Home / Romance / ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN / Kabanata 131 - Kabanata 140

Lahat ng Kabanata ng ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN: Kabanata 131 - Kabanata 140

155 Kabanata

Chapter 130. 💙

(Karla pov)Dahil sa agreement namin ni Timothy ay kinailangan kong magresign sa trabaho. Kailangan kong pagtuunan ng pansin ang plano ko. Sa pagkakataong ito ay kailangan ko ng magtagumpay. Wawasakin ko ang puso niya at sisirain ko ang reputasyon niya.Tuwang-tuwa sina nanay at Jelay ng sabihin ko sa kanila na nakahanap na ako ng trabahong mas malaki ang sahod. Ayaw ko sanang maglihim sa kanila pero kailangan ko ‘yong gawin. Alam ko na magagalit si nanay sa gagawin ko at pipigilin ako. Ayoko naman na husgahan din ako ng kaibigan ko. Siya lang kasi ang kaibigan na mayro’n ako kaya ayokong maging masama ang tingin niya sa akin. Saka napag-isip-isip din ko na mabuti na nangyari ito. Mas mapapadali ang misyon ko dahil ito na mismo ang lumapit sa akin. Aaminin ko na may pangamba ako na baka hindi na niya ako lapitan dahil sa ginawa ko pero mali ako. Nagandahan ba talaga si Timothy sa akin?"Totoo ba, Karla, nakakita ka daw ng matandang mayaman kaya nagresign ka na dito?" Tanong ni Pia,
Magbasa pa

Chapter 131. 💙

(Karla pov)"Teka, saan ka pupunta?" Pigil ko sa binata ng sumunod ito sa akin. "In your house. Why?" Natampal ko ang noo ko. At nagawa pa talaga nitong magtanong. "Anong ‘why? Hindi ka pwedeng pumunta ng bahay namin. Ano na lang ang iisipin ni nanay kapag nakita ka." Sigurado na uulanin ako ng tanong ni nanay. Nagsinungaling na ako sa nanay ko nang sabihin ko rito na nakahanap ako ng trabahong mas malaki ang pasahod. Kung maaari lang ay ayaw ko ng dagdagan ang mga kasinungalingang sinabi ko. "Hoy, Timothy, hindi kita tunay na nobyo at hindi rin kita kaibigan, kaya wag kang umasta na parang malapit tayo." Tinulak ko ito pabalik sa sasakyan nito pero nahirapan ako dahil malaki itong lalaki. "Karla?" 'Patay!' Isip-isip ko ng marinig ang boses ni nanay sa likuran ko. Kapag minamalas ka nga naman, oh! "N-Nay," Kabadong napatayo ako ng tuwid. May pagdududang tiningnan ni nanay si Timothy. "Mali ang iniisip mo, nay. Napadaan lang ang lalaking 'yan." Agad kong paliwanag kay nanay. Lihi
Magbasa pa

Chapter 132.💙

(Karla pov) Laking gulat ko dahil magkahiwalay pala kami ng kwarto na tutulugan, pero aaminin ko na nakahinga ako ng maluwag dahil ibig sabihin ay hindi ako mabibigla sa set up naming dalawa. Nakakapanibago ang lahat ng ito sa akin. Daig ko pa kasi ang nag asawa.Lumipas ang isang linggo at naging maganda naman ang sitwasyon ko rito sa condo ni Timothy. Medyo nasasanay na rin ako na kasama siya at hindi na rin ako naiilang hindi katulad no’ng una.Lumapit sa akin si Timothy at may nilapag na malaking kahon sa harapan ko. “Suotin mo ‘yan bukas. Isasama kita sa anniversary celebration ng kuya ko at hipag ko.” Wika nito habang inaayos na ang necktie. Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang ayusin ito. Pareho kaming natigilan ng magkatinginan kaming dalawa.“S-Sorry.” Nahihiyang lumayo ako sa kanya. Kulang na lang ay tampalin ko ang noo ko. Nakakahiya dahil kung umasta ako ay parang close kaming dalawa.“Ituloy mo lang.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Ha?” Naguguluhan kong tanong
Magbasa pa

Chapter 133.💙

(Timothy pov)Kanina pa ako nakatayo malayo sa kinatatayuan ngayon ni Karla. Oo, alam kong naiiyak na siya kanina kaya iniwan ko siya para hindi siya magpigil pa ng nararamdaman.Palaban ang una kong pagkakakilala sa kanya. Pero sa nakikita ko ngayon ay hindi gano’n ang puso nito. Nang ipakilala ko siya sa pamilya ko ay nakitaan ko siya ng pangamba. Mukhang natatakot ito kung matatanggap ba ito ng pamilya ko o hindi. Nakita ko rin ang inggit sa mukha nito habang nakatingin sa masayang pamilya namin.That’s why I want to know more about her. I knew that there is something that made her sad. At ang bagay na iyon ang nais kong malaman.Napangiti ako kanina. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay nakita kong ngumiti si Karla ng tunay at hindi napipilitan lang. kasundo rin ni Karla si mommy at Sheya. Maging si Marshall ay walang nasabi sa dalaga. Siraul0 kasi itong si Marshall. Wala itong ginawa kundi ang pintasan ang mga ka-fling ko. Wala itong pinipiling bully-hin. Sabagay, bully din naman
Magbasa pa

Chapter 134.💙

(Timothy pov)“Sir, nagkakagulo po dito ngayon kaya dapat ay hindi na kayo pumunta.” Babala ng kanyang secretary ng pumunta ako sa lupang binili ko. Saka ko lamang napansin na tama ito, nagkakagulo nga sa lugar at nagrarally ang mga tao.“Damn! Ano ba ang pinaglalaban ng mga ‘yan!” Galit kong turan. Mayamaya ay dumating ang demolition team at mga pulis para tumulong sa mga tauhan ko na mapaalis ang mga mamamayang matitigas ang ulo.“Hindi ninyo kami mapapaalis sa lugar na ito! Sino kayo para biglaan kaming paalisin rito na parang aso! Hindi ninyo kami aso, at mas lalong hindi ninyo kami masusuhulan! Mamatay man kami ay hindi namin lilisanin ang lugar na ito!” Sigaw ng isang matanda na naninirahan sa lupang binili ko.Mas lalo lamang nanggalaiti ang loob ko sa narinig. “Okay, fine! If that’s what you want, then die!” Galit kong saad. Nakarinig ako ng hiyawan, putukan, at pagmamakaawa, pero nagbingi-bingihan ako. I used to it, and I don’t care. They are just a bunch of people na walang
Magbasa pa

Chapter 135. 💙

(Karla pov)Isang linggo na simula ng lumabas ako ng hospital. Nagagalit ako sa pag uugali ni Timothy kaya hindi ko siya magawang kausapin. Hindi ko akalain na gano’n siya kasama. Wala itong awa sa mga taong nasa ilalim nito dahil para sa kanya ay mahirap lamang kami at walang kapangyarihan katulad niya. Mapagmataas si Timothy at wala siyang puso. Kung hindi ko lang kailangan ng pera ay baka tinapos ko na ang agreement naming dalawa.Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Balak ko sanang magluto ng kakainin ko dahil tanghali na at hindi pa ako nag aalmusal. Nabigla ako ng makita ko si Timothy sa kusina. Naka-topless ito habang nakasuot ng apron at nagluluto. Nang makita niya ako ay nginitian niya ako. Iniwas ko ang tingin sa kanya, hanggang ngayon kasi ay masama pa rin ang loob ko. Nang sabihan niya akong maupo ay naupo ako. Habang naghahanda siya ng pagkain namin ay hindi nabubura ang ngiti sa labi niya. Nagtataka tuloy ako dahil parang ang saya niya ngayon. May nangyari sigurong maganda s
Magbasa pa

Chapter 136. 💙

(Karla pov) Ngayong araw gaganapin ang reunion. Ang totoo ay wala akong balak pumunta. Napakabigat ng dibdib ko at natatakot ako. Alam kong may plano sila na hindi maganda sa akin. Tiyak na bubully-hin lang nila ako at kukutyain. Pero wala akong magawa dahil ayaw kong pumunta sila sa bahay. Di bale ito na ang huli na makikita ko sila. Titiyakin kong lilipat kami ng bahay ni nanay sa malayo sa oras na makuha ko na ang perang ibabayad sa akin ng ama ko.Nagsuot lang ako ng simpleng bestida na halos umabot sa talampakan ko. Ayaw ko maging sentro ng atensyon, lalo na ng bast0s na si Marlo. Bago umalis ay napansin kong mainit ang ulo ni Timothy pero pinayagan naman niya ako ng magpaalam ako. Nang may dumaan na taxi ay agad na nagpahatid ako sa dating eskwelahan na pinapasukan ko. Dito daw kasi gaganapin ang reunion.Sa loob pa lang ng taxi ay nanginginig na ako sa takot. Ayaw ko sanang bumalik sa eskwelahan na ‘yon. Wala akong maganda at masayang alaala ro’n. Kahit ang mga teacher do’n ay
Magbasa pa

Chapter 137. 💙

(Karla pov)Abala ako sa pagpili ng karne sa meat section dito sa grocery ng makita ko ang isang babae. Ewan ko ba kung malabo ba ang mata ko, o namamalikmata ako, pero ang babaeng nakita ko ay kamukha ni Jelay. Wala lang itong salamin sa mata at walang nulal sa gilid ng labi. Dahil sa kuryusidad ko ay sinundan ko ito. Pero bago pa man ako makasunod rito ay nabangga ako sa nakasalubong ko.“Pasensya na!” Agad kong hingi ng paumanhin. Nang lingunin ko ang kinaroroonan ng kamukha ng kaibigan ko ay wala na ito.‘Baka namamalikmata lang ako.’ Nasabi ko na lang sa sarili ko. “Miss, are you okay?”Saka lamang ako tumingin sa taong nakabangga ko at muling humingi ng pasensya. Ngayon ko lang napansin na natapon ang dala nitong ice coffee sa suot nitong long sleeve polo shirt. Nakakahiya, dahil sa katangahan ko ay nakaabala pa ako ng tao.“Sorry talaga, mister.” Ani kong muli.“Ayos lang, pero sa susunod ay mag iingat ka.” Nakangiti niyang sabi sa akin kaya tumango ako. “Siya nga pala, I’m Ban
Magbasa pa

Chapter 138. 💙

(Bane pov)Kinuha ko ang isang bote ng alak at nagsalin sa baso. Hindi mapalis ang mala-demonyong ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang mga larawan ni Karla na nakasabit sa kwarto ko.Minamasdan ko ang dalaga simula ng dumating ako galing ng Italy. Simula ng makita ko ang larawan nito galing sa sarili nitong ama ay nagustuhan ko na ito. May utang na 500 milyon sa akin ang ama ni Karla. Dahil wala itong maibayad ay nag offer ito sa akin ng ibang pambayad. Noong una ay nagalit ako. Marami na akong babae at hindi na kailangan na magdagdag pa. Pero nang makita ko ang litrato ni Karla ay pumayag ako.Batang-bata pa ito at sariwa. Kapag nakuha ko ito ay pagsasawaan ko ito— iyon ay kung magsasawa ako sa dalaga. “Ano ang sabi mo? Dalawang buwan na lang ang palugit na ibibigay mo?!” Wika ng ama ni Karla sa akin. “Hindi maaari! May ipinagagawa pa ako sa batang ‘yon kaya hindi mo pa siya pwedeng kunin bilang kabayaran sa utang ko. Sa oras na magawa niya ang inuutos ko ay maaari mo na siyang
Magbasa pa

Chapter 139. 💙

(Karla pov)Nang sundan ko si Timothy ay naabutan ko itong umiinom sa mini bar counter at halatang wala ito sa mood. Gusto ko sanang tanungin sa kanya kung bakit sila nag away ni Bane pero baka magalit siya at sabihin sa akin na nanghihinasok ako.“Paano mo nakilala ang lalaking ‘yon, Karla? Alam mo bang gag0 ‘yon?” Muli ay tumungga ito alak at muling tumingin sa akin. “Hindi sa nanghihimasok ako sa buhay mo. Wala naman akong pakialam maski kahit kanino ka makipagkaibigan, ang akin lang pumili ka ng hindi gag0.”‘Wala naman akong pakialam’ Tanging ‘yon lang ang tumatak sa akin sa mga sinabi niya sa akin. Aaminin ko na nasaktan ako. Wala talagang pag asa na gustuhin niya ako. Sabagay, sino ba naman ako para magustuhan. Isa lang akong ordinaryong babae na nakuha ang atensyon niya sa isang bar. Saka maraming wala sa akin na makikita niya pa sa ibang babae. Sigurado ako na mas pipiliin niyang magmahal ng katulad niya, kaysa ang katulad kong wala naman ibubuga.Bumalik kami sa pagiging sibi
Magbasa pa
PREV
1
...
111213141516
DMCA.com Protection Status