Tagos sa dingding ang tingin ni Leia habang patuloy sa pagpatak ng kaniyang mga luha. Tapos na kanina pa ang pambababoy ni Kenneth sa kaniya, wala na rin ito. Matapos makaraos ay basta na lang na iniwan siya.Sa oras na iyon, demonyo na ang tingin niya sa binata. Isang demonyo na halang ang kaluluwa.Ang walanghiya! Ginahasa siya!“Ate Leia! Ate Leia!” Biglang pasok si Elena sa silid. Dinaluhan siya’t niyakap. Mukhang alam nito kung anong kahayupan ang ginawa sa kaniya ni Kenneth.Animo’y wala sa sariling nakatingin pa rin siya sa malayo habang kipkip ang kumot hanggang kaniyang dibdib.“Ate, sorry po. Sorry po kung wala akong nagawa kanina para tulungan ka,” sabi pa ni Elena. Umiiyak na.Mas rumagasa ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Mas naawa siya sa kaniyang sarili, sa kaniyang sinapit.“Ayos ka lang, Ate?” Sinipat-sipat siya ni Elena. Pinunas ang kaniyang mga luha.Sa ginawa nito’y nagbalik ang kaniyang huwisyo. Basang-basa ng luha ang kaniyang mga mata na bumaba ang tingin niya r
Naglalabada nang gabing iyon si Aling Celia."’Nay?" nang biglang mahinang tawag ni Bryle sa kaniya sa madilim na parte ng labas ng bahay nila.Takang-taka ang matanda na inaninag niya ang nagsalita. Alam agad nito na si Bryle iyon dahil kahit kailan ay hindi niya makakalimutan ang boses ng kaniyang mga anak, lalo na ang kaniyang bunso.“Diyos ko, Anak. Ano’ng ginagawa mo rito?” Noong una ay natakot ang matanda dahil bakit nasa harapan niya ang anak imbes na nasa kulungan ito, subalit mas nanumbalik ang pagkasabik niya rito."Mas pipiliin ko na lamang mamatay kaysa makulong ng ganoong katagal, ‘Nay. Hindi ko po kaya pala na mawalay ng ganoong katagal sa mag-ina ko," damang-dama ang bigat sa dibdib na saad ni Bryle. Siya lang ang natira na buhay sa halos dalawampung preso na tumakas. Lahat ng kasama niya kundi nahuli rin ay namatay naman, kasama na roon si Andong."Pero, Anak, mas mapapahamak ka sa ginawa mong ito! Bakit ka tumakas? Hindi ka na ba talaga nag-iisip, ha?" Awang-awa na niy
Nakikipag-usap si Aling Linda sa mga magulang ni Kenneth tungkol sa kasal. Sa pekeng kasal, ayon na rin kay Kenneth, ngunit walang kaalam-alam ang Don at Donya nitong mga magulang.Ang sabi ni Kenneth sa kaniya kanina ay makisama siya sa lahat ng gustong gawin ng mga magulang nito, mapalabas lang na kasal sila ni Leia.Isang beses pa na nakaramdam ng matinding pagkaawa si Aling Linda para sa anak na si Leia, subalit sa huli, pinili pa rin nitong maging sunod-sunuran kay Kenneth."So, okay na ang lahat? Sa probinsya na lang namin gaganapin ang kasal?” pagtatapos na nga ng usapan ni Donya Alvina.Nagkatinginan muna sina Aling Linda at Leia, bago tumango si Aling Linda sa mag-asawang mayaman na mga magulang ni Kenneth. “Kung iyon ang gusto niyo, Balae, ay walang magiging problema.”"Huwag kang mag-alala, Balae, masaya ang kasalan doon sa probinsya namin,” masayang pakikipagkamay pa ni Donya Alvina kay Aling Linda.Nahiya naman ang ginang dahil wala man lang itong maitulong sa kasal. "Kayo
“Elena, tulungan mo ako. Tulungan mo kami ni Lacey. Kailangan naming makaalis dito. Ayokong sumama kina Kenneth sa probinsya nila,” pakiusap ni Leia sa itinuturing na ngayon na kaibigan at kakampi na dalaga.Hindi niya inasahan ang pagliliwanag ng mukha ni Elena. Animo’y may spring ang kinauupuan nito na nagtulak dito upang makalapit agad sa kaniya. Tumingin-tingin ito sa paligid, mukhang tinitiyak muna nito na wala si Kenneth sa paligid.Nasa balkonahe sila ng malaking bahay. Pinili niya muna doon magpahangin pagkaalis ng mga magulang ni Kenneth. Kinailangan niya ng hangin dahil sa bigat na ng kaniyang dibdib. Halos hindi niya matanggap na ang natatanging makakatulong sana sa kanila ni Lacey upang makawala sa impyerno nilang kinasadlakan na kaniyang nanay ay wala, walang balak na tulungan sila. Ang sama-sama ng loob niya pati na rin sa sariling ina niya.Dumagdag sa sakit ang ginawang pagtalikod na iyon ng nanay niya sa kaniya. Sa kaniyang sarili’y hindi niya tuloy mapigilan ang magta
Lakad-takbo si Bryle. Hindi niya sinayang ang sandali na mapuntahan ang asawa at anak niya. Hindi niya iniinda ang kaniyang mga sugat at pasa. Kahit paano ay nakapagpahinga na siya at may lakas na kaya buo na ang kaniyang loob na babawiin na niya ang mag-ina niya.At naroon na siya malapit sa bahay ng g*gong Kenneth!Ang kaso ay biglang may nakita siyang naka-motor na pulis kaya naman nagtago muna siya.Wala siyang kaalam-alam na nakita siya ng anak niyang si Lacey. At dahil nagtago siya, nang tingnan siya ni Leia ay hindi siya nakita nito.Lumabas lang si Bryle sa pinagtaguan nang makalayo ang pulis at hindi na niya matanawan. Takbo ulit siya sa bahay nina Kenneth at kinatok iyon."Sino ‘yan?" boses ng babae mula sa loob ng bahay.Kinatok niya ulit at hinintay na pagbuksan siya."Ano po ‘yon?" at silip nga sa kaniya ng babae."Sina Leia at Lacey! Palabasin mo sila dito! Sabihin mong nandito na ako! Binabawi ko na sila!" malakas ang boses na sabi niya."Huh?" Nagtaka ang babae."Sabing
“Oh, bakit ka umiiyak?” pag-alo agad ni Donya Alvina nang makita nitong umiiyak ang batang si Lacey na kalong ni Leia sa likod ng kotse ni Kenneth nang dinaanan nila ang mga ito sa hotel.“Nagtatampo lang, Mom. May nakita kasing toy sa nadaanan namin,” si Kenneth ang sumagot sa ina.Magsasalita sana ang bata, pero mabilis na tinakpan ni Leia ang bibig ng anak.“Alvina, come on, let's leave now,” mabuti na lang din at tawag na ng asawang si Don Dionisio sa asawang Donya na nasa isang mas magarang sasakyan. Sabay-sabay silang uuwi sa probinsya, pero magkaiba ang sasakyan nila.“Drive safely, Kenneth,” habilin muna ni Donya Alvina sa anak bago tinungo ang sasakyan ng asawa.Nauna ang kotse ng parents ni Kenneth, nakasunod sila. Tahimik lang pa rin si Leia sa byahe, lalo na nang nakatulog na si Lacey.“Kapag nasa probinsya na tayo ay paninidigan mo pa rin ang sinabi ko na pamangkin mo lang si Lacey. Huwag mo sana akong ipapahiya lalo na ang pamilya ko, Leia. I'll repeat, this is the only t
“Nasaan na kayo?” tumulo ang mga luha ni Bryle hang nakatanaw sa kawalan. Pagod na siya sa kalalakad kaya naisipan muna niyang magpahinga. Umupo muna siya sa tabi ng kalsada, pero sa tuwing may dadaan na tao ay ibinababa niya ang sumbrero niyang sout para hindi makita ang kaniyang mukha at hindi siya makilala. Hindi siya dapat papahuli, dahil babawiin pa niya ang asawa at anak niya sa g*gong Kenneth na iyon.Ang problema, hindi talaga niya alam kung saan siya magsisimula. Nagmistula na nga siyang tanga kanina pa na lakad nang lakad. Hindi naman na siya puwedeng bumalik sa bahay ni Kenneth upang tanungin ulit ang katulong. Sigurado siyang nakatawag na ng pulis ang babaeng iyon.Inilabas niya ulit ang inagaw niyang cellphone sa babae sa bulsa ng hoodie jacket na ipinahiram sa kaniya kanina ng kaniyang Kuya Edgar. Panay ang tsek niya at baka may tumawag, nag-text, o nag-chat, pero wala pa rin talaga. Mabuti na lamang at full charge ang cellphone.Hanggang sa nakita na lang niya ulit ang s
Si Kenneth na mismo ang nag-ayos ng hihigaan niya. Iyong kasambahay sana pero pinaalis iyon ni Kenneth. Gusto raw ni Kenneth na ito ang mag-aasikaso sa kaniya."Okay na. Puwede ka nang magpahinga," sabi ni Kenneth nang matapos na ito.Parang walang narinig si Leia. Nakaupo siya kaniyang wheelchair at tahimik na nakatanaw sa bintana. Malalim na naman ang inilalakbay ng isip niya. Hindi talaga niya mapigilan.Mabuti na lang ay napakurap si Leia. Natauhan din siya, nawala siya sa malalim na pag-iisip. At doon na niya napansin na nakatingin na pala sa kaniya nang matagal si Kenneth."Iniisip mo na naman siya?" malungkot na tanong nito sa kaniya."S-sorry,” kinabahang paghingi niya ng paumanhin."Okay lang, Leia. Hindi mo naman ‘yon maiaalis sa ‘yo agad dahil asawa mo siya. Huwag kang mag-alala dahil kapag naging mag-asawa na tayo ay makakalimutan mo rin siya unti-unti tulad nang paglimot niya sa inyo."Hindi siya nagkomento. Naiyuko lang niya ang ulo.Umikot si Kenneth sa kama para lapitan