Home / Romance / ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN: Chapter 91 - Chapter 100

155 Chapters

Chapter 90.💛

[Genesheya pov] Nang makaalis si Trevor ay ko lamang inalis ang ngiti sa labi ko. Inaamin ko na nasasaktan ako kapag malamig ang pakikitungo niya sa akin. Pero hindi ko naman ito masisisi sa maling akala at paratang niya para sa akin. Pero hindi ibig sabihin no’n ay susuko na ako. Mahal ko na si Trevor kaya gagawin ko ang lahat para matutunan niya rin akong mahalin. Magtitiis ako hanggang sa makakaya ko at hindi ako susuko hanggang sa mapalambot ko ng tuluyan ang puso niya. Dahil pangtanghali ang pasok ko ay nagawa ko muna ang ilang gawaing bahay bago nagpahatid kay manong Ted sa unibersidad. Wala kaming kasambahay ni Trevor pero ayos lang sa akin dahil kaya ko naman ang mga gawain, pero minsan ay inaamin ko na parang bibigay na rin ang katawan ko, lalo na kapag tambak ang gawain ko sa school. Hindi lang ang katawan ko ang napapagod, maging ang utak ko. “Best, namumutla ka yata? Sigurado ka bang ayos ka lang? Kanina pa kita napapansin na matamlay at walang gana sa pagkain. Aminin m
Read more

Chapter 91.💛

[Genesheya pov] Maang na tumingin ako kay Trevor na nakabulagta sa aking harapan. Natumba na agad ito bago pa man nito marinig ang mga sinasabi ko. Kung kailan handa na akong sabihin ang lahat ng nasa loob ko ay saka naman ito nakatulog. Dahil hindi ko ito kayang dalhin sa kwarto ay pinahiga ko na lamang ito sa sofa sa sala. Hirap na hirap akong alisan ito ng saplot para punasan ng katawan. Dapat ay nagpapahinga ako, pero heto ako ngayon at nag aalaga ng isang lasing. Agad na pumikit ako at nag iwas ng tingin ng tumambad sa akin ang katawan ni Trevor sa akin. Nakita ko na noon ang dibdib nito kaya hindi na ito bago sa akin. Peron hindi pa rin masanay-sanay ang mata ko sa maganda niyang katawan. Kumpleto ang bilang ng abs, aba’y walo. Parang sumama na naman ang pakiramdam ko ngayon. Parang nag iinit… hays, akala ko ay hindi ako katulad ng ibang babae na tatablan ng kakaibang kuryente na gumagapang sa katawan. Pero hindi pala… dahil heto ako ngayon, hindi na ako nakatiis at nakatitig
Read more

Chapter 92.💛

[Genesheya pov] Pareho kaming nabigla ni Trevor ng dumating sina mommy at daddy. Nagpasya daw ang mga ito na dito tutuloy sa bahay namin ni Trevor ng dalawang araw, kasama pa ng mga ito ang kapatid kong si Gilo. Dahil tatlo lamang ang kwarto ay napilitan kami ni Trevor na magsalo sa iisang kwarto para may magamit si Gilo. “Kamusta na ang buhay may asawa, Trevor anak, nasasanay ka na ba?” Tanong ni mommy habang kumakain kami ng gabihan. “Wag ninyong i-pressure ang mga bagay dahil hindi naman kami nagmamadali na magka-apo, kung sakali man na may laman na ang sinapupunan ni Sheya ay mabuti na rin.” Pero iba ang nasa isip ng ginang habang sinasabi iyon. ‘Sana magka-apo na ako!’ Isip-isip nito. Muntik ko ng maibuga ang tubig na iniinom ko sa sinabi ni mommy, si daddy naman ay tumatango-tango pa na sang ayon sa sinabi nito. Mabuti na lamang at walang pakialam si Gilo, abala ito sa pagkain at tila walang pakialam sa paligid. Tumingin sa akin si Trevor ng may pilyong ngiti sa labi sabay kin
Read more

Chapter 93.💛

[Genesheya pov] Nagtulug-tulugan ako. Narinig ko ang pagbukas ng bathroom. Kumalat ang mabangong amoy sa paligid galing kay Trevor na alam kong bagong ligo. Nakakailang pala ang ganito. Hindi ko magawang makatulog dahil alam ko na malapit lang kami sa isa’t isa. Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatiling gising, basta naramdaman ko na lang na parang lumulutang ako sa ere. Kinabukasan ay gulat na gulat ako dahil katabi ko na si Trevor sa kama. Hindi lang ‘yon, nakasubsob ito sa dibdib ko. Muntik na akong himatayin sa kaba at gulat. Habang dahan-dahan akong lumalayo sa kanya ay panay ang dasal ko na huwag sana itong magising. Nang maalis ko ang pagkakayakap niya sa akin napa-yes ako sa utak ko. Nang makita ko siyang gumalaw ay mabilis na tumalon ako sa lapag at humiga. Lumipat yata ako sa kama kagabi. Nakakahiya! Mabuti na lang at hindi nagising si Trevor. Kung nauna itong nagising sa akin ay baka kung ano na naman ang sabihin nito. Pumikit ako ng makita kong bumaba siya ng kama.
Read more

Chapter 94.💛

[Genesheya pov] Halos ayaw na akong bitawan ni mommy mula sa pagkayakap nito sa akin. Kulang na lang ay isama ako nito paalis. Hindi daw ito ang huling magiging dalaw nila. Sa susunod ay isasama na nila si tatay. Maluha-luha pa si mommy ng sumakay ng kanilang sasakyan kasama sina daddy at Gilo. Nang makaalis ang magulang ni Trevor ay nawala ang ngiti sa labi nito. Mula kahapon ay wala kaming kibuan. Alam ko na napansin ‘yon ni mommy hindi lang ito nakiusisa. Inaamin ko na masama ang loob ko. Pinapahupa ko lang ang tampo ko dahil wala naman gagamot rito kundi ang sarili ko. Sinundan ko ng tingin si Trevor ng mauna na itong pumasok sa loob at iniwan ako. Sa tuwing naiisip ko na balewala rito ang sinasabi ng tao tungkol sa akin ay nasasaktan ako. Bumuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung ilang sakit pa ba at pagtitiis ang gagawin ko. Pero hangga’t kaya ko ay hindi ako susuko. Nang pumasok na ako ay nasalubong ko si Trevor. Nakita ko siyang may dalang mga gamit kaya agad ko itong tinan
Read more

Chapter 95.💛

[Genesheya pov] Mas maaga na akong bumangon kinabuksan para ipagluto si Trevor. Pero katulad kahapon ay hindi nito kinain ang mga luto ko. Imbes na tumigil ay mas lalo lamang ako nagsikap na ipagluto ito, subalit isang buwan na ang nakakalipas ay wala akong napala. Ganunpaman ay hindi sumagi sa isip ko ang tumigil. Dala ang mga pagkain ay pumunta ako sa opisina ng asawa ko. Pagkatok ko ay naabutan ko na naman itong nakaharap sa mga papeles habang abala sa pagbabasa at pagpirma ng mga ito. Hindi ko pinansin ang pagkairita sa kanyang mukha. Nagsasawa na itong makita ang mukha ko araw-araw. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng pag aalala kay Trevor. Napansin ko ang pamamayat nito. Sa aking palagay ay hindi ito kumakain ng maayos simula ng umalis ng bahay namin. Nasabi sa akin ni mommy na hindi mahilig si Trevor sa mga pagkain na nabibili lamang sa restaurant. Mas gusto daw nito ang mga lutong bahay. Kaya nga ang ipagluto ito ang pinakagusto kong gawin sa lahat. “I told you stop bringing
Read more

Chapter 96.💛

[Genesheya pov] Malaki ang pinagbago ni Trevor simula ng umuwi siya. Madalas ay palagi na itong nakangiti sa tuwing kausap ako. Nagtataka man ay dahil sa pagbabago nito ay isinawalang bahala ko na lang ‘yon. Ang importante ay masaya kami habang nakikilala ang isa’t isa. Katulad ng aking nakasanayan ay bumaba ako ng maaga para magluto ng almusal. Pero pagdating ko sa kusina at nadatnan ko si Trevor na abala sa pagluluto. Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng paghandaan ako nito ng pagkain. “Nag abala ka pa.” Nahihiya kong turan sa kanya. “Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatan na ipagluto ako?” May ngiti sa labi na tanong nito. “Sinabi ko naman sa’yo, diba, hindi lang ikaw ang nagdesisyon na gagawin ang obligasyon bilang asawa. Ako din, Sheya. Ayoko naman na maghihiwalay tayo ng puro masamang alaala ang baon mo tungkol sa akin.” Maghihiwalay? Naku, mali ka, Trevor. Hindi ako papayag na maghiwalay tayo… Isip-isip ko.Napangiti na lamang ako sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko. “Salama
Read more

Chapter 97.💛

[Trevor pov] ‘I’m sorry’ Iyon ang sinabi ko kanina kay Sheya pero bakit kasalungat ‘yon ng tunay kong nararamdaman? Bakit wala akong makapa na pagsisisi sa dibdib ko ng halikan ko siya? Damn! Ano ba itong naiisip ko. It’s just a kiss! Wala lang ang bagay na ‘yon. Ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ay ang plano ko. Hindi ako papayag na hindi magbayad si Sheya sa ginawa nitong pagsira sa relasyon namin ni Xena. Ipapakita ko sa kanya na hindi ako ang napaikot niya sa palad niya kundi ako ang magpapaikot sa kanya. Pa-iibigin ko siya sa loob ng aming pagsasama, kukunin ang loob niya, at saka ko siya iiwan. Gusto kong maramdaman niya kung paano madurog ang puso at ano ang pakiramdam ng sobrang masaktan nang sa gano’n ay makaganti ako sa ginawa niyang pagsira sa mga plano at pangarap kong kasama si Xena, ang tunay kong minamahal. Pagdating sa office ay pinirmahan ko lang ang ilang na-finalized ng mga contracts at saka umalis. Nagpa-reserved ako sa isang mamahaling restaurants para sa a
Read more

Chapter 98.💛 SPG ALERT!

[Genesheya pov] SPG ALERT!!!Hindi ako makatulog dahil sa sobrang kilig. Hindi ko akalain na idi-date ako ni Trevor. Bawat kilos nito ay may kasamang lambing at pagsuyo. Kaya naman ang puso ko ay lalo itong minamahal. Sigurado ako na kahit kaunti ay mayro’n na akong pwesto sa puso nito hindi katulad noon. Kinuha ko ang cellphone ko ng tumunog ito. Isang unregistered number. “Hello?” “Thanks god you answered finally.” Ani ng isang boses ng lalaki. Nang tingnan ko ang phone ko ay napansin kong naka-limang miss call na ito. Mukhang hindi ko napansin ang pagtawag nito kanina dahil sa pagdi-daydream ko kay Trevor. “It’s me Richard.” Pakilala nito. “Nagkausap lang tayo kanina pero nakalimutan mo na ang boses ko.” May himig pagtatampo sa boses na wika nito.Natigilan ako. “Paano mo nakuha ang number ko?” Nagtatakang tanong ko. Wala akong natandaan na binigay ko ang numero ko rito kaya paano ako nito natawagan?“Secret.” Ani nito sabay tawa ng mahina sa kabilang linya. Maraming kwento at
Read more

Chapter 99.💛

[Genesheya pov] Hindi ako makatayo sa sobrang sakit ng katawan ko. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong inangkin ni Trevor kagabi. Kung hindi pa ako nagreklamo na masakit na ang buo kong katawan at pagkababae ay hindi niya ako titigilan. Tumingin ako sa pulang mantsa ng dugo sa bedsheet. Talagang wala na ang iniingatan kong pagkababae. Tama nga ako, walang nangyari sa amin noong araw ng kanyang engagement party. Pero nakapagtataka, bakit wala kaming saplot pareho? Ang weird. Nabawasan ang sakit ng aking katawan ng makaligo ako. Kahit masakit ang katawan ay nagawa ko pa rin na magluto. Habang nagluluto ay pakanta-kanta pa ako sa sobrang saya. Kahit na wala na ang pagkabirhen ko ay wala akong pinagsisisihan dahil mahal ko naman ang nakakuha nito. Natigil ako sa paghahalo ng maalala na wala kaming proteksyon kagabi. Paano kung may mabuo? Hindi naman na siguro gagawin ni Trevor ang sinabi nito dahil may puwang na ako sa puso niya, tiyak na gano’n din ang magiging anak namin kung s
Read more
PREV
1
...
89101112
...
16
DMCA.com Protection Status