalaga. Parehas na silang nakakunot ang noo na napatitig sa isa’t isa.

“Sino’ng Kenneth ang tinutukoy mo, Sarina?”

Nagkibit-balikat si Sarina. “Siya ang bunsong anak ng sugar daddy ko. Si Kenneth Fontallan. Kilala mo ba siya?”

Lalong nakusot ang noo ni Bryle. Hindi nga pala niya alam kung ano’ng epelyido ng g*gong Kenneth na kakilala niya.

“Bakit? Ano’ng problema mo sa pangalang Kenneth?” nawiwirduhan nang usisa ni Sarina sa kaniya.

Napatiim-bagang siya’t nakuyom niya ang mga kamao. “Kenneth lang naman kasi ang pangalan ng lalaking umagaw sa asawa ko.”

“Ano?!” Gulantang na gulantang si Sarina. “Seryoso ka?”

“Oo. Naging amo siya ng asawa ko. Nagustuhan siya at ayun na nga inagaw niya ang asawa ko’t inilayo kasama pa ang anak ko.”

“Paano?” Na-curios na talaga ang dalaga.

Pinakatitigan muna ni Bryle ang kausap dahil biglang nag-alangan siyang ikuwento rito ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status