(Hannah pov)
Hindi ako papayag na ipakasal nina Lolo at Lola at maging asawa ng lalaking hindi ko naman kilala at hindi ko mahal. Bukod sa ayaw ko pang mag asawa ay gusto ko pang tuparin ang lahat ng pangarap ko sa buhay, at hindi kasama doon ang pag aasawa. Hindi naman talaga ko umuwi ng Pilipinas dahil sa gusto nila. Umuwi ako dahil may offer sa akin ang GMC Network na isang soap opera na pagbibidahan ko. Hindi ako tumanggi dahil matagal ko ng pangarap na maging artista, napilitan lang naman akong umalis ng bansa no'ng ten years ako dahil sa nangyari noon.Inalis ko sa isip ang gabing iyon. Hindi ko na dapat isipin iyon. Kinuha ko nalang ang cellphone para tawagan si Suzy, ang matalik kong kaibigan na kapatid ng isang sikat na Director ng GMC Network. Si Suzy ang daan kaya mabibigyan agad ako ng big break sa telebisyon. Hihinto muna ako sa pag-aaral para tuparin ang matagal ko ng pangarap. Ito na ang chance ko kaya bakit ko palalagpasin?"Suzy, kailan ko ba makikilala ang Kuya Delvin mo?" Agarang kong tanong na may halong excitement. Matagal ko ng gusto si Delvin kahit hindi ko pa ito nakikilala ng personal, bukod kasi sa sikat itong director at kaya nitong ibigay ang pangarap ko ay nakita ko na ito sa mga magazine at mga television.Siya ang tipo kong lalaki."Ikalma mo ang kepay mo, sis. Makikilala mo din si Kuya Delvin." Tumatawang wika ni Suzy sa kanilang linya. Alam nito ang nararamdaman ko para sa kapatid niya, at suportado naman ako nito."Bilisan mo naman, Suzy. Mag-set ka na kasi ng meeting. I really love to meet your brother. Saka gusto ko ng umalis dito sa amin." Tumayo ako para i-lock ang pinto ng kwarto ko para walang makapasok. Agaran kong nilabas ang pakete ng sigarilyo sa bag ko at nagsindi."Ano? Kailan ka magsi-set ng meeting namin?" Excited kong tanong habang bumubuga ng usok ng sigarilyo."Masyado ka naman atat, Hannah. Kauuwi lang natin, hindi ba pwede na magliwaliw muna tayo at maghanap ng hot guys sa mga club?" Malanding tanong ni Suzy. Ganito ang hobby namin sa America. Titikim ng pinagbabawal na gamot at saka makikipagsex sa kung sino ang matipuhan namin.Kaya kami magkasundo. Pareho kasi kaming may tinatagong kati at landi sa katawan."I'm in a hurry, Suzy. Balak akong ipakasal nila Lola at Lolo sa kung sinong lalaki na hindi ko naman kilala. Nakakainis, nangingialam na naman sila sa buhay ko. BwisΓ¬t talaga." May pagkairita kong sumbong.Humithit muna ako ng yosi bago muling nagsalita. "Hindi ko gustong magpakasal sa iba dahil ang kuya mo ang gusto ko, at alam mo naman iyon." Dagdag ko pa habang patuloy sa paninigarilyo."Hahaha, pareho tayo ng sitwasyon, Hannah." Tumatawang sabi ni Suzy."Ikakasal ka rin?" Tanong ko ng nakakunot ang noo."Of course not!" Mariing tanggi nito. "Pero balak ni Kuya Tyler na magpakasal sa anak ng isa sa mga ka-business partners niya. Malaki daw ang investment niya sa kumpanya ng mga 'yon, eh! Pero alam ko na dahilan lang n'ya 'yon. Wala kasi siyang panahon humanap ng babae na mamahalin. Paano ay busy siya sa mga negosyo niya. Bakit kasi naghahanap pa siya ng iba, eh narito naman ako.""Hahahaha, now I understand!" Natatawang ani ko sabay apak ng sigarilyo gamit ang paa ko na nakasuot pa ng sapatos."Anong nakakatawa?" Bakas ang pagkairita sa boses ni Suzy. Halatang irita ito."Sa akin lang si Tyler, no! Hindi siya pwedeng mapunta sa iba! He's mine!" Naghihisterikal na si Suzy sa kabilang linya, nakakabingi na ang boses nito kaya nilayo ko ang cellphone sa tenga ko."Kumalma ka nga." Saway ko sa kanya. "Kung ayaw mo siyang maagaw, eh di gumawa ka ng paraan." Sulsol ko pa.Stepbrother ni Susy si Tyler. Nang mag asawa ang mommy nina Delvin at Suzy ng isang mayamang lalaki ay mayro'n itong anak, at si Tyler nga iyon. Matagal ng mahal ni Suzy si Tyler, subalit kapatid lang ang tingin ni Tyler kay Suzy."Gagawa talaga ko ng way para mapasa-akin lang si Tyler, no! Ano nga pala ang plano mo? Don't tell me susuwayin mo ang Lolo at Lola mo?" Kapagkuwa'y tanong nito.Gumuhit ang malademonyong ngisi sa aking labi. Ang totoo ay mayro'n na akong naisip na paraan. Mahal na mahal ako ni Lolo at Lola kaya malaki ang chance na mapapa-Oo ko sila sa sasabihin ko.Hinaplos ko ang pisngi ko na medyo masakit pa rin dahil sa sampal ni Lolo. "I have an idea, Suzy. Sa tingin mo ba ay papayag nalang ako basta-basta na ipakasal nila ng gano'n-gano'n lang? No way! Kung may papakasalan man ako, si Delvin lang 'yon at wala ng iba pa! Hahahaha!" Ani ko pa sabay tawa ng malakas.Pareho kaming tumawa ni Suzy ng sabay na parang baliw.Napahinto lamang ako sa pagtawa ng makarinig ng katok sa kwarto ko. "Tatawagan kita mamaya, Suzy. Sige na, bye!" Paalam ko sa kanya.Dinampot ko ang sigarilyo sa sahig at itinapon sa basurahan. Nag-spray ako ng mamahaling pabango sa sahig kung saan ko inapakan ang sigarilyo at kumuha ng damit sa closet ko para ipunas sa bakas ng abo roon. Kinalat ko din ang pabango sa loob ng kwarto ko para mawala ang bakas ng amoy ng sigarilyo.Bahagya ko pang ginulo ang buhok ko at pinapula ang mata na kunwari ay galing sa pag-iyak.Pangarap ko maging artista, di'ba. Kaya sisiw lang ang pagda-drama sa akin.Pagbukas ko ng pinto ay si Lola ang nabungaran ko. Umiiyak agad ako na yumakap sa kanya."Lola!"Hinaplos ni Lola ang likuran ko katulad ng palagi n'yang ginagawa sa akin noong bata pa ako. Nang humiwalay ako rito ay agad n'yang hinaplos ang pisngi ko kung saan ako sinampal ni Lolo."Hannah, apo, pasensyahan mo na ang Lolo mo, galit lang iyon kaya ka nagawang sampalin. Hayaan mo at lalamig din ang ulo noon." Pumasok si Lola sa kwarto ko at pareho kaming naupo sa gilid ng kama."Apo, sana maintindihan mo ang desisyon naming ito ng iyong Lolo. Hindi pwede na hindi matuloy ang inyong kasal dahil malaki ang investment ng taong 'iyon sa ating kumpanya. Natatakot kami ng Lolo mo na baka i-pull out niya ang lahat ng investment niya sa oras na hindi matuloy ang napag-usapan naming arranged marriage sa kanya." Mahabang paliwanag ni Lola na muntik ko ng ikutan ng mata.Ano naman ang pake ko sa bagay na iyon? Wala naman akong pake sa kumpanya na sinasabi niya dahil pag-aartista lamang ang pangarap ko sa buhay. Gusto ko maging sikat na artista at pakasalan si Delvin. Iyon lamang at wala ng iba.Mas lalo kong ginalingan ang pag iyak para lalo akong magmukhang kaawa-awa. "L-Lola, ayoko talagang ma-ikasal... natatakot po ako... Pa... Paano kung masamang lalaki pala ang taong iyon? Maatim ba ng iyong konsensya na ipakasal ang apo mo sa taong maaring sumira ng... ng buhay ko..." Muntik na akong mapangiti ng makita ang pagputla ng mukha ni Lola, tanda na labis nitong inalala ang sinabi ko.Alam ko na kahit gawin ko ang mala-best-actress na acting ko ay si Lolo pa rin ang masusunod kaya nga ito nalang ang naisip kong plano.Hinawakan ko ang kamay ni Lola habang puno ng luha ang aking mga mata. "May naisip akong paraan, Lola. Hindi ko kailangan na ma-ikasal sa investor na 'yon ng hindi mawawala ang investment nito.""Ano ang paraan na naisip mo?" Nakaguhit ang pagtataka sa mukha na tanong ni Lola sa akin."Si... Si Maya ang sagot, Lola. Siya na lamang ang ipakasal niyo sa kanya... Gamit ang apelidong Gustin ay wala tayong magiging problema. Hindi na masisira ang buhay ng mahal mong apo, hindi pa mawawala ang investment na ayaw ninyong mawala... hindi ba't magandang plano iyon?" Muntik ng gumuhit ang ngiti sa labi ko ng natigilan si Lola sa sinabi ko, at pagkaraan lamang ng ilang sandali ay tumango-tango ito ng maunawaan ang sinabi ko.Katulad ko ay nakaguhit na ang matagumpay na ngiti sa labi nito ngayon."Napakatalino mo talaga, apo. Manang-mana ka sa amin ng Lolo mo. Mabuti na lamang at hindi mo namana ang katangΓ han ng iyong namayapang ina at ama!" Litanya ni Lola. Nawala ang aking ngiti ng marinig ang kanyang huling sinabi. Bakit kailangan pa na banggitin ang bagay na 'yon?"Kakausapin ko ang Lolo mo tungkol sa sinabi mo. Tiyak na maging siya ay papayag. Magpahinga ka na muna, Hannah. Alisin mo na sa isip mo ang mga sinabi namin sa'yo dahil wala ka ng dapat isipin pa dahil mayro'n na tayong solusyon." Tumayo na si Lola at saka lumabas ng aking kwarto.'Mabuti na lamang at hindi mo namana ang katangΓ han ng iyong namayapang ina at ama'Kumuyom ang aking kamao. Bakit kailangan pang banggitin ni Lola ang tungkol sa bagay na iyon?Tumayo ako para i-lock ang pinto ng aking kwarto, pero nakatayo doon si Tita Lorna habang nakatingin sa akin ng masama."At nagawa mo pa talagang bumalik dito?" Nakatingin ito ng matalim sa akin na tila ba labis ang pagkasuklam niya sa pagbabalik ko. Hindi ko siya sinagot at inikutan lamang ng mata. Akmang isasara ko na ang pinto ng kwarto ko, pero hinarang niya ang kamay niya para pigilin ito."Ano ba ang problema mo, tita?" Iritang tanong ko. Gumanti ako ng masamang tingin sa kanya. Hindi kami dating ganito. Pero simula ng gabing iyon ay iba na ang trato nito sa akin.Pagak na natawa si tita Lorna habang nakatingin sa akin ng puno ng pagkasuklam. "Ano ang problema ko? At nagawa mo pang itanong sa akin iyan?"Napa-atras ako hanggang sa mapaupo sa aking kama ng paulit-ulit ako nitong itinulak. "Tita, ano baβ" Sinampal niya ako ng malakas. Ramdam ko na namanhid ang mukha mo."Ang kapal ng mukha mo para bumalik pa rito! Wala kang konsensya!" Galit na wika nito matapos akong sampalin. Hawak ko ang aking pisngi, hindi ko nagawang sumagot sa kanya."Narinig ko kayo ni Mommy. At talagang naisipan mo pa na idamay si Maya para lang mailigtas mo ang sarili moβββ""At bakit hindi?" Putol ko sa kanya. Tumayo na rin ako at nakipagtagisan ng tingin kay Tita Lorna. "Damay siya dito dahil pamilya din naman siya, diba!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at naisatinig ang nasa utak ko. Wala akong balak sabihin iyon kung hindi ito pakialamera.Tumingin si Tita Lorna sa akin ng puno ng pagkadismaya at galit. "Pamilya' na kailanman ay hindi ninyo pinaramdam sa kanya."Natigilan ako ng makita ko si Tita na lumuha. Bakas ang sakit sa mata niya na para bang kaytagal nitong inipon at ngayon lamang sumambulat."Alam mo na nga na pamilya siya pero nagawa mo pang gawin ito sa kanya..." Puno ng pait na wika ni Tita Lorna bago ako iniwan.Malakas na isinarado ko ang pinto ng aking kwarto at sumandal doon. Hindi ko akalain na labis na pala ang galit ni Tita Lorna sa akin. Wala ng bakas ng pagmamahal sa kanyang mata sa tuwing titingin sa akin, hindi katulad noon. Dati ay anak pa ang turing nito sa akin...Nagbago na ito simula ng gabing iyon.Nanlaki ang mata ko ng makita ang kwintas na nakapatong sa mini-drawer ko sa aking kwarto. "P*****a! Bakit narito ito?" Lumapit ako sa mini-drawer ko at kinuha sa ibabaw no'n ang isang kwintas.Tinakpan ko ang tenga ko ng magsimula na naman akong makarinig ng mga boses na bumubulong sa akin."Tu...Tumahimik ka! Umalis ka sa isip ko!"Nanginginig ang katawan ko sa sobrang takot. Paulit-ulit kong naririnig ito sa utak ko at hindi tumitigil, pakiramdam ko ay narito lamang siya sa aking kwarto at bumubulong sa akin."Huwag mo na akong guluhin pa! Manahimik ka na!" Malakas kong sigaw habang ang aking mukha ay puno na ng luha.Gumapang ako para kunin ang pinagbabawal na gamot sa aking bag. Ito lang ang makakapag- pakalma sa akin sa mga oras na ito, ang makapag- aalis ng mga boses na naririnig ko.Tumirik ang aking mata matapos singhutin ang usok ng pinagbabawal na gamot. Ngumiti ako ng nakakaloko at mahinang natawa na rin."Sinungaling..." Paulit-ulit kong sambit na tila wala sa sarili.Mahina akong napaiyak pagkalipas ng ilang minuto at bigla din tatawa bigla na animo'y isang baliw. Nakikita ko siya sa aking harapan habang nakaluhod at umiiyak habang hinahaplos ang aking pisngi.'Sasama ka sa amin di'ba?' Nakangiti at lumuluhang tanong nito sa akin.Umiling ako habang umiiyak at tumatawa.Dala ng tama ng drΓ²ga, para akong lumulutang sa alapaap, wala akong nararamdaman na takot o konsensya...Sampong taon na pero hanggang ngayon ay binabangungot pa rin ako ng pangyayaring pilit kong kinakalimutan sa nakalipas na sampong taon...(Maya pov)"Maya, ipinapatawag ka ni Senyorita Hannah." Sabi ni Karen na isa ring katulad ko na kasambahay dito sa mansion, kasing edad ko din si Karen, ang kanyang ina ay matagal na din naninibilhan dito.Lumapit sina Aling Berta at Ate Mae sa akin ng may pang-uusig na tingin. "May ginawa ka na naman bang mali, ha, Maya?" Agad na umiling ako kay Aling Berta. "Wala po." Maski ako ay nagtataka rin kung bakit ako ipinatawag."Bakit ka pinapatawag ni Senyorita? Aba'y ayaw na ayaw nga no'n na nakikita ka kahit no'ng mga bata pa kayo." Kahit si Ate Mae ay nagtataka din sa biglaang pagtawag sa akin."Mabuti pa po ay aakyat na ako sa kwarto niya. Baka mapagalitan pa ako kapag di agad ako umakyat." "Mabuti pa nga, Maya. Sige na, umakyat ka na sa itaas. Ayaw na ayaw ng bata na yon na pinaghihintay siya, na ugaling namana niya sa kanyang Lola." Dahil sa sinabi ni Aling berta ay binilisan ko ang pag-akyat sa ikalawang palapag ng mansion. Napahinto ako dahil nakasalubong ko si Ma'am Lorna kasam
(Tyler pov)"Sir, ipapaalala ko lang na may meeting kayo mamaya kay Mr. Torres." "Cancel all my appointments today, Ms. Peng. Hindi ba't binilin ko na sa'yo yan kahapon?" Kunot ang noo na tanong ko sa aking secretary na may katandaan na. Hindi naman ito makakalimutin kahit may edad kaya nga hindi ko ito pinapalitan."P-Pasensya na, Sir." May pagkataranta na hingi nito ng pasensya sa akin. Kilala ako nito, hindi ko gusto ang pumapalpak sa trabaho."May problema ba?" Agaran kong tanong rito. Secretary pa ito ng aking daddy noon, nang mamatay ang ama ko ay sa akin na rin ito nagsilbi, kumbaga kilala ko na ito dahil matagal na itong nagta-trabaho sa pamilya namin. Tumandang dalaga na lamang ito ay nagsisilbi pa rin ito sa amin."S-Sir, pasensya ka na talaga, nakalimutan ko ang tungkol sa bagay na yan dahil sinugod namin sa hospital ang pamangkin ko kahapon. Pasensya ka na talaga, Sir." Nakayukong wika nito bakas ang sinseridad sa tinig."Bakit ngayon mo lang sinabi?" Napalitan ng pag-aala
[Tyler pov]Kumunot ang aking noo ng makita ang pagsiko ng matanda sa dalagang katabi, maging ang kaliwang pisngi ng babae ay napansin ko agad ang pamumula."Mr. Montemayor, ito ang aming apo. Siya si Maya Gustin." Bumaling ng nakangiti si Mrs. Gustin sa dalaga. "Siya si Tyler Montemayor, kilalang businessman sa buong mundo. Batiin mo siya, Maya." Utos ng matanda sa dalaga.Hindi nakaligtas sa aking mata ang may paninindak na tingin nito sa babaeng katabi."A-Ako po si Maya G-Gustin." Panay ang takip ng kamay ng dalaga sa tapat ng dibdib. Halatang hindi ito kumportable sa suot.Kaharap ko ngayon si Maya, ang pekeng apo ng mga Gustin. Ayon sa nabasa kong report tungkol sa mga Gustin ay mayro'n lamang itong isang apo na ang pangalan ay Hannah. Nakita ko rin ang litrato nito kanina at hindi ito ang babaeng kaharap ko ngayon.Sumasagot ako sa mga tanong ng mag-asawa subalit ang aking mata ay nakapako sa dalagang kaharap ko. Ayaw ko ng niloloko ako, pero ngayon ay walang kaso sa akin yon. G
(Maya pov)MABILIS na sumapit ang isang buwan. At katulad ng gusto ni Mr. Montemayor ay pinakasalan niya ako sa pagkasapit ng isang buwan. Hindi ko inaasahan na magiging engrande ang aming kasal. Maraming bisita na hindi ko kilala pero tiyak ako na katulad ng pinakasalan ko ay kilala din ang mga ito sa lipunan, maging ang kaibigan ng napangasawa ko ay nakilala ko rin na sina Grant, Dimitri, Brix, at Kier.Nang iwan ako saglit ni Mr. Montemayor ay lumapit sa akin si Senyora, nakapaskil sa kanyang mukha ang tuwa at ang pang- aalipusta para sa akin."Nagkasilbi ka rin sa pamilya namin. Sa wakas ay tuluyan ka ng naalis sa poder namin at hindi na namin kailangan pang makita ang iyong nakakasuklam na mukha." Lumapit pa sa akin si Senyora at bumulong pa ng nakapagbigay ng takot sa aking sistema. "Salamat dahil sinalo mo ang posisyon na dapat ay para sa aking apo na si Hannah. Hindi naman ako ganoon kasama kaya naman ipagdarasal ko na sana ay hindi ka makaranas ng sobrang pagmamalupit mula sa
[Maya pov]Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. Nagsayaw na kami kanina pero naiilang pa rin ako ng ipatong niya ang dalawa n'yang kamay sa bewang ko. Hindi pamilyar sa akin ang musika na tugtog, pero nadadala ang katawan ko, siguro ay dahil na rin sa pag alalay niya sa akin."Bakit ba palagi ka nalang nakayuko, Maya? Hindi ba ako gwapo para sa'yo?" May himig na biro na sabi niya. Agaran akong nag- angat ng tingin."N-Naku hindi naman sa gano'n, Mr. Montemayor. I-Ito ang unang araw ng ating kasal kaya nakakaramdam ako ng hiya. S-Saka hindi dapat nakikipag- usap ang katulad ko sa 'yo... dahil isa lang naman akong..."Dahil isa lamang akong kasambahay. Gusto kong sabihin iyon pero pininid ko ang aking labi. Ang bilin ni Senyora ay huwag kong hahayaan na mabuking na isa lamang akong kasambahay, kundi ay malilintikan ako sa kanila.Hinawakan niya ang ilalim ng aking baba at inangat ang aking mukha. Pinakatitigan ako ng kanyang kulay abo na mata. Tama, kulay abo ang kulay ng kanyang ma
(Maya pov)Isang buwan na ang nakakalipas ng ikasal kami ni Tyler. Aaminin ko na kinikilig ako sa mga pinapakita niya. May parte sa aking puso na nagsasabi na huwag akong mahuhulog ng mas malalim pa dahil baka masaktan lamang ako. Pero ang puso ko ay hindi ko makontrol.Narito kami ngayon sa Paris. Sobrang tuwa ko dahil dinala niya ako dito at talaga namang napakaganda dito. Panay ang kuha niya sa akin ng pictures. Nahihiya pa nga ako dahil pakiramdam ko ay isa akong sikat na celebrity dahil sa ginagawa niya. Napapatingin tuloy ang ilang tao sa amin.Pagbalik namin sa Pilipinas ay nadatnan namin ang dalawang kapatid ni Tyler sa mansion. Nakilala ko sila ng aming kasal. Sina Susy at Delvin. Mabait naman silang dalawa at magaan ang approach nila sa akin noong magkakilala kami. Wala ng magulang si Tyler. Parehong namayapa na ang ama at ina niya kaya naman ng aming kasal ay ang dalawang kapatid lang niya ang nakilala ko, at iilang malayong kamag- anak."Welcome back, kuya Tyler at Maya!" L
[Suzy pov]"AAAHHHHH!" Galit kong hiyaw.NARITO AKO NGAYON sa kwarto ko at halos magwala sa sobrang selos na nararamdaman ko ngayon. Hindi kayang makita ng mga mata ko na may ibang babaeng nilalambing sa harapan ko ang lalaking mahal na mahal ko. Sa akin lang dapat si Tyler at hindi kay Maya, o sa ibang babae. Noong unang masilayan ko si Tyler ng ipakilala ni mommy sa akin ito bilang bago kong kuya ay pinangako ko sa sarili ko na akin lang siya! Hindi ko ito itinuturing na kapatid kahit kailan dahil higit pa sa pagiging kapatid ang pagmamahal ko sa kanya.Nagpupuyos din ako sa galit sa kaibigan kong si Hannah. Alam ko ang plano ni Hannah na ang ipapakasal nito ay ang kasambahay ng pamilya nila, pero hindi ko naman inakala na si Tyler pala ang lalaking tinutukoy ni Hannah. Nag- away kami, o mas tamang sabihin na inaway ko siya. Pagkatapos ng kasal ni Tyler ay pinuntahan ko siya at kinumpronta. Pero ang sabi ni Hannah sa akin ay wala itong alam na si Tyler ang lalaking dapat na pakakasa
(Maya pov)ANG init ng aking pakiramdam at tila sinisilaban ng apoy ang aking katawan. Naramdaman ko ang mga boses na tila nagtatalo, maging ang pag- angat ng aking katawan sa ere.Hindi ko alam kung saan ako dinala ng taong bumuhat sa akin... basta naramdaman ko na lamang ang malamig na tubig na rumaragasa at bumubuhos sa aking nag- iinit na katawan."Maya." Boses iyon ni Tyler, hindi ako maaaring magkamali."T-T-Tyler... so-sorry ha..." Pagdilat ko ay nakita ko ang kalituhan sa kanyang mukha. Ang hinihingi ko ng sorry ay ang sunod kong ginawa. Niyakap ko siya ng mahigpit, naghahanap kasi ng init ang aking katawan at si Tyler ang magbibigay nito sa akin. "M-Maya, stop it. Lasing ka lang..." Tila nahihirapan ang boses ni Tyler at nagpipigil.Akala ko ay sapat na ang mainit na yakap ni Tyler... pero hindi pala dahil may hinahanap ang aking katawan na hindi ko maipaliwag, basta ang nais ko lamang ay mawala ang nakakapasong init na lumulukob sa akin. Hinawakan ni Tyler ang aking mukha a
(Karla pov) Kitang-kita ko kung paano bugbugin ni Timothy at nang kakambal nitong si Marshall si Bane. Dumating din si Jelay, umiiyak itong nakayakap sa'kin. "Karla, thanks god you're safe. Sobra kaming nag alala sayo ni nanay." Nag aalalang sabi ni Jelay sa'kin. Maraming dumating na mga pulis, hinuli si Bane at ang mga tauhan nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil naligtas din si Atty. bago pa ito tuluyang mapatay ng mga tauhan ni Bane. Naramdaman ko nalang ang pag angat nang katawan ko sa ere, si Timothy buhat niya ako. Sa bisig niya ay umiyak ako ng umiyak... halo-halo ang nararamdaman ko... Pasasalamat at pangungulila sa kanya. Hindi malubha ang lagay ko pero ang daming bumisita sa'kin. Hiyang-hiya ako sa magulang ni Timothy at hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil sa labis na hiya sa nagawa ko sa anak nila. "Karla, iha... hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo. Biktima ka lang ng sarili mong ama." Wika nang mommy ni Timothy. "Sa katunayan ay natutuwa kami sa
(Karla pov) Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang iwan ko si Timothy. Walang araw na hindi ako tahimik na umiiyak at alam ni nanay ang lahat... Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Wala akong narinig na masakit na salita sa kanya, ito pa ang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ako nagkaro'n nang masamang ama. Tumawag sa akin si Sheya, binalita niya ang lahat sa'kin. Tahimik daw na inasikaso ang kaso. Nahuli na rin si Richard at nakakulong na. Ang magulang ni Richard na nagpalabas na patay na si Richard ay haharap din sa kaso. Malungkot at nasasaktan man ako ay masaya parin ako sa balitang nalaman ko. Kampante na ako dahil hindi na sila mapapahamak sa kamay ng ama at kapatid ko. Natigilan ako nang makita ang isang babae na naghihintay sa akin sa labas ng bago naming tinutuluyan ni nanay. Teka, ito 'yong atty. na nakita kong kasama ni Timothy sa elevator. Ano kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin? Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin. Nag
(Karla pov)Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Gustuhin ko man isuplong at sabihin sa mga Montemayor ang tungkol kay Richard ay pinangunahan ako ng takot. Oo, naduduwag ako. Binantaan kasi ako ng ama ko na isiswalat din niya kasabwat ako, sisiguraduhin daw nito na malalaman ni Timothy na kasama ako sa mga planong ginawa nito. Hindi ko na kayaβ¦ kinakain na ako ng konsensya ko. Narinig ko ang usapan ni Timothy at Sheya, natatakot ako dahil mukhang may balak na naman na masama si Richard kay Sheya. Nakakatakot si Richard, imbis na magbago ito at magpasalamat sa ikalawang buhay na binigay ng diyos ay nagagawa pa rin nito na gumawa ng masama.Tumingala ako sa harapan ng mansion nang mag asawang Trevor at Sheya.Hindi na kasi kaya ng konsensya ko. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. Bahala naβ¦βKarla!β Nakangiting yumakap sa akin si Sheya ng makita ako. Niyaya niya akong umupo, pinaghandaan pa ako nito ng pagkain. Napansin ko na nanlalalim ang mata ni Sheya, mukhang hindi ito nak
(Timothy pov) "Oh, Timothy, napadalaw ka." Nakangiting bungad ng ina ni Karla sa akin, agad ako nitong pinapasok sa loob. Mas masigla na ito kumpara no'ng una ko itong makita, siguro dahil na rin sa regular check up nito at patuloy na pag inom ng gamot. "Naku, iho, nag abala ka pa." Tila nahihiyang turan nito ng makita ang marami kong dalang groceries at lutong pagkain. "Hindi ito isang abala, nay." Ako na nagsalansan ng mga pinamili ko dahil ayaw ko itong mapagod. Pagkatapos ay agad kong tinanong ang ina ni Karla. "May problema ka ba, nay? Kayo ni Karla?" Oo, isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong malaman kung ano ang problema nilang mag ina. I know it was wrong because it's a family matter, but for me, when it comes to Karla, it's matter. Mahalaga sa akin ang nobya ko. Kung sakaling malaman ng nobya ko ang ginawa at magalit ito ay maiintindihan ko. I'm really worried. Hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay naglalagay ng pader sa pagitan naming dalawa si
(Timothy pov) Hindi ko mapigilan ang mag alala dahil hindi sinasagot ni Karla ang mga tawag ko. I called may secretary to cancel all my appointments at nagmamadaling umuwi sa condo. Then I saw her, crying while holding her cellphone, mukhang hindi maganda ang pinag uusapan ng mga ito dahil mas lalong humaguhol ng iyak ang nobya ko. Rumehistro ang gulat sa mukha niya ng makita ako. "T-Timothy..." "What's wrong? May nangyari ba kay nanay?" Nag aalala akong yumakap sa kanya. Kilala ko si Karla hindi ito basta iiyak lang kaya alam kong may mabigat siyang dinadala. Pero imbis sagutin ako ay tumalikod ito sa akin at umiling. Bumuntong hininga ako. Kahit nanaig sa akin na alamin ang problema ay iginagalang ko kung ayaw man niyang sabihin sa akin ang problema niya. "N-Nagluto ako, hon. S-Sandali lang at maghahain ako ng pagkain." Nagpaalam si Karla na maghahain, tumango ako bago pumasok sa kwarto para magbihis. Ilang beses pa akong bumuntong hininga. Hindi ko talaga gustong makita na umii
(Karla pov)Masaya kaming nagkukwentuhan ni Jelay habang kumakain sa isang fast food chain. Nagkita kaming dalawa at syempre nagkamustahan. Sinabi ko sa kanya na uuwi na ako sa bahay namin sa susunod na buwan. βTeka, saan ka ba nagtatrabaho?β Tanong sa akin ni Jelay. βPara madalaw ka namin ni nanay. Boss mo ba si Timothy?β Muntik na akong masamid sa tanong niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila ang totoo. Alam ko kasi na magagalit si nanay kapag nalaman niya na nakatira ako sa isang bahay kasama ang isang lalaki. Sino bang ina ang matutuwa na ang anak niyang dalaga ay mayroβng kasamang lalaki sa bahay. Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang ama ko. "Hindi mo ba sasagutin? Baka importante 'yan." Umiling ako kay Jelay. "Wrong number lang." Nang maghiwalay kaming dalawa ay saka ko binasa ang text messages na pinadala ng ama ko. Gusto nitong malaman kung may improvement na ba sa plano ko. Bumuga ako ng hangin. Mahal ko
(Karla pov)Iyak ako ng iyak dahil walang balita kay Jelay. Hindi ito matagpuan at kahit ang mga kapulisan ay hindi ito natagpuan. Maging si nanay ay sobra ng nag aalala rito.βMaβam, sigurado ka ba na dito nakatira ang kaibigan mo?β Intriga sa akin ng pulis na may pagdududa. βOpo, mamang pulis. Tandang-tanda ko na iyan ang nakalagay sa ID ng kaibigan ko noong nagtatrabaho kami.β Dagdag ko pa.Kumunot ang noo ni Timothy, ang pulis ay kunot din ang noo, nagtataka tuloy ako kung bakit parang nagtataka silang dalawa.βMaβam, ang lugar kasi na iyan ay isang exclusive subdivision, puro mayayaman ang nakatira sa lugar na βyan at iisang angkan langβ¦ ang angkan ng mga Herendes. Kaya imposible na riβyan nakatira ang kaibigan mo.β βHon, hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Alalahanin mong mabuti, sigurado ka ba na dito siya nakatira?β Agad na tumango ako. βOo, hon, sigurado ako. Kung gusto ninyo ay alamin ninyo sa dati naming pinapasukang pabrika, sigurado ako na mayroβng record si Jelay doon.
(Timothy pov) Kumunot ang noo ko pagdating sa tapat ng pintuan ng condo ko. May nakita akong bulaklak at ilang regalo na para kay Karla. Naka-indicate ang pangalan ng nobya ko rito kaya takang-taka ako. Hindi kasi ako bumili ng bulaklak ngayon kay Karla dahil dumaan ako ngayon sa isang jewelry store para bilhan ito ng kwintas na mayroβng picture naming dalawa.Tiningnan ko ng masama ang katapat ng pad ko, ang condo unit ni Bane. Lumapit ako rito at malakas na kumatok. Pero imbis si Bane ay isang babae ang nagbukas rito.βClare!?β Gulat na gulat na bulalas ko. βHi, Timothy!β Agad na bati ng dalaga na nakangiti. βPasa sa akin ba ang mga bulaklak na βyan?ββBakit ikaw ang nasa unit ni Bane? Nasaan siya?β Iniinis ako ng gag0ng βyon ah. Alam ko siya nagpadala nito kay Karla.βSinong Bane?β Tanong ni Clare. βAh, siya ba βyong dating nakatira dito? Well, sa akin na ang unit na βto dahil ibinenta na ito sa akin.β Ngumiti ito ng pilya. βSi Bane ba talaga ang hinahanap mo, oh baka naman ako t
(Karla pov) Sobrang saya ko dahil hindi na peke ang relasyon namin ngayon ni Timothy. Araw-araw ay dama ko ang pagmamahal niya sa akin. Wala siyang ginawa kundi ang suyuin ako, sabi nga nito ay 'liligawan niya ako ng pormal kahit kami na. "Salamat, Timothy," Pasalamat ko sa kanya ng abutan niya ako ng bulaklak. "Sabi ko naman sayo ay tama na e. Tingnan mo ang condo mo, malapit ng mapuno ng mga bulaklak." Dalawang buwan na matulin ang lumipas, tapos na ang agreement namin dalawa pero heto at masaya kaming nagpatuloy sa relasyon namin. "Kasalanan mo 'yan, hon. Hindi mo kasi tinatapon ang luma kong binibigay." Iiling-iling na sabi nito sa akin na ikinairap ko sa kanya. "Bakit ko itatapon, eh binigay mo sa akin lahat ng 'to." Sa totoo lang ay sinubukan kong sundin ang sinabi niya sa akin pero hindi ko talaga kaya. Bukod sa nanghihinayang ako ay gustong-gusto ko ang mga bulaklak na nakikita sa umaga. Hindi ako magsasawang titigan ang mga ito dahil galing ang lahat ng ito sa kanya. Kumu