Share

CHAPTER 52

Si Kenneth na mismo ang nag-ayos ng hihigaan niya. Iyong kasambahay sana pero pinaalis iyon ni Kenneth. Gusto raw ni Kenneth na ito ang mag-aasikaso sa kaniya.

"Okay na. Puwede ka nang magpahinga," sabi ni Kenneth nang matapos na ito.

Parang walang narinig si Leia. Nakaupo siya kaniyang wheelchair at tahimik na nakatanaw sa bintana. Malalim na naman ang inilalakbay ng isip niya. Hindi talaga niya mapigilan.

Mabuti na lang ay napakurap si Leia. Natauhan din siya, nawala siya sa malalim na pag-iisip. At doon na niya napansin na nakatingin na pala sa kaniya nang matagal si Kenneth.

"Iniisip mo na naman siya?" malungkot na tanong nito sa kaniya.

"S-sorry,” kinabahang paghingi niya ng paumanhin.

"Okay lang, Leia. Hindi mo naman ‘yon maiaalis sa ‘yo agad dahil asawa mo siya. Huwag kang mag-alala dahil kapag naging mag-asawa na tayo ay makakalimutan mo rin siya unti-unti tulad nang paglimot niya sa inyo."

Hindi siya nagkomento. Naiyuko lang niya ang ulo.

Umikot si Kenneth sa kama para lapitan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status