Home / Romance / ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN: Chapter 31 - Chapter 40

155 Chapters

Chapter 31.💜

[Maya]MAS naging maasikaso at maalaga si Tyler simula ng magdalantao ako. Halos hindi na ito pumapasok para lang ibigay ang lahat ng gusto kong kainin o samahan ako sa pagpapacheck up ko. Kahit sa pagbabanyo ko nga ay nakaalalay siya sa takot na baka mawalan ako ng balanse at mapahamak kami ni baby.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya simula ng malaman kong buntis ako sa magiging anak namin ni Tyler. Oo, marami pa akong pangarap, pero kaya kong isantabi ang mga iyon para sa magiging anak namin. Pinapangako ko na magiging mabuting ina din ako katulad ni nanay, at syempre ay magiging mabuting asawa din ako kay Tyler.Hinaplos ko ang may kalakihan ko ng tiyan habang hinihintay si Tyler dito sa parking lot ng Supermarket. Galing kami ng department store para mamili ng mga gamit ng anak namin na si Trevor— yes, lalaki ang magiging anak namin. Tuwang-tuwa nga si Tyler dahil nakalalaki daw siya agad sa panganay namin. Pitong buwan na akong buntis ngayon, kaunting panahon na lang
Read more

Chapter 32.💜

[Maya pov]"Maya!" Lumapit si Vanjie sa akin ng makita ako.Nagulat ako dahil ang laki ng ipinayat ni Vanjie kumpara no'ng huli ko siyang nakita. Nabigla ako ng lumuhod siya sa harapan ko."Vanjie, tumayo ka nga ri'yan." Hinila ko siya dahil naiilang ako sa ginagawa niya. Hindi naman ako Diyos para luhuran niya."M-Maya... alam kong hindi naman tayo matagal nagkasama, o naging sobrang malapit na magkaibigan... P-Pero kakapalan ko na ang mukha ko. P-Please, tulungan mo ako. K-Kailangan ko ng pera para ma-operahan ang kapatid ko... siya na lang ang nag iisang pamilya na mayro'n ako kaya hindi ko kayang malaaa siya sa akin... N-Nagmamakaawa ako sa'yo, Maya... T-Tulungan mo ako." Bakas ang labis na paghihinagpis sa mukha na pagmamakaawa ni Vanjie habang puno ng luha ang mukha nito."W-Wala na akong iba pang malalapitan, Maya. I-Ikaw na lang ang kaisa-isang taong naisip ko na makakatulong sa akin, kaya pasensya ka na kung nagpunta lang ako dito para humingi ng tulong sa'yo."Kahit anong hil
Read more

Chapter 33.💜

[Tyler]PAGKATAPOS ng meeting ko with board directors ay agad na tumayo ako para maghanda sa pag uwi. Ang lahat ay halatang nagtataka habang nakatingin sa akin dahil hindi sanay ang mga ito na ako ang mauunang tumatayo pagkatapos ng meeting namin, hindi lamang 'yon, nagtataka din ang mga ito dahil malaki ang ngiting nakapaskil sa labi ko simula pa ng makita ako ng mga ito. Hindi ko masisisi kung bakit may pagtataka sila, dati kasi ay hindi naman ako ganito, palagi akong seryoso noon sa pagharap sa kanila, ni ang pagngiti ay hindi ko magawa. Pero ngayon na maisip ko pa lang si Maya ay hindi ko makontrol ang sarili ko na sumaya at masabik na umuwi, lalo na ngayon na dinadala nito ang aming anak.Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga ito na mayron akong asawa, kaya nga ang iba sa kanila ay mayrong mapanuksong ngiti sa labi. Simula nang makita at maging asawa ko si Maya ay naging ganito na ako araw-araw— palaging may ngiti sa labi at nagmamadaling umuwi nang bahay. Nasasabik palagi ang pus
Read more

Chapter 34.💜

[MAYA POV]PAGOD na pagod na ako. Gusto ko ng sumuko dahil sa ginagawang pagpapahirap sa akin ni Suzy, pero sa tuwing maiisip ko ang anak ko ay lumalakas ako at pilit na lumalaban kahit pa pakiramdam ko ay bibigay na ako.Tama, si Suzy ang nagpapahirap sa akin. Tauhan niya ang dumakip sa akin at dinala ako sa lugar na hindi ko alam. Simula ng magising ako ay wala na itong ginawa kundi saktan ako. Sobrang sakit na ng katawan ko at nanghihina na din ako. Sa tuwing sisipain niya ako at susuntukin ay agad kong niyayakap ang tiyan ko para protekhan ito mula sa kanya. Hindi ko hahayaan na maging ang aking anak na nasa aking sinapupunan ay madamay at masaktan. Hangga’t kaya ko ay poprotektahan ko ang anak namin ni Tyler.‘Tyler, pakiusap ‘iligtas mo kami’ Piping bulong nang puso ko habang tinatanggap ang pananakit sa akin."Ang tibay mo din, Maya, no? Hanggang ngayon ay buhay ka pa rin?" Sinabunutan ni Suzy ang buhok kong nanlalagkit na dahil sa dugong natuyo galing sa ulo ko na puro sugat ga
Read more

Chapter 35.💜

"PUNYÈTA KA, Fiona!!!"Napatigil ako sa pagwawalis ng marinig ko ang galit na sigaw ni kuya Gordon habang papalit sa akin."Nasaan ang pera, ha? Hindi ba't sinabi ko sa'yo na sa akin mo ibibigay ang kita mo sa pagtitinda?" Agad nitong hinawakan ang maliit kong braso ng mahigpit kaya napangiwi ako sa sakit."Kuya Gordon, noong nakaraang buwan pa kasi ang utang natin sa tindahan ni aling Nena kaya binayad ko muna—" Pinigil ko ang sarili na huwag maiyak ng makatikim ako ng sampal mula sa kanya."Tanģ ina ka at sumasagot ka pa! Hindi ikaw ang masusunod ditong panget ka! Naiintindihan mo? Ako ang dapat sinusunod mo sa pamamahay na ito!" Nanlilisik ang mata na bulyaw nito."Hoy, Gordon, bitiwan mo nga ang pinsan mo!" Dahan-dahan na lumapit sa amin si lola Felly gamit ang kahoy na tungkod na napulot ko lamang sa tabi-tabi no'ng nakaraang linggo. "Bakit ba hindi ka magtrabaho ng sa gano'n ay hindi ka umaasa sa amin ng pinsan mo? Tigilan mo na ang kasusugal mo dahil bukod sa wala ka namang napa
Read more

Chapter 36.💜

[Maya/Fiona pov]"Ah, gano'n ba..." Ngumiti ako sa kanya. "Ang buti mo naman na kaibigan kasi inaalala mo pa rin siya hanggang ngayon." Nakakabilib ang katulad niya, hindi nakakalimot kahit na nasa kabilang buhay na ang kaibigan nito.Mas lalo itong naiyak sa sinabi ko. Gusto ko tuloy magsisi dahil pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit lalo itong umiyak."Ka-boses mo talaga si Maya..." Matagal-tagal itong nanatili sa aking harapan habang umiiyak. Ramdam ko talaga na nasasaktan siya."Death anniversary niya ngayon." Pagkaraan ay sabi nito. "M-Mabuti siyang tao. Dahil sa kanya ay buhay ang kapatid ko... P-Pero kapalit naman noon ay nawala siya at hindi na kailanman babalik pa!" Napakamot na lang ako sa ulo dahil lalong lumakas ang pag iyak niya. Napapatingin na tuloy ang mga tao sa pwesto namin. Baka mamaya ay isipin ng iba na sinasaktan o pinipilit kong bumili ang babaeng ito. Ganito pa naman ang tingin madalas ng grupo nila Eloy, katulad ko ay nagbebenta din sila Eloy ng sampag
Read more

Chapter 37.💜

[Maya/Fiona]Tatlong araw na simula ng alukin ako ng trabaho ng tatlong babae na nakilala ko lamang sa labas ng simbahan. Hindi ko gustong iwan si lola Felly mag isa dito sa bahay kaya naman nagpasya akong huwag tanggapin ang alok ng mga ito. Alam ko kasi na pababayaan lang ni kuya Gordon si lola. Hindi ako nag aalala dahil sa katandaan ni lola, nag aalala ako dahil baka atakihin ito ng asthma ng wala ako. Paano kung wala si kuya Gordon kapag nangyari 'yon?Pagkatapos kong ibenta ang lahat ng mineral water at sampong kahon ng sigarilyo sa gilid ng bangketa ay nagligpit na ako at naghanda para umuwi. Isa ito sa mga sideline ko, kailangan ko talaga ng dagdag kita dahil malilintikan ako kay kuya Gordon kapag wala akong naibigay sa kanya. Ayoko naman na kunin niya ang budget sa pangkain namin ni lola kaya marami akong sidelines na ginagawa. Saka ayokong masaktan, kotang-kota na ako sa pananakit ng pinsan ko. Gusto kong matulog sa loob ng isang buwan ng walang pasa sa pangit kong mukha. Pa
Read more

Chapter 38.💜

[Maya/Fiona pov]Muli kong tinawagan ang numero, sa pagkakataong ito ay boses na ng matanda ang sumagot sa akin."Hello po, pwede po bang makausap si aling Berta? Pakisabi po na ako si Fiona-" Agad na pinutol ako ng masayang tinig nito."Fiona, ikaw pala! Pinag-isipan mo na ba ang trabahong inaalok namin sa'yo?"Bumuga muna ako ng hangin at nag ipon ng lakas ng loob. "Aling Berta, a-ang totoo po niyan ay kailangang-kailangan ko ng pera. N-Nasa hospital po ang lola ko... ma-makikiusap sana ako na kung pwede ay magcash advance muna ako." Kakapalan ko na ang mukha ko. Para kay lola ay gagawin ko ang lahat."Pangako po, kahit habang buhay na akong magtrabaho ri'yan ay gagawin ko! Magsisipag po ako sa trabaho at sisiguraduhin ko na hindi kayo magsisisi na tinanggap niyo ako!" Desperadang saad ko."Magpunta ka sa address na ibibigay ko sa'yo. Sasamahan kitang makiusap kay Sir."Emosyonal ako, hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa sinabi ni aling Berta. Akala ko ay madidismaya ito dahil hind
Read more

Chapter 39.💜

[Maya/Fiona]Umilaw ng kulay pula ang ilaw sa itaas ng pinto dito sa kusina at mahinang tumunog. Nang makita ito ni aling Berta ay nagmamadali itong lumabas ng kusina. Ang sabi ni ate Mae ay pinapatawag daw ito ng amo nila kapag gano'n."Diyos ko!!!" Napatili ako sa sobrang gulat ng may yumakap sa binti ko. Halos mapatakbo pa ako sa pagkabigla—Natigilan ako at napatitig sa batang nakayakap sa binti ko. Bigla ang pagsikdo ng dibdib ko habang nakatitig sa kanya."Naku, pasensya ka na kung nagulat ka, Fiona, ha." Lumapit si ate Mae sa bata at kinarga ito. "Siya ang aalagaan mo sa oras na magsimula ka na dito. Siya si Trevor, ang anak ni Sir." Paliwanag niya sa akin subalit wala sa mga sinasabi niya ang atensyon ko kundi sa batang karga nito."Monster!!!" Humahagikgik na sabi ng mata na para bang natutuwang makita ang kapangitan ko.Sanay akong nilalait. Kapag naririnig ko ang mga sinasabi ng ibang tao na hindi maganda ay nagbibingibingihan ako... pero bakit ganito... bakit umiiyak ako ng
Read more

Chapter 40.💜

[Maya/Fiona]BUMALIK ako sa hospital. Nagulat ako dahil ayon sa doktor ay pirma ko na lang ang kailangan para masimulan na ang operasyon ni lola. Maski piso ay wala na akong babayaran dahil bayad na ang lahat.Ang bilis naman kumilos ng amo ko. Iba talaga kapag mayayaman, ang bilis ng mga aksyon.Ayon kay aling Berta ay pwede akong magsimula sa oras na makalabas na si lola sa hospital. Nakakatuwa dahil hindi ako minadali ng amo namin na magtrabaho agad. Nagpapasalamat ako dahil binigyan pa ako nito ng oras na maalagaan si lola hanggang sa makalabas lang ng hospital. 'Di bale, magpapasalamat na lang ako sa amo namin sa oras na magkaharap kaming dalawa.Tagumpay ang operasyon ni lola, tuluyan ng natanggal ang bala sa ulo nito kaya naman sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos at amo ko na tumulong sa amin. Oo, para sa akin ay tulong na rin ito. Wala naman kasing magpapabale ng gano'n kalaki. Kaya pinapangako ko talaga sa sarili ko na gagampanan ko ng maayos ang trabaho ko sa oras na magsimu
Read more
PREV
123456
...
16
DMCA.com Protection Status