[Genesheya pov]Kung alam ko lang na ganito pala kasakit ang masaktan ay kinandado ko na lamang ang puso ko at hindi na lang nagmahal. Isang linggo na ang nakakalipas mula ng umuwi ako sa amin dala ang bigat, sakit, at sobrang pagkawasak. Bago umuwi ay dumaan ako sa mansion at narinig ko ang usapan nina ninang at ninong. Si ninang pala ang nagset-up sa amin ni Trevor. Kaya pala kahit anong gawin kong paliwanag sa kanya at pagbibigay linaw na wala talagang nangyari sa amin ng anak niya ay hindi niya pinigil ang kasal. Kasama pala sa plano ang nangyari.Ang sakit sa dibdib dahil ang taong inaakala ko na hindi magagawa sa akin ang ganoโn ay magagawa pala. Kasabay ng pagpapaikot at panggagamit sa akin ng anak niyang si Trevor. Hindi lang ang buhay ko ang sinira ni ninang, maging ang tiwala ko sa kanya. Ganoโn din ang ginawa ni Trevor sa akin, dinurog niya ang puso ko. Umasa ako, naniwala na totoong mahal niya ako. Iyon pala ay pagpapanggap lamang ang lahat. Pinaglaruan niya ako at sinakt
[Maya and Tyler pov]Ilang beses na napabuntong hininga si Maya habang nakatingin sa pagkain na walang bawas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakain ang kanyang anak na si Trevor. Hindi rin ito lumalabas ng kwarto. Alam nilang mag asawa na sising-sisi ito sa lahat ng ginawa kay Sheya at gabi-gabi itong lumuluha.Ganoโn din ang nararamdaman ni Maya, sising-sisi siya sa kanyang ginawa. Gumulo ang sitwasyon at buhay ni Sheya dahil sa kanya. Sa kagustuhan niya na iligtas ang kinabukasan ng kanyang anak mula sa fiance nitong si Xena ay nagawa niyang iset-up ito sa anak ng kanyang kuya Gordon. Ang inaakala niyang bubuti ang lahat ay hindi nangyari. Ngayon ay parehong nasaktan ang dalawang taong pinapahalagahan niya. โTyler, masama ba akong ina dahil nagawa ko ito sa ating anak? Maging si Sheya ay dinamay ko pa. Kung sinabi ko na lamang sa anak natin ang lahat ay hindi sana umabot sa ganito.โ Lumuluhang wika ni Maya. Tila dinudurog ang puso niya sa nakikitang kalagayan ng kanyang panganay
[Trevor pov]Halos mapuno ng mga bouquet ng mga bulaklak ang kotse ko. Alam ko na gustong-gusto ni Sheya ang mga bulaklak kaya dumaan ako sa isang Flower Shop para bumili nito. Para kahit sa ganitong paraan ay gumaan ang loob ng asawa ko. Sumagitsit ang gulong ng kotse ko sa biglaang pagpreno ko. Handa ko ng bulyawan ang sakay ng nagmamaneho ng taxi na biglaan na lamang huminto sa tapat ng sasakyan ko ng lumabas si Xena.โBabe!โ Humahangos na lumapit si Xena sa akin at saka yumapos sa aking katawan. โMy god, pinag alala mo ako! I was calling you since you left but you didnโt answered my call. Is there any problem? Kinulit ka ba ng babaeng โyon?โ Tukoy nito kay Sheya.Pinilig ko ang ulo ko. โI need to go, Xena. Letโs talk some other time.โUmiling si Xena at nauna ng pumasok sa kotse ko. Halatang nagulat ito ng makita ang sandamakmak na bulaklak. Bumaling ito sa akin na may nagbabadyang luha sa mata. โYou never bought me a bouquet before. Para sa kanya ba ito?โ Umupo ako sa driver sea
[3 YEARS LATER]Nagkatinginan ang mag asawang Maya at Tyler habang nakatingin sa isang empleyadong papalayo habang nanginginig sa takot na umiiyak. Bumuntong hininga na lamang ang mag asawa. Sa loob ng tatlong taon ay madalas itong mangyari kaya hindi na sila nabigla pa.Pagdating sa opisina ng kanilang anak na si Trevor ay naabutan nila itong subsob sa trabaho, ni ang tapunan sila ng tingin ay hindi nito ginawa.โWhy are there, mom, dad?โ Anito habang abala sa pagbasa ng mga papeles. Hindi na kailangan tingnan ni Trevor kung sino ang nasa harapan dahil umaalingasaw sa paligid ang pabango ng kanyang magulang. Siya ang nagregalo ng mamahaling perfume sa mga ito kaya nalaman niya na ang mga magulang ito.โTrevor, galing sa mansion si Atty. Oman.โ Inilapag ni Maya sa harapan ng anak ang isang kulay asul na envelope. Nang makita ito ni Trevor ay napatiimbagang ito. โTatlong taon na, anak. Itโs time to let her go.โ Malumanay na pakiusap ni Maya sa anak.Agad na nagtaas-baba ang dibdib ni Tr
[Genesheya pov]Ilang beses akong bumuga ng hangin pagkatapos namin mag usap ni Atty. Oman. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumipirma si Trevor sa annulment paper naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit nagmamatigas pa rin ito hanggang ngayon. Wala naman saysay ang matali pa siya sa akin. Saka hindi ba iyon naman ang gusto nito? Ang maghiwalay kaming dalawa. Tatlong taon na mula ng manirahan ako sa Nome. Dalawang taon lang ang tinagal namin doon ni Chairmaine. Bumalik kami sa Pilipinas isang taon na ang nakakaraan. Tanging sila tatay, Gilo at Harold lang ang nakakaalam ng pagbalik ko. โTata!โ Bibong tawag sa akin ni Charm, ang anak ni Chairmaine. Tata, ang ibig sabihin ay โtita. Agad ko itong binuhat ng makalapit sa akin at pinugpog ko ng halik. Lumapit si Chairmaine sa akin, halatang balisa ito. Boss pala ni Chairmaine ang ama ni Charm. Ngayon ay problemado ang kaibigan ko kung paano itatago ang anak rito. Yes, buntis pala si Chairmaine ng umalis kami ng Pilipinas three years ago,
[Genesheya pov] Tumingin ako tarangkahan nang mansion na nasa harapan ko. Hindi ko mabilang kung ilang beses na akong bumuga ng hangin. Bago nagdoorbell ay isang marahas na pagbuga ng hangin ang aking ginawa. Hindi nagtagal ay bumukas ang malaking gate ng mga Montemayor. Tawa ng tawa kanina si Chairmaine sa naging pasya ko. Kinain ko kasi ang sinabi ko na hindi ako pupunta rito at hindi magpapakita kay Trevor. Hindi naman ako nagpunta rito dahil lang kay Trevor. Ayon kay ninang ay walang maalala si Trevorโ gagamitin ko ang pagkawala ng alaala nito para mapapirmahan sa kanya ang annulment paper naming dalawa. Alam kong pagiging tuso iyon, pero iyon na lang ang paraan para makawala ako sa kasal naming dalawa. โSheya!โ Nakangiting yumakap sa akin si Aling Mae kaya ginantihan ko ito ng yakap. โAng tagal mong nawalang bata ka. Saan ka ba nagsusuot , ha?!โ Biro ng matanda. Alam nito ang nangyari sa mag asawa, hindi lingid iyon sa mga tauhan sa mansion. โSa malayo ho, doon sa walang manan
[Genesheya pov]Kinabukasan ay umalis na ang lahat, kasama ang private nurse na lalaki ni Trevor. Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa habang nakatingin sa main door ng mansion. Napasubo ako sa totoo lang! Kung alam ko lang na kaming dalawa lang ang maiiwan dito sa mansion ay hindi na sana ako tumuloy rito. Pakiramdam ko ay may maliโฆ Dahil wala ng mag aasikaso sa aming kakainin ay napilitan akong magluto. Kung ako ang masusunod ay hindi ko ipagluluto si Trevor. Naaalala ko kasi ang mga ginawa ko noon para dito. Bukod sa napaglaruan na ako noon, nasaktan pa ako. Haysโฆ hindi ko na dapat pang isipin โyon pero hindi ko maiwasan. Habang hinahalo ko ang niluluto ko ay ramdam ko ang paninitig ni Trevor sa aking likuran. Naiilang ako sa totoo lang. โKamusta?โ Kaswal nitong tanong. Inikutan ko siya ng mata. Kung makapagtanong ito ay parang hindi ako nilait kanina. Saka close ba kami? Eh hindi nga niya ako maalala. Hindi ko siya sinagot at nagpanggap na walang narinig. โHey, Sheya,
[Genesheya pov]Hindi ako nagpa-apekto sa presensya ni Trevor habang inaayos ko ang hihigaan niya. Kung sinabi agad sa akin ni ninang na isang yaya pala ang role ko sa anak nito ay baka hindi na talaga ako tumuloy rito. Pagkatapos ayusin ang kama ay aalalayan ko na sana itong sumampa.โI will take a bath, Sheya. Sa bathroom mo ako dalhin.โ Utos ni Trevor sa akin.Awtomatikong napaawang ang labi ko. โAnak ng tokwa, pati sa paliligo ako kasama pa ako?โ Isip-isip ko. โSandali, lang ha.โ Itinaas ko ang kamay ko. โHuwag mong sabihin na ako pa ang m-magkukuskos ng katawan mo?โ Napapikit ako at natampal na lamang ang noo ng tumango ito. All-around-slash-yaya pala talaga ang role ko rito! Talagang napasubo ako. Hindi na ako nagsalita pa at tinulungan na lamang itong maligo. Hirap na hirap akong alalayan itong dalhin sa bathroom. Matangkad ito at matipuno ang katawan, kumpara sa maliit kong pigura ay talagang mahihirapan ako. Kulang na lang ay magdugo ang loob ng aking bibig dahil sa madiin ko
(Karla pov) Kitang-kita ko kung paano bugbugin ni Timothy at nang kakambal nitong si Marshall si Bane. Dumating din si Jelay, umiiyak itong nakayakap sa'kin. "Karla, thanks god you're safe. Sobra kaming nag alala sayo ni nanay." Nag aalalang sabi ni Jelay sa'kin. Maraming dumating na mga pulis, hinuli si Bane at ang mga tauhan nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil naligtas din si Atty. bago pa ito tuluyang mapatay ng mga tauhan ni Bane. Naramdaman ko nalang ang pag angat nang katawan ko sa ere, si Timothy buhat niya ako. Sa bisig niya ay umiyak ako ng umiyak... halo-halo ang nararamdaman ko... Pasasalamat at pangungulila sa kanya. Hindi malubha ang lagay ko pero ang daming bumisita sa'kin. Hiyang-hiya ako sa magulang ni Timothy at hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil sa labis na hiya sa nagawa ko sa anak nila. "Karla, iha... hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo. Biktima ka lang ng sarili mong ama." Wika nang mommy ni Timothy. "Sa katunayan ay natutuwa kami sa
(Karla pov) Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang iwan ko si Timothy. Walang araw na hindi ako tahimik na umiiyak at alam ni nanay ang lahat... Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Wala akong narinig na masakit na salita sa kanya, ito pa ang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ako nagkaro'n nang masamang ama. Tumawag sa akin si Sheya, binalita niya ang lahat sa'kin. Tahimik daw na inasikaso ang kaso. Nahuli na rin si Richard at nakakulong na. Ang magulang ni Richard na nagpalabas na patay na si Richard ay haharap din sa kaso. Malungkot at nasasaktan man ako ay masaya parin ako sa balitang nalaman ko. Kampante na ako dahil hindi na sila mapapahamak sa kamay ng ama at kapatid ko. Natigilan ako nang makita ang isang babae na naghihintay sa akin sa labas ng bago naming tinutuluyan ni nanay. Teka, ito 'yong atty. na nakita kong kasama ni Timothy sa elevator. Ano kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin? Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin. Nag
(Karla pov)Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Gustuhin ko man isuplong at sabihin sa mga Montemayor ang tungkol kay Richard ay pinangunahan ako ng takot. Oo, naduduwag ako. Binantaan kasi ako ng ama ko na isiswalat din niya kasabwat ako, sisiguraduhin daw nito na malalaman ni Timothy na kasama ako sa mga planong ginawa nito. Hindi ko na kayaโฆ kinakain na ako ng konsensya ko. Narinig ko ang usapan ni Timothy at Sheya, natatakot ako dahil mukhang may balak na naman na masama si Richard kay Sheya. Nakakatakot si Richard, imbis na magbago ito at magpasalamat sa ikalawang buhay na binigay ng diyos ay nagagawa pa rin nito na gumawa ng masama.Tumingala ako sa harapan ng mansion nang mag asawang Trevor at Sheya.Hindi na kasi kaya ng konsensya ko. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. Bahala naโฆโKarla!โ Nakangiting yumakap sa akin si Sheya ng makita ako. Niyaya niya akong umupo, pinaghandaan pa ako nito ng pagkain. Napansin ko na nanlalalim ang mata ni Sheya, mukhang hindi ito nak
(Timothy pov) "Oh, Timothy, napadalaw ka." Nakangiting bungad ng ina ni Karla sa akin, agad ako nitong pinapasok sa loob. Mas masigla na ito kumpara no'ng una ko itong makita, siguro dahil na rin sa regular check up nito at patuloy na pag inom ng gamot. "Naku, iho, nag abala ka pa." Tila nahihiyang turan nito ng makita ang marami kong dalang groceries at lutong pagkain. "Hindi ito isang abala, nay." Ako na nagsalansan ng mga pinamili ko dahil ayaw ko itong mapagod. Pagkatapos ay agad kong tinanong ang ina ni Karla. "May problema ka ba, nay? Kayo ni Karla?" Oo, isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong malaman kung ano ang problema nilang mag ina. I know it was wrong because it's a family matter, but for me, when it comes to Karla, it's matter. Mahalaga sa akin ang nobya ko. Kung sakaling malaman ng nobya ko ang ginawa at magalit ito ay maiintindihan ko. I'm really worried. Hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay naglalagay ng pader sa pagitan naming dalawa si
(Timothy pov) Hindi ko mapigilan ang mag alala dahil hindi sinasagot ni Karla ang mga tawag ko. I called may secretary to cancel all my appointments at nagmamadaling umuwi sa condo. Then I saw her, crying while holding her cellphone, mukhang hindi maganda ang pinag uusapan ng mga ito dahil mas lalong humaguhol ng iyak ang nobya ko. Rumehistro ang gulat sa mukha niya ng makita ako. "T-Timothy..." "What's wrong? May nangyari ba kay nanay?" Nag aalala akong yumakap sa kanya. Kilala ko si Karla hindi ito basta iiyak lang kaya alam kong may mabigat siyang dinadala. Pero imbis sagutin ako ay tumalikod ito sa akin at umiling. Bumuntong hininga ako. Kahit nanaig sa akin na alamin ang problema ay iginagalang ko kung ayaw man niyang sabihin sa akin ang problema niya. "N-Nagluto ako, hon. S-Sandali lang at maghahain ako ng pagkain." Nagpaalam si Karla na maghahain, tumango ako bago pumasok sa kwarto para magbihis. Ilang beses pa akong bumuntong hininga. Hindi ko talaga gustong makita na umii
(Karla pov)Masaya kaming nagkukwentuhan ni Jelay habang kumakain sa isang fast food chain. Nagkita kaming dalawa at syempre nagkamustahan. Sinabi ko sa kanya na uuwi na ako sa bahay namin sa susunod na buwan. โTeka, saan ka ba nagtatrabaho?โ Tanong sa akin ni Jelay. โPara madalaw ka namin ni nanay. Boss mo ba si Timothy?โ Muntik na akong masamid sa tanong niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila ang totoo. Alam ko kasi na magagalit si nanay kapag nalaman niya na nakatira ako sa isang bahay kasama ang isang lalaki. Sino bang ina ang matutuwa na ang anak niyang dalaga ay mayroโng kasamang lalaki sa bahay. Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang ama ko. "Hindi mo ba sasagutin? Baka importante 'yan." Umiling ako kay Jelay. "Wrong number lang." Nang maghiwalay kaming dalawa ay saka ko binasa ang text messages na pinadala ng ama ko. Gusto nitong malaman kung may improvement na ba sa plano ko. Bumuga ako ng hangin. Mahal ko
(Karla pov)Iyak ako ng iyak dahil walang balita kay Jelay. Hindi ito matagpuan at kahit ang mga kapulisan ay hindi ito natagpuan. Maging si nanay ay sobra ng nag aalala rito.โMaโam, sigurado ka ba na dito nakatira ang kaibigan mo?โ Intriga sa akin ng pulis na may pagdududa. โOpo, mamang pulis. Tandang-tanda ko na iyan ang nakalagay sa ID ng kaibigan ko noong nagtatrabaho kami.โ Dagdag ko pa.Kumunot ang noo ni Timothy, ang pulis ay kunot din ang noo, nagtataka tuloy ako kung bakit parang nagtataka silang dalawa.โMaโam, ang lugar kasi na iyan ay isang exclusive subdivision, puro mayayaman ang nakatira sa lugar na โyan at iisang angkan langโฆ ang angkan ng mga Herendes. Kaya imposible na riโyan nakatira ang kaibigan mo.โ โHon, hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Alalahanin mong mabuti, sigurado ka ba na dito siya nakatira?โ Agad na tumango ako. โOo, hon, sigurado ako. Kung gusto ninyo ay alamin ninyo sa dati naming pinapasukang pabrika, sigurado ako na mayroโng record si Jelay doon.
(Timothy pov) Kumunot ang noo ko pagdating sa tapat ng pintuan ng condo ko. May nakita akong bulaklak at ilang regalo na para kay Karla. Naka-indicate ang pangalan ng nobya ko rito kaya takang-taka ako. Hindi kasi ako bumili ng bulaklak ngayon kay Karla dahil dumaan ako ngayon sa isang jewelry store para bilhan ito ng kwintas na mayroโng picture naming dalawa.Tiningnan ko ng masama ang katapat ng pad ko, ang condo unit ni Bane. Lumapit ako rito at malakas na kumatok. Pero imbis si Bane ay isang babae ang nagbukas rito.โClare!?โ Gulat na gulat na bulalas ko. โHi, Timothy!โ Agad na bati ng dalaga na nakangiti. โPasa sa akin ba ang mga bulaklak na โyan?โโBakit ikaw ang nasa unit ni Bane? Nasaan siya?โ Iniinis ako ng gag0ng โyon ah. Alam ko siya nagpadala nito kay Karla.โSinong Bane?โ Tanong ni Clare. โAh, siya ba โyong dating nakatira dito? Well, sa akin na ang unit na โto dahil ibinenta na ito sa akin.โ Ngumiti ito ng pilya. โSi Bane ba talaga ang hinahanap mo, oh baka naman ako t
(Karla pov) Sobrang saya ko dahil hindi na peke ang relasyon namin ngayon ni Timothy. Araw-araw ay dama ko ang pagmamahal niya sa akin. Wala siyang ginawa kundi ang suyuin ako, sabi nga nito ay 'liligawan niya ako ng pormal kahit kami na. "Salamat, Timothy," Pasalamat ko sa kanya ng abutan niya ako ng bulaklak. "Sabi ko naman sayo ay tama na e. Tingnan mo ang condo mo, malapit ng mapuno ng mga bulaklak." Dalawang buwan na matulin ang lumipas, tapos na ang agreement namin dalawa pero heto at masaya kaming nagpatuloy sa relasyon namin. "Kasalanan mo 'yan, hon. Hindi mo kasi tinatapon ang luma kong binibigay." Iiling-iling na sabi nito sa akin na ikinairap ko sa kanya. "Bakit ko itatapon, eh binigay mo sa akin lahat ng 'to." Sa totoo lang ay sinubukan kong sundin ang sinabi niya sa akin pero hindi ko talaga kaya. Bukod sa nanghihinayang ako ay gustong-gusto ko ang mga bulaklak na nakikita sa umaga. Hindi ako magsasawang titigan ang mga ito dahil galing ang lahat ng ito sa kanya. Kumu