Home / Romance / ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN: Chapter 81 - Chapter 90

155 Chapters

Chapter 80.💛

[Trevor pov] Sinimsim ni Trevor ang basong may laman na alak habang nakatingin sa kontratang pinirmahan ni Genesheya, o mas kilala sa palayaw na Sheya. ‘Kasal na nga talaga ako’ iiling-iling na muli akong sumimsim ng alak. Kung hindi lang dahil kay mommy at daddy ako hindi ako aalis kasama si Sheya at nagtungo na lang sana sa Paris kung nasaan si Xena, ang nobya ko talaga at balak na pakasalan. Limang taon na ang relasyon namin ni Xena. Pareho naming mahal ang isa’t isa kaya tumagal ng limang taon ang relasyon namin. Isa itong international model at talagang kilala sa ibang bansa, kaya nga hindi na ito nakakabalik ng Pilipinas dahil sa hectic nitong schedule. Alam kong hindi gusto ng pamilya ko ang nobya ko. Wala akong makitang ibang rason dahil mabait at malambing si Xena. Kaya sa palagay ko kaya ayaw nila rito dahil limang beses na akong nag-propose rito, pero paulit-ulit din ako nitong tinanggihan. Kaya nang tanggapin nito ang alok kong kasal ay sobrang saya ko. I’ve been waitin
Read more

Chapter 81.💛

[Genesheya pov] Pagkatapos kong kumain ay nagligpit na ako. “WAHHHHHHH!!!!” Malakas kong tili ng may bigla na lamang na lalaki ang lumitaw sa harap ko. Sa sobrang takot ko ay nabato ko siya ng baso, pero maagap niya itong nasalo habang tumatawa pa. Tinaas ko ang bread knife at itinutok sa kanya. Nanginginig ang kamay ko sa takot, nagtatapang-tapangan lamang ako. “S-Sino ka? M-Magnanakaw ka, no?” Humawak ito sa dibdib at umaktong tila nasaktan. “Ouch, you hurt my feelings, beautiful lady. Sa gwapo kong ‘to, magnanakaw?” Saglit na huminto ito sa pagsasalita at tumango-tango. “Magnanakaw ng puso, pwede pa.” Nakakainis naman ang magnanakaw na ‘to, nakuha pang tawanan ako! Saka anong magnanakaw ng puso? Pinasadahan ko ito ng tingin. Sabagay, gwapo ito. Matangkad at moreno. “U-Umalis ka na, kung hindi ay tatawag ako ng pulis!” Pananakot ko, pero imbis matakot at tinawanan na naman niya ako. Umupo pa ito sa upuang naroon at dumampot ng tirang hotdog at sumubo. “Nasaan si Trevor?” Ngum
Read more

Chapter 82.💛

[Genesheya pov]Masaya ako, hindi lang dahil sa mabuti ang pakikitungo sa akin ng pamilya ni Trevor, kundi naipagpatuloy ko rin ang pag aaral ko. Next year ay magtatapos na ako sa course kong Accountancy. Ngayon pa lang ay napakasaya ko na dahil matutupad na ang pangarap ng magulang ko na makapagtapos na ako.Dalawang buwan na ang nakakalipas. Noong unang araw na nilipat ang gamit ko sa kwarto ni Trevor ay hindi na ito umuwi pa. Ang alam namin ay nasa Europe ito dahil sa business ng pamilya. Kung hindi nabanggit ni kuya Marshall na nasa Europe ito ay hindi ko pa malalaman. Pagkauwi ko galing unibersidad ay diretso ako sa cooking lesson namin ni mommy. Kinausap ko kasi si mommy na turuan akong magluto para madagdagan ang kaalaman ko rito. Alam ko naman na dalawang taon lang kami na magsasama ni Trevor, gayunpaman ay gusto ko pa rin na gawin ang ibang obligasyon bilang isang maybahay sa kanya. Ang maipagluto siya ng mga paborito niya, ay isang maliit lang naman na bagay.“Hmm, ang bango
Read more

Chapter 83.💛

[Genesheya pov] Iyak ng iyak si nanay habang isinasakay ang mga gamit ko sa sasakyan. Maging si tatay at Gilo ay bakas ang lungkot sa mukha. Si mommy ay iyak din ng iyak katulad ni nanay. Hindi naman ako mamatay pero kung makaiyak ang dalawa ay parang ililibing na ako bukas. Lumapit si tatay at hinawakan ako sa ulo. “Genesheya, sa oras na kailangan mo kami ay tumawag ka o magmessage ka lang sa amin ng nanay mo at darating kami agad. Alam mo naman na walang malayo pagdating sa prinsesa namin.” Yumakap ako kay tatay at sinubsob ang mukha sa kanyang dibdib. Mamimiss ko ang amoy nila ni nanay, syempre maging ang kakulitan ni Gilo sa akin. “Sheya, wag mo kalimutan ang bilin namin sa’yo ng mommy Maya mo, ha. Busugin mo sa pagmamahal si Trevor at alagaan mo siya.” Matagal-tagal na paalamanan ang naganap. Ayaw pa nga ni mommy na umalis kami. Hindi pa naman sanay sina nanay at tatay na malayo sa akin. Sabagay, pwede naman nila akong tawagan o imessage or video call. Napapanisan na ako ng l
Read more

Chapter 84.💛

[Genesheya pov] Kanina pa ako nakatayo sa gate ng unibersidad habang hinihintay sina Chairmaine at Harold. Nang makita ko sila ay agad akong kumaway sa kanilang dalawa. Patakbo naman silang tumakbo palapit sa akin. “Hoy, ano bang ginagawa ninyong dalawa? At talagang lumipat pa kayo rito dahil sa akin.” Hindi ako makapaniwala na talagang tutuparin nila ang pangako nila sa akin dati na kung nasaan akong unibersidad ay do’n sila magtatapos. “Sheya, ako lang dapat ang lilipat eh. Pero itong si Harold ay nakigaya na rin.” Umirap si Chairmaine sa binata. “Aba, nakalimutan yatang kasal ka na at may asawa. Parang aso pa rin na bubuntot-buntot sa’yo.” “Anong aso? Sa gwapo kong ‘to mukhang aso lang ako sa paningin mo?” Nilagay ni Harold ang kamay sa ilalim ng baba habang naka-gesture ng pogi sign. “Sheya, bulag na yata ang isang ‘to, di’ba gwapo naman talaga ako?” Pagpapakampi nito. At nagtalo na naman ang dalawa sa harapan ko kaya napailing na lang ako. Hindi mahirap sa dalawa ang magpali
Read more

Chapter 85. 💛

[Genesheya pov] Hindi ko maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Harold sa akin. Ako may gusto kay Trevor? Kailan? Saan banda? Iyon ba ang dahilan kung bakit mabilis at malakas ang tibok ng puso ko? Natigil ako sa paghalo ng nilulutong kaldertang karne ng baka ng makarinig ng ugong ng sasakyan. Alam kong si Trevor ito dahil wala naman kaming kapitbahay. Bawat layo ng bahay sa lugar na ito ay aabuting ng benteng kilometro ang layo. Kaya nga kailangan pa akong ihatid ni Trevor sa unibersidad na pinapasukan ko. Hinatid lang ako nina Chairmaine at Harold pauwi kaya nakauwi ako ng maaga. Alam naman ‘yon si Trevor dahil nagtext ako sa kanya. Pinatay ko muna ang apoy ng niluluto ko bago tumakbo at salubungin si Trevor. “Good evening, Trevor. Nagluto ako, tara kain na tayo.” Nakangiting anyaya ko sa kanya habang nakatitig sa mukha niya. Pinakiramdaman ko ang sarili ko habang kapa ang aking dibdib. Katulad nitong nakaraan ay malakas na naman ang tibok nito habang kaharap ko ang asawa ko. ‘Nahu
Read more

Chapter 86.💛

[Trevor pov]“Damn!” Binato ko sa pader ang hawak kong maliit na kahon ng makaalis si Sheya. Iniwasan ko si Sheya dahil iniiwasan kong masaktan ko siya sa sobrang galit ko sa kanya. Nakipaghiwalay na sa akin si Xena ng malaman nitong ikinasal na ako sa iba. Si Sheya ang sinisisi ko. Kung hindi niya ako sinet-up at hindi kami maghihiwalay ni Xena.‘Kasalanan ‘to ng babaeng ‘yon!’Ilang beses akong tumawag kay Xena para makausap ito at magpaliwanag rito pero pinapatay lamang nito ang tawag ko. Natigilan ako ng makita ang vacuum sa sahig. Naalala ko ang nakakaawang itsura ni Sheya bago ito umalis.‘Fvck, Trevor, wag kang magpapadala sa arte niya!’ Kastigo ko sa sarili ko. Muling nanumbalik ang inis ko at sinipa ng malakas ang vacuum. Kinabukasan habang pababa ako ng hagdan ay nakaamoy ako ng mabangong aroma ng kape. Nabigla ako dahil naabutan kong nakatalikod si Sheya habang nakasuot ng pink na apron habang abala sa paghalo ng sinangag na kanin. Hindi ko pinahalata ang pagkabigla ko ng
Read more

Chapter 87.💛

[Genesheya]Walang patid ako sa pagluha habang nakatingin sa kabaong kung nasaan si nanay na wala ng buhay. Bakit gano’n? Ang bilis naman niya kaming iwan. Hindi ko pa naaabot ang pangarap namin na magtatapos ako. Pinangako ko pa sa kanila nila tatay na sa unang sahod ko sa oras na makapagtrabaho ako ay kakain kami sa labas at sa mamahaling restaurant pa. Yumakap ako kay mommy ng makita ko siya at saka umiiyak ng umiyak. Hindi lamang si mommy ang nagko-comfort sa akin, narito rin sila Chairmnaine at Harold. Maging sina kuya Marshall, kuya Timothy, daddy, at sina tito Delvin, tita Vanjie at ang anak nitong sina Valeria at Drew ay narito rin.Awang-awa ako kay tatay, nakaupo ito sa sulok habang tahimik lang. Si Gilo naman ay panay ang luha habang inaalo ito ng kambal at ni Harold.Tumingin ako sa pagkain na nasa harapan ko. “Kumain ka na, Sheya. Alam namin na mahirap at masakit para sa’yo ang nangyari, pero gano’n talaga, hindi natin alam kung hanggang kailan lang ang buhay ng isang tao
Read more

Chapter 88.💛

[Genesheya pov] Pagkatapos kong magluto ay inabangan ko si Trevor sa ibaba ng hagdan. Nang makita ko siya ay hinanda ko ang pinakamagandang ngiti na maibibigay ko sa kanya. Halatang nabigla siya ng makita ako na nakangiti at nakaabang sa kanya. Hindi ako magmumukmok dahil alam ko na hindi magugustuhan ni nanay kapag ginawa ko ‘yon. “Trevor, nagluto ako ng almusal, tara sabay tayong kumain.” Ang inaasahan ko ay lalagapasan niya ako o tatanggihan niya ako, pero laking gulat ko ng mauna siyang naglakad sa akin papunta ng kusina. Kung hindi ko pa narinig ang pagtawag niya sa akin ay baka nakatulala pa rin ako sa pagkabigla. Habang magkaharap kaming dalawa ay nakatingin lang ako sa kanya habang nakatulala. ‘Hindi kaya sinapian si Trevor?’ Nilapit ko ang ulo ko sa mukha nito at pinakatitigan siya ng maigi. Gwapo pa rin at mukhang wala namang sapi—- gano’n na lang ang panlalaki ng mata ko ng dumukwang din siya at inilapit ang mukha niya sa akin. “Pasado ba?” Tanong niya. Mabilis na ina
Read more

Chapter 89.💛

[Trevor pov] Mali na naman ako. Inakusahan ko si Shey na mapagsamantala, na binibilog nito ang ulo ni mommy para makuha ang gusto. Iyon pala ay walang katotohanan ang lahat. Nakokonsensya ako dahil pinag isipan ko ito ng masama. Hindi ko rin ito pinakitaan ng mabuti noon. Naalala ko sa tuwing pupunta sa amin ito ay hindi ko ito nginingitian o binabati man lang sa pag aakalang isa itong mapagsamanta na tao. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pilit na sinusukat ni Sheya ang isang kulay pink na rubber shoes. “Kainis naman, hindi na kasya sa akin. Dapat pala ay inuwi ko ito noon, eh. Paano na ‘to ngayon, ang daming masasayang.” Reklamo nito habang mangiyak-ngiyak na nakaupo sa marmol na sahig. Biglang nagliwanag ang mukha nito. “Ipapamigay ko na lang ‘to sa mga kapitbahay namin. Sigurado naman na hindi magagalit sa akin si mommy, di’ba, Trevor?” Nakangiting tumango ako. “Wag kang mag alala, Sheya. Hindi naman nagagalit sa’yo si mommy, alam mo naman ‘yon,diba.” Namilog ang mata ni
Read more
PREV
1
...
7891011
...
16
DMCA.com Protection Status