Share

Chapter 139. 💙

Author: SEENMORE
last update Huling Na-update: 2024-02-10 17:32:05
(Karla pov)

Nang sundan ko si Timothy ay naabutan ko itong umiinom sa mini bar counter at halatang wala ito sa mood. Gusto ko sanang tanungin sa kanya kung bakit sila nag away ni Bane pero baka magalit siya at sabihin sa akin na nanghihinasok ako.

“Paano mo nakilala ang lalaking ‘yon, Karla? Alam mo bang gag0 ‘yon?” Muli ay tumungga ito alak at muling tumingin sa akin. “Hindi sa nanghihimasok ako sa buhay mo. Wala naman akong pakialam maski kahit kanino ka makipagkaibigan, ang akin lang pumili ka ng hindi gag0.”

‘Wala naman akong pakialam’ Tanging ‘yon lang ang tumatak sa akin sa mga sinabi niya sa akin. Aaminin ko na nasaktan ako. Wala talagang pag asa na gustuhin niya ako. Sabagay, sino ba naman ako para magustuhan. Isa lang akong ordinaryong babae na nakuha ang atensyon niya sa isang bar. Saka maraming wala sa akin na makikita niya pa sa ibang babae. Sigurado ako na mas pipiliin niyang magmahal ng katulad niya, kaysa ang katulad kong wala naman ibubuga.

Bumalik kami sa pagiging sibi
SEENMORE

💙

| 6
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ylevol Capili
more updates Author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 140. 💙

    (Karla pov)“Karla, pasensya ka na nga pala dahil ginamit pa kita para tigilan na ako ng mga reporters. Don’t worry, babawi ako sa’yo. Ano ba ang gusto mo?”Iyon ang sinabi ni Timothy sa akin bago siya umalis kanina. Lahat ng tuwa na naramdaman ko ng gabi ay napawi at napalitan ng lungkot. Ang tanga ko dahil naniwala ako sa proposal niya sa akin kagabi. Nakalimutan ko na kasama nga pala sa agreement namin na palalabasin namin na tunay kaming magkarelasyon sa mata ng ibang tao. Dama ko ang kirot sa dibdib ko pero wala akong magawa. Minsan naiisip ko na magtapat kay Timothy ng tunay kong nararamdaman pero natatakot. Baka magalit siya sa akin at sisihin ako.Agad kong sinagot ang tawag ng ama ko nang tumawag ito. Gusto nitong magkita kami ngayon dahil mayro’n itong sasabihin sa akin. Ayaw ko man ay wala akong magagawa. Saka mainam na rin siguro ito para masabi ko sa rito na umaatras na ako sa usapan naming dalawa. Ayaw ko ng magpatuloy pa. Galit na galit ito ng sabihin kong umaatras na

    Huling Na-update : 2024-02-12
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 141. 💙

    (Karla pov)Bumuga ako ng hangin bagi ako nagpaskil ng ngiti sa labi ko. Pauwi na si Timothy ngayon kaya nag ayos ako. Tanging maikling short at manipis na sando lang ang suot ko ngayon. Alam kong maling gawin ito pero ito na lang ang paraan para mapabilis ang plano ko.Oo, aakitin ko si Timothy. Gagamitin ko at hindi sasayangin ang isang buwan na natitira sa agreement namin. Kailangan ko itong mapa-ibig ng sobra. Nang sa ganon kapag iniwan ko na siya ay masasaktan siya ng sobra. Kahit sa gano’ng paraan man lang ay maiganti ko ang kapatid ko. Siguro nga ay hindi kami nagkakilala o nagkasama, pero kapatid ko pa rin ito, kaya hindi ko palalagpasin ang ginawang pagpatay sa kanya ni Timothy.Natigilan si Timothy ng makita ako, halatang hindi nito inaasahan na makikita ako sa ganitong ayos. Sa tuwing uuwi kasi ito ay madalas na nakapajama ako at shirt na malaki. Nang lumapit siya sa akin ay pinilit kong ngumiti sa kanya kahit ang totoo ay kinakabahan ako sa ginagawa ko. Nanlaki ang mata k

    Huling Na-update : 2024-02-13
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 142. 💙

    (Karla pov)Mabilis kaming nakarating ng condo. Pagdating namin dito ay padaskol akong binitiwan ni Timothy at galit na tiningnan ako. “Masaya ka na ba ha, Karla?” Naguguluhan ko siyang tiningnan. “Ano ba ang sinasabi mo—“ Napapikit ako ng suntukin ni Timothy ang pader sa gilid ng ulo ko.“Damn! Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na handa akong pumatay para sa mga taong mahalaga sa akin?” “A-Ano ang ibig mong sabihin, Timothy?” Naluluha kong tanong. Samo’t saring pakiramdam ang nasa dibdib ko ngayon.“Damn it, Karla! Bakit ba ang manhid mo!” Sigaw niya sa akin. “I care because you’re important to me! Bakit ba hindi mo maintindihan at mabasa ang galaw ko? Kailangan ko pa bang sabihin lahat para malaman mo at madama mo?” Sinimulang hubarin ni Timothy ang suot na long sleeve niya. “Sige, kung ito ang gusto mo para madama mo ay gawin natin. I tried to be gentle and controlled myself , Karla! But you let me loose my control!”Matapos hubarin ang kanyang suot ay nilapitan ako ni Timothy at marah

    Huling Na-update : 2024-02-13
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 143. 💙

    (Timothy pov)Mabilis kong tinapos ang mga trabaho ko sa araw na ‘to dahil gusto ko ng makauwi sa condo. Simula ng may mangyari sa amin ni Karla ay lalong tumindi ang nararamdaman ko sa kanya. Akala ko noong una ay naiintriga lang ako sa kanya dahil masyado siyang misteryoso, pero nang magkasama kami sa iisang bahay ay nalinawan ako.Mahal ko pala si Karla. Siguro ay hindi lang matanggap ng sistema ko no’ng una na may nagustuhan akong babae kaya kahit sarili ko ay niloloko ko na. Hindi naman ako ganito sa ibang babae noon. Kapag gusto ko ay kukunin ko, pero pagdating kay Karla ay nasubukan ang pasensya ko at pagpipigil ko. Gusto ko na hindi sumama ang tingin niya sa akin kaya kahit nahihirapan ako ginawa ko ang lahat para pigilan ang sarili ko. Pero hindi ko na nagawa ‘yon dahil sa selos ko. Nang malaman kong magkakilala sila ni Bane ay hindi ko ‘yon nagustuhan. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang inis, at galit kaya iniwasan ko si Karla. Pero hindi ko talaga kaya na balewalain siya.P

    Huling Na-update : 2024-02-13
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 144. 💙

    (Timothy pov)Pagdating ko sa tapat ng building condo ko ay agad akong bumaba. Dumadagundong ang dibdib ko sa kaba sa totoo lang. Damn! Kalalaki kong tao pero kinakabahan ako sa pagtatapat ko kay Karla.Natigil ako sa paghakbang papasok ng elevator ng makita ko si Bane na nasa dulo ng pasilyo habang may kausap na matandang lalaki.Hindi ako ang tipo ng tao na makakalimutin. Ilang taon man ang lumipas ay hindi ko makakalimutan ang mukha ng isang tao. Ang kausap ni Bane ay kilalang-kilala ko. Ito ang ama ni Richard, ang lalaking muntik ng pumatay sa kuya Trevor ko. Tanda ko pa na lumuhod ito sa harapan ko para huwag magsampa ng kaso sa anak nito. Hindi ako pumayag, gano’n din ang buo kong pamilya. Para sa amin ay hindi ito karapardapat patawarin. Kung hindi namatay si Richard at nabuhay ito ay marami sana itong kakaharapin na kaso. Pero pinatanggal na ang life support rito ng sariling magulang kaya tuluyan itong namatay.Well, that bastard deserved that. Marami na pala itong kaso na may

    Huling Na-update : 2024-02-13
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 145. 💙

    (Karla pov)Ang bigat ng dibdib ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil nagpadala ako sa nararamdaman ko at umakto ako sa harapan ni Timothy ng gano’n. Dapat pala ay kinimkim ko lang ito sa dibdib ko itong sakit para hindi naman ako magmukhang kaawaawa. Akala ko ay magkakilala lang si Timothy at ang babeng ‘yon na tinawag nitong Atty. sa party, pero mukhang hindi pala basta ito magkakilala, mukha may mas malalim pang ugnayan ang mga ito.Naramdaman ko ulit ang pagkirot ng dibdib ko sa sakit. Sobrang nasasaktan ako ngayon. Noong una ay humihingi pa sa akin ng tawad si Timothy at sinusubukang magpaliwanag, pero mukhang nagsawa na ito dahil hindi na ako nito kinakausap. Nang magpaalam ako sa kanya na uuwi ako ay tumango lang ito at hindi man lang ako tinanong kung bakit. Birthday ko pa naman ngayon, pero ang lungkot-lungkot ko. Agad akong nagbayas sa taxi ng makababa ako. Malayo pa ako sa bahay namin kaya nagpaskil ako ng ngiti sa labi ko. Gusto kong makita ni nanay na masaya ako sa araw na

    Huling Na-update : 2024-02-13
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 146. 💙

    (Karla pov) Sobrang saya ko dahil hindi na peke ang relasyon namin ngayon ni Timothy. Araw-araw ay dama ko ang pagmamahal niya sa akin. Wala siyang ginawa kundi ang suyuin ako, sabi nga nito ay 'liligawan niya ako ng pormal kahit kami na. "Salamat, Timothy," Pasalamat ko sa kanya ng abutan niya ako ng bulaklak. "Sabi ko naman sayo ay tama na e. Tingnan mo ang condo mo, malapit ng mapuno ng mga bulaklak." Dalawang buwan na matulin ang lumipas, tapos na ang agreement namin dalawa pero heto at masaya kaming nagpatuloy sa relasyon namin. "Kasalanan mo 'yan, hon. Hindi mo kasi tinatapon ang luma kong binibigay." Iiling-iling na sabi nito sa akin na ikinairap ko sa kanya. "Bakit ko itatapon, eh binigay mo sa akin lahat ng 'to." Sa totoo lang ay sinubukan kong sundin ang sinabi niya sa akin pero hindi ko talaga kaya. Bukod sa nanghihinayang ako ay gustong-gusto ko ang mga bulaklak na nakikita sa umaga. Hindi ako magsasawang titigan ang mga ito dahil galing ang lahat ng ito sa kanya. Kumu

    Huling Na-update : 2024-02-13
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 147. 💙

    (Timothy pov) Kumunot ang noo ko pagdating sa tapat ng pintuan ng condo ko. May nakita akong bulaklak at ilang regalo na para kay Karla. Naka-indicate ang pangalan ng nobya ko rito kaya takang-taka ako. Hindi kasi ako bumili ng bulaklak ngayon kay Karla dahil dumaan ako ngayon sa isang jewelry store para bilhan ito ng kwintas na mayro’ng picture naming dalawa.Tiningnan ko ng masama ang katapat ng pad ko, ang condo unit ni Bane. Lumapit ako rito at malakas na kumatok. Pero imbis si Bane ay isang babae ang nagbukas rito.“Clare!?” Gulat na gulat na bulalas ko. “Hi, Timothy!” Agad na bati ng dalaga na nakangiti. “Pasa sa akin ba ang mga bulaklak na ‘yan?”“Bakit ikaw ang nasa unit ni Bane? Nasaan siya?” Iniinis ako ng gag0ng ‘yon ah. Alam ko siya nagpadala nito kay Karla.“Sinong Bane?” Tanong ni Clare. “Ah, siya ba ‘yong dating nakatira dito? Well, sa akin na ang unit na ‘to dahil ibinenta na ito sa akin.” Ngumiti ito ng pilya. “Si Bane ba talaga ang hinahanap mo, oh baka naman ako t

    Huling Na-update : 2024-02-13

Pinakabagong kabanata

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 154.💙

    (Karla pov) Kitang-kita ko kung paano bugbugin ni Timothy at nang kakambal nitong si Marshall si Bane. Dumating din si Jelay, umiiyak itong nakayakap sa'kin. "Karla, thanks god you're safe. Sobra kaming nag alala sayo ni nanay." Nag aalalang sabi ni Jelay sa'kin. Maraming dumating na mga pulis, hinuli si Bane at ang mga tauhan nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil naligtas din si Atty. bago pa ito tuluyang mapatay ng mga tauhan ni Bane. Naramdaman ko nalang ang pag angat nang katawan ko sa ere, si Timothy buhat niya ako. Sa bisig niya ay umiyak ako ng umiyak... halo-halo ang nararamdaman ko... Pasasalamat at pangungulila sa kanya. Hindi malubha ang lagay ko pero ang daming bumisita sa'kin. Hiyang-hiya ako sa magulang ni Timothy at hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil sa labis na hiya sa nagawa ko sa anak nila. "Karla, iha... hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo. Biktima ka lang ng sarili mong ama." Wika nang mommy ni Timothy. "Sa katunayan ay natutuwa kami sa

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 153. 💙

    (Karla pov) Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang iwan ko si Timothy. Walang araw na hindi ako tahimik na umiiyak at alam ni nanay ang lahat... Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Wala akong narinig na masakit na salita sa kanya, ito pa ang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ako nagkaro'n nang masamang ama. Tumawag sa akin si Sheya, binalita niya ang lahat sa'kin. Tahimik daw na inasikaso ang kaso. Nahuli na rin si Richard at nakakulong na. Ang magulang ni Richard na nagpalabas na patay na si Richard ay haharap din sa kaso. Malungkot at nasasaktan man ako ay masaya parin ako sa balitang nalaman ko. Kampante na ako dahil hindi na sila mapapahamak sa kamay ng ama at kapatid ko. Natigilan ako nang makita ang isang babae na naghihintay sa akin sa labas ng bago naming tinutuluyan ni nanay. Teka, ito 'yong atty. na nakita kong kasama ni Timothy sa elevator. Ano kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin? Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin. Nag

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 152. 💙

    (Karla pov)Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Gustuhin ko man isuplong at sabihin sa mga Montemayor ang tungkol kay Richard ay pinangunahan ako ng takot. Oo, naduduwag ako. Binantaan kasi ako ng ama ko na isiswalat din niya kasabwat ako, sisiguraduhin daw nito na malalaman ni Timothy na kasama ako sa mga planong ginawa nito. Hindi ko na kaya… kinakain na ako ng konsensya ko. Narinig ko ang usapan ni Timothy at Sheya, natatakot ako dahil mukhang may balak na naman na masama si Richard kay Sheya. Nakakatakot si Richard, imbis na magbago ito at magpasalamat sa ikalawang buhay na binigay ng diyos ay nagagawa pa rin nito na gumawa ng masama.Tumingala ako sa harapan ng mansion nang mag asawang Trevor at Sheya.Hindi na kasi kaya ng konsensya ko. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. Bahala na…“Karla!” Nakangiting yumakap sa akin si Sheya ng makita ako. Niyaya niya akong umupo, pinaghandaan pa ako nito ng pagkain. Napansin ko na nanlalalim ang mata ni Sheya, mukhang hindi ito nak

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 151. 💙

    (Timothy pov) "Oh, Timothy, napadalaw ka." Nakangiting bungad ng ina ni Karla sa akin, agad ako nitong pinapasok sa loob. Mas masigla na ito kumpara no'ng una ko itong makita, siguro dahil na rin sa regular check up nito at patuloy na pag inom ng gamot. "Naku, iho, nag abala ka pa." Tila nahihiyang turan nito ng makita ang marami kong dalang groceries at lutong pagkain. "Hindi ito isang abala, nay." Ako na nagsalansan ng mga pinamili ko dahil ayaw ko itong mapagod. Pagkatapos ay agad kong tinanong ang ina ni Karla. "May problema ka ba, nay? Kayo ni Karla?" Oo, isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong malaman kung ano ang problema nilang mag ina. I know it was wrong because it's a family matter, but for me, when it comes to Karla, it's matter. Mahalaga sa akin ang nobya ko. Kung sakaling malaman ng nobya ko ang ginawa at magalit ito ay maiintindihan ko. I'm really worried. Hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay naglalagay ng pader sa pagitan naming dalawa si

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 150. 💙

    (Timothy pov) Hindi ko mapigilan ang mag alala dahil hindi sinasagot ni Karla ang mga tawag ko. I called may secretary to cancel all my appointments at nagmamadaling umuwi sa condo. Then I saw her, crying while holding her cellphone, mukhang hindi maganda ang pinag uusapan ng mga ito dahil mas lalong humaguhol ng iyak ang nobya ko. Rumehistro ang gulat sa mukha niya ng makita ako. "T-Timothy..." "What's wrong? May nangyari ba kay nanay?" Nag aalala akong yumakap sa kanya. Kilala ko si Karla hindi ito basta iiyak lang kaya alam kong may mabigat siyang dinadala. Pero imbis sagutin ako ay tumalikod ito sa akin at umiling. Bumuntong hininga ako. Kahit nanaig sa akin na alamin ang problema ay iginagalang ko kung ayaw man niyang sabihin sa akin ang problema niya. "N-Nagluto ako, hon. S-Sandali lang at maghahain ako ng pagkain." Nagpaalam si Karla na maghahain, tumango ako bago pumasok sa kwarto para magbihis. Ilang beses pa akong bumuntong hininga. Hindi ko talaga gustong makita na umii

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 149. 💙

    (Karla pov)Masaya kaming nagkukwentuhan ni Jelay habang kumakain sa isang fast food chain. Nagkita kaming dalawa at syempre nagkamustahan. Sinabi ko sa kanya na uuwi na ako sa bahay namin sa susunod na buwan. “Teka, saan ka ba nagtatrabaho?” Tanong sa akin ni Jelay. “Para madalaw ka namin ni nanay. Boss mo ba si Timothy?” Muntik na akong masamid sa tanong niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila ang totoo. Alam ko kasi na magagalit si nanay kapag nalaman niya na nakatira ako sa isang bahay kasama ang isang lalaki. Sino bang ina ang matutuwa na ang anak niyang dalaga ay mayro’ng kasamang lalaki sa bahay. Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang ama ko. "Hindi mo ba sasagutin? Baka importante 'yan." Umiling ako kay Jelay. "Wrong number lang." Nang maghiwalay kaming dalawa ay saka ko binasa ang text messages na pinadala ng ama ko. Gusto nitong malaman kung may improvement na ba sa plano ko. Bumuga ako ng hangin. Mahal ko

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 148. 💙

    (Karla pov)Iyak ako ng iyak dahil walang balita kay Jelay. Hindi ito matagpuan at kahit ang mga kapulisan ay hindi ito natagpuan. Maging si nanay ay sobra ng nag aalala rito.“Ma’am, sigurado ka ba na dito nakatira ang kaibigan mo?” Intriga sa akin ng pulis na may pagdududa. “Opo, mamang pulis. Tandang-tanda ko na iyan ang nakalagay sa ID ng kaibigan ko noong nagtatrabaho kami.” Dagdag ko pa.Kumunot ang noo ni Timothy, ang pulis ay kunot din ang noo, nagtataka tuloy ako kung bakit parang nagtataka silang dalawa.“Ma’am, ang lugar kasi na iyan ay isang exclusive subdivision, puro mayayaman ang nakatira sa lugar na ‘yan at iisang angkan lang… ang angkan ng mga Herendes. Kaya imposible na ri’yan nakatira ang kaibigan mo.” “Hon, hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Alalahanin mong mabuti, sigurado ka ba na dito siya nakatira?” Agad na tumango ako. “Oo, hon, sigurado ako. Kung gusto ninyo ay alamin ninyo sa dati naming pinapasukang pabrika, sigurado ako na mayro’ng record si Jelay doon.

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 147. 💙

    (Timothy pov) Kumunot ang noo ko pagdating sa tapat ng pintuan ng condo ko. May nakita akong bulaklak at ilang regalo na para kay Karla. Naka-indicate ang pangalan ng nobya ko rito kaya takang-taka ako. Hindi kasi ako bumili ng bulaklak ngayon kay Karla dahil dumaan ako ngayon sa isang jewelry store para bilhan ito ng kwintas na mayro’ng picture naming dalawa.Tiningnan ko ng masama ang katapat ng pad ko, ang condo unit ni Bane. Lumapit ako rito at malakas na kumatok. Pero imbis si Bane ay isang babae ang nagbukas rito.“Clare!?” Gulat na gulat na bulalas ko. “Hi, Timothy!” Agad na bati ng dalaga na nakangiti. “Pasa sa akin ba ang mga bulaklak na ‘yan?”“Bakit ikaw ang nasa unit ni Bane? Nasaan siya?” Iniinis ako ng gag0ng ‘yon ah. Alam ko siya nagpadala nito kay Karla.“Sinong Bane?” Tanong ni Clare. “Ah, siya ba ‘yong dating nakatira dito? Well, sa akin na ang unit na ‘to dahil ibinenta na ito sa akin.” Ngumiti ito ng pilya. “Si Bane ba talaga ang hinahanap mo, oh baka naman ako t

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 146. 💙

    (Karla pov) Sobrang saya ko dahil hindi na peke ang relasyon namin ngayon ni Timothy. Araw-araw ay dama ko ang pagmamahal niya sa akin. Wala siyang ginawa kundi ang suyuin ako, sabi nga nito ay 'liligawan niya ako ng pormal kahit kami na. "Salamat, Timothy," Pasalamat ko sa kanya ng abutan niya ako ng bulaklak. "Sabi ko naman sayo ay tama na e. Tingnan mo ang condo mo, malapit ng mapuno ng mga bulaklak." Dalawang buwan na matulin ang lumipas, tapos na ang agreement namin dalawa pero heto at masaya kaming nagpatuloy sa relasyon namin. "Kasalanan mo 'yan, hon. Hindi mo kasi tinatapon ang luma kong binibigay." Iiling-iling na sabi nito sa akin na ikinairap ko sa kanya. "Bakit ko itatapon, eh binigay mo sa akin lahat ng 'to." Sa totoo lang ay sinubukan kong sundin ang sinabi niya sa akin pero hindi ko talaga kaya. Bukod sa nanghihinayang ako ay gustong-gusto ko ang mga bulaklak na nakikita sa umaga. Hindi ako magsasawang titigan ang mga ito dahil galing ang lahat ng ito sa kanya. Kumu

DMCA.com Protection Status