Si Kenneth na mismo ang nag-ayos ng hihigaan niya. Iyong kasambahay sana pero pinaalis iyon ni Kenneth. Gusto raw ni Kenneth na ito ang mag-aasikaso sa kaniya."Okay na. Puwede ka nang magpahinga," sabi ni Kenneth nang matapos na ito.Parang walang narinig si Leia. Nakaupo siya kaniyang wheelchair at tahimik na nakatanaw sa bintana. Malalim na naman ang inilalakbay ng isip niya. Hindi talaga niya mapigilan.Mabuti na lang ay napakurap si Leia. Natauhan din siya, nawala siya sa malalim na pag-iisip. At doon na niya napansin na nakatingin na pala sa kaniya nang matagal si Kenneth."Iniisip mo na naman siya?" malungkot na tanong nito sa kaniya."S-sorry,” kinabahang paghingi niya ng paumanhin."Okay lang, Leia. Hindi mo naman ‘yon maiaalis sa ‘yo agad dahil asawa mo siya. Huwag kang mag-alala dahil kapag naging mag-asawa na tayo ay makakalimutan mo rin siya unti-unti tulad nang paglimot niya sa inyo."Hindi siya nagkomento. Naiyuko lang niya ang ulo.Umikot si Kenneth sa kama para lapitan
"Hello?" Napakabilis ang tibok ng puso ni Bryle na sinagot ang unknown registered na tawag. Umaasa siyang si Leia na iyon. Sana ang asawa na niya ang tumatawag.Ang kaso ay walang sumagot sa kabilang linya."Hello?” ulit niya na napatuwid nang upo, kaso ay wala pa ring sumagot. “Leia, ikaw na ba ‘yan? Mahal, si Bryle ito! Ako ito!"“Hello, sino ka? Bakit nasa sa iyo ang cellphone ng girlfriend ko? Nasaan si Elena?” ngunit boses na ng lalaki sa kabilang linya.Napabuntong-hininga si Bryle at dali-daling pinatay ang tawag. Dismayadong-dismayado siyang napapikit. Halos madurog ang cellphone sa kaniyang kamao sa sobrang inis."Lowbat ka?" sabi na naman ng makulit na babaeng katabi niya.Tiningnan lang niya ito.Agad namang may kinalkal sa bag niya ang babae at saka iniabot sa kaniya na bagay. "Ito gamitin mo muna.”"Ano ‘yan?""Power bank. Puwede kang mag-charge dito."“Hindi na. Salamat.”“Hindi low batt ang cellphone mo?”Alinlangan man ay tumango siya at ibinulsa niya ulit ang cellphone
Kumakabog ang dibdib ni Leia habang inaabangan ang sinasabi ni Lacey na balita tungkol kay Bryle.Hawak-kamay silang mag-ina na naroon sa living room ng mansyon. Nakaupo siya sa wheelchair at nakatayo ang kaniyang anak sa pagitan ng mga paa niya."Bryle, asawa ko, ano ba talagang nangyari sa ‘yo?" at paulit-ulit na usal ni Leia sa pangalan ng kaniyang asawa. Halu-halong emosyon ang nararamdaman niya sa sandaling iyon na pinangungunahan ng matinding pag-aalala.Nang biglang nag-black out ang TV. Namatay bigla.Takang-taka silang mag-ina. At mas nagtaka pa sila nang makita nilang si Donya Alvina ang may kagagawan niyon. Hinugot nito ang saksakan ng TV at pinutol ang wire gamit ang hawak nito na gunting. Siniran nito ang TV upang hindi na ulit mabuksan.Ngumisi ang inakala nilang mabait na donya. “Starting now, you are not allowed to watch TV o humawak ng kahit anong gadget.”Umawang ang mga labi ni Leia. Takang-taka ang kaniyang hitsura. Napayakap naman sa kaniya si Lacey dahil natakot i
"Good morning!" ngiting-ngiti si Kenneth nang mabungaran niya ang mukha nito sa paggising niya. Nagising siya sa masuyo nitong halik sa kaniyang noo.Tipid lang na ngumiti si Leia sa binata at agad na nilingon ang tabi niya. "Nasaan si Lacey?" tanong niya agad nang hindi niya makita ang anak sa kama."Oh, relax lang. Nasa labas na siya at naglalaro kanina pa. Hindi ka na muna namin ginising kasi ang sarap ng tulog mo.”Tiningala ni Leia ang wall clock. Mag-aalas otso na pala ng umaga. Bigla siyang nakaramdam ng hiya."Sana ginising mo pa rin ako. Nakakahiya sa mommy mo.”"Okay lang ‘yan. Siguro napagod ka sa byahe kahapon kaya nasarapan ka ng tulog.”Napayuko siya ng ulo dahil sa tingin niya ay hindi iyon ang dahilan. Sapagkat ang totoo ay hindi siya nakatulog agad kagabi dahil sa kakaisip niya kung ano’ng buhay ang makakaharap nila ni Lacey doon sa mansyon, at syempre kung ano na ang kalagayan din ngayon ni Bryle.Ang saklap na naghiwa-hiwalay silang pamilya dahil sa kahirapan o sa ta
"Ang aga-aga tulala ka," puna ni Sarina kay Bryle. Nakita kasi nito ang lalaking bisita na nasa labas ng bahay at halatang ang lalim ng iniisip.Tarantang napalingon si Bryle sa dalaga. "Gusto mo ng kape? Sorry, pinakialaman ko na ang kusina mo."Ngumiti ng matamis si Sarina "Sus, walang anuman. Buti may kape kang nakita?”“Meron. Iyong instant coffee. Mag-isa na nga lang pero ibibili kita kung gusto mong magkape.”“No thanks. Hindi naman ako nagkakape. Natira lang siguro iyan ng kuya ko noong dumalaw siya rito. Anyway, ano’ng gusto mong almusal?""Naku, huwag na. Okay na ako rito sa kape.""Nahiya ka pa? Halika doon tayo sa kusina. Gawan na lang kita ng sandwich."Napakamot-ulo na lang si Bryle sa kabutihang ipinapakita sa kaniya ng dalaga. Buti na lang at nakilala niya ito dahil kung wala siguro ito ay hindi niya alam kung saan na siya ngayon pupulutin."Upo ka muna diyan habang nagpiprito ako. Kuwentuhan tayo.” Binuksan ni Sarina ang gas range at nagsalang agad ng palayok. Kumuha ng
Nilandi agad ni Sarina ang dumating na don. Hindi siya nagkamali, si Don Dionisio nga ang bisita niya.“Do you want water, Honey? Nauhaw ka ba sa byahe?”“Yes, please?”“Okay, give me second. Ikukuha kita,” anang dalaga at saglit na kumawala muna sa pagkakaligkis sa matandang foreigner. Buti na lang talaga at nakakaunawa ito ng wikang Tagalog kahit hirap ito sa pagsasalita.Nagtungo agad siya sa kusina at anong gulat niya nang makita niya ang pinagkapehan at cellphone ni Bryle sa lamesa. Dali-dali niya iyong mga iniligpit. Ang mug ay binanlawan lamang niya at ang cellphone ay itinago sa may cupboard.“Ay!” Na buti na lang nagawa niya agad dahil sumunod pala ang matanda.Sa kusina pa lang ay inumpisahan na nila ang romansahan. Nakaupo ang matanda nang Don sa dining table at nakakandong naman si Sarina dito na animo’y sawa kung makapulupot."I remember, why did it take you so long to open the door?""Because I didn't know it was you who arrived, Honey. Akala ko kung sino lang na naman na
“Bryle, puwede ka nang lumabas diyan.” Pagabi na nang kinatok ni Sarina si Bryle. Nagulat pa ang dalaga dahil biglang labas si Bryle. Pero nang makita niyang dumiretso sa banyo ito ay napabulanghit siya nang tawa."Sorry, ang tagal kasi umuwi ng matandang ‘yon. Sinulit talaga ang pagkikita namin," aniya na sinundan si Bryle."Okay lang, pero grabe ihing-ihi na ako kanina pa. Muntik na talaga akong umihi sa may bintana, eh," wika ni Bryle na nagsi-zipper pa ng pantalon na lumabas ng banyo. "Ang tagal niyo, ah?"Pilyang ngiti ang itinugon ni Sarina. Pagkuwa’y may ipinakita itong makapal na bandle ng dolyar. Malulutong pa. Halatang kalalabas sa bangko ang mga maraming dolyares."Shopping tayo ngayon gusto mo? Para makapagpalit ka na rin ng damit?""Ang dami niyan, ah?""Syempre ginalingan ko kanina. Inubos ko ang t*mod ng matanda kaya tuwang-tuwa," pagmamalaki ni Sarina. Hindi man lang kababakasan ng hiya. Talagang sanay na sanay na ito sa kahayukan at sa mga pagsasalita ng mga bulgar.Na
“M-may tumatawag kanina kaya… kaya nakita ko ang cellphone mo pero hindi naman na tumawag. Tapos… tapos nakitawag na rin ako. Naalala ko kasi si Elena,” kinakabahang paliwanag ni Leia kay Kenneth. Nanginginig ang kaniyang mga kamay na ipinakita ang numero ni Elena na nakasulat sa papel.Nagtatagis ang mga ngipin ng binata na humakbang palapit sa kaniya at hinablot ang papel. Galit ang mukha na pinunit ng malilit na piraso bago itinapon sa basurahan.Naluha si Leia, pero marahas niyang pinahid ng kamay ang luha sa mukha niya.Alam niya na may pag-asa pa. Aasa pa rin siya ng tulong. Hindi siya mawawalan ng pag-asa.Hindi man palaging langit ang hatid ng akala ngunit sa bawat madilim na ulap, sisikat at sisikat ang liwanang ng pag-asa.Binalingan siya ni Kenneth ng mabangis na tingin. “Bakit? Ano ang usapan niyo ni Elena?”“W-wala.”“Sinungaling!” Kulang na lamang ay matanggal ang mga balikat niya sa pagkakayugyog nito nang hawakan siya.“K-Kenneth, na-nasasaktan ako,” daing niya. Halos m
“Saan ba talaga tayo pupunta, Mahal?” nagtataka na talaga si Leia sa ginagawa nilang mag-asawa. Isang linggo na ang nakakalipas mula nakalaya si Bryle sa kulungan at heto sila ngayon, paakyat sa isang bundok.Buong akala ni Leia ay magdi-date lang sila ng asawa dahil may surpresa raw ito sa kaniya, ngunit heto sila, nagpapakahirap sa pag-akyat sa matarik na daanan ng bundok. At hindi niya maintindihan.“Sumasakit ba ang mga paa mo?” Nag-alala na si Bryle nang maalala niya ang mga paa ng asawa.“Hindi naman pero pagod na kasi ako,” pag-amin ni Leia.Ngumiti si Bryle. “Huwag kang mag-alala, malapit na tayo.”“Saan ba kasi tayo? Ano ang gagawin natin dito sa bundok?”“Basta natitiyak ko na matutuwa ka.”Napanguso si Leia. Tumigil na talaga siya sa paglakad at parang bata na humalukipkip ng mataas.Natawa si Bryle dahil ang cute ng kaniyang misis kapag ganoon na nagtatampu-tampuhan. Binalikan niya ito at masuyong ikinulong sa mga palad ang napakaganda nitong mukha saka siniil ng buong pagm
"Bryle…" sa una ay mahinang sambit ni Leia sa pangalan ng asawang matagal na niyang nais makita. Ilang sandali na hindi siya huminga. Hanggang sa rumagasa ang mga luha niya sa mga mata. Hindi siya makapaniwala na darating nga si Bryle at makikita niya itong muli." Bryle!" mayamaya ay malakas na niyang tawag sa asawa nang mahimasmasan siya. Akmang papaikutin na niya ang gulong ng wheelchair at susugurin niya ito ng yakap, pero marahas na hinablot ni Kenneth ang kaniyang isang braso.“Dito ka lang!” galit na singhal nito sa kaniya."Bitawan ko ako, Kenneth!" Umiiyak niyang lingon sa isa pang asawa, sa demonyong nagpapanggap niyang asawa.“Hindi ka maaaring lumapit sa kaniya!” nagtatagis ang bagang na babala ni Kenneth.Gawa niyon, sa nakitang walang ingat na paghawak ni Kenneth sa asawa ay lalong nakuyom ni Bryle ang dalawang kamao niya. Gustong-gusto niya agad na ipagsusuntok sa mukha ni Kenneth. Kumpirmado, sinasaktan nga ng g*go ang kaniyang asawa.“Who are you?! Why are you causing
“Bakit ang tagal nina Alab?” Pabalik-balik ang lakad ni Bryle habang naghihinatay sa bayan ng San Lazaro kung saan ay sinabi sa kanila ni Alab na maghihintay sila.“Hindi ko alam,” sabi naman ni Sarina. “Pero wala ka namang dapat ipag-alala dahil kahit makasal sina Kenneth at Leia ay hindi pa rin iyon magiging ligal dahil kasal sa iyo si Leia, tapos peke pa malamang ang mga dokumentong ipinakita ni Kenneth.”Nahimas ni Bryle ang kanyang bunganga. “Kahit na. Masakit pa rin sa akin kung maihaharap ni Kenneth si Leia sa altar. Parang natalo pa rin niya ako kapag gano’n.”“Mahalaga pa ba iyon? Ang pride mo kaysa ang kaisipang mababawi mo ang mag-ina mo? Iyon lang naman ang mahalaga rito, ang mabawi sila at mailayo sa kapahamakan, hindi ba?”Napabuntong-hininga si Bryle. Hindi na siya nagkomento. Nahimas-himas na lamang niya ang kanyang noo at pinilit na habaan pa ang pasensya.Tama naman si Sarina.SAMANTALA…"Dumating na ang bride, Boss," bulong ng isang tauhan kay Kenneth. Ngumisi si Ken
ANG NAKARAAN…“Aalis kayo dito sa San Lazaro?” tanong ni Kenneth kay Katia. “Oo. Doon na kami mag-aaral ng college ni Alab sa Maynila. Nakapasa kasi kami sa isang scholarship na inaplayan namin at sagot lahat ng foundation ang gagastusin namin kahit na doon kami mag-aral,” sagot ng mahinhing dalaga. Nasa silong sila noon ng punong mangga. Dinalaw niya noon ito dahil sa balitang iyon. Hindi siya nakatiis. “Ang unfair naman yata.” At hindi rin niya gusto na aalis ang dalaga tapos kasama pa ang itinuturing niyang karibal.Maang na napatingin sa kaniya si Katia. “Ano naman ang unfair doon? Hindi ka ba masaya na makapag-aaral ako?” “Masaya ako na nakapasok ka sa scholarship. Ang hindi ako masaya ay ang aalis ka at kasama mo pa si Alab, Katia,” pag-amin niya.“Bakit naman? Boyfriend ko si Alab, Kenneth, kaya walang masama.” “Pero boyfriend mo rin ako, hindi ba?” “Boyfriend? Ano’ng pinagsasabi mo, Kenneth? Hindi kita boyfriend.” Napaismid siya dahil nasaktan siya. “Boyfriend mo ako da
"Hayup ka! Ano’ng ginawa mo kay Bryle?! Ano’ng ginawa mo sa kaniya?! Ano ang ginawa mo sa pamilya namin?! Ano ang kasalanan namin sa ‘yo at ginulo mo kami ng ganito?! Ano?!" Nagwala na ng tuluyan si Leia. Hindi niya napigilan ang kaniyang sarili. Binayo-bayo niya ang dibdib ni Kenneth. Nauunawaan na niya ang lahat. Malinaw na malinaw na talaga sa kaniya na niloko lamang siya ng binata, na pinaniwala lang siya nitong iniwan sila ni Bryle pero ang totoo ay hindi. Ang totoo ay ginamit ni Kenneth ang sitwasyon nila, ang kawalan nila ng pera na mag-asawa.Sinenyasan ni Kenneth ang isang tauhan nito. Agad iyong sumunod. Lumapit ito kay Aling Linda.“Ano’ng gagawin mo?!” sindak ang ginang."Mama!" hiyaw ng batang si Lacey. Walang anu-anong kinuha kasi ito ng lalaki mula kay Aling Linda."Bitawan mo ang apo ko!" protesta ni Aling Linda. Ayaw nitong ibigay ang apo. Sa kasamaang palad isang suntok sa sikmura ang ginawa dito ng isa pang tauhan ni Kenneth kaya agad na nawalan ng lakas at namilipit
"Bakit ba kasi ang layo ng bahay niyo sa bahay ng Fontallan?" hindi na makapaghintay si Bryle na tanong ulit niya kay Sarina. Halos paliparin na talaga niya ang sasakyan marating lang nila sana agad ang mansyon nina Kenneth."Syempre noong ibinahay ako ni Dionisio ay pinili talaga niya na sa malayo para hindi kami magtagpo ng asawa niyang pangit."Napalatak siya at lalo pang diniinan ang silinyador ng sasakyan. "Kumapit ka!" tapos ay anito sa dalaga."Dahan-dahan kundi baka tayo naman ang mabangga nito. Baka sa ginagawa mong pagmamadali ay lalong hindi mo na makikita ang asawa mo kasi tigok na tayo," nakaingos na paalala ni Sarina sa kaniya. Sinulyapan nito ang pambisig na orasan. “Don’t worry, maaga pa naman. Baka naghahanda pa lang sila ngayon.”Sa kasamaang palad ay tila ba wala nang naririnig sa sandaling iyon si Bryle. Kontrolado naman niya ang manibela kaya alam niyang hindi sila maaksidente. Isa pa ay hindi niya hahayaang maaksidente sila dahil kailangan siya ngayon ni Leia. Ili
Sandaling hindi nakakilos si Bryle sa hindi maipaliwanag niyang nararamdaman. Ang tindi ng galit niya. Kuyom na kuyom niya ang mga kamao na kulang na lang ay bumaon ang mga kuko niya sa mga palad niya. Halos madurog na rin sa kamay niya ang cellphone na hawak.Papatayin niya si Kenneth! Papatayin niya talaga! Isinusumpa niya!"Bryle, ano’ng nangyari? Ano’ng sabi ng asawa mo at ni Kenneth?" alanganing tanong ni Sarina. Natatakot ang dalaga sa hitsura ni Bryle.Mabagsik ang naging tingin ni Bryle sa dalagang katabi. Hindi pa rin niya makuntrol ang galit. "Pagkatapos ng kasal ay dadalhin niya si Leia sa Amerika. Doon daw sila magsasama. Mabuti na lamang at nakinig ako sa inyo kundi baka nadala na ng g*gong iyon ang asawa ko sa ibang bansa kung pumalpak sana ako.”Nanlaki ang ulo niya nang mabilis na na-imagine niya na nasa ibang bansa sina Lacey at Leia. Imposible na masusundan na niya sila oras na mangyari iyon."Diyos ko, ano itong ginagawa ni Kenneth? Siya nga yata talaga ang may sayad
Naiinip man dahil kanina pa siya naghihintay kay Sarina ay idinadaan na lamang ni Bryle sa pagpalatak ang inip, at minsan sa pagsuri-suri ng sasakyan. Ano ba kasi’ng aasahan niya? Normal lang naman sa babae ang matagal magbihis.Kanina pa siya nakasakay sa kotse na binili talaga ni Sarina para sa plano nilang ito. Brand new pa nga sana ang bibilhin ng dalaga pero siya ang hindi pumayag dahil baka masayang lang ang sasakyan kapag nagkabulilyaso.Handa na siya sa patungo sa San Lazaro upang dumalo sa kasal—upang bawiin na ang kaniyang asawa at anak.Sa wakas, dumating na ang araw upang isakatuparan nila ang plano!“Ang tagal mo,” reklamo niya nang sa wakas ay dumating din ang dalaga. At napabuga talaga siya ng hangin sa bunganga dahil kuntodo makeup si Sarina. Ang halter maxi dress in deep red nitong suot ay halos kita na ang buong kaluluwa nito. Backless na nga may slit pa na halos hanggang singit na. Kung hindi nga lang sila nagmamadali ay sasabihin niyang hindi sila aalis hangga’t hin
ARAW NG KASAL.Magarbong-magarbo ang lahat. Makikitang pinagkagastusan talaga ng mag-asawang Don Dionisio at Donya Alvina ang kasal ng bunso nilang anak. Handa na ang mansyon na siyang reception area rin, kasama ang simbahan ng San Lorenzo Cathedral. Nakalatag ang isang red carpet sa labas patungo sa aisle hanggang sa altar ng San Lorenze Cathedral. At sa tuwina ay may mga nahuhulog na maliliit na red and white rose petals sa loob ng simbahan na siyang nagbibigay ng goosebump feeling sa mga unang dumadating sa simbahan para sa seremonya.Subalit kung gaano kasaya ang lahat ay siya namang lungkot ng bride. Nakaupo si Leia sa harap ng salamin at suot na niya ang kaniyang corset style wedding gown na hindi basta-basta ang halaga. Kung gaano siya kaganda sa sandaling iyon ay siya namang lungkot ng mukha niya.Siya na yata ang pinakamalungkot na bride sa buong mundo sa sandaling iyon, hindi lamang dahil sa ayaw niyang ikasal sa lalaking hindi niya mahal kundi dahil din sa hindi niya pa naki