Home / Romance / ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN: Chapter 1 - Chapter 10

155 Chapters

Chapter 1.๐Ÿ’œ

"MAYA!"Napangiwi ako ng pingutin ni Senyora Lina ang tenga ko. Pinigil ko ang aking sarili na huwag umiyak dahil mas lalo lamang ako masasaktan kapag umiyak ako. Hanggang sa makarating kami sa kusina ay hawak pa rin niya ng madiin ang tenga ko. Sobra ang pagpipigil ko na kahit mahinang d***g ay huwag lumabas sa labi ko."Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag na huwag kang lalabas? Peste ka talagang bata ka wala kang kadala-dala!" Saka lamang ako binitiwan nito ng maisara nito ang pinto ng kusina."Sorry po!" Hingi ko ng tawad habang hawak ang tenga ko na napakasakit. Iniyuko ko ang ulo ng magsimula itong itulak ang noo ko gamit ang matulis nitong kuko, halos bumaon sa noo ko ito at talaga namang nagdudulot ng sakit subalit tiniis ko ito."Puro ka 'sorry! Pero hindi ka naman nakikinig? Ang tigas-tigas ng ulo mong peste ka!" Ang alam ko ay insekto ang peste, kaya naman hindi ko alam kung bakit paborito itong itawag sa akin ni Senyora. Hindi naman ako isang insekto."Senyora Lina!" Agad n
Read more

Chapter 2.๐Ÿ’œ

(Maya pov)ABALA ang lahat sa loob ng mansion dahil ngayong araw ang dating ni Hannah galing ng america. Sampong taon na magmula ng umalis ito sa mansion. Naalala ko noong nawala si nanay ay agad na umalis din si Hannah patungo ng ibang bansa pagkalipas lamang ng dalawang araw."Maya! Dalian mo ri'yan at tulungan mo akong maghiwa ng mga ito! Naku naman, kung kailan sandamakmak ang aking gagawin ay ngayon pa nabasag ang aking salamin!" Tawag ni Aling Berta sa akin habang inirereklamo ang nangyari sa salamin nito.Pagkatapos kong magdilig ng mga bulaklak at alisin ang mga sobrang damo ay nagtungo agad ako sa kusina para tulungan si Aling Berta. Ang daming lulutuin ngayon. Parang may piyesta. Lahat kami ay may kanya-kanyang ginagawa ngayon. Ang iba ay nasa kwarto sa itaas upang linisin ang kwarto ni Hannah, dahil ang gusto ni Senyora ay malinis ang lahat sa pag-uwi ng nag-iisa nitong apo, ang iba ay nasa sala para alisin maski katuldok na alikabok, ang iba ay nasa garahe, basta lahat ay
Read more

Chapter 3.๐Ÿ’œ

(Hannah pov)Hindi ako papayag na ipakasal nina Lolo at Lola at maging asawa ng lalaking hindi ko naman kilala at hindi ko mahal. Bukod sa ayaw ko pang mag asawa ay gusto ko pang tuparin ang lahat ng pangarap ko sa buhay, at hindi kasama doon ang pag aasawa. Hindi naman talaga ko umuwi ng Pilipinas dahil sa gusto nila. Umuwi ako dahil may offer sa akin ang GMC Network na isang soap opera na pagbibidahan ko. Hindi ako tumanggi dahil matagal ko ng pangarap na maging artista, napilitan lang naman akong umalis ng bansa no'ng ten years ako dahil sa nangyari noon.Inalis ko sa isip ang gabing iyon. Hindi ko na dapat isipin iyon. Kinuha ko nalang ang cellphone para tawagan si Suzy, ang matalik kong kaibigan na kapatid ng isang sikat na Director ng GMC Network. Si Suzy ang daan kaya mabibigyan agad ako ng big break sa telebisyon. Hihinto muna ako sa pag-aaral para tuparin ang matagal ko ng pangarap. Ito na ang chance ko kaya bakit ko palalagpasin?"Suzy, kailan ko ba makikilala ang Kuya Delvin
Read more

Chapter 4.๐Ÿ’œ

(Maya pov)"Maya, ipinapatawag ka ni Senyorita Hannah." Sabi ni Karen na isa ring katulad ko na kasambahay dito sa mansion, kasing edad ko din si Karen, ang kanyang ina ay matagal na din naninibilhan dito.Lumapit sina Aling Berta at Ate Mae sa akin ng may pang-uusig na tingin. "May ginawa ka na naman bang mali, ha, Maya?" Agad na umiling ako kay Aling Berta. "Wala po." Maski ako ay nagtataka rin kung bakit ako ipinatawag."Bakit ka pinapatawag ni Senyorita? Aba'y ayaw na ayaw nga no'n na nakikita ka kahit no'ng mga bata pa kayo." Kahit si Ate Mae ay nagtataka din sa biglaang pagtawag sa akin."Mabuti pa po ay aakyat na ako sa kwarto niya. Baka mapagalitan pa ako kapag di agad ako umakyat." "Mabuti pa nga, Maya. Sige na, umakyat ka na sa itaas. Ayaw na ayaw ng bata na yon na pinaghihintay siya, na ugaling namana niya sa kanyang Lola." Dahil sa sinabi ni Aling berta ay binilisan ko ang pag-akyat sa ikalawang palapag ng mansion. Napahinto ako dahil nakasalubong ko si Ma'am Lorna kasam
Read more

Chapter 5.๐Ÿ’œ

(Tyler pov)"Sir, ipapaalala ko lang na may meeting kayo mamaya kay Mr. Torres." "Cancel all my appointments today, Ms. Peng. Hindi ba't binilin ko na sa'yo yan kahapon?" Kunot ang noo na tanong ko sa aking secretary na may katandaan na. Hindi naman ito makakalimutin kahit may edad kaya nga hindi ko ito pinapalitan."P-Pasensya na, Sir." May pagkataranta na hingi nito ng pasensya sa akin. Kilala ako nito, hindi ko gusto ang pumapalpak sa trabaho."May problema ba?" Agaran kong tanong rito. Secretary pa ito ng aking daddy noon, nang mamatay ang ama ko ay sa akin na rin ito nagsilbi, kumbaga kilala ko na ito dahil matagal na itong nagta-trabaho sa pamilya namin. Tumandang dalaga na lamang ito ay nagsisilbi pa rin ito sa amin."S-Sir, pasensya ka na talaga, nakalimutan ko ang tungkol sa bagay na yan dahil sinugod namin sa hospital ang pamangkin ko kahapon. Pasensya ka na talaga, Sir." Nakayukong wika nito bakas ang sinseridad sa tinig."Bakit ngayon mo lang sinabi?" Napalitan ng pag-aala
Read more

Chapter 6. ๐Ÿ’œ

[Tyler pov]Kumunot ang aking noo ng makita ang pagsiko ng matanda sa dalagang katabi, maging ang kaliwang pisngi ng babae ay napansin ko agad ang pamumula."Mr. Montemayor, ito ang aming apo. Siya si Maya Gustin." Bumaling ng nakangiti si Mrs. Gustin sa dalaga. "Siya si Tyler Montemayor, kilalang businessman sa buong mundo. Batiin mo siya, Maya." Utos ng matanda sa dalaga.Hindi nakaligtas sa aking mata ang may paninindak na tingin nito sa babaeng katabi."A-Ako po si Maya G-Gustin." Panay ang takip ng kamay ng dalaga sa tapat ng dibdib. Halatang hindi ito kumportable sa suot.Kaharap ko ngayon si Maya, ang pekeng apo ng mga Gustin. Ayon sa nabasa kong report tungkol sa mga Gustin ay mayro'n lamang itong isang apo na ang pangalan ay Hannah. Nakita ko rin ang litrato nito kanina at hindi ito ang babaeng kaharap ko ngayon.Sumasagot ako sa mga tanong ng mag-asawa subalit ang aking mata ay nakapako sa dalagang kaharap ko. Ayaw ko ng niloloko ako, pero ngayon ay walang kaso sa akin yon. G
Read more

Chapter 7.๐Ÿ’œ

(Maya pov)MABILIS na sumapit ang isang buwan. At katulad ng gusto ni Mr. Montemayor ay pinakasalan niya ako sa pagkasapit ng isang buwan. Hindi ko inaasahan na magiging engrande ang aming kasal. Maraming bisita na hindi ko kilala pero tiyak ako na katulad ng pinakasalan ko ay kilala din ang mga ito sa lipunan, maging ang kaibigan ng napangasawa ko ay nakilala ko rin na sina Grant, Dimitri, Brix, at Kier.Nang iwan ako saglit ni Mr. Montemayor ay lumapit sa akin si Senyora, nakapaskil sa kanyang mukha ang tuwa at ang pang- aalipusta para sa akin."Nagkasilbi ka rin sa pamilya namin. Sa wakas ay tuluyan ka ng naalis sa poder namin at hindi na namin kailangan pang makita ang iyong nakakasuklam na mukha." Lumapit pa sa akin si Senyora at bumulong pa ng nakapagbigay ng takot sa aking sistema. "Salamat dahil sinalo mo ang posisyon na dapat ay para sa aking apo na si Hannah. Hindi naman ako ganoon kasama kaya naman ipagdarasal ko na sana ay hindi ka makaranas ng sobrang pagmamalupit mula sa
Read more

Chapter 8.๐Ÿ’œ

[Maya pov]Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. Nagsayaw na kami kanina pero naiilang pa rin ako ng ipatong niya ang dalawa n'yang kamay sa bewang ko. Hindi pamilyar sa akin ang musika na tugtog, pero nadadala ang katawan ko, siguro ay dahil na rin sa pag alalay niya sa akin."Bakit ba palagi ka nalang nakayuko, Maya? Hindi ba ako gwapo para sa'yo?" May himig na biro na sabi niya. Agaran akong nag- angat ng tingin."N-Naku hindi naman sa gano'n, Mr. Montemayor. I-Ito ang unang araw ng ating kasal kaya nakakaramdam ako ng hiya. S-Saka hindi dapat nakikipag- usap ang katulad ko sa 'yo... dahil isa lang naman akong..."Dahil isa lamang akong kasambahay. Gusto kong sabihin iyon pero pininid ko ang aking labi. Ang bilin ni Senyora ay huwag kong hahayaan na mabuking na isa lamang akong kasambahay, kundi ay malilintikan ako sa kanila.Hinawakan niya ang ilalim ng aking baba at inangat ang aking mukha. Pinakatitigan ako ng kanyang kulay abo na mata. Tama, kulay abo ang kulay ng kanyang ma
Read more

Chapter 9. ๐Ÿ’œ

(Maya pov)Isang buwan na ang nakakalipas ng ikasal kami ni Tyler. Aaminin ko na kinikilig ako sa mga pinapakita niya. May parte sa aking puso na nagsasabi na huwag akong mahuhulog ng mas malalim pa dahil baka masaktan lamang ako. Pero ang puso ko ay hindi ko makontrol.Narito kami ngayon sa Paris. Sobrang tuwa ko dahil dinala niya ako dito at talaga namang napakaganda dito. Panay ang kuha niya sa akin ng pictures. Nahihiya pa nga ako dahil pakiramdam ko ay isa akong sikat na celebrity dahil sa ginagawa niya. Napapatingin tuloy ang ilang tao sa amin.Pagbalik namin sa Pilipinas ay nadatnan namin ang dalawang kapatid ni Tyler sa mansion. Nakilala ko sila ng aming kasal. Sina Susy at Delvin. Mabait naman silang dalawa at magaan ang approach nila sa akin noong magkakilala kami. Wala ng magulang si Tyler. Parehong namayapa na ang ama at ina niya kaya naman ng aming kasal ay ang dalawang kapatid lang niya ang nakilala ko, at iilang malayong kamag- anak."Welcome back, kuya Tyler at Maya!" L
Read more

Chapter 10.๐Ÿ’œ

[Suzy pov]"AAAHHHHH!" Galit kong hiyaw.NARITO AKO NGAYON sa kwarto ko at halos magwala sa sobrang selos na nararamdaman ko ngayon. Hindi kayang makita ng mga mata ko na may ibang babaeng nilalambing sa harapan ko ang lalaking mahal na mahal ko. Sa akin lang dapat si Tyler at hindi kay Maya, o sa ibang babae. Noong unang masilayan ko si Tyler ng ipakilala ni mommy sa akin ito bilang bago kong kuya ay pinangako ko sa sarili ko na akin lang siya! Hindi ko ito itinuturing na kapatid kahit kailan dahil higit pa sa pagiging kapatid ang pagmamahal ko sa kanya.Nagpupuyos din ako sa galit sa kaibigan kong si Hannah. Alam ko ang plano ni Hannah na ang ipapakasal nito ay ang kasambahay ng pamilya nila, pero hindi ko naman inakala na si Tyler pala ang lalaking tinutukoy ni Hannah. Nag- away kami, o mas tamang sabihin na inaway ko siya. Pagkatapos ng kasal ni Tyler ay pinuntahan ko siya at kinumpronta. Pero ang sabi ni Hannah sa akin ay wala itong alam na si Tyler ang lalaking dapat na pakakasa
Read more
PREV
123456
...
16
DMCA.com Protection Status