Home / Romance / ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN / Kabanata 101 - Kabanata 110

Lahat ng Kabanata ng ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN: Kabanata 101 - Kabanata 110

155 Kabanata

Chapter 100.💛

[Genesheya pov] Masaya para sa akin ang mga kaibigan ko ng sinabi ko sa kanila ang tungkol sa progress sa relasyon namin ng asawa ko. Hindi ko na kinuwento ang tungkol sa nangyari sa amin dahil bukod sa nahihiya ako ay alam kong hindi ako titigilan ng mga ito sa kakatukso. Nalulungkot pa rin ako paminsan-minsan lalo na kapag naaalala ko si nanay. Mas maganda sana kung makikita niya na masaya na ako ngayon. Hindi saya na pagpapanggap lang, kundi makatotohanan na. Mahina akong napa-aray ng sikuhin ako ni Chairmaine sa tiyan. Handa na sana akong batukan ito sa ulo para makaganti man lang, pero ngumuso ito sa aking likuran. Daig ko pa ang sinilihan sa buong katawan ng makita ko si Trevor na may dalang mga bulaklak. Wala akong ibang tao na nakikita sa paligid, kundi siya lang. Tingin ko sa kanya ay kumikinang at tila bumagal ang kilos ng lahat. Napakagwapo nito sa suot na black slacks at dark blue long sleeve na nakatupi ang dulo. Naka-brush up ang kulot nitong buhok na may kaunting hib
Magbasa pa

Chapter 101.💛

[Genesheya pov] Nakangiting kumaway ako sa papalayong sasakyan sakay ang pamilya namin ni Trevor. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Nag aalala ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi si Trevor. Hindi rin nito sinasagot ang tawag ko, o nagrereply sa mga messages ko. Mas lalo tuloy akong nag aalala dahil do’n. Hindi ako sanay na hindi ito sumasagot. Sa loob ng ilang buwan ay malaki na ang pinagbago ni Trevor, kaya kataka-taka ang ganito. Paano kung may nangyaring masama rito? Paano kung— Mahina kong hinilot ang sintido ko. ‘Hay naku, Sheya. Tigilan mo ang kaiisip ng hindi magandang bagay’ Ani ng utak ko. Naligo ako at gumayak. Inaantok ako at wala pa halos tulog dahil hinintay kong bumalik si Trevor kagabi. Pero umaga na ay wala pa rin ito. Gumawa lang ako ng alibi sa magulang namin ng tanungin ako ng mga ito. Ayoko naman na mag alala ang mga ito, lalo na si mommy. Nagpahatid ako sa office ni Trevor. Hindi ko pinahalatang nabigla ako sa sinabi ni Bien. “Mrs. Montemayor,
Magbasa pa

Chapter 102.💛

[Genesheya pov] Dalawang linggo na simula no’ng umuwi si Trevor, at isang linggo na rin niya akong tina-trato na tila hangin. Hindi niya ako kinakausap ko tinitingnan man lang. Sumagap ako ng hangin bago lakas- loob na harangin ang pagbaba nito ng hagdan. “Trevor, pwede ba tayong mag usap?” Pumilig ang ulo nito. “Tungkol saan?” Nakatingin sa relo na tanong nito. “Tungkol sa ating dalawa.” Natigilan siya at nag angat ng tingin. Ang ilang araw na sakit sa dibdib ko ay naipon na kaya naman anumang sandali ay alam kong tutulo na ang luha ko. “Sheya–” “May nagawa ba akong masama kaya nagkakaganito ka?” Kinagat ko ang labi ko para pigilin ang luha ko. “Hindi ako sanay na ganyan ka sa akin, Trevor. Bakit bigla kang nagbago? Bakit ang lamig mo na sa akin? Sabihin mo sa akin kung ano ba ang nagawa ko—” “Sheya, ano bang klaseng tanong ‘yan? Daig mo pa ang isang tunay na asawa, ah.” May bahid ng pagkairita sa boses na wika ni Trevor. Umawang ang labi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. “M-M
Magbasa pa

Chapter 103.💛

[Genesheya pov]Nabigla ako ng mapagbuksan ko ng pinto sina Harold at Chairmaine. Wala naman kasi silang sinabi sa akin na dadalaw sila ngayon. “Oh my god, Sheya. Kumakain ka pa ba? Tingnan mo nga ang sarili mo. Lalo kang pumayat! Balak mo bang patayin ang sarili mo?!” May galit sa tonong wika ni Chairmaine sa akin. Alam kong nag aalala sila dahil sa kapayatan ko. Maski rin ako ay nagulat ng mapatingin ako kanina sa salamin. Ang payat-payat ko na pala. Hindi ko man napansin. Tingin ko nga ay tatangayin na ako ng hangin dahil sa kapayatan ko. Siguro ay dahil sa sobra kong stress nitong nakaraan kaya hindi ko namalayan na napapabayaan ko na pala ang sarili ko.Nang yumakap sa akin silang dalawa ay bigla na lamang tumulo ang luha ko. Marahil ay dahil sa hindi ko na kaya ang bigat at sakit sa dibdib ko kaya napaiyak na lang ako. Matagal kami sa gano’ng sitwasyon. Hinayaan lang nila ako na umiyak ng umiyak para mailabas ko ang sakit sa dibdib ko. Nang kumalma ako ay nakiusap ako sa kanila
Magbasa pa

Chapter 104.💛

[Trevor pov]Hindi ako mapakali. Simula nang umalis si Sheya kasama ang kanyang mga kaibigan ay hindi na napanatag ang dibdib ko. “Babe, stay with me, please. Hayaan mo ang asawa mo. Mas mabuti na huwag mo siyang sundan dahil baka mag assume siya na mahal mo siya. Saka mabuti na rin na nalaman niya ang tungkol sa pagbabalikan natin para matigil na siya sa kahibangan niya.” Hinaplos ni Xena ang mukha ko at malambing akong tiningnan. “Sinuko ko na ang career ko para makasama ka kaya naman pwede na nating ituloy ang matagal na nating plano na magpakasal.”Isang half italian si Xena, habang si Xandria, ang half sister nito ay isang pure pinay. Parehong galing sa kilalang angkan ang pamilya ng dalawa. Nalugi lang ang mga negosyo ng mga ito kaya naman napilitan si Xena na pasukin ang pagmomodelo para makatulong sa magulang. Naging matagumpay ang pinasok nitong career dahil hindi lang ito sa Pilipinas nakilala, maging sa ibang bansa na rin. Iyon ang minahal ko sa fiance ko, mapagmahal itong
Magbasa pa

Chapter 105.💛

[Genesheya pov]Kung alam ko lang na ganito pala kasakit ang masaktan ay kinandado ko na lamang ang puso ko at hindi na lang nagmahal. Isang linggo na ang nakakalipas mula ng umuwi ako sa amin dala ang bigat, sakit, at sobrang pagkawasak. Bago umuwi ay dumaan ako sa mansion at narinig ko ang usapan nina ninang at ninong. Si ninang pala ang nagset-up sa amin ni Trevor. Kaya pala kahit anong gawin kong paliwanag sa kanya at pagbibigay linaw na wala talagang nangyari sa amin ng anak niya ay hindi niya pinigil ang kasal. Kasama pala sa plano ang nangyari.Ang sakit sa dibdib dahil ang taong inaakala ko na hindi magagawa sa akin ang gano’n ay magagawa pala. Kasabay ng pagpapaikot at panggagamit sa akin ng anak niyang si Trevor. Hindi lang ang buhay ko ang sinira ni ninang, maging ang tiwala ko sa kanya. Gano’n din ang ginawa ni Trevor sa akin, dinurog niya ang puso ko. Umasa ako, naniwala na totoong mahal niya ako. Iyon pala ay pagpapanggap lamang ang lahat. Pinaglaruan niya ako at sinakt
Magbasa pa

Chapter 106.💛

[Maya and Tyler pov]Ilang beses na napabuntong hininga si Maya habang nakatingin sa pagkain na walang bawas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakain ang kanyang anak na si Trevor. Hindi rin ito lumalabas ng kwarto. Alam nilang mag asawa na sising-sisi ito sa lahat ng ginawa kay Sheya at gabi-gabi itong lumuluha.Gano’n din ang nararamdaman ni Maya, sising-sisi siya sa kanyang ginawa. Gumulo ang sitwasyon at buhay ni Sheya dahil sa kanya. Sa kagustuhan niya na iligtas ang kinabukasan ng kanyang anak mula sa fiance nitong si Xena ay nagawa niyang iset-up ito sa anak ng kanyang kuya Gordon. Ang inaakala niyang bubuti ang lahat ay hindi nangyari. Ngayon ay parehong nasaktan ang dalawang taong pinapahalagahan niya. “Tyler, masama ba akong ina dahil nagawa ko ito sa ating anak? Maging si Sheya ay dinamay ko pa. Kung sinabi ko na lamang sa anak natin ang lahat ay hindi sana umabot sa ganito.” Lumuluhang wika ni Maya. Tila dinudurog ang puso niya sa nakikitang kalagayan ng kanyang panganay
Magbasa pa

Chapter 107.💛

[Trevor pov]Halos mapuno ng mga bouquet ng mga bulaklak ang kotse ko. Alam ko na gustong-gusto ni Sheya ang mga bulaklak kaya dumaan ako sa isang Flower Shop para bumili nito. Para kahit sa ganitong paraan ay gumaan ang loob ng asawa ko. Sumagitsit ang gulong ng kotse ko sa biglaang pagpreno ko. Handa ko ng bulyawan ang sakay ng nagmamaneho ng taxi na biglaan na lamang huminto sa tapat ng sasakyan ko ng lumabas si Xena.“Babe!” Humahangos na lumapit si Xena sa akin at saka yumapos sa aking katawan. “My god, pinag alala mo ako! I was calling you since you left but you didn’t answered my call. Is there any problem? Kinulit ka ba ng babaeng ‘yon?” Tukoy nito kay Sheya.Pinilig ko ang ulo ko. “I need to go, Xena. Let’s talk some other time.”Umiling si Xena at nauna ng pumasok sa kotse ko. Halatang nagulat ito ng makita ang sandamakmak na bulaklak. Bumaling ito sa akin na may nagbabadyang luha sa mata. “You never bought me a bouquet before. Para sa kanya ba ito?” Umupo ako sa driver sea
Magbasa pa

Chapter 108.💛

[3 YEARS LATER]Nagkatinginan ang mag asawang Maya at Tyler habang nakatingin sa isang empleyadong papalayo habang nanginginig sa takot na umiiyak. Bumuntong hininga na lamang ang mag asawa. Sa loob ng tatlong taon ay madalas itong mangyari kaya hindi na sila nabigla pa.Pagdating sa opisina ng kanilang anak na si Trevor ay naabutan nila itong subsob sa trabaho, ni ang tapunan sila ng tingin ay hindi nito ginawa.“Why are there, mom, dad?” Anito habang abala sa pagbasa ng mga papeles. Hindi na kailangan tingnan ni Trevor kung sino ang nasa harapan dahil umaalingasaw sa paligid ang pabango ng kanyang magulang. Siya ang nagregalo ng mamahaling perfume sa mga ito kaya nalaman niya na ang mga magulang ito.“Trevor, galing sa mansion si Atty. Oman.” Inilapag ni Maya sa harapan ng anak ang isang kulay asul na envelope. Nang makita ito ni Trevor ay napatiimbagang ito. “Tatlong taon na, anak. It’s time to let her go.” Malumanay na pakiusap ni Maya sa anak.Agad na nagtaas-baba ang dibdib ni Tr
Magbasa pa

Chapter 109.💛

[Genesheya pov]Ilang beses akong bumuga ng hangin pagkatapos namin mag usap ni Atty. Oman. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumipirma si Trevor sa annulment paper naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit nagmamatigas pa rin ito hanggang ngayon. Wala naman saysay ang matali pa siya sa akin. Saka hindi ba iyon naman ang gusto nito? Ang maghiwalay kaming dalawa. Tatlong taon na mula ng manirahan ako sa Nome. Dalawang taon lang ang tinagal namin doon ni Chairmaine. Bumalik kami sa Pilipinas isang taon na ang nakakaraan. Tanging sila tatay, Gilo at Harold lang ang nakakaalam ng pagbalik ko. “Tata!” Bibong tawag sa akin ni Charm, ang anak ni Chairmaine. Tata, ang ibig sabihin ay ‘tita. Agad ko itong binuhat ng makalapit sa akin at pinugpog ko ng halik. Lumapit si Chairmaine sa akin, halatang balisa ito. Boss pala ni Chairmaine ang ama ni Charm. Ngayon ay problemado ang kaibigan ko kung paano itatago ang anak rito. Yes, buntis pala si Chairmaine ng umalis kami ng Pilipinas three years ago,
Magbasa pa
PREV
1
...
910111213
...
16
DMCA.com Protection Status