Home / Romance / ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN / Chapter 4.πŸ’œ

Share

Chapter 4.πŸ’œ

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2023-11-02 21:41:06

(Maya pov)

"Maya, ipinapatawag ka ni Senyorita Hannah." Sabi ni Karen na isa ring katulad ko na kasambahay dito sa mansion, kasing edad ko din si Karen, ang kanyang ina ay matagal na din naninibilhan dito.

Lumapit sina Aling Berta at Ate Mae sa akin ng may pang-uusig na tingin. "May ginawa ka na naman bang mali, ha, Maya?"

Agad na umiling ako kay Aling Berta. "Wala po." Maski ako ay nagtataka rin kung bakit ako ipinatawag.

"Bakit ka pinapatawag ni Senyorita? Aba'y ayaw na ayaw nga no'n na nakikita ka kahit no'ng mga bata pa kayo." Kahit si Ate Mae ay nagtataka din sa biglaang pagtawag sa akin.

"Mabuti pa po ay aakyat na ako sa kwarto niya. Baka mapagalitan pa ako kapag di agad ako umakyat."

"Mabuti pa nga, Maya. Sige na, umakyat ka na sa itaas. Ayaw na ayaw ng bata na yon na pinaghihintay siya, na ugaling namana niya sa kanyang Lola."

Dahil sa sinabi ni Aling berta ay binilisan ko ang pag-akyat sa ikalawang palapag ng mansion. Napahinto ako dahil nakasalubong ko si Ma'am Lorna kasama ang kanyang asawa na si Sir Bryan.

Agad na nagyuko ako ng ulo biglang pagbigay galang sa kanila. Katulad ng dati ay hindi naman ako nito kinikibo o kinakausap man lang, nilagpasan lang nila ako na siyang ikinatuwa ko. Hindi nga naman maganda kung lahat ng tao rito sa mansion ay mainit ang dugo sa akin katulad ng mag-asawang sina Senyora at Senyor.

Alam ko kung ano ang kulay ng pinto ng kwarto ni Hannah dahil wala itong pagbabago kahit no'ng mga bata pa kami. Kulay pink ang pintuan ng kwarto nito at nag-iisa lamang dito sa mansion. Agaran akong kumatok sa pinto.

Pagbukas ng pinto ay isang bag ang tumama sa aking mukha.

"Dalhin mo yan." Utos nito sa akin habang may hawak itong cellphone at panay kuha ng pictures sa sarili na selfie ang tawag.

Tumama ang zipper ng bag sa aking pisngi kaya sumakit ito.

"Ano pa ang hinihintay mo? Pasko?" Nakataas ang kilay na tanong ni Hannah sa akin ng hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

"A-Aalis po tayo?" Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko ng marinig ang sinabi niya.

"Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko? Bingi ka ba? Di'ba kakasabi ko lang?" Iritang tanong niya pa.

"Sandali lang poβ€”β€”β€”"

"Saan ka pupunta?" Pigil niya sa akin ng bababa sana ako.

"Magbibihis po sana ako, Senyoritaβ€”β€”β€”"

"Fvckshìt naman! Bakit ka pa magbibihis eh wala namang mababago d'yan sa hitsura mo, katulong, kasambahay, muchacha ka parin kahit anong ayos mo!" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Pasalamat ka nalang dahil maganda ka para sa isang kasambahay kundi ay baka hindi ikaw ang napili ko!"

Nakayukong sumunod na lamang ako sa kanya ng nagpatiuna na itong maglakas. Pinili daw ko? Piniling isama ba?

Medyo amoy pawis pa ako dahil kagagaling ko lang sa pagdilig at pagplantsa kanina. Nahihiya pa akong pumasok sa kotse na pinasukan ni Hannah.

"Sinabi ko bang sumakay ka dito kasama ko? Doon ka sa isang van, didikit ka pa sa'kin eh amoy pawis ka!" Nandidiring wika ni Hannah. Hinablot nito ang bag na dala ko at nag-spray din dito ng alcohol.

Napahiya ako sa sinabi niya dahil hindi naman ako gano'n kabaho para mandiri siya sa akin. Pero ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang tulad nito na anak mayaman. Kahit sinong mayaman ay tiyak na madidiri na dumikit sa isang dukha na katulad ko.

Hindi lang ako ang sakay ng van ngayon. May kasama akong babae. Siya si Vanjie, ang sabi niya sa akin ay alalay siya ni Hannah simula ngayong araw. Naiilang ako sa kanya dahil panay ang titig niya sa akin. Nang huminto ang van ay lumabas si Vanjie kaya sumunod ako sa kanya. Napa-wow ako sa mataas na gusaling nasa harapan ko, mataas ito at malaki.

Inikutan ako ng mata ni Hannah bago naunang naglakad sa amin na may kasamang dalawang lalaki sa magkabilaang gilid niya.

"Grabe, feeling sikat eh wala pa nga siyang palabas." Narinig kong bulong ni Vanjie sa tabi ko.

Maraming tao ang napapalingon kay Hannah habang naglalakad kami. Maganda kasi ito. Matangkad, makinis, at morena. Parang artista ang dating kaya hindi niya masisisi ang mga tao na tingnan ito. Napansin ko din na maraming napapatingin sa akin kaya niyuko ko ang ulo ko dahil nahihiya ako. Dahil siguro sa suot ko na lumang maid's uniform na binigay pa sa akin ni Ate Mae. May kaluwagan pa ito at medyo kupas na rin.

"Kahit basahan talaga ang ipasuot sa ginto ay lalabas ang kinang nito." Makahulugang sabi ni Vanjie habang nakatingin sa akin.

"Ano ba?! Bilisan niyo nga maglakad!" Bulyaw sa amin ni Hannah na halatang inis. Kaya halos lakad-takbo ang ginawa namin ni Vanjie maabutan lang ito.

"Isukat mo yan." Hinagisan ako sa dibdib ng iba't ibang klase ng damit ni Hannah. "Ito pa sukatin mo."

Namilog ang mata ko. "Susukatin ko po?"

Namewang siya sa harapan ko. "Kailangan ko pa bang ulitin lahat ng sasabihin ko sa'yo? P*****a naman, oh! Kasasabi ko lang na isukat mo, di'ba?" Padarag nitong hinampas sa dibdib ko ang bestida nitong hawak kaya napangiwi ako sa sakit. "Isukat mo yan at ng makauwi na tayo!" Napapailing pa habang umiirap nitong sabi bago lumibot pa sa boutique kung nasaan kami.

Hindi naman ako masisisi kung bakit ganito ang reaksyon ko ngayong araw. Una ay dahil nakalabas ako ng mansion kasama pa ang kaisa-isang apo ni Senyora Lina. Tapos ngayon ay binilhan pa ako ng mga damit. Nakakatuwa at nakakataba ng puso. Kaya habang nagsusukat ako ng mga damit ay halos maiyak pa ako sa sobrang saya. Ngayon lamang ako nakapagsuot ng ganito kagaganda at kamahal. Malayo pa naman ang pasko pero may regalo na agad si Hannah sa akin.

Bumabait pala ang tao kapag malapit ng ikasal. Kumalat na sa mansion ang narinig namin noong araw din na dumating ito isang linggo na ang nakakaraan. Naaawa ako para kay Hannah dahil ikakasal ito sa lalaking hindi nito mahal, pero wala naman itong magawa. Bukas ay pupunta ang lalaking papakasalan ni Hannah sa mansion kaya nga kanina ay naglinis na naman kami.

"A-Ang ganda ko..." Hindi makapaniwalang usal ko sa harap ng salamin. Kailanman ay hindi ko nakita na maganda ako kahit yon ang paulit-ulit sinasabi ng mga tao sa paligid ko. Pero ngayon na nakabihis ako ay tila gusto ko ng maniwala.

Paglabas ko hinanap ko sila Hannah at Vanjie pero hindi ko sila nakita. Naiiyak na ako dahil wala akong pera pambayad sa suot ko ngayon. Hindi ko din alam kung paano magpasikot-sikot sa ganitong lugar. Nang lumapit sa akin ang babaeng nag-assist sa amin kanina ay agad ko itong kinausap.

"Ate, huhubarin ko nalang po ito. Wala po kasi akong pera pambayad, pasensya na po kayo." Mangiyak-ngiyak na sambit ko.

"Ma'am, hindi niyo na kailangan na bayaran ito dahil binayaran na ito ng babaeng kasama mo kanina." Inabot sa akin ng babae ang marami pang paper bag na hawak nito. "At ito din ay kasama sa binayaran niya kaya maaari mo na itong dalhin."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito. Matapos magpasalamat ay lumabas na ako ng boutique kahit hindi ko alam kung saan ako magsisimula para hanapin sila. Pagpihit ko paharap ay natumba ako sa sahig ng mabangga ako sa isang lalaki.

Agad na nagyuko ako ng ulo para humingi ng pasensya. "Pasensya na po, di ko po sinasadya." Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko siyang natigilan habang nakatingin sa akin. Paglingon sa kanyang likuran ay nakita ko si Vanjie.

"Maya!" Tawag niya sa akin at habang tumatakbo palapit sa akin. "Tara na, doon naman daw tayo sa bibilhan ng mga high heels shoes at alahas."

"Wait." Sabi ng lalaki at pinigilan ako sa braso.

"Bakit po?"

Simpatikong ngumiti ang lalaki sa akin. "Get I get your number?"

"Kuya Delvin!" Lumingon ang lalaki sa tumawag dito kaya nahila ko ang braso ko at hinila na si Vanjie palayo.

"Ang gwapo naman no'n, Maya. Mukhang tinamaan sa ganda mo, hehe." Sabi ni Vanjie habang sinusundot ang tagiliran ko.

Naiilang na ngumiti nalang ako habang napapahimas sa aking braso na hindi sanay na mahawakan ng ibang tao, lalo na't lalaki pa ito.

Ang dami naming dala ng bumalik kami ng mansion. Hindi ko alam kung tama pa ba ang hinala ko na sa akin lahat ito. Mamaya ay pinasukat lang pala sa akin.

"Maligo ka, Maya. Then after that pumunta ka sa dining hall dahil kakausapin ka nila Lola at Lolo." Nakahawak sa batok na sabi ni Hannah na halatang napagod dahil sa matagal naming pag-ikot sa gusali na Mall pala ang tawag ayon kay Vanjie.

Pagkatapos maligo ay nagpunta agad ako ng dining hall katulad ng sabi ni Hannah. Naroon na ang lahat at nakaupo na tila ba hinihintay ako. Nakapagtataka... Bakit kaya ako kakausapin ng dalawang matanda?

"Maupo ka, Maya."

Naupo ako kagaya ng utos ni Senyora Lina. Nagtataka ako dahil hindi mabigat ang awra ng Lola at Lolo ni Hannah kahit nasa harapan lang nila ako. Kapag ganito kasi na nasa harap nila ay ako bulyaw ang maririnig ko kay Senyora Lina o kaya naman masakit na pingot sa tenga. Kaya nga katulad ng gusto nila nanay at aling berta ay iniwasan ko sila para hindi ako masaktan.

"Bukas ay may darating kaming bisita at nais namin na ikaw ay ipapakilala namin bilang aming apo. Bukas ay ikaw si Maya Gustin, naiintindihan mo ba?" Wika ni Senyora Lina kaya labis akong nagtaka. "Wala kang ibang sasabihin kundi oo, naiintindihan mo ba, Maya?"

Napalunok ako at nagyuko ng aking ulo. Hindi ko magawang tumango. Naguguluhan ako. Bakit nila ako ipapakilalang apo?

"Naiintindihan mo ba ha, Maya?" Pang-uulit ni Senyora.

"Depende po, Senyoraβ€”β€”β€”" Napaigtad ako sa gulat ng malakas akong sampalin ni Senyora. Sa lakas ng sampal nito ay namanhid ang pisngi ko.

"Wala kang karapatan sumuway sa mga sinasabi ko! Isa itong utos galing sa taong pinagsisilbihan mo at nagpapalamon sa'yo! Ang kapal ng isang hampaslupang katulad mo na sagutin ako ng ganyan!" Nanggagalaiting singhal ni Senyora Lina sa akin habang nanliliit ang mata sa galit. Si Hannah naman ay ngingiti-ngiti habang nakatingin sa akin na parang natuwa pa sa ginawa ng Lola nito sa akin. Ang mag-asawang si Ma'am Lorna at Sir Bryan ay nag iwas lamang ng tingin, wala naman reaksyon ang Lolo habang humihigop ng kape.

"Suotin mo ang mga bagong bili ni Hannah sa'yo bukas. Siguraduhin mo na mag aayos ka ng yong sarili at aalisin mo ang bakas ng pagiging hampaslupa mo. Huwag kang magkakamaling suwayin ako, Maya! Malilintikan ka sa akin makikita mo!" Banta pa nito sa akin.

Tinaas ni Senyor Paulo ang kamay at parang nagbugaw ito ng langaw. "Paalisin mo na yan dito at nawawalan ako ng ganang makita ang mukha ng batang yan."

"Narinig mo ba ang sinabi ni Lolo? Ano pang hinihintay mo, tumayo ka na." Wika ni Hannah at tumayo pa ito para lang mag-spray ng alcohol sa bandang mukha ko kaya napapikit ako dahil nalagyan pa ang mata ko kaya humapdi.

Tumayo ako. Hindi ako makahinga sa sobrang paninikip ng aking dibdib. Ano ba ang kasalanan ko sa mga taong ito? Bakit sila ganito sa akin?

"Karen!" Tawag ni Senyora. "Ilabas niyo ang upuan na yan at itapon!" Turo nito sa upuan na inupuan ko.

"A-Alis na po ako." Paalam ko habang pinipigilan na wag umiyak sa harapan nilang lahat.

"Maya, ano ang sinabi sa'yo nila Senyoraβ€”β€”β€”"

Hindi ko na sinagot si Aling Berta. Tumakbo ako papasok ng aking kwarto saka naupo sa lumang upuan at dito binuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Akala ko noon ay sanay na ako sa pang- aalipusta ng mga ito, pero hindi pa rin pala. Masakit at sobrang nakakababa ng pagkatao. Pakiramdam ko ay isa lamang akong dumi o putik na walang halaga at hindi na lilinis pa.

"Maya..." Narinig ko ang boses ni Aling Berta. Naramdaman ko ang pasandal nito ng ulo ko sa kanyang dibdib. Mas lalo lang akong naiyak sa ginawa nito.

"Iiyak mo lamang yan, Maya. Kung makakagaan ng pakiramdam mo ay sige lang at ilabas mo lahat." Pag alo pa sa akin nito.

Maging si Ate Mae ay nakiyakap na rin. Isa talaga sa palagi kong ipinagpapasalamat ay narito sila para sa akin. Dahil kung wala sila ay hindi ko na siguro magagawa pang ngumiti pa sa sobrang lungkot ng pagkawala ni nanay. Kahit paano ay nababawasan ang pangungulila ko ng dahil sa kanila. Nawala man si nanay ay mayro'n naman taong kagaya nila na minahal ako at hindi sa akin pinaramdam na nag- iisa lamang ako.

Related chapters

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 5.πŸ’œ

    (Tyler pov)"Sir, ipapaalala ko lang na may meeting kayo mamaya kay Mr. Torres." "Cancel all my appointments today, Ms. Peng. Hindi ba't binilin ko na sa'yo yan kahapon?" Kunot ang noo na tanong ko sa aking secretary na may katandaan na. Hindi naman ito makakalimutin kahit may edad kaya nga hindi ko ito pinapalitan."P-Pasensya na, Sir." May pagkataranta na hingi nito ng pasensya sa akin. Kilala ako nito, hindi ko gusto ang pumapalpak sa trabaho."May problema ba?" Agaran kong tanong rito. Secretary pa ito ng aking daddy noon, nang mamatay ang ama ko ay sa akin na rin ito nagsilbi, kumbaga kilala ko na ito dahil matagal na itong nagta-trabaho sa pamilya namin. Tumandang dalaga na lamang ito ay nagsisilbi pa rin ito sa amin."S-Sir, pasensya ka na talaga, nakalimutan ko ang tungkol sa bagay na yan dahil sinugod namin sa hospital ang pamangkin ko kahapon. Pasensya ka na talaga, Sir." Nakayukong wika nito bakas ang sinseridad sa tinig."Bakit ngayon mo lang sinabi?" Napalitan ng pag-aala

    Last Updated : 2023-11-02
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 6. πŸ’œ

    [Tyler pov]Kumunot ang aking noo ng makita ang pagsiko ng matanda sa dalagang katabi, maging ang kaliwang pisngi ng babae ay napansin ko agad ang pamumula."Mr. Montemayor, ito ang aming apo. Siya si Maya Gustin." Bumaling ng nakangiti si Mrs. Gustin sa dalaga. "Siya si Tyler Montemayor, kilalang businessman sa buong mundo. Batiin mo siya, Maya." Utos ng matanda sa dalaga.Hindi nakaligtas sa aking mata ang may paninindak na tingin nito sa babaeng katabi."A-Ako po si Maya G-Gustin." Panay ang takip ng kamay ng dalaga sa tapat ng dibdib. Halatang hindi ito kumportable sa suot.Kaharap ko ngayon si Maya, ang pekeng apo ng mga Gustin. Ayon sa nabasa kong report tungkol sa mga Gustin ay mayro'n lamang itong isang apo na ang pangalan ay Hannah. Nakita ko rin ang litrato nito kanina at hindi ito ang babaeng kaharap ko ngayon.Sumasagot ako sa mga tanong ng mag-asawa subalit ang aking mata ay nakapako sa dalagang kaharap ko. Ayaw ko ng niloloko ako, pero ngayon ay walang kaso sa akin yon. G

    Last Updated : 2023-12-01
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 7.πŸ’œ

    (Maya pov)MABILIS na sumapit ang isang buwan. At katulad ng gusto ni Mr. Montemayor ay pinakasalan niya ako sa pagkasapit ng isang buwan. Hindi ko inaasahan na magiging engrande ang aming kasal. Maraming bisita na hindi ko kilala pero tiyak ako na katulad ng pinakasalan ko ay kilala din ang mga ito sa lipunan, maging ang kaibigan ng napangasawa ko ay nakilala ko rin na sina Grant, Dimitri, Brix, at Kier.Nang iwan ako saglit ni Mr. Montemayor ay lumapit sa akin si Senyora, nakapaskil sa kanyang mukha ang tuwa at ang pang- aalipusta para sa akin."Nagkasilbi ka rin sa pamilya namin. Sa wakas ay tuluyan ka ng naalis sa poder namin at hindi na namin kailangan pang makita ang iyong nakakasuklam na mukha." Lumapit pa sa akin si Senyora at bumulong pa ng nakapagbigay ng takot sa aking sistema. "Salamat dahil sinalo mo ang posisyon na dapat ay para sa aking apo na si Hannah. Hindi naman ako ganoon kasama kaya naman ipagdarasal ko na sana ay hindi ka makaranas ng sobrang pagmamalupit mula sa

    Last Updated : 2023-12-01
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 8.πŸ’œ

    [Maya pov]Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. Nagsayaw na kami kanina pero naiilang pa rin ako ng ipatong niya ang dalawa n'yang kamay sa bewang ko. Hindi pamilyar sa akin ang musika na tugtog, pero nadadala ang katawan ko, siguro ay dahil na rin sa pag alalay niya sa akin."Bakit ba palagi ka nalang nakayuko, Maya? Hindi ba ako gwapo para sa'yo?" May himig na biro na sabi niya. Agaran akong nag- angat ng tingin."N-Naku hindi naman sa gano'n, Mr. Montemayor. I-Ito ang unang araw ng ating kasal kaya nakakaramdam ako ng hiya. S-Saka hindi dapat nakikipag- usap ang katulad ko sa 'yo... dahil isa lang naman akong..."Dahil isa lamang akong kasambahay. Gusto kong sabihin iyon pero pininid ko ang aking labi. Ang bilin ni Senyora ay huwag kong hahayaan na mabuking na isa lamang akong kasambahay, kundi ay malilintikan ako sa kanila.Hinawakan niya ang ilalim ng aking baba at inangat ang aking mukha. Pinakatitigan ako ng kanyang kulay abo na mata. Tama, kulay abo ang kulay ng kanyang ma

    Last Updated : 2023-12-01
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 9. πŸ’œ

    (Maya pov)Isang buwan na ang nakakalipas ng ikasal kami ni Tyler. Aaminin ko na kinikilig ako sa mga pinapakita niya. May parte sa aking puso na nagsasabi na huwag akong mahuhulog ng mas malalim pa dahil baka masaktan lamang ako. Pero ang puso ko ay hindi ko makontrol.Narito kami ngayon sa Paris. Sobrang tuwa ko dahil dinala niya ako dito at talaga namang napakaganda dito. Panay ang kuha niya sa akin ng pictures. Nahihiya pa nga ako dahil pakiramdam ko ay isa akong sikat na celebrity dahil sa ginagawa niya. Napapatingin tuloy ang ilang tao sa amin.Pagbalik namin sa Pilipinas ay nadatnan namin ang dalawang kapatid ni Tyler sa mansion. Nakilala ko sila ng aming kasal. Sina Susy at Delvin. Mabait naman silang dalawa at magaan ang approach nila sa akin noong magkakilala kami. Wala ng magulang si Tyler. Parehong namayapa na ang ama at ina niya kaya naman ng aming kasal ay ang dalawang kapatid lang niya ang nakilala ko, at iilang malayong kamag- anak."Welcome back, kuya Tyler at Maya!" L

    Last Updated : 2023-12-02
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 10.πŸ’œ

    [Suzy pov]"AAAHHHHH!" Galit kong hiyaw.NARITO AKO NGAYON sa kwarto ko at halos magwala sa sobrang selos na nararamdaman ko ngayon. Hindi kayang makita ng mga mata ko na may ibang babaeng nilalambing sa harapan ko ang lalaking mahal na mahal ko. Sa akin lang dapat si Tyler at hindi kay Maya, o sa ibang babae. Noong unang masilayan ko si Tyler ng ipakilala ni mommy sa akin ito bilang bago kong kuya ay pinangako ko sa sarili ko na akin lang siya! Hindi ko ito itinuturing na kapatid kahit kailan dahil higit pa sa pagiging kapatid ang pagmamahal ko sa kanya.Nagpupuyos din ako sa galit sa kaibigan kong si Hannah. Alam ko ang plano ni Hannah na ang ipapakasal nito ay ang kasambahay ng pamilya nila, pero hindi ko naman inakala na si Tyler pala ang lalaking tinutukoy ni Hannah. Nag- away kami, o mas tamang sabihin na inaway ko siya. Pagkatapos ng kasal ni Tyler ay pinuntahan ko siya at kinumpronta. Pero ang sabi ni Hannah sa akin ay wala itong alam na si Tyler ang lalaking dapat na pakakasa

    Last Updated : 2023-12-02
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 11. πŸ’œ

    (Maya pov)ANG init ng aking pakiramdam at tila sinisilaban ng apoy ang aking katawan. Naramdaman ko ang mga boses na tila nagtatalo, maging ang pag- angat ng aking katawan sa ere.Hindi ko alam kung saan ako dinala ng taong bumuhat sa akin... basta naramdaman ko na lamang ang malamig na tubig na rumaragasa at bumubuhos sa aking nag- iinit na katawan."Maya." Boses iyon ni Tyler, hindi ako maaaring magkamali."T-T-Tyler... so-sorry ha..." Pagdilat ko ay nakita ko ang kalituhan sa kanyang mukha. Ang hinihingi ko ng sorry ay ang sunod kong ginawa. Niyakap ko siya ng mahigpit, naghahanap kasi ng init ang aking katawan at si Tyler ang magbibigay nito sa akin. "M-Maya, stop it. Lasing ka lang..." Tila nahihirapan ang boses ni Tyler at nagpipigil.Akala ko ay sapat na ang mainit na yakap ni Tyler... pero hindi pala dahil may hinahanap ang aking katawan na hindi ko maipaliwag, basta ang nais ko lamang ay mawala ang nakakapasong init na lumulukob sa akin. Hinawakan ni Tyler ang aking mukha a

    Last Updated : 2023-12-02
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 12.πŸ’œ

    (Tyler pov)Pinagmamasdan ko si Maya sa tabi ko ng hindi nawawala ang ngiti ko sa aking labi. Hindi ako manyakis na lalaki, pero ngayon ay pinagsasawa ko ang aking mata sa perpektong katawan ng aking asawa.Labis ang tuwa ko dahil ako ang lalaking nakauna sa buhay niya. Tama ang hula ko sa kanya kahit noong unang beses ko pa lamang siyang nakita. Malinis siyang babae hindi katulad ng mga babaeng nagdaan sa buhay ko.Gusto ko man na makipagtalik pa sa kanya ng paulit- ulit ay pinigilan ko ang sarili ko dahil ayokong abusuhin ang kanyang katawan. Malalamog lamang siya sa akin at baka magkasakit pa dahil bukod sa ito ang una ni Maya na karanasan ay malaki din ang pagkalalaΔ·i ko dahil siguro sa foreigner ang aking ina.Kumuyom ang aking kamao sa galit ng maalala ang lagay ni Maya kanina sa bar. Mabuti nalang at tinawagan ako ni Dimitri para sabihin na nakita nito si Suzy kasama si Maya sa bar. Paano nalang kung hindi ako dumating? Sa lagay kanina ni Maya ay sigurado ako na matinding sex dr

    Last Updated : 2023-12-03

Latest chapter

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 154.πŸ’™

    (Karla pov) Kitang-kita ko kung paano bugbugin ni Timothy at nang kakambal nitong si Marshall si Bane. Dumating din si Jelay, umiiyak itong nakayakap sa'kin. "Karla, thanks god you're safe. Sobra kaming nag alala sayo ni nanay." Nag aalalang sabi ni Jelay sa'kin. Maraming dumating na mga pulis, hinuli si Bane at ang mga tauhan nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil naligtas din si Atty. bago pa ito tuluyang mapatay ng mga tauhan ni Bane. Naramdaman ko nalang ang pag angat nang katawan ko sa ere, si Timothy buhat niya ako. Sa bisig niya ay umiyak ako ng umiyak... halo-halo ang nararamdaman ko... Pasasalamat at pangungulila sa kanya. Hindi malubha ang lagay ko pero ang daming bumisita sa'kin. Hiyang-hiya ako sa magulang ni Timothy at hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil sa labis na hiya sa nagawa ko sa anak nila. "Karla, iha... hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo. Biktima ka lang ng sarili mong ama." Wika nang mommy ni Timothy. "Sa katunayan ay natutuwa kami sa

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 153. πŸ’™

    (Karla pov) Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang iwan ko si Timothy. Walang araw na hindi ako tahimik na umiiyak at alam ni nanay ang lahat... Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Wala akong narinig na masakit na salita sa kanya, ito pa ang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ako nagkaro'n nang masamang ama. Tumawag sa akin si Sheya, binalita niya ang lahat sa'kin. Tahimik daw na inasikaso ang kaso. Nahuli na rin si Richard at nakakulong na. Ang magulang ni Richard na nagpalabas na patay na si Richard ay haharap din sa kaso. Malungkot at nasasaktan man ako ay masaya parin ako sa balitang nalaman ko. Kampante na ako dahil hindi na sila mapapahamak sa kamay ng ama at kapatid ko. Natigilan ako nang makita ang isang babae na naghihintay sa akin sa labas ng bago naming tinutuluyan ni nanay. Teka, ito 'yong atty. na nakita kong kasama ni Timothy sa elevator. Ano kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin? Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin. Nag

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 152. πŸ’™

    (Karla pov)Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Gustuhin ko man isuplong at sabihin sa mga Montemayor ang tungkol kay Richard ay pinangunahan ako ng takot. Oo, naduduwag ako. Binantaan kasi ako ng ama ko na isiswalat din niya kasabwat ako, sisiguraduhin daw nito na malalaman ni Timothy na kasama ako sa mga planong ginawa nito. Hindi ko na kaya… kinakain na ako ng konsensya ko. Narinig ko ang usapan ni Timothy at Sheya, natatakot ako dahil mukhang may balak na naman na masama si Richard kay Sheya. Nakakatakot si Richard, imbis na magbago ito at magpasalamat sa ikalawang buhay na binigay ng diyos ay nagagawa pa rin nito na gumawa ng masama.Tumingala ako sa harapan ng mansion nang mag asawang Trevor at Sheya.Hindi na kasi kaya ng konsensya ko. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. Bahala naβ€¦β€œKarla!” Nakangiting yumakap sa akin si Sheya ng makita ako. Niyaya niya akong umupo, pinaghandaan pa ako nito ng pagkain. Napansin ko na nanlalalim ang mata ni Sheya, mukhang hindi ito nak

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 151. πŸ’™

    (Timothy pov) "Oh, Timothy, napadalaw ka." Nakangiting bungad ng ina ni Karla sa akin, agad ako nitong pinapasok sa loob. Mas masigla na ito kumpara no'ng una ko itong makita, siguro dahil na rin sa regular check up nito at patuloy na pag inom ng gamot. "Naku, iho, nag abala ka pa." Tila nahihiyang turan nito ng makita ang marami kong dalang groceries at lutong pagkain. "Hindi ito isang abala, nay." Ako na nagsalansan ng mga pinamili ko dahil ayaw ko itong mapagod. Pagkatapos ay agad kong tinanong ang ina ni Karla. "May problema ka ba, nay? Kayo ni Karla?" Oo, isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong malaman kung ano ang problema nilang mag ina. I know it was wrong because it's a family matter, but for me, when it comes to Karla, it's matter. Mahalaga sa akin ang nobya ko. Kung sakaling malaman ng nobya ko ang ginawa at magalit ito ay maiintindihan ko. I'm really worried. Hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay naglalagay ng pader sa pagitan naming dalawa si

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 150. πŸ’™

    (Timothy pov) Hindi ko mapigilan ang mag alala dahil hindi sinasagot ni Karla ang mga tawag ko. I called may secretary to cancel all my appointments at nagmamadaling umuwi sa condo. Then I saw her, crying while holding her cellphone, mukhang hindi maganda ang pinag uusapan ng mga ito dahil mas lalong humaguhol ng iyak ang nobya ko. Rumehistro ang gulat sa mukha niya ng makita ako. "T-Timothy..." "What's wrong? May nangyari ba kay nanay?" Nag aalala akong yumakap sa kanya. Kilala ko si Karla hindi ito basta iiyak lang kaya alam kong may mabigat siyang dinadala. Pero imbis sagutin ako ay tumalikod ito sa akin at umiling. Bumuntong hininga ako. Kahit nanaig sa akin na alamin ang problema ay iginagalang ko kung ayaw man niyang sabihin sa akin ang problema niya. "N-Nagluto ako, hon. S-Sandali lang at maghahain ako ng pagkain." Nagpaalam si Karla na maghahain, tumango ako bago pumasok sa kwarto para magbihis. Ilang beses pa akong bumuntong hininga. Hindi ko talaga gustong makita na umii

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 149. πŸ’™

    (Karla pov)Masaya kaming nagkukwentuhan ni Jelay habang kumakain sa isang fast food chain. Nagkita kaming dalawa at syempre nagkamustahan. Sinabi ko sa kanya na uuwi na ako sa bahay namin sa susunod na buwan. β€œTeka, saan ka ba nagtatrabaho?” Tanong sa akin ni Jelay. β€œPara madalaw ka namin ni nanay. Boss mo ba si Timothy?” Muntik na akong masamid sa tanong niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila ang totoo. Alam ko kasi na magagalit si nanay kapag nalaman niya na nakatira ako sa isang bahay kasama ang isang lalaki. Sino bang ina ang matutuwa na ang anak niyang dalaga ay mayro’ng kasamang lalaki sa bahay. Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang ama ko. "Hindi mo ba sasagutin? Baka importante 'yan." Umiling ako kay Jelay. "Wrong number lang." Nang maghiwalay kaming dalawa ay saka ko binasa ang text messages na pinadala ng ama ko. Gusto nitong malaman kung may improvement na ba sa plano ko. Bumuga ako ng hangin. Mahal ko

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 148. πŸ’™

    (Karla pov)Iyak ako ng iyak dahil walang balita kay Jelay. Hindi ito matagpuan at kahit ang mga kapulisan ay hindi ito natagpuan. Maging si nanay ay sobra ng nag aalala rito.β€œMa’am, sigurado ka ba na dito nakatira ang kaibigan mo?” Intriga sa akin ng pulis na may pagdududa. β€œOpo, mamang pulis. Tandang-tanda ko na iyan ang nakalagay sa ID ng kaibigan ko noong nagtatrabaho kami.” Dagdag ko pa.Kumunot ang noo ni Timothy, ang pulis ay kunot din ang noo, nagtataka tuloy ako kung bakit parang nagtataka silang dalawa.β€œMa’am, ang lugar kasi na iyan ay isang exclusive subdivision, puro mayayaman ang nakatira sa lugar na β€˜yan at iisang angkan lang… ang angkan ng mga Herendes. Kaya imposible na ri’yan nakatira ang kaibigan mo.” β€œHon, hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Alalahanin mong mabuti, sigurado ka ba na dito siya nakatira?” Agad na tumango ako. β€œOo, hon, sigurado ako. Kung gusto ninyo ay alamin ninyo sa dati naming pinapasukang pabrika, sigurado ako na mayro’ng record si Jelay doon.

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 147. πŸ’™

    (Timothy pov) Kumunot ang noo ko pagdating sa tapat ng pintuan ng condo ko. May nakita akong bulaklak at ilang regalo na para kay Karla. Naka-indicate ang pangalan ng nobya ko rito kaya takang-taka ako. Hindi kasi ako bumili ng bulaklak ngayon kay Karla dahil dumaan ako ngayon sa isang jewelry store para bilhan ito ng kwintas na mayro’ng picture naming dalawa.Tiningnan ko ng masama ang katapat ng pad ko, ang condo unit ni Bane. Lumapit ako rito at malakas na kumatok. Pero imbis si Bane ay isang babae ang nagbukas rito.β€œClare!?” Gulat na gulat na bulalas ko. β€œHi, Timothy!” Agad na bati ng dalaga na nakangiti. β€œPasa sa akin ba ang mga bulaklak na β€˜yan?β€β€œBakit ikaw ang nasa unit ni Bane? Nasaan siya?” Iniinis ako ng gag0ng β€˜yon ah. Alam ko siya nagpadala nito kay Karla.β€œSinong Bane?” Tanong ni Clare. β€œAh, siya ba β€˜yong dating nakatira dito? Well, sa akin na ang unit na β€˜to dahil ibinenta na ito sa akin.” Ngumiti ito ng pilya. β€œSi Bane ba talaga ang hinahanap mo, oh baka naman ako t

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 146. πŸ’™

    (Karla pov) Sobrang saya ko dahil hindi na peke ang relasyon namin ngayon ni Timothy. Araw-araw ay dama ko ang pagmamahal niya sa akin. Wala siyang ginawa kundi ang suyuin ako, sabi nga nito ay 'liligawan niya ako ng pormal kahit kami na. "Salamat, Timothy," Pasalamat ko sa kanya ng abutan niya ako ng bulaklak. "Sabi ko naman sayo ay tama na e. Tingnan mo ang condo mo, malapit ng mapuno ng mga bulaklak." Dalawang buwan na matulin ang lumipas, tapos na ang agreement namin dalawa pero heto at masaya kaming nagpatuloy sa relasyon namin. "Kasalanan mo 'yan, hon. Hindi mo kasi tinatapon ang luma kong binibigay." Iiling-iling na sabi nito sa akin na ikinairap ko sa kanya. "Bakit ko itatapon, eh binigay mo sa akin lahat ng 'to." Sa totoo lang ay sinubukan kong sundin ang sinabi niya sa akin pero hindi ko talaga kaya. Bukod sa nanghihinayang ako ay gustong-gusto ko ang mga bulaklak na nakikita sa umaga. Hindi ako magsasawang titigan ang mga ito dahil galing ang lahat ng ito sa kanya. Kumu

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status