[Maya/Fiona]NATIGILAN ako habang nagtataka na nakatingin sa mga pagkain na nakahain sa mesa na si kuya Gordon ang naghanda. Hindi makapaniwalang nakatingin ako sa kanya."Ano pa ang tinatayo-tayo mo ri'yan? Kakain na tayo kaya akayin mo na si Lola palabas ng kwarto niya." Utos nito habang nagtitimpla ng orange juice sa isang pitsel."Hoy, Fiona, bingi ka ba?" Untag niya sa akin.Napapitlag ako at nagmamadaling pinuntahan si lola Felly sa kanyang kwarto at inakay papunta sa aming maliit na kusina.Nang makita ni lola si kuya Gordon na nag aasikaso ay ngumiti ito imbes na magtaka. "S-Salamat naman at natauhan ka rin, Gordon. N-Naalala ko na dati ka naman talagang ganito... maasikaso at maalaga sa amin ni Fiona." Medyo hirap pa na bigkas ni lola.Nakaramdam ako ng panghihinayang dahil wala akong maalala sa nakaraan. Kung hindi lang sana nawala ang memorya ko ay hindi ko sana nakalimutan ang masasayang alaala na mayro'n ako kasama sila lola at kuya Gordon.Napatitig ako sa sinigang na nas
[Maya/Fiona pov]HINDI ko maintindihan kung bakit bawal magpunta sa kwarto ng amo namin ang sarili nitong anak. Kahit anong isip ko ay wala akong maisip na dahilan. Hindi tuloy ako makatulog sa kakaisip. Katutulog lang ni Trevor kaya naman nagtungo na ako sa kwarto ko para matulog at makapagpahinga.Akala ko ay sila ate Mae at aling Berta lang ang naninilbihan sa mansion na ito, pero hindi naman pala. Maraming kasambahay, mga drivers, hardinero, iyon nga lang ay walang nagtatagal na yaya ni Trevor na hindi ko rin alam kung bakit. Mabait na bata naman kasi si Trevor kaya bakit walang nagtatagal na alagaan ito? Hindi kaya dahil sa amo namin? Naalala ko bigla ang narinig kong ingay noon dito sa mansion. Base sa ingay na iyon ay parang may nababasag, o nagwawala na ewan.Napalunok ako bigla.Paano kung dahil pala dito kaya walang nagtatagal na yaya ni Trevor? Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. Wag naman sana ako makatanggap ng pagmamalupit rito kung sakali. Ito ang kauna-unahang trabah
[Maya/Fiona]KINABUKASAN ay maaga akong nagising, tulog pa si Trevor kaya naman tumulong muna ako kila ate Mae at aling Berta sa gawain sa mansion. Pinigilan naman nila ako pero nagpumilit ako, wala naman kasi akong gagawin, kaya imbis na tumunganga ay tutulong na lang muna ako sa kanila.Saka ang totoo ay mayro'n pa akong ibang dahilan. Hinihintay ko na bumaba ang amo namin para makita siya. Hindi ko alam kung bakit pero may parte sa puso ko na gusto siyang makita. Pero mundo ko lang yata ang lumiwanag ng bumaba ang amo namin, lahat kasi sila ay parang natakot, tanging ako lang ang natuwa.Napansin ko rin ang pagbabago ng awra ng paligid, parang biglang dumilim at natahimik lahat bigla. Nang batiin ng lahat ang amo ko ay wala man lang ito naging tugon, maski ang tumango ay hindi nito ginawa. Tila walang pakialam sa paligid na umupo lang ito."Damn it! Hindi ba't sinabi ko na wag niyong lalagyan ng cream ang coffe ko?! Tanga ka ba?!" Bulyaw ni sir Tyler sa kasambahay na nagtimpla ng ka
[Maya/Fiona pov]"Seven months lang si Trevor ng ipanganak siya ni Maya bago siya pumanaw. Ang akala naming lahat ay hindi siya mabubuhay dahil bukod sa kulang siya sa buwan ay talagang mahina siya noong sanggol pa lamang siya. Halos limang buwan na naka-incubator ang batang 'yan. Tandang-tanda ko pa kung paano lumuhod si sir Tyler sa simbahan upang ipagdasal na mabuhay si Trevor."Natigil ako sa pag inom ng juice, tumingin ako kay Trevor. Kung titingnan ito ngayon ay malayong-malayo ito sa mahinang bata na nilalarawan ni ate Mae."Mahal na mahal ni sir Tyler si Trevor, kaya hindi namin maintindihan kung bakit malamig ang trato niya rito gayong alam namin na sobra niya itong mahal. Si Trevor ang kaisa-isang alaala na iniwan ni Maya sa kanya... kaya naisip ko na baka sa tuwing makikita niya ang anak niya ay naaalala niya si Maya.""Sa tuwing magkukwento kayo ay parang kilalang-kilala niyo si Maya ni aling Berta. Kaano-ano niyo po siya?" Tanong ko kay ate Mae. Napipilan ako ng makita ko
[Maya/Fiona]Mabait si sir Delvin, paminsan-paminsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy alam kung natatawa ba ito sa mukha ko o talagang hindi lang ito makapaniwala na may kasing pangit na nilalang na tulad ko. Sabagay, hindi ko siya masisisi. Kahit sino naman talaga ay ganito ang reaksyon sa tuwing makikita ang mukha ko. "May I know kung bakit nagkaganyan ang mukha mo?" Nag aalangan na tanong pa ni sir Delvin habang nakaturo sa mukha. "Sanhi po ito ng sunog, sir. Noong nagkaroon ng sunog sa lugar namin ay hindi agad ako nakalabas ng bahay namin. Pero nagpapasalamat pa rin po ako dahil buhay ako at nawalan lang ng alaala. Pumanget nga lang ako." Nilakapan ko ng tawa ang huli kong sinabi."Bakit, momster, maganda ka ba dati?" Tanong ni Trevor. Napakamot na lang ako sa ulo. "Ah,,, siguro." Natawa naman sila sa sagot ko. Wala kasi akong idea kung ano ba ang hitsura ko dati. Wala ng natira sa mga gamit namin noon, kaya maski isang litrato ay wala ako. Pero ang sab
[Maya/Fiona pov]Tumalikod si sir Tyler habang lumuluha. Nakikita ko ang bahagyang paggalaw ng kanyang balikat. Inangat ko ang aking kamay, gusto ko siyang hawakan at aluin, gusto ko siyang yakapin at sabihin sa kanya na narito lang ako para sa kanila ni Trevor. Pero natauhan ako. Isa lang akong yaya. Binabayaran para alagaan ang anak niya. Hindi ako pwedeng magpakita ng emosyon o galaw na hindi nito magugustuhan. Ang kakaibang pakiramdam sa puso ko para sa kanya ay itatago ko na lang. Amo ko sya at isa lang akong tauhan, isa pa ay napakapangit ko. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ng marinig ang sunod niyang sinabi sa akin. "Ang trabaho mo ay alagaan ang anak ko, nothing more, Fiona. Just do your work bilang kabayaran sa pagkakautang mo, and stop interfering in our lives." Kasing lamig ng metal na litanya nito bago ako tuluyang iwan. Naluluhang bumalik ako sa silid ni Trevor at niyakap ito. Ngayon pa lang ay nasasaktan na ako para sa alaga ko. Hindi ko tiyak kung tumagos ba sa pus
[Maya/Fiona pov]Pagmulat ko ng mata ay ang gwapong mukha ni sir Tyler ang bumungad sa akin. Sa aking pagkataranta ay biglaan akong napabangon sa sobrang pagkabigla. Paano ay napakalapit ng mukha ng amo ko sa akin. Tumatama na ang hininga niya sa mukha ko kaya naman naamoy ko ang mabango niyang hininga. Diyos ko! Nakakapanghina ang kagwapuhan nito! Agad na tinakpan ko ang aking mukha ng palad ko para itago ang pamumula ko. Alam kong pangit ako at walang karapatan na makaramdam ng ganitong kilig. Pero ano ang magagawa ko... hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil kay sir Tyler."Fiona, kamusta na ang pakiramdam mo?" Saka lamang ako natauhan ng marinig ang boses ni sir Delvin na hindi ko napansin na nasa uluhan ko banda nakatayo. Bakas ang pag aalala sa mukha nilang lahat, lalo na kay Trevor."Momster, I thought you died na po." Umiiyak na yumakap sa akin si Trevor.Napa- signed cross ako ng wala sa oras dahil sa sinabi ng alaga ko. Baka kasi mabati at magkatotoo, eh ayaw ko pang mamat
[Tyler pov] Sa loob ng tatlong taon ay kinain ako ng lungkot, sakit, pangungulila. Hindi ko namalayan na napapabayaan at nababalewala ko na ang sarili kong anak. Palagi kong sinisisi ang sarili ko sa pagkawala ni Maya. Kung hindi ako naging pabaya ay baka hanggang ngayon ay buhay pa siya at kasama namin ni Trevor. Masaya sana kaming magkasama at buo ang pamilya namin. Kailan man ay hindi sumagi sa isip ko na sisihin si Trevor sa pagkawala ng mommy niya. Ang totoo ay hindi ko magawang harapin siya dahil pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit nawalan siya ng ina. Kaya sinabi ko sa aking sarili na hangga't hindi nahahanap kung sino ang dahilan sa pagkawala ni Maya ay hindi ko kayang humarap sa kanya... Subalit mali ako...Dahil sa ginawa ko ay hindi ko na namamalayan na nasasaktan ko na pala ang kawawa naming anak ni Maya. ang tanga ko dahil hinayan ko na isipin at maramdaman niya na hindi ko siya mahal. Nang marinig ko ang sinabi ni Fiona sa akin ay saka lamang ako natauhan...
(Karla pov) Kitang-kita ko kung paano bugbugin ni Timothy at nang kakambal nitong si Marshall si Bane. Dumating din si Jelay, umiiyak itong nakayakap sa'kin. "Karla, thanks god you're safe. Sobra kaming nag alala sayo ni nanay." Nag aalalang sabi ni Jelay sa'kin. Maraming dumating na mga pulis, hinuli si Bane at ang mga tauhan nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil naligtas din si Atty. bago pa ito tuluyang mapatay ng mga tauhan ni Bane. Naramdaman ko nalang ang pag angat nang katawan ko sa ere, si Timothy buhat niya ako. Sa bisig niya ay umiyak ako ng umiyak... halo-halo ang nararamdaman ko... Pasasalamat at pangungulila sa kanya. Hindi malubha ang lagay ko pero ang daming bumisita sa'kin. Hiyang-hiya ako sa magulang ni Timothy at hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil sa labis na hiya sa nagawa ko sa anak nila. "Karla, iha... hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo. Biktima ka lang ng sarili mong ama." Wika nang mommy ni Timothy. "Sa katunayan ay natutuwa kami sa
(Karla pov) Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang iwan ko si Timothy. Walang araw na hindi ako tahimik na umiiyak at alam ni nanay ang lahat... Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Wala akong narinig na masakit na salita sa kanya, ito pa ang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ako nagkaro'n nang masamang ama. Tumawag sa akin si Sheya, binalita niya ang lahat sa'kin. Tahimik daw na inasikaso ang kaso. Nahuli na rin si Richard at nakakulong na. Ang magulang ni Richard na nagpalabas na patay na si Richard ay haharap din sa kaso. Malungkot at nasasaktan man ako ay masaya parin ako sa balitang nalaman ko. Kampante na ako dahil hindi na sila mapapahamak sa kamay ng ama at kapatid ko. Natigilan ako nang makita ang isang babae na naghihintay sa akin sa labas ng bago naming tinutuluyan ni nanay. Teka, ito 'yong atty. na nakita kong kasama ni Timothy sa elevator. Ano kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin? Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin. Nag
(Karla pov)Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Gustuhin ko man isuplong at sabihin sa mga Montemayor ang tungkol kay Richard ay pinangunahan ako ng takot. Oo, naduduwag ako. Binantaan kasi ako ng ama ko na isiswalat din niya kasabwat ako, sisiguraduhin daw nito na malalaman ni Timothy na kasama ako sa mga planong ginawa nito. Hindi ko na kayaβ¦ kinakain na ako ng konsensya ko. Narinig ko ang usapan ni Timothy at Sheya, natatakot ako dahil mukhang may balak na naman na masama si Richard kay Sheya. Nakakatakot si Richard, imbis na magbago ito at magpasalamat sa ikalawang buhay na binigay ng diyos ay nagagawa pa rin nito na gumawa ng masama.Tumingala ako sa harapan ng mansion nang mag asawang Trevor at Sheya.Hindi na kasi kaya ng konsensya ko. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. Bahala naβ¦βKarla!β Nakangiting yumakap sa akin si Sheya ng makita ako. Niyaya niya akong umupo, pinaghandaan pa ako nito ng pagkain. Napansin ko na nanlalalim ang mata ni Sheya, mukhang hindi ito nak
(Timothy pov) "Oh, Timothy, napadalaw ka." Nakangiting bungad ng ina ni Karla sa akin, agad ako nitong pinapasok sa loob. Mas masigla na ito kumpara no'ng una ko itong makita, siguro dahil na rin sa regular check up nito at patuloy na pag inom ng gamot. "Naku, iho, nag abala ka pa." Tila nahihiyang turan nito ng makita ang marami kong dalang groceries at lutong pagkain. "Hindi ito isang abala, nay." Ako na nagsalansan ng mga pinamili ko dahil ayaw ko itong mapagod. Pagkatapos ay agad kong tinanong ang ina ni Karla. "May problema ka ba, nay? Kayo ni Karla?" Oo, isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong malaman kung ano ang problema nilang mag ina. I know it was wrong because it's a family matter, but for me, when it comes to Karla, it's matter. Mahalaga sa akin ang nobya ko. Kung sakaling malaman ng nobya ko ang ginawa at magalit ito ay maiintindihan ko. I'm really worried. Hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay naglalagay ng pader sa pagitan naming dalawa si
(Timothy pov) Hindi ko mapigilan ang mag alala dahil hindi sinasagot ni Karla ang mga tawag ko. I called may secretary to cancel all my appointments at nagmamadaling umuwi sa condo. Then I saw her, crying while holding her cellphone, mukhang hindi maganda ang pinag uusapan ng mga ito dahil mas lalong humaguhol ng iyak ang nobya ko. Rumehistro ang gulat sa mukha niya ng makita ako. "T-Timothy..." "What's wrong? May nangyari ba kay nanay?" Nag aalala akong yumakap sa kanya. Kilala ko si Karla hindi ito basta iiyak lang kaya alam kong may mabigat siyang dinadala. Pero imbis sagutin ako ay tumalikod ito sa akin at umiling. Bumuntong hininga ako. Kahit nanaig sa akin na alamin ang problema ay iginagalang ko kung ayaw man niyang sabihin sa akin ang problema niya. "N-Nagluto ako, hon. S-Sandali lang at maghahain ako ng pagkain." Nagpaalam si Karla na maghahain, tumango ako bago pumasok sa kwarto para magbihis. Ilang beses pa akong bumuntong hininga. Hindi ko talaga gustong makita na umii
(Karla pov)Masaya kaming nagkukwentuhan ni Jelay habang kumakain sa isang fast food chain. Nagkita kaming dalawa at syempre nagkamustahan. Sinabi ko sa kanya na uuwi na ako sa bahay namin sa susunod na buwan. βTeka, saan ka ba nagtatrabaho?β Tanong sa akin ni Jelay. βPara madalaw ka namin ni nanay. Boss mo ba si Timothy?β Muntik na akong masamid sa tanong niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila ang totoo. Alam ko kasi na magagalit si nanay kapag nalaman niya na nakatira ako sa isang bahay kasama ang isang lalaki. Sino bang ina ang matutuwa na ang anak niyang dalaga ay mayroβng kasamang lalaki sa bahay. Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang ama ko. "Hindi mo ba sasagutin? Baka importante 'yan." Umiling ako kay Jelay. "Wrong number lang." Nang maghiwalay kaming dalawa ay saka ko binasa ang text messages na pinadala ng ama ko. Gusto nitong malaman kung may improvement na ba sa plano ko. Bumuga ako ng hangin. Mahal ko
(Karla pov)Iyak ako ng iyak dahil walang balita kay Jelay. Hindi ito matagpuan at kahit ang mga kapulisan ay hindi ito natagpuan. Maging si nanay ay sobra ng nag aalala rito.βMaβam, sigurado ka ba na dito nakatira ang kaibigan mo?β Intriga sa akin ng pulis na may pagdududa. βOpo, mamang pulis. Tandang-tanda ko na iyan ang nakalagay sa ID ng kaibigan ko noong nagtatrabaho kami.β Dagdag ko pa.Kumunot ang noo ni Timothy, ang pulis ay kunot din ang noo, nagtataka tuloy ako kung bakit parang nagtataka silang dalawa.βMaβam, ang lugar kasi na iyan ay isang exclusive subdivision, puro mayayaman ang nakatira sa lugar na βyan at iisang angkan langβ¦ ang angkan ng mga Herendes. Kaya imposible na riβyan nakatira ang kaibigan mo.β βHon, hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Alalahanin mong mabuti, sigurado ka ba na dito siya nakatira?β Agad na tumango ako. βOo, hon, sigurado ako. Kung gusto ninyo ay alamin ninyo sa dati naming pinapasukang pabrika, sigurado ako na mayroβng record si Jelay doon.
(Timothy pov) Kumunot ang noo ko pagdating sa tapat ng pintuan ng condo ko. May nakita akong bulaklak at ilang regalo na para kay Karla. Naka-indicate ang pangalan ng nobya ko rito kaya takang-taka ako. Hindi kasi ako bumili ng bulaklak ngayon kay Karla dahil dumaan ako ngayon sa isang jewelry store para bilhan ito ng kwintas na mayroβng picture naming dalawa.Tiningnan ko ng masama ang katapat ng pad ko, ang condo unit ni Bane. Lumapit ako rito at malakas na kumatok. Pero imbis si Bane ay isang babae ang nagbukas rito.βClare!?β Gulat na gulat na bulalas ko. βHi, Timothy!β Agad na bati ng dalaga na nakangiti. βPasa sa akin ba ang mga bulaklak na βyan?ββBakit ikaw ang nasa unit ni Bane? Nasaan siya?β Iniinis ako ng gag0ng βyon ah. Alam ko siya nagpadala nito kay Karla.βSinong Bane?β Tanong ni Clare. βAh, siya ba βyong dating nakatira dito? Well, sa akin na ang unit na βto dahil ibinenta na ito sa akin.β Ngumiti ito ng pilya. βSi Bane ba talaga ang hinahanap mo, oh baka naman ako t
(Karla pov) Sobrang saya ko dahil hindi na peke ang relasyon namin ngayon ni Timothy. Araw-araw ay dama ko ang pagmamahal niya sa akin. Wala siyang ginawa kundi ang suyuin ako, sabi nga nito ay 'liligawan niya ako ng pormal kahit kami na. "Salamat, Timothy," Pasalamat ko sa kanya ng abutan niya ako ng bulaklak. "Sabi ko naman sayo ay tama na e. Tingnan mo ang condo mo, malapit ng mapuno ng mga bulaklak." Dalawang buwan na matulin ang lumipas, tapos na ang agreement namin dalawa pero heto at masaya kaming nagpatuloy sa relasyon namin. "Kasalanan mo 'yan, hon. Hindi mo kasi tinatapon ang luma kong binibigay." Iiling-iling na sabi nito sa akin na ikinairap ko sa kanya. "Bakit ko itatapon, eh binigay mo sa akin lahat ng 'to." Sa totoo lang ay sinubukan kong sundin ang sinabi niya sa akin pero hindi ko talaga kaya. Bukod sa nanghihinayang ako ay gustong-gusto ko ang mga bulaklak na nakikita sa umaga. Hindi ako magsasawang titigan ang mga ito dahil galing ang lahat ng ito sa kanya. Kumu