[Genesheya pov] Sa kabila nang magulo kong pag iisip ay nagawa ko pa ring pumasok sa trabaho at gampanan ang trabaho ko. Mabuti na lang at nilabhan ni Trevor ang suot ko kagabi, kung hindi ay papasok ako na damit nito ang suot. Pagdating sa bahay ay agad kong kinumpronta si Chairmaine dahil hinayaan ako nito na iuwi ni Trevor. Pero ang loka kong kaibigan ay tinawanan lang ako. Maging si Harold na dumating ay hindi nakaligtas sa inis ko. “Hoy, kayong dalawa, kaibigan ko ba talaga kayo? Bakit niyo naman ako hinayaan na dalhin nang lalaking iyon. Alam ninyo na siya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.” Umupo ako at tiningnan silang dalawa ng masama. Pakiramdam ko ay ipinagkanulo nila akong dalawa. “Best, kung mayro’n man mas may karapatan sa amin na iuwi ka, si Trevor ‘yon, okay?” Ani Chairmaine. “Asawa mo pa rin siya kahit pagbalik-baliktarin natin ang mundo.” Pagdadahilan nito. “Chairmaine is right, Sheya. Hindi naman ibang tao si Trevor—” Itinaas ko ang kamay ko para pat
Magbasa pa