Napagod man si Isabella sa maghapong pag-aasikaso sa kaniyang magiging tindahan, hindi naman iyon naging dahilan para mawalan siya ng oras sa pagdidilig ng mga halaman sa hardin ng mansyon. Nakagawian na niya ito tuwing sasapit ang umaga at hapon kahit mayroon namang nakatalagang kasambahay sa gawaing ito ay kumikilos pa rin si Isabella sa pag-alaga ng mga tanim dito. " Señora, ako na po diyan. " Nilapitan si Isabella ng kasambahay upang kuhain ang regadera mula sa kaniya. " Narumihan na ang laylayan ng bestida niyo. Mas mabuting ako na po ang tumapos ng mga dinidiligan niyo. " Napatingin naman si Isabella sa laylayan ng kaniyang bestida at nakitang basa ito dahilan para makapitan kaagad ito ng mga alikabok na galing sa lupa. " Sige po, salamat. Itong parte na lang naman na ang hindi ko nadidiligan, 'yong iba, ayos na po, Manang, " sagot ni Isabella patukoy sa mga kamuning na nakahilera sa harap nila. Nang makapagpaalam ay dumiretso na rin si Isabella papasok ng mansyon para pumanhi
Magbasa pa