(Tyler pov)
"Sir, ipapaalala ko lang na may meeting kayo mamaya kay Mr. Torres.""Cancel all my appointments today, Ms. Peng. Hindi ba't binilin ko na sa'yo yan kahapon?" Kunot ang noo na tanong ko sa aking secretary na may katandaan na. Hindi naman ito makakalimutin kahit may edad kaya nga hindi ko ito pinapalitan."P-Pasensya na, Sir." May pagkataranta na hingi nito ng pasensya sa akin. Kilala ako nito, hindi ko gusto ang pumapalpak sa trabaho."May problema ba?" Agaran kong tanong rito. Secretary pa ito ng aking daddy noon, nang mamatay ang ama ko ay sa akin na rin ito nagsilbi, kumbaga kilala ko na ito dahil matagal na itong nagta-trabaho sa pamilya namin. Tumandang dalaga na lamang ito ay nagsisilbi pa rin ito sa amin."S-Sir, pasensya ka na talaga, nakalimutan ko ang tungkol sa bagay na yan dahil sinugod namin sa hospital ang pamangkin ko kahapon. Pasensya ka na talaga, Sir." Nakayukong wika nito bakas ang sinseridad sa tinig."Bakit ngayon mo lang sinabi?" Napalitan ng pag-aalala ang boses ko. "Here take this." Ani ko sabay abot ng cheke sa kanya. "Gamitin mo para sa mga gastusin niyo. Umabsent ka muna at si Jared na muna ang gagawa ng mga trabaho mo." Wika ko pa bago ito iniwan na.Pupunta pa ako sa mansion ng mga Gustin. Pagdating sa kotse ay binuksan ko ang brown envelope na galing pa sa kilala kong detective. Nilalaman nito ang tungkol sa apo ng mag asawang Gustin, na si Hannah. Malakas ang kutob ko na kaya ako inalok ng dalawang matanda na ipakasal sa kanilang apo para ma- secure ang future ng kanilang kumpanya. Sinabi ko na lamang na 'oo' pumapayag ako kahit ang totoo n'yan ay nakadepende ang pagpayag ko sa oras na makilala ko na ang apo na tinutukoy ng mga ito.Simula ng mamatay ang nobya kong si Bianca ay hindi na ako nanligaw pa ng iba. Hindi dahil hindi ako naka-move on, kundi dahil wala na akong oras pa sa sobrang busy ko na palaguin ang mga negosyo namin.I'm Tyler Montemayor, one of the wealthiest businessman in the whole world. Napalago ko ng higit pa sa inaasahan ng daddy ko ang lahat ng aming Montemayor's Group of Companies. Well, wala ng nakapagtataka ro'n because my father raised and trained me well enough to run a large Companies since I was fifteen.Kinuha ko ang cellphone at binasa ang text messages na pinadala ni Grant, Dimitri, Brix, at Kier, ang mga kaibigan ko.'Baka kailangan mo ng daddy sa manhikan mo. I can be your daddy' Si Dimitri.'Papa Tyler wag mo akong iwan. Ako na lang ang pakasalan mo' Si Grant na halatang nang-aasar.'Tyler honey, ako nalang ang pakasalan mo' Maging si Kier na minsan lang magbiro ay inaasar pa ako ngayon.'Tyler my love, ako na lang kasi' si Brix.Isang maikling 'siraulΓ²' lang ang reply ko sa mga ito. Inaatake na naman ang mga ito ng katarantaduhΓ n.Hindi na ako nagpalit ng aking business attire, which is white long sleeve na pinatungan ng dark blue suit, black leather shoes, and black slacks."Let's go, manong Samuel." Wika ko sa aking personal driver na agad naman sinunod ang utos ko. Inabot ng tatlong oras ang biyahe namin bago kami nakarating sa mansion ng mga Gustin.Agad na sinalubong ako ng Mrs. Gustin."Magandang gabi, Mr. Montemayor. Kinagagalak namin na ligtas kang nakarating dito sa amin." Wika ng matandang babae sa akin."Halika na't pumasok." Anyaya ni Mr. Gustin."Nasaan na si Maya? Palabasin dito kundi ay malilintikan talaga siya sa akin." Mariing wika ni Mrs. Gustin sa isang kasambahay sa mahinang tinig. Halatang nagpipigil ito ng galit.Nagkunwari ako na walang narinig pero sa utak ko ay may tanong. Who is Maya? Hindi binanggit ng mga ito ang pangalan ng apo pero alam kong hindi 'Maya' ang pangalan ng apo nito dahil sa nabasa kong report. Sa pagkakatanda ko ay 'Hannah' ang pangalan ng mga apo nito. Well, hindi naman malalim na investigation ang pinagawa ko."Maupo ka, Mr. Montemayor. Tatawagin ko lamang ang aking apo." Tumayo ang matandang babae at naiwan kami ng asawa nito."We are grateful to have you as one of our investor, Mr. Montemayor. Hindi ka magsisisi sa yong desisyon dahil maganda naman ang takbo ng aming kumpanya. Sa katunayan ay nag-triple ang sales namin na siyang nakakagulat kaya naman may iba na ring mga businessman tycoon na nais na rin mag- invest sa aming kumpanya."Tumango-tango lamang ako sa mga sinasabi nito kahit alam ko na nagpapabango lamang ito ng pangalan sa aking harapan. Nakaramdam ako ng pagkainip. Hindi ko gusto na pinaghihintay ako. Dapat ay alam ito ng apo ng mga Gustin. Well, hindi sa pagmamayabang, kilala ang pangalan ko sa business industry. I'm one of the wealthiest person not only here in the Philippines, I also have a businesses in another country. Pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang maghintay. Ngayon pa lamang ay buo na ang pasya ko.Hindi ako magpapakasal sa apo ng mga Gustin.Ayaw ko sa lahat ay iyong babae na pa-importante at sinasayang ang oras ko. Kung sa tingin ng babaeng ito na makukuha nito ang pansin ko dahil sa pagpapahitay sa akin, then she's wrong. Marami ang babae na nagkakandarapa na makuha ang pansin ko kaya hindi na ito bago sa akin. Sa edad kong ito ay wala pang babae ang nagtagumpay na makuha ang pansin ko o patibukin ang puso ko. Kahit ang nga ex-girlfriends ko ay hindi nagawang pabilisin ang kabog ng dibdib ko.Natigil ako sa iisip at umawang ang aking labi ng makita ang isang babae na lumabas kasama si Mrs. Gustin.'Anghel ba ito?' Ito ang unang tanong sa isip ko ng makita siya. Isang kulay pulang spaghetti strap dress na abot sa talampakan ang suot nito. Halos lumantad ang dibdib nito dahil mababa ang neckline ng suot nitong dress. Bawat hakbang ay nakikita niya ang paglabas ng mahaba at makinis nitong hita at binti dahil sa mahabang slit ng suot nito.'She is so gorgeous!'Tumitig ako sa kanyang mukha. Ito ang pinaka-magandang babae na nakita ko sa tanang buhay ko. Ang tindig nito ay tila isang modeloβ perpekto ang kurba ng katawan, matangkad, parang bambira sa labis na puti, at makinis ang balat.[Tyler pov]Kumunot ang aking noo ng makita ang pagsiko ng matanda sa dalagang katabi, maging ang kaliwang pisngi ng babae ay napansin ko agad ang pamumula."Mr. Montemayor, ito ang aming apo. Siya si Maya Gustin." Bumaling ng nakangiti si Mrs. Gustin sa dalaga. "Siya si Tyler Montemayor, kilalang businessman sa buong mundo. Batiin mo siya, Maya." Utos ng matanda sa dalaga.Hindi nakaligtas sa aking mata ang may paninindak na tingin nito sa babaeng katabi."A-Ako po si Maya G-Gustin." Panay ang takip ng kamay ng dalaga sa tapat ng dibdib. Halatang hindi ito kumportable sa suot.Kaharap ko ngayon si Maya, ang pekeng apo ng mga Gustin. Ayon sa nabasa kong report tungkol sa mga Gustin ay mayro'n lamang itong isang apo na ang pangalan ay Hannah. Nakita ko rin ang litrato nito kanina at hindi ito ang babaeng kaharap ko ngayon.Sumasagot ako sa mga tanong ng mag-asawa subalit ang aking mata ay nakapako sa dalagang kaharap ko. Ayaw ko ng niloloko ako, pero ngayon ay walang kaso sa akin yon. G
(Maya pov)MABILIS na sumapit ang isang buwan. At katulad ng gusto ni Mr. Montemayor ay pinakasalan niya ako sa pagkasapit ng isang buwan. Hindi ko inaasahan na magiging engrande ang aming kasal. Maraming bisita na hindi ko kilala pero tiyak ako na katulad ng pinakasalan ko ay kilala din ang mga ito sa lipunan, maging ang kaibigan ng napangasawa ko ay nakilala ko rin na sina Grant, Dimitri, Brix, at Kier.Nang iwan ako saglit ni Mr. Montemayor ay lumapit sa akin si Senyora, nakapaskil sa kanyang mukha ang tuwa at ang pang- aalipusta para sa akin."Nagkasilbi ka rin sa pamilya namin. Sa wakas ay tuluyan ka ng naalis sa poder namin at hindi na namin kailangan pang makita ang iyong nakakasuklam na mukha." Lumapit pa sa akin si Senyora at bumulong pa ng nakapagbigay ng takot sa aking sistema. "Salamat dahil sinalo mo ang posisyon na dapat ay para sa aking apo na si Hannah. Hindi naman ako ganoon kasama kaya naman ipagdarasal ko na sana ay hindi ka makaranas ng sobrang pagmamalupit mula sa
[Maya pov]Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. Nagsayaw na kami kanina pero naiilang pa rin ako ng ipatong niya ang dalawa n'yang kamay sa bewang ko. Hindi pamilyar sa akin ang musika na tugtog, pero nadadala ang katawan ko, siguro ay dahil na rin sa pag alalay niya sa akin."Bakit ba palagi ka nalang nakayuko, Maya? Hindi ba ako gwapo para sa'yo?" May himig na biro na sabi niya. Agaran akong nag- angat ng tingin."N-Naku hindi naman sa gano'n, Mr. Montemayor. I-Ito ang unang araw ng ating kasal kaya nakakaramdam ako ng hiya. S-Saka hindi dapat nakikipag- usap ang katulad ko sa 'yo... dahil isa lang naman akong..."Dahil isa lamang akong kasambahay. Gusto kong sabihin iyon pero pininid ko ang aking labi. Ang bilin ni Senyora ay huwag kong hahayaan na mabuking na isa lamang akong kasambahay, kundi ay malilintikan ako sa kanila.Hinawakan niya ang ilalim ng aking baba at inangat ang aking mukha. Pinakatitigan ako ng kanyang kulay abo na mata. Tama, kulay abo ang kulay ng kanyang ma
(Maya pov)Isang buwan na ang nakakalipas ng ikasal kami ni Tyler. Aaminin ko na kinikilig ako sa mga pinapakita niya. May parte sa aking puso na nagsasabi na huwag akong mahuhulog ng mas malalim pa dahil baka masaktan lamang ako. Pero ang puso ko ay hindi ko makontrol.Narito kami ngayon sa Paris. Sobrang tuwa ko dahil dinala niya ako dito at talaga namang napakaganda dito. Panay ang kuha niya sa akin ng pictures. Nahihiya pa nga ako dahil pakiramdam ko ay isa akong sikat na celebrity dahil sa ginagawa niya. Napapatingin tuloy ang ilang tao sa amin.Pagbalik namin sa Pilipinas ay nadatnan namin ang dalawang kapatid ni Tyler sa mansion. Nakilala ko sila ng aming kasal. Sina Susy at Delvin. Mabait naman silang dalawa at magaan ang approach nila sa akin noong magkakilala kami. Wala ng magulang si Tyler. Parehong namayapa na ang ama at ina niya kaya naman ng aming kasal ay ang dalawang kapatid lang niya ang nakilala ko, at iilang malayong kamag- anak."Welcome back, kuya Tyler at Maya!" L
[Suzy pov]"AAAHHHHH!" Galit kong hiyaw.NARITO AKO NGAYON sa kwarto ko at halos magwala sa sobrang selos na nararamdaman ko ngayon. Hindi kayang makita ng mga mata ko na may ibang babaeng nilalambing sa harapan ko ang lalaking mahal na mahal ko. Sa akin lang dapat si Tyler at hindi kay Maya, o sa ibang babae. Noong unang masilayan ko si Tyler ng ipakilala ni mommy sa akin ito bilang bago kong kuya ay pinangako ko sa sarili ko na akin lang siya! Hindi ko ito itinuturing na kapatid kahit kailan dahil higit pa sa pagiging kapatid ang pagmamahal ko sa kanya.Nagpupuyos din ako sa galit sa kaibigan kong si Hannah. Alam ko ang plano ni Hannah na ang ipapakasal nito ay ang kasambahay ng pamilya nila, pero hindi ko naman inakala na si Tyler pala ang lalaking tinutukoy ni Hannah. Nag- away kami, o mas tamang sabihin na inaway ko siya. Pagkatapos ng kasal ni Tyler ay pinuntahan ko siya at kinumpronta. Pero ang sabi ni Hannah sa akin ay wala itong alam na si Tyler ang lalaking dapat na pakakasa
(Maya pov)ANG init ng aking pakiramdam at tila sinisilaban ng apoy ang aking katawan. Naramdaman ko ang mga boses na tila nagtatalo, maging ang pag- angat ng aking katawan sa ere.Hindi ko alam kung saan ako dinala ng taong bumuhat sa akin... basta naramdaman ko na lamang ang malamig na tubig na rumaragasa at bumubuhos sa aking nag- iinit na katawan."Maya." Boses iyon ni Tyler, hindi ako maaaring magkamali."T-T-Tyler... so-sorry ha..." Pagdilat ko ay nakita ko ang kalituhan sa kanyang mukha. Ang hinihingi ko ng sorry ay ang sunod kong ginawa. Niyakap ko siya ng mahigpit, naghahanap kasi ng init ang aking katawan at si Tyler ang magbibigay nito sa akin. "M-Maya, stop it. Lasing ka lang..." Tila nahihirapan ang boses ni Tyler at nagpipigil.Akala ko ay sapat na ang mainit na yakap ni Tyler... pero hindi pala dahil may hinahanap ang aking katawan na hindi ko maipaliwag, basta ang nais ko lamang ay mawala ang nakakapasong init na lumulukob sa akin. Hinawakan ni Tyler ang aking mukha a
(Tyler pov)Pinagmamasdan ko si Maya sa tabi ko ng hindi nawawala ang ngiti ko sa aking labi. Hindi ako manyakis na lalaki, pero ngayon ay pinagsasawa ko ang aking mata sa perpektong katawan ng aking asawa.Labis ang tuwa ko dahil ako ang lalaking nakauna sa buhay niya. Tama ang hula ko sa kanya kahit noong unang beses ko pa lamang siyang nakita. Malinis siyang babae hindi katulad ng mga babaeng nagdaan sa buhay ko.Gusto ko man na makipagtalik pa sa kanya ng paulit- ulit ay pinigilan ko ang sarili ko dahil ayokong abusuhin ang kanyang katawan. Malalamog lamang siya sa akin at baka magkasakit pa dahil bukod sa ito ang una ni Maya na karanasan ay malaki din ang pagkalalaΔ·i ko dahil siguro sa foreigner ang aking ina.Kumuyom ang aking kamao sa galit ng maalala ang lagay ni Maya kanina sa bar. Mabuti nalang at tinawagan ako ni Dimitri para sabihin na nakita nito si Suzy kasama si Maya sa bar. Paano nalang kung hindi ako dumating? Sa lagay kanina ni Maya ay sigurado ako na matinding sex dr
(Maya pov)Sa mga lumipas na buwan ay tuluyan akong nahulog kay Tyler dahil sa mga kabutihan na ipinakita niya sa akin. Walang araw na hindi nito sinasabi kung gaaano niya ako kamahal. Sa bawat araw, oras, minuto, at segundo na kasama ko siya ay naging makulay.Ang swerte ko dahil binigay sa akin ng Diyos ang lalaking katulad niya.Sa susunod na buwan ay papasok na ako para mag aral. Inayos lahat ni Tyler ang lahat ng aking mga kailangan para makapag- aral ako. Kaya naman sobrang saya ng aking nararamdaman at labis din akong nagpapasalamat sa kanya.Kahapon ay umalis si Tyler para magpunta sa Japan para dumalo sa isang business meeting. Gusto niya akong isama subalit tumanggi ako. Ayokong maka- abala sa kanya roon. Saka tuwing hapon kasi ay may tutor na nagtuturo sa akin para makahabol ako sa mga lessons na kailangan kong matutunan. Kaya pinili ko din ang magpaiwan. Gusto ko kasing paghandaan ang aking pagpasok sa eskwela. Oo, inaamin ko na kinakabahan at natatakot ako. Lalo na at maya
(Karla pov) Kitang-kita ko kung paano bugbugin ni Timothy at nang kakambal nitong si Marshall si Bane. Dumating din si Jelay, umiiyak itong nakayakap sa'kin. "Karla, thanks god you're safe. Sobra kaming nag alala sayo ni nanay." Nag aalalang sabi ni Jelay sa'kin. Maraming dumating na mga pulis, hinuli si Bane at ang mga tauhan nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil naligtas din si Atty. bago pa ito tuluyang mapatay ng mga tauhan ni Bane. Naramdaman ko nalang ang pag angat nang katawan ko sa ere, si Timothy buhat niya ako. Sa bisig niya ay umiyak ako ng umiyak... halo-halo ang nararamdaman ko... Pasasalamat at pangungulila sa kanya. Hindi malubha ang lagay ko pero ang daming bumisita sa'kin. Hiyang-hiya ako sa magulang ni Timothy at hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil sa labis na hiya sa nagawa ko sa anak nila. "Karla, iha... hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo. Biktima ka lang ng sarili mong ama." Wika nang mommy ni Timothy. "Sa katunayan ay natutuwa kami sa
(Karla pov) Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang iwan ko si Timothy. Walang araw na hindi ako tahimik na umiiyak at alam ni nanay ang lahat... Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Wala akong narinig na masakit na salita sa kanya, ito pa ang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ako nagkaro'n nang masamang ama. Tumawag sa akin si Sheya, binalita niya ang lahat sa'kin. Tahimik daw na inasikaso ang kaso. Nahuli na rin si Richard at nakakulong na. Ang magulang ni Richard na nagpalabas na patay na si Richard ay haharap din sa kaso. Malungkot at nasasaktan man ako ay masaya parin ako sa balitang nalaman ko. Kampante na ako dahil hindi na sila mapapahamak sa kamay ng ama at kapatid ko. Natigilan ako nang makita ang isang babae na naghihintay sa akin sa labas ng bago naming tinutuluyan ni nanay. Teka, ito 'yong atty. na nakita kong kasama ni Timothy sa elevator. Ano kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin? Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin. Nag
(Karla pov)Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Gustuhin ko man isuplong at sabihin sa mga Montemayor ang tungkol kay Richard ay pinangunahan ako ng takot. Oo, naduduwag ako. Binantaan kasi ako ng ama ko na isiswalat din niya kasabwat ako, sisiguraduhin daw nito na malalaman ni Timothy na kasama ako sa mga planong ginawa nito. Hindi ko na kayaβ¦ kinakain na ako ng konsensya ko. Narinig ko ang usapan ni Timothy at Sheya, natatakot ako dahil mukhang may balak na naman na masama si Richard kay Sheya. Nakakatakot si Richard, imbis na magbago ito at magpasalamat sa ikalawang buhay na binigay ng diyos ay nagagawa pa rin nito na gumawa ng masama.Tumingala ako sa harapan ng mansion nang mag asawang Trevor at Sheya.Hindi na kasi kaya ng konsensya ko. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. Bahala naβ¦βKarla!β Nakangiting yumakap sa akin si Sheya ng makita ako. Niyaya niya akong umupo, pinaghandaan pa ako nito ng pagkain. Napansin ko na nanlalalim ang mata ni Sheya, mukhang hindi ito nak
(Timothy pov) "Oh, Timothy, napadalaw ka." Nakangiting bungad ng ina ni Karla sa akin, agad ako nitong pinapasok sa loob. Mas masigla na ito kumpara no'ng una ko itong makita, siguro dahil na rin sa regular check up nito at patuloy na pag inom ng gamot. "Naku, iho, nag abala ka pa." Tila nahihiyang turan nito ng makita ang marami kong dalang groceries at lutong pagkain. "Hindi ito isang abala, nay." Ako na nagsalansan ng mga pinamili ko dahil ayaw ko itong mapagod. Pagkatapos ay agad kong tinanong ang ina ni Karla. "May problema ka ba, nay? Kayo ni Karla?" Oo, isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong malaman kung ano ang problema nilang mag ina. I know it was wrong because it's a family matter, but for me, when it comes to Karla, it's matter. Mahalaga sa akin ang nobya ko. Kung sakaling malaman ng nobya ko ang ginawa at magalit ito ay maiintindihan ko. I'm really worried. Hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay naglalagay ng pader sa pagitan naming dalawa si
(Timothy pov) Hindi ko mapigilan ang mag alala dahil hindi sinasagot ni Karla ang mga tawag ko. I called may secretary to cancel all my appointments at nagmamadaling umuwi sa condo. Then I saw her, crying while holding her cellphone, mukhang hindi maganda ang pinag uusapan ng mga ito dahil mas lalong humaguhol ng iyak ang nobya ko. Rumehistro ang gulat sa mukha niya ng makita ako. "T-Timothy..." "What's wrong? May nangyari ba kay nanay?" Nag aalala akong yumakap sa kanya. Kilala ko si Karla hindi ito basta iiyak lang kaya alam kong may mabigat siyang dinadala. Pero imbis sagutin ako ay tumalikod ito sa akin at umiling. Bumuntong hininga ako. Kahit nanaig sa akin na alamin ang problema ay iginagalang ko kung ayaw man niyang sabihin sa akin ang problema niya. "N-Nagluto ako, hon. S-Sandali lang at maghahain ako ng pagkain." Nagpaalam si Karla na maghahain, tumango ako bago pumasok sa kwarto para magbihis. Ilang beses pa akong bumuntong hininga. Hindi ko talaga gustong makita na umii
(Karla pov)Masaya kaming nagkukwentuhan ni Jelay habang kumakain sa isang fast food chain. Nagkita kaming dalawa at syempre nagkamustahan. Sinabi ko sa kanya na uuwi na ako sa bahay namin sa susunod na buwan. βTeka, saan ka ba nagtatrabaho?β Tanong sa akin ni Jelay. βPara madalaw ka namin ni nanay. Boss mo ba si Timothy?β Muntik na akong masamid sa tanong niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila ang totoo. Alam ko kasi na magagalit si nanay kapag nalaman niya na nakatira ako sa isang bahay kasama ang isang lalaki. Sino bang ina ang matutuwa na ang anak niyang dalaga ay mayroβng kasamang lalaki sa bahay. Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang ama ko. "Hindi mo ba sasagutin? Baka importante 'yan." Umiling ako kay Jelay. "Wrong number lang." Nang maghiwalay kaming dalawa ay saka ko binasa ang text messages na pinadala ng ama ko. Gusto nitong malaman kung may improvement na ba sa plano ko. Bumuga ako ng hangin. Mahal ko
(Karla pov)Iyak ako ng iyak dahil walang balita kay Jelay. Hindi ito matagpuan at kahit ang mga kapulisan ay hindi ito natagpuan. Maging si nanay ay sobra ng nag aalala rito.βMaβam, sigurado ka ba na dito nakatira ang kaibigan mo?β Intriga sa akin ng pulis na may pagdududa. βOpo, mamang pulis. Tandang-tanda ko na iyan ang nakalagay sa ID ng kaibigan ko noong nagtatrabaho kami.β Dagdag ko pa.Kumunot ang noo ni Timothy, ang pulis ay kunot din ang noo, nagtataka tuloy ako kung bakit parang nagtataka silang dalawa.βMaβam, ang lugar kasi na iyan ay isang exclusive subdivision, puro mayayaman ang nakatira sa lugar na βyan at iisang angkan langβ¦ ang angkan ng mga Herendes. Kaya imposible na riβyan nakatira ang kaibigan mo.β βHon, hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Alalahanin mong mabuti, sigurado ka ba na dito siya nakatira?β Agad na tumango ako. βOo, hon, sigurado ako. Kung gusto ninyo ay alamin ninyo sa dati naming pinapasukang pabrika, sigurado ako na mayroβng record si Jelay doon.
(Timothy pov) Kumunot ang noo ko pagdating sa tapat ng pintuan ng condo ko. May nakita akong bulaklak at ilang regalo na para kay Karla. Naka-indicate ang pangalan ng nobya ko rito kaya takang-taka ako. Hindi kasi ako bumili ng bulaklak ngayon kay Karla dahil dumaan ako ngayon sa isang jewelry store para bilhan ito ng kwintas na mayroβng picture naming dalawa.Tiningnan ko ng masama ang katapat ng pad ko, ang condo unit ni Bane. Lumapit ako rito at malakas na kumatok. Pero imbis si Bane ay isang babae ang nagbukas rito.βClare!?β Gulat na gulat na bulalas ko. βHi, Timothy!β Agad na bati ng dalaga na nakangiti. βPasa sa akin ba ang mga bulaklak na βyan?ββBakit ikaw ang nasa unit ni Bane? Nasaan siya?β Iniinis ako ng gag0ng βyon ah. Alam ko siya nagpadala nito kay Karla.βSinong Bane?β Tanong ni Clare. βAh, siya ba βyong dating nakatira dito? Well, sa akin na ang unit na βto dahil ibinenta na ito sa akin.β Ngumiti ito ng pilya. βSi Bane ba talaga ang hinahanap mo, oh baka naman ako t
(Karla pov) Sobrang saya ko dahil hindi na peke ang relasyon namin ngayon ni Timothy. Araw-araw ay dama ko ang pagmamahal niya sa akin. Wala siyang ginawa kundi ang suyuin ako, sabi nga nito ay 'liligawan niya ako ng pormal kahit kami na. "Salamat, Timothy," Pasalamat ko sa kanya ng abutan niya ako ng bulaklak. "Sabi ko naman sayo ay tama na e. Tingnan mo ang condo mo, malapit ng mapuno ng mga bulaklak." Dalawang buwan na matulin ang lumipas, tapos na ang agreement namin dalawa pero heto at masaya kaming nagpatuloy sa relasyon namin. "Kasalanan mo 'yan, hon. Hindi mo kasi tinatapon ang luma kong binibigay." Iiling-iling na sabi nito sa akin na ikinairap ko sa kanya. "Bakit ko itatapon, eh binigay mo sa akin lahat ng 'to." Sa totoo lang ay sinubukan kong sundin ang sinabi niya sa akin pero hindi ko talaga kaya. Bukod sa nanghihinayang ako ay gustong-gusto ko ang mga bulaklak na nakikita sa umaga. Hindi ako magsasawang titigan ang mga ito dahil galing ang lahat ng ito sa kanya. Kumu