"MAYA!"
Napangiwi ako ng pingutin ni Senyora Lina ang tenga ko. Pinigil ko ang aking sarili na huwag umiyak dahil mas lalo lamang ako masasaktan kapag umiyak ako. Hanggang sa makarating kami sa kusina ay hawak pa rin niya ng madiin ang tenga ko. Sobra ang pagpipigil ko na kahit mahinang d***g ay huwag lumabas sa labi ko."Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag na huwag kang lalabas? Peste ka talagang bata ka wala kang kadala-dala!" Saka lamang ako binitiwan nito ng maisara nito ang pinto ng kusina."Sorry po!" Hingi ko ng tawad habang hawak ang tenga ko na napakasakit. Iniyuko ko ang ulo ng magsimula itong itulak ang noo ko gamit ang matulis nitong kuko, halos bumaon sa noo ko ito at talaga namang nagdudulot ng sakit subalit tiniis ko ito."Puro ka 'sorry! Pero hindi ka naman nakikinig? Ang tigas-tigas ng ulo mong peste ka!"Ang alam ko ay insekto ang peste, kaya naman hindi ko alam kung bakit paborito itong itawag sa akin ni Senyora. Hindi naman ako isang insekto."Senyora Lina!" Agad na lumapit sa akin si nanay saka ako hinila at niyakap. "Tama na ho-""At isa ka pa!" Puno ng pagkairita na dinuro ni Senyora Lina si nanay. "Turuan mo ng magandang asal ang iyong anak! Simpleng utos lang ay hindi pa marunong sumunod! Peste talaga kayong mag ina!" Dagdag nito bago kami tinalikuran.Saka ko lamang pinakawalan ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Humikbi ako habang nakayakap kay nanay. Bumuntong-hininga si nanay at hinawakan ako sa balikat. "Sumilip ka na naman sa kaarawan ni Hannah?"Tumango ako. "Sorry po, nay... gusto ko lang naman po sana na makita ang mga kaibigan niya at ang mga dala nilang regalo para kay Hannah." Pagsasabi ko ng totoo rito.Ngayon din ang ika-sampong kaarawan ko. Pero hindi kagaya ng kaarawan ni Hannah ang kaarawan ko. Sa tuwing kaarawan ko ay wala kaming masarap na pagkain na handa, wala akong kaibigan na bisita, at walang regalong natatanggap. Kaya sa tuwing kaarawan ko ay hindi ko napipigilan ang sarili na sumilip sa malaking bulwagan ng mansion kung nasaan ang engrandeng selebrasyon ng kaarawan ni Hannah. Gusto ko lang naman na sumaya sa araw ng kaarawan ko, at ang makita ang masayang kaarawan ni Hannah ang magbibigay sa akin noon.Niyakap ako ni nanay. Naramdaman ko ang pag-alog ng kanyang balikat tanda na siya ay umiiyak. "Pasensya ka na, anak. Wala man lang akong maibigay sayo... wala man lang akong magawa para ialis ang pamilya natin sa mansion na ito.""Nay, totoo po ba na hindi kayo nakakatanggap ng sahod kada-buwan?" Tanong ko sa kanya.Narinig ko ang usap-usapan ng iba pang kasambahay sa mansion. Si nanay lang daw ang hindi nakakatanggap ng bayad sa paninilbihan dito. Kaya siguro palagi kaming walang pera para ipambili ng masarap na pagkain sa tuwing kaarawan ko, o maski magandang laruan man lang.Mahina na naman akong napahikbi ng maalala ang mabangis na mukha ni Senyora Lina. "Saka, nay, bakit po siya gano'n sa atin? Bakit palagi po siyang galit? May nagawa po ba tayong masama sa kanila?" Dagdag na tanong ko pa.Mas lalong umalog ang balikat ni nanay dahil sa pag-iyak. Pigil niya ang ingay mula sa kanyang labi, bata man ako ay ramdam ko na kaybigat ng kanyang dinadalang sama ng loob."M-Malaki ang pagkakautang ko sa pamilya nila anak kaya galit sila sa akin.""Nay, hayaan niyo po paglaki ko ay tutulungan kita na bayaran sila sa pagkakautang. Mag-aaral po akong mabuti para po paglaki ko ay yayaman po ako! At kapag nakabayad na po tayo ay aalis na tayo rito!" Sa edad kong sampo ay hindi pa ako nakakatuntong ng paaralan, hindi dahil ayaw ng nanay ko kundi ayaw ni Senyora Lina.Wala daw akong karapatan mag-aral. Iyon ang sabi ni Senyora sa akin. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin pero umaasa pa rin ako na isang araw ay bubuti ang pakikitungo nila sa amin ni nanay.Humiwalay si nanay sa akin at hinaplos ang aking pisngi. Pinunasan ko naman ang pisngi ni nanay na puno ng luha gamit ang laylayan ng aking lumang bestida."Anak, hindi tayo maaaring umalis dito, hindi ba sinabi ko na sa'yo iyan?""Kahit makabayad po tayo, nay?" Tanong ko.Tumango si nanay sa akin. "Pero bakit po, nay? Gusto ko pong maglaro sa labas-""Shhh, anak, wag kang maingay at baka marinig ka pa nila." Saway sa akin ni nanay kaya agad akong tumahimik.Sa edad kong sampo ay hindi pa ako nakakalabas ng mansion. Dati ay sinubukan kong lumabas para maglaro subalit hindi pa man ako nakakalabas ay nahuli na ako ng isang bantay nila Senyora Lina at ibinalik sa loob. Iyak ako ng iyak noon dahil sinaktan ako ni Senyora Lina at nilagnat pa ako kinagabihan dahil sa sobrang takot ko sa kanya.Malupit sila sa akin, sa amin ng nanay ko. Kaya bawat kilos namin ni nanay ay may kaakibat na pag-iingat. Sa murang edad ay tinatak ko na sa aking isipan na bawal akong magkamali. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na sumilip sa kaarawan ni Hannah.Dumukot si nanay sa kanyang bulsa at naglabas ng dalawang magkaparehong kwintas. "Para sa'yo, Maya. Pasensya ka na dahil mumurahing kwintas lamang ang kaya kong bilhin para sa'yo." Hingi ng pasensya ni nanay sa akin matapos isuot ito sa leeg ko.Agad na iniling ko ang ulo ko habang may ningning ang mata na nakatingin sa makinang na kwintas na nasa aking leeg. "Nay, napakaganda po nito!" Tuwang-tuwa na saad ko."Happy birthday, Maya. Mahal na mahal kita anak." May kaligayan na bati sa akin ni nanay at saka ako niyakap ng mahigpit."Nay, mahal na mahal din po kita! Salamat po sa napakagandang regalo mo para sa akin!" Ani ko sabay yakap sa kanya ng hindi nabubura ang ngiti sa labi.Masaya akong natulog habang katabi si nanay at hawak ang kwintas na regalo niya sa akin. Pangako ko na iingatan ko ito at ituturing na aking kayamanan. Sobrang saya ko dahil dalawa ang binili ni nanay at tiyak ako na tig-isa kaming dalawa para pareho kami.***[Maya]Kinabukasan ay maaga ako nagising katulad ng nakasanayan. Pagdilat ko ay wala na si nanay sa aking tabi, wala din ito sa kusina o sa garden."Aling Berta, nakita niyo po ba si nanay?" Tanong ko habang nagtatanggal pa ng dumi sa aking mata. Si Aling Berta ay katulad namin na kasambahay rito sa mansion. Mabait ito at may katandaan na, malapit din ito sa aming mag-ina. Lola na ang turing ko sa kanya, at apo naman ang turing nito sa akin.Tumigil ito sa paghihiwa ng gulay at bumaling sa akin. "Bakit wala ba siya sa kwarto ninyo? Mula ng magising ako ay hindi ko siya nakitang lumabas? Ikaw, Mae? Nakita mo ba si Maria?" Tanong ni Aling Berta kay Ate Mae ng makita ito."Hindi, Aling Berta. Bakit? Wala ba siya sa kwarto ninyo, Maya?" Bumaling sa akin si Ate Mae. Si Ate Mae ay halos kasing-edad ni nanay, katulad ni Aling Berta ay kasundo ito namin ni nanay. Mabait din si ate Mae katulad ni aling Berta."Nang magising po ako ay wala na po siya sa kwarto. Kaya akala ko po ay narito na siya at nagsisimula ng magtrabaho." Sagot ko. Nakita ko na dumaan ang pagtataka sa mukha ni Aling Berta at Ate Mae. Palaging nagbibilin si nanay sa mga ito na bantayan ako sa tuwing lalabas kaya nagtataka ang mga ito na hindi nagpaalam si nanay sa kanila."Hoy, kayo!" Lumapit si Senyora Lina sa aming tatlo, ang matalim nitong mata ay agad na nakapako na sa'kin ng makita ako. "Ano pa ang tinutunganga niyo? Magsi-trabaho na kayo! Ang aga-aga puro kayo tsismisan!"Nang lalapit sa akin si Senyora Lina ay inunahan ito ni aling Berta na lapitan ako. "Doon ka na muna sa garden at magdilig, Maya. Doon mo hintayin ang nanay mo." Ani pa ni Aling Berta habang hila ang maliit kong braso.Paglingon ko ay nakita ko ang masamang tingin sa akin ni Senyora Lina kaya napalunok ako sa takot. Ang tingin nito sa akin ay kakaiba, wari ko ay nais na naman ako nitong saktan."Maya, kung maaari ay iwasan mo sila. Di'ba iyon din ang sinabi ng nanay mo?" Pagkarating sa garden ay lumuhod sa harap ko si aling Berta. "Hindi namin gusto na nasasaktan ka kaya sumunod ka nalang. Naiintindihan mo ba?" Hinawakan nito ang maliit kong braso at marahan na hinaplos. "Ang puti at napakakinis ng 'yong balat kaya ingatan mo ang sarili mo na huwag magkapilat. Oh siya, magdilig ka na rito habang hinihintay ang nanay mo. Tatawagin nalang kita kapag dumating siya." Ginulo pa nito ng bahagya ang aking buhok bago umalis.Halos bente minuto na akong nagdidilig ng makarinig na galit na boses. Pagtingin ko sa back door ay palapit sa akin si senyora Lina. Awtomatikong umatras ang aking paa sa sobrang takot ng makita ang mabagsik na mukha nito. Ang mga mata nito ay nag aapoy sa galit na nakatingin sa akin."Nasaan ang nanay mo?!" Nanigas ang katawan ko sa takot ng humawak ang dalawa nitong kamay sa aking balikat at inalog ang payat kong katawan. "Nasaan ang nanay mo? Bingi ka ba?!"Taranta na lumapit si Aling Berta at Ate Mae kay Senyora para awayin ito, samantalang ang ibang kasambahay ay nanatiling nakatayo sa malayo at walang balak lumapit sa galit naming amo."Hindi ko po alam-"Slap!Napasinghap ang lahat ng sampalin ako ni Senyora Lina. Hindi lamang ang pisngi ko ang namanhid sa lakas ng kanyang sampal, maging ang aking buong katawan."Diyos ko!" Halos maiyak si Aling Berta dahil sa awa sa akin. "Senyora, nagsasabi ho si Maya ng totoo-"Tumahimik ka, Berta!" Nanlilisik ang mata na singhal ni Senyora rito. Mas lalong nanlisik ang mata ni Senyora Lina ng makita ang kwintas na suot ko. "Kaya pala ninakawan ako ng nanay mo para bilhan ka nito!""Wag po!" Umiiyak ako ng hablutin nito ang kwintas sa leeg ko. "Regalo po 'yan sa'kin ni nanay.""Regalo? At saan naman siya kukuha ng pera pambili nito?" Ngumisi ito ng makita na natigilan ako. "Nakita mo na? Kahit ikaw alam mong wala naman kayong pera pambili ng ganito!"Tinaas nito ang kwintas at pinakita sa lahat ng tauhan ng mansion."Si Maria ay ninakawan ako para bilhan ng regalo ang inggitera n'yang anak! Ngayon ay tumakas na siya dala pa ang iba ko pang mga alahas!"Umiiyak na umiling ako. "Hindi po 'yan magagawa ni nanay... huhuhu." Kilala ko si nanay. Mahirap man kami at walang pera ay hindi nito magagawa ang binibintang dito. Mabuting tao ang nanay ko at hindi ito magnanakaw.Ngumisi ng may pang-iinsulto si Senyora Lina sa akin. "Hindi magagawa? Eh ano ito?" Gigil na lumapit muli ito sa akin habang hawak ang kwintas sa kamay at tinapat sa aking mukha. "Magnanakaw ang nanay mo, at ito ang patunay. Ngayon ay tumakas na siya ng mansion dala ang mga ninakaw niya. At malakas ang kutob ko na hindi na siya babalik pa!"Marahas na umiling ako habang patuloy sa pag-iyak. "H-Hindi po 'yan totoo.""Sa dami ng ninakaw niya sa akin ay tiyak akong hindi na siya babalik pa, Maya. Gusto na n'yang mabuhay ng masaya at malaya sa labas ng mansion na ito ng hindi ka kasama dahil isa ka lamang pabigat sa kanya!""Babalik po si nanay! Hindi niya po ako iiwan!" Ang malakas na palahaw ko sa mansion ang umalingawngaw buong sa paligid.Sa murang edad ay tumatak na sa aking isip ang lahat ng mga sinabi nito. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na nawala na parang bula si nanay. Miss na miss ko na si nanay. Walang gabi na hindi ako umiiyak at naiisip siya. Sobra akong nangungulila sa kanya. Ang tagal ko ng hindi siya nayayakap... Sampong taon na ang nakakaraan subalit ay narito pa rin ako sa mansion at nakakulong. Sampong taon na rin akong naghihintay. Lahat ng sinabi ni Senyora Lina ay hindi ko pinapaniwalaan. Kilala ko si nanay, alam ko na hindi niya ako iiwan ng walang dahilan.(Maya pov)ABALA ang lahat sa loob ng mansion dahil ngayong araw ang dating ni Hannah galing ng america. Sampong taon na magmula ng umalis ito sa mansion. Naalala ko noong nawala si nanay ay agad na umalis din si Hannah patungo ng ibang bansa pagkalipas lamang ng dalawang araw."Maya! Dalian mo ri'yan at tulungan mo akong maghiwa ng mga ito! Naku naman, kung kailan sandamakmak ang aking gagawin ay ngayon pa nabasag ang aking salamin!" Tawag ni Aling Berta sa akin habang inirereklamo ang nangyari sa salamin nito.Pagkatapos kong magdilig ng mga bulaklak at alisin ang mga sobrang damo ay nagtungo agad ako sa kusina para tulungan si Aling Berta. Ang daming lulutuin ngayon. Parang may piyesta. Lahat kami ay may kanya-kanyang ginagawa ngayon. Ang iba ay nasa kwarto sa itaas upang linisin ang kwarto ni Hannah, dahil ang gusto ni Senyora ay malinis ang lahat sa pag-uwi ng nag-iisa nitong apo, ang iba ay nasa sala para alisin maski katuldok na alikabok, ang iba ay nasa garahe, basta lahat ay
(Hannah pov)Hindi ako papayag na ipakasal nina Lolo at Lola at maging asawa ng lalaking hindi ko naman kilala at hindi ko mahal. Bukod sa ayaw ko pang mag asawa ay gusto ko pang tuparin ang lahat ng pangarap ko sa buhay, at hindi kasama doon ang pag aasawa. Hindi naman talaga ko umuwi ng Pilipinas dahil sa gusto nila. Umuwi ako dahil may offer sa akin ang GMC Network na isang soap opera na pagbibidahan ko. Hindi ako tumanggi dahil matagal ko ng pangarap na maging artista, napilitan lang naman akong umalis ng bansa no'ng ten years ako dahil sa nangyari noon.Inalis ko sa isip ang gabing iyon. Hindi ko na dapat isipin iyon. Kinuha ko nalang ang cellphone para tawagan si Suzy, ang matalik kong kaibigan na kapatid ng isang sikat na Director ng GMC Network. Si Suzy ang daan kaya mabibigyan agad ako ng big break sa telebisyon. Hihinto muna ako sa pag-aaral para tuparin ang matagal ko ng pangarap. Ito na ang chance ko kaya bakit ko palalagpasin?"Suzy, kailan ko ba makikilala ang Kuya Delvin
(Maya pov)"Maya, ipinapatawag ka ni Senyorita Hannah." Sabi ni Karen na isa ring katulad ko na kasambahay dito sa mansion, kasing edad ko din si Karen, ang kanyang ina ay matagal na din naninibilhan dito.Lumapit sina Aling Berta at Ate Mae sa akin ng may pang-uusig na tingin. "May ginawa ka na naman bang mali, ha, Maya?" Agad na umiling ako kay Aling Berta. "Wala po." Maski ako ay nagtataka rin kung bakit ako ipinatawag."Bakit ka pinapatawag ni Senyorita? Aba'y ayaw na ayaw nga no'n na nakikita ka kahit no'ng mga bata pa kayo." Kahit si Ate Mae ay nagtataka din sa biglaang pagtawag sa akin."Mabuti pa po ay aakyat na ako sa kwarto niya. Baka mapagalitan pa ako kapag di agad ako umakyat." "Mabuti pa nga, Maya. Sige na, umakyat ka na sa itaas. Ayaw na ayaw ng bata na yon na pinaghihintay siya, na ugaling namana niya sa kanyang Lola." Dahil sa sinabi ni Aling berta ay binilisan ko ang pag-akyat sa ikalawang palapag ng mansion. Napahinto ako dahil nakasalubong ko si Ma'am Lorna kasam
(Tyler pov)"Sir, ipapaalala ko lang na may meeting kayo mamaya kay Mr. Torres." "Cancel all my appointments today, Ms. Peng. Hindi ba't binilin ko na sa'yo yan kahapon?" Kunot ang noo na tanong ko sa aking secretary na may katandaan na. Hindi naman ito makakalimutin kahit may edad kaya nga hindi ko ito pinapalitan."P-Pasensya na, Sir." May pagkataranta na hingi nito ng pasensya sa akin. Kilala ako nito, hindi ko gusto ang pumapalpak sa trabaho."May problema ba?" Agaran kong tanong rito. Secretary pa ito ng aking daddy noon, nang mamatay ang ama ko ay sa akin na rin ito nagsilbi, kumbaga kilala ko na ito dahil matagal na itong nagta-trabaho sa pamilya namin. Tumandang dalaga na lamang ito ay nagsisilbi pa rin ito sa amin."S-Sir, pasensya ka na talaga, nakalimutan ko ang tungkol sa bagay na yan dahil sinugod namin sa hospital ang pamangkin ko kahapon. Pasensya ka na talaga, Sir." Nakayukong wika nito bakas ang sinseridad sa tinig."Bakit ngayon mo lang sinabi?" Napalitan ng pag-aala
[Tyler pov]Kumunot ang aking noo ng makita ang pagsiko ng matanda sa dalagang katabi, maging ang kaliwang pisngi ng babae ay napansin ko agad ang pamumula."Mr. Montemayor, ito ang aming apo. Siya si Maya Gustin." Bumaling ng nakangiti si Mrs. Gustin sa dalaga. "Siya si Tyler Montemayor, kilalang businessman sa buong mundo. Batiin mo siya, Maya." Utos ng matanda sa dalaga.Hindi nakaligtas sa aking mata ang may paninindak na tingin nito sa babaeng katabi."A-Ako po si Maya G-Gustin." Panay ang takip ng kamay ng dalaga sa tapat ng dibdib. Halatang hindi ito kumportable sa suot.Kaharap ko ngayon si Maya, ang pekeng apo ng mga Gustin. Ayon sa nabasa kong report tungkol sa mga Gustin ay mayro'n lamang itong isang apo na ang pangalan ay Hannah. Nakita ko rin ang litrato nito kanina at hindi ito ang babaeng kaharap ko ngayon.Sumasagot ako sa mga tanong ng mag-asawa subalit ang aking mata ay nakapako sa dalagang kaharap ko. Ayaw ko ng niloloko ako, pero ngayon ay walang kaso sa akin yon. G
(Maya pov)MABILIS na sumapit ang isang buwan. At katulad ng gusto ni Mr. Montemayor ay pinakasalan niya ako sa pagkasapit ng isang buwan. Hindi ko inaasahan na magiging engrande ang aming kasal. Maraming bisita na hindi ko kilala pero tiyak ako na katulad ng pinakasalan ko ay kilala din ang mga ito sa lipunan, maging ang kaibigan ng napangasawa ko ay nakilala ko rin na sina Grant, Dimitri, Brix, at Kier.Nang iwan ako saglit ni Mr. Montemayor ay lumapit sa akin si Senyora, nakapaskil sa kanyang mukha ang tuwa at ang pang- aalipusta para sa akin."Nagkasilbi ka rin sa pamilya namin. Sa wakas ay tuluyan ka ng naalis sa poder namin at hindi na namin kailangan pang makita ang iyong nakakasuklam na mukha." Lumapit pa sa akin si Senyora at bumulong pa ng nakapagbigay ng takot sa aking sistema. "Salamat dahil sinalo mo ang posisyon na dapat ay para sa aking apo na si Hannah. Hindi naman ako ganoon kasama kaya naman ipagdarasal ko na sana ay hindi ka makaranas ng sobrang pagmamalupit mula sa
[Maya pov]Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. Nagsayaw na kami kanina pero naiilang pa rin ako ng ipatong niya ang dalawa n'yang kamay sa bewang ko. Hindi pamilyar sa akin ang musika na tugtog, pero nadadala ang katawan ko, siguro ay dahil na rin sa pag alalay niya sa akin."Bakit ba palagi ka nalang nakayuko, Maya? Hindi ba ako gwapo para sa'yo?" May himig na biro na sabi niya. Agaran akong nag- angat ng tingin."N-Naku hindi naman sa gano'n, Mr. Montemayor. I-Ito ang unang araw ng ating kasal kaya nakakaramdam ako ng hiya. S-Saka hindi dapat nakikipag- usap ang katulad ko sa 'yo... dahil isa lang naman akong..."Dahil isa lamang akong kasambahay. Gusto kong sabihin iyon pero pininid ko ang aking labi. Ang bilin ni Senyora ay huwag kong hahayaan na mabuking na isa lamang akong kasambahay, kundi ay malilintikan ako sa kanila.Hinawakan niya ang ilalim ng aking baba at inangat ang aking mukha. Pinakatitigan ako ng kanyang kulay abo na mata. Tama, kulay abo ang kulay ng kanyang ma
(Maya pov)Isang buwan na ang nakakalipas ng ikasal kami ni Tyler. Aaminin ko na kinikilig ako sa mga pinapakita niya. May parte sa aking puso na nagsasabi na huwag akong mahuhulog ng mas malalim pa dahil baka masaktan lamang ako. Pero ang puso ko ay hindi ko makontrol.Narito kami ngayon sa Paris. Sobrang tuwa ko dahil dinala niya ako dito at talaga namang napakaganda dito. Panay ang kuha niya sa akin ng pictures. Nahihiya pa nga ako dahil pakiramdam ko ay isa akong sikat na celebrity dahil sa ginagawa niya. Napapatingin tuloy ang ilang tao sa amin.Pagbalik namin sa Pilipinas ay nadatnan namin ang dalawang kapatid ni Tyler sa mansion. Nakilala ko sila ng aming kasal. Sina Susy at Delvin. Mabait naman silang dalawa at magaan ang approach nila sa akin noong magkakilala kami. Wala ng magulang si Tyler. Parehong namayapa na ang ama at ina niya kaya naman ng aming kasal ay ang dalawang kapatid lang niya ang nakilala ko, at iilang malayong kamag- anak."Welcome back, kuya Tyler at Maya!" L
(Karla pov) Kitang-kita ko kung paano bugbugin ni Timothy at nang kakambal nitong si Marshall si Bane. Dumating din si Jelay, umiiyak itong nakayakap sa'kin. "Karla, thanks god you're safe. Sobra kaming nag alala sayo ni nanay." Nag aalalang sabi ni Jelay sa'kin. Maraming dumating na mga pulis, hinuli si Bane at ang mga tauhan nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil naligtas din si Atty. bago pa ito tuluyang mapatay ng mga tauhan ni Bane. Naramdaman ko nalang ang pag angat nang katawan ko sa ere, si Timothy buhat niya ako. Sa bisig niya ay umiyak ako ng umiyak... halo-halo ang nararamdaman ko... Pasasalamat at pangungulila sa kanya. Hindi malubha ang lagay ko pero ang daming bumisita sa'kin. Hiyang-hiya ako sa magulang ni Timothy at hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil sa labis na hiya sa nagawa ko sa anak nila. "Karla, iha... hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo. Biktima ka lang ng sarili mong ama." Wika nang mommy ni Timothy. "Sa katunayan ay natutuwa kami sa
(Karla pov) Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang iwan ko si Timothy. Walang araw na hindi ako tahimik na umiiyak at alam ni nanay ang lahat... Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Wala akong narinig na masakit na salita sa kanya, ito pa ang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ako nagkaro'n nang masamang ama. Tumawag sa akin si Sheya, binalita niya ang lahat sa'kin. Tahimik daw na inasikaso ang kaso. Nahuli na rin si Richard at nakakulong na. Ang magulang ni Richard na nagpalabas na patay na si Richard ay haharap din sa kaso. Malungkot at nasasaktan man ako ay masaya parin ako sa balitang nalaman ko. Kampante na ako dahil hindi na sila mapapahamak sa kamay ng ama at kapatid ko. Natigilan ako nang makita ang isang babae na naghihintay sa akin sa labas ng bago naming tinutuluyan ni nanay. Teka, ito 'yong atty. na nakita kong kasama ni Timothy sa elevator. Ano kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin? Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin. Nag
(Karla pov)Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Gustuhin ko man isuplong at sabihin sa mga Montemayor ang tungkol kay Richard ay pinangunahan ako ng takot. Oo, naduduwag ako. Binantaan kasi ako ng ama ko na isiswalat din niya kasabwat ako, sisiguraduhin daw nito na malalaman ni Timothy na kasama ako sa mga planong ginawa nito. Hindi ko na kayaβ¦ kinakain na ako ng konsensya ko. Narinig ko ang usapan ni Timothy at Sheya, natatakot ako dahil mukhang may balak na naman na masama si Richard kay Sheya. Nakakatakot si Richard, imbis na magbago ito at magpasalamat sa ikalawang buhay na binigay ng diyos ay nagagawa pa rin nito na gumawa ng masama.Tumingala ako sa harapan ng mansion nang mag asawang Trevor at Sheya.Hindi na kasi kaya ng konsensya ko. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. Bahala naβ¦βKarla!β Nakangiting yumakap sa akin si Sheya ng makita ako. Niyaya niya akong umupo, pinaghandaan pa ako nito ng pagkain. Napansin ko na nanlalalim ang mata ni Sheya, mukhang hindi ito nak
(Timothy pov) "Oh, Timothy, napadalaw ka." Nakangiting bungad ng ina ni Karla sa akin, agad ako nitong pinapasok sa loob. Mas masigla na ito kumpara no'ng una ko itong makita, siguro dahil na rin sa regular check up nito at patuloy na pag inom ng gamot. "Naku, iho, nag abala ka pa." Tila nahihiyang turan nito ng makita ang marami kong dalang groceries at lutong pagkain. "Hindi ito isang abala, nay." Ako na nagsalansan ng mga pinamili ko dahil ayaw ko itong mapagod. Pagkatapos ay agad kong tinanong ang ina ni Karla. "May problema ka ba, nay? Kayo ni Karla?" Oo, isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong malaman kung ano ang problema nilang mag ina. I know it was wrong because it's a family matter, but for me, when it comes to Karla, it's matter. Mahalaga sa akin ang nobya ko. Kung sakaling malaman ng nobya ko ang ginawa at magalit ito ay maiintindihan ko. I'm really worried. Hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay naglalagay ng pader sa pagitan naming dalawa si
(Timothy pov) Hindi ko mapigilan ang mag alala dahil hindi sinasagot ni Karla ang mga tawag ko. I called may secretary to cancel all my appointments at nagmamadaling umuwi sa condo. Then I saw her, crying while holding her cellphone, mukhang hindi maganda ang pinag uusapan ng mga ito dahil mas lalong humaguhol ng iyak ang nobya ko. Rumehistro ang gulat sa mukha niya ng makita ako. "T-Timothy..." "What's wrong? May nangyari ba kay nanay?" Nag aalala akong yumakap sa kanya. Kilala ko si Karla hindi ito basta iiyak lang kaya alam kong may mabigat siyang dinadala. Pero imbis sagutin ako ay tumalikod ito sa akin at umiling. Bumuntong hininga ako. Kahit nanaig sa akin na alamin ang problema ay iginagalang ko kung ayaw man niyang sabihin sa akin ang problema niya. "N-Nagluto ako, hon. S-Sandali lang at maghahain ako ng pagkain." Nagpaalam si Karla na maghahain, tumango ako bago pumasok sa kwarto para magbihis. Ilang beses pa akong bumuntong hininga. Hindi ko talaga gustong makita na umii
(Karla pov)Masaya kaming nagkukwentuhan ni Jelay habang kumakain sa isang fast food chain. Nagkita kaming dalawa at syempre nagkamustahan. Sinabi ko sa kanya na uuwi na ako sa bahay namin sa susunod na buwan. βTeka, saan ka ba nagtatrabaho?β Tanong sa akin ni Jelay. βPara madalaw ka namin ni nanay. Boss mo ba si Timothy?β Muntik na akong masamid sa tanong niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila ang totoo. Alam ko kasi na magagalit si nanay kapag nalaman niya na nakatira ako sa isang bahay kasama ang isang lalaki. Sino bang ina ang matutuwa na ang anak niyang dalaga ay mayroβng kasamang lalaki sa bahay. Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang ama ko. "Hindi mo ba sasagutin? Baka importante 'yan." Umiling ako kay Jelay. "Wrong number lang." Nang maghiwalay kaming dalawa ay saka ko binasa ang text messages na pinadala ng ama ko. Gusto nitong malaman kung may improvement na ba sa plano ko. Bumuga ako ng hangin. Mahal ko
(Karla pov)Iyak ako ng iyak dahil walang balita kay Jelay. Hindi ito matagpuan at kahit ang mga kapulisan ay hindi ito natagpuan. Maging si nanay ay sobra ng nag aalala rito.βMaβam, sigurado ka ba na dito nakatira ang kaibigan mo?β Intriga sa akin ng pulis na may pagdududa. βOpo, mamang pulis. Tandang-tanda ko na iyan ang nakalagay sa ID ng kaibigan ko noong nagtatrabaho kami.β Dagdag ko pa.Kumunot ang noo ni Timothy, ang pulis ay kunot din ang noo, nagtataka tuloy ako kung bakit parang nagtataka silang dalawa.βMaβam, ang lugar kasi na iyan ay isang exclusive subdivision, puro mayayaman ang nakatira sa lugar na βyan at iisang angkan langβ¦ ang angkan ng mga Herendes. Kaya imposible na riβyan nakatira ang kaibigan mo.β βHon, hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Alalahanin mong mabuti, sigurado ka ba na dito siya nakatira?β Agad na tumango ako. βOo, hon, sigurado ako. Kung gusto ninyo ay alamin ninyo sa dati naming pinapasukang pabrika, sigurado ako na mayroβng record si Jelay doon.
(Timothy pov) Kumunot ang noo ko pagdating sa tapat ng pintuan ng condo ko. May nakita akong bulaklak at ilang regalo na para kay Karla. Naka-indicate ang pangalan ng nobya ko rito kaya takang-taka ako. Hindi kasi ako bumili ng bulaklak ngayon kay Karla dahil dumaan ako ngayon sa isang jewelry store para bilhan ito ng kwintas na mayroβng picture naming dalawa.Tiningnan ko ng masama ang katapat ng pad ko, ang condo unit ni Bane. Lumapit ako rito at malakas na kumatok. Pero imbis si Bane ay isang babae ang nagbukas rito.βClare!?β Gulat na gulat na bulalas ko. βHi, Timothy!β Agad na bati ng dalaga na nakangiti. βPasa sa akin ba ang mga bulaklak na βyan?ββBakit ikaw ang nasa unit ni Bane? Nasaan siya?β Iniinis ako ng gag0ng βyon ah. Alam ko siya nagpadala nito kay Karla.βSinong Bane?β Tanong ni Clare. βAh, siya ba βyong dating nakatira dito? Well, sa akin na ang unit na βto dahil ibinenta na ito sa akin.β Ngumiti ito ng pilya. βSi Bane ba talaga ang hinahanap mo, oh baka naman ako t
(Karla pov) Sobrang saya ko dahil hindi na peke ang relasyon namin ngayon ni Timothy. Araw-araw ay dama ko ang pagmamahal niya sa akin. Wala siyang ginawa kundi ang suyuin ako, sabi nga nito ay 'liligawan niya ako ng pormal kahit kami na. "Salamat, Timothy," Pasalamat ko sa kanya ng abutan niya ako ng bulaklak. "Sabi ko naman sayo ay tama na e. Tingnan mo ang condo mo, malapit ng mapuno ng mga bulaklak." Dalawang buwan na matulin ang lumipas, tapos na ang agreement namin dalawa pero heto at masaya kaming nagpatuloy sa relasyon namin. "Kasalanan mo 'yan, hon. Hindi mo kasi tinatapon ang luma kong binibigay." Iiling-iling na sabi nito sa akin na ikinairap ko sa kanya. "Bakit ko itatapon, eh binigay mo sa akin lahat ng 'to." Sa totoo lang ay sinubukan kong sundin ang sinabi niya sa akin pero hindi ko talaga kaya. Bukod sa nanghihinayang ako ay gustong-gusto ko ang mga bulaklak na nakikita sa umaga. Hindi ako magsasawang titigan ang mga ito dahil galing ang lahat ng ito sa kanya. Kumu