Takang-taka na si Bryle dahil hindi na niya ma-contact ang number na ginamit kanina ni Leia. Inis na inis niyang ibinulsa na ang cellphone.Nanghihinayang siya nang sobra. Sana siya na lang ang nakasagot sa tawag ng asawa kanina at hindi si Sarina.Sayang! Sayang talaga!Alam na niya sana ngayon kung nasaan ang asawa at anak niya kung nasagot niya iyon. Mababawi na sana niya ang mga ito mula sa baliw na Kenneth na iyon.Kanina lang niya napagtanto na malamang ay si Kenneth ang lalaking sumagot kanina sa tawag niya. Gusto nga niyang suntukin ang sarili dahil ang tanga-tanga niya na hindi agad naisip iyon.Hula niya naman ngayon ay pinatay na ni Kenneth ang cellphone kaya hindi na niya matawagan. Siguro rin ay nabosesan siya ng g*go.Wala siyang nagawa kundi ang bumalik na lang ulit sa bahay ni Sarina. Wala rin naman siyang matutuluyan doon sa San Carlos. Doon na lang muna siya habang nag-iisip kung paano niya mababawi ang mag-ina niya."Bryle?" Gulat na gulat ang dalaga sa kaniya nang m
“Ano’ng sabi mo? Sinabi mo bang Kenneth?” salubong ang mga kilay na tanong ni Bryle kay Sarina.“Oo, bakit?” takang-balik naman ng dalaga. Parehas na silang nakakunot ang noo na napatitig sa isa’t isa.“Sino’ng Kenneth ang tinutukoy mo, Sarina?”Nagkibit-balikat si Sarina. “Siya ang bunsong anak ng sugar daddy ko. Si Kenneth Fontallan. Kilala mo ba siya?”Lalong nakusot ang noo ni Bryle. Hindi nga pala niya alam kung ano’ng epelyido ng g*gong Kenneth na kakilala niya.“Bakit? Ano’ng problema mo sa pangalang Kenneth?” nawiwirduhan nang usisa ni Sarina sa kaniya.Napatiim-bagang siya’t nakuyom niya ang mga kamao. “Kenneth lang naman kasi ang pangalan ng lalaking umagaw sa asawa ko.”“Ano?!” Gulantang na gulantang si Sarina. “Seryoso ka?”“Oo. Naging amo siya ng asawa ko. Nagustuhan siya at ayun na nga inagaw niya ang asawa ko’t inilayo kasama pa ang anak ko.”“Paano?” Na-curios na talaga ang dalaga.Pinakatitigan muna ni Bryle ang kausap dahil biglang nag-alangan siyang ikuwento rito ang
“Sabihin mo sa akin kung saan ko makikita ang Kenneth na iyan! Papatayin ko siya!” galit na galit na sabi ni Bryle kay Sarina. Nagniningas ang mga mata niya. Kuyom na kuyom ang mga kamao niya at nagngingitngitan ang kaniyang mga ngipin.“Kung gano’n ay tama ka? Iisa lang ang Kenneth na kilala ko sa kilala mong Kenneth?” Hindi naman makapaniwala si Sarina. Kay laki naman ng mga mata nito na animo’y nakakita ng halimaw.“Oo! Siya ‘yan, Sarina! Siya ang g*gong umagaw sa asawa ko! Sinira ng t*ng inang lalaki na iyan ang buhay ko’t ng pamilya ko porke mahirap lang kami!” Duro niya sa larawan ni Kenneth na nakikita sa cellphone ng dalaga.Nakagat ni Sarina ang hintuturo. “Hindi nga? Sigurado ka? Titigan mo kayang maigi ulit at baka namamalikmata ka lang dahil sa galit mo.”“Hindi ako puwedeng magkamali! Siya ‘yan, Sarina!”Pinakatitigan siya ni Sarina.“Maniwala ka sa akin! Siya ‘yan!” giit niya.“Oo na. Sige na, naniniwala na ako sa ‘yo.” Bumuntong-hininga si Sarina. “My gosh, paanong nagaw
Gabi ng family dinner sa mansyon ng mga Fontallan. Marangya’t napakaliwanag ang malawak na lawn na napapaligiran ng iba’t ibang palamuti na karamihan ay ang mga paboritong bulaklak ni Donya Alvina. Abala ang mga kasambahay sa pag-aasikaso sa paligid at ang mga staff naman ng inupahang catering sa mga masasarap na pagkain.At sa sandaling iyon, kasalukuyang nagdaratingan na ang maraming bisita. Napupuno na ng mga magagarang sasakyan ang garahe ng mansyon, pati na rin ang driveway.Hindi lamang kasi ang malalapit na kamag-anak ng don at donya ang inimbitahan kundi pati na rin ang malalayo, basta raw may dugong Fontallan.Maingat na isinara ni Leia ang bintana kung saan siya sumisilip. Kung ang lahat handa na sa magiging masayang okasyon… ‘daw’, siya hindi. Sinunod niya ang sinabi ni Kenneth na hindi siya lalabas at magpapanggap na lamang na masakit ang kaniyang tiyan o ulo. At hindi siya nalulungkot dahil doon, katunayan mas gusto nga niya iyon. Matutulog na lang siya. Wala siyang balak
“Elena…” usal pa ni Leia. Mabilis na pumintig ang kaniyang dibdib. Kahit sa malayo ay kilala niya ang dalaga maski pa siguro nakatalikod ito. At sobrang nasabik siya na makita muli ang tanging itinuturing niyang kaibigan sa ngayon. Ang tanging taong alam niyang handa silang tulungan ni Lacey kapag mabibigyan lamang ng pagkakataon.Kumaway sa kaniya si Elena at nagtatakbo palapit.Napangiti na siya’t naging pahinga ang paghinga niya sa sobrang kasiyahan.“Ate Leia…” Katulad niya ay naiiyak ang hitsura ni Elena nang lapitan siya nito. Nakangiti pero nangingilid ang mga luha nito.“Diyos ko, Elena!” Madamdamin naman niyang iniangat ang mga kamay, nag-anyaya ng yakap.Pinagbigyan naman siya ng dalaga. Dumukwang ito at mahigpit siyang niyapos.“Mabuti nakasunod ka rito?” hinayaan na niyang tumulo ang kanyang mga luha na tanong.“Nagpasuyo lang ako sa boyfriend ko, Ate. Sakto pala na pagpunta namin ay may okasyon kaya hindi ako nahirapang makapasok. Nagpanggap akong kasama ng mga catering.”
"Wow! Astig!" hangang-hangang bulalas ni Sarina nang makita na niya si Bryle na naka-black suit. "Nagmukha kang tao at mas naging guwapo! Mai-in love na yata ako sa ‘yo!" biro pa nito.“Hoy!” Itinulak ni Bryle ang noo ng dalaga. Naglalandi na, eh. May pahimas nang nalalaman ito sa kaniyang braso. "Subukan mong ma-in love sa ‘kin at babatukan kita!" seryosong babala rin niya rito.Napakaganda ni Sarina. Napakaalindog. Kahit sinong lalaki ay matutukso rito. Gayunman kapatid na kasi ang turing niya sa dalaga at alam niyang hindi na hihigit doon. Isa pa’y mula nag-asawa siya ay hindi na siya nagkagusto pa sa ibang babae. Ibinigay na niya ang lahat ng pagmamahal niya sa kaniyang asawa.Humagikgik si Sarina na may kasamang nang-aakit na haplos na naman sa bicep niya. "Try natin gusto mo?"Ipinakita naman ni Bryle na kinilabutan siya. “Tumigil ka nga! Kadiri ka!"Doon na napabulangwit ng tawa si Sarina. Joke joke lang nito ‘yon dahil nakakatandang kapatid lang din ang turing nito kay Bryle at
“Police ang kuya mo?” Nagitla si Bryle nang mapansin niya ang suot na uniporme ng kapatid ni Sarina. Kamuntikan na siyang tumakbo upang tumakas. Pakiramdam niya kasi, kapag lalapit sila kay Alab ay biglang lalagyan siya nito ng posas sa kamay.Inirapan siya ni Sarina. Pagkuwa’y hinampas sa balikat. “Ilang beses ko nang sinabi sa iyo na pulis ang Kuya Alab ko. Hindi ka ba nakikinig sa mga pinagsasabi ko sa iyo, huh?”Ilang beses siyang napalunok. “Baka naman huliin ako niyan kapag lumapit tayo? Alam mong wanted ako sa batas?”Tumirik naman ngayon ang mga mata ng dalaga. “Alam ko at alam na rin ni Kuya.”“Sinabi mo?” Nilikuban na talaga siya ng takot at pagdududa.“Syempre sinabi ko. Paano ka niya tutulungan kung magsisinungaling ako sa kaniya?”Napamura si Bryle kasabay nang paghakbang ng isa patalikod. Ang hitsura niya’y handa sa pagtakbo oras na tama ang kaniyang hinala.“Umayos ka nga. Hindi narito si Kuya para hulihin ka kundi tulungan.”“Parang mahirap paniwalaan ‘yan,” dahilan niy
Napabalikwas ng bangon si Leia sa biglaang pagbukas ng pinto sa silid na kinaroroonan niya ng anak na natutulog. Pumasok doon si Kenneth na susuray-suray.Nahintakutan niyang niyakap si Lacey dahil parang bangag din ang binata. Tutungo-tungo ang ulo nito na naglakad at umupo sa gilid ng kama.“T-tapos na ba ang kasiyahan niyo sa labas?” kunwari ay kalmado niyang tanong kahit na tumatahip na ang matinding kaba sa kaniyang dibdib.Walang imik na nagtanggal ng sapatos si Kenneth.Lalong nahintakutan si Leia. Diyos ko, tulungan sana sila ng anak niya o kahit ng anak na lang niya.“Kukunin ko lang po si Lacey.” Mabuti na lamang at parang agad siyang nadinig ng Diyos. Biglang sumulpot si Aling Marina at may pagmamadali na kinuha ang natutulog na si Lacey. Madali rin itong lumabas karga ang bata.Gustong mapaiyak si Leia. Sobra-sobra ang pasasalamat niya kay Aling Marina. Kumukurap-kurap ang mga mata niya at nanginginig ang mga labi niyang tumagilid na ng higa. Kipkip niya sa dibdib ang hangg