Walang pagsisisi sa mukha ni Catriona habang nakatigin sa dulo ng hagdan kung saan naroroon si Isabella na hindi magawang kumilos habang umaagos sa magkabila niyang binti ang pulang likido na sinabayan ng pananakit ng kaniyang tiyan. " C-Catriona..." Nanginginig ang kamay ni Isabella nang hawakan ang pulang likido na unti-unting kumakalat sa malamig na sahig. Inangat ni Isabella ang tingin kay Catriona na tila ba wala man lang planong tulungan siya. " Catriona, tulungan mo 'ko. I-Iyong anak ko..." Nanatiling nakatayo sa hagdan si Catriona, blangko ang ekspresyon ng mukha habang pinagmamasdan ang kaniyang kapatid na nakararanas ngayon ng matinding emosyon dahil sa sitwasyong kinalalagyan ngayon. Naroon ang hindi maipaliwanag na takot at matinding pag-aalala sa tatlong buwang sanggol na nasa sinapupunan niya, kabaliktaran kay Catriona na walang ibang maramdaman kundi galit at sama ng loob. Ni katiting na awa ay hindi makikita sa kaniyang mukha habang pinanonood ang unti-unting pagbag
Maingat na sinindihan ni Isabella ang dalawang kandila na nasa tabi ng maliit na urna (urn) kung saan naroroon ang abo ng kaniyang munting anghel. Naglagay rin siya ng puting rosas sa tabi nito bago niya patakan ng halik ang ibabaw ng urna. Tatlong araw na ang nakalilipas magmula nang makunan si Isabella at sa mga nagdaang araw na iyon, palagi niyang nakikita ang sarili na lumuluha. Nalulungkot at nasasaktan pa rin sa nangyaring trahedya. Hindi niya magawang ngumiti kahit kaunti, ngunit sa tuwing siya'y nananagip na may buhat na bata, nakararamdam siya ng saya na susundan ng lungkot kapag nagising na siya. " Señora Isabella? " Lumingon si Isabella sa kasambahay na tumawag sa kaniya. " Nakahanda na sa mesa ang inyong umagahan. " Tumango si Isabella saka inilibot ang tingin sa buong salas. " Si Maximo ba, nandoon na? " " Ah, nakaalis na ang Señor, kanina pa bago kayo nakababa, " sa narinig na sagot ni Isabella, doon niya nakumpirma ang tila unti-unting paglayo ng loob ni Maximo sa
Magkatabi sa iisang kama ngunit tila hindi ramdam ang presensya ng isa't isa. Nasa magkabilang dulo nakapuwesto ang mag-asawa, magkatalikurang nakahiga at ang isang kumot na para sa kanila ay malapit ng umunat dahil sa layo ng pagitan nila sa isa't isa. Idinilat ni Isabella ang mga mata, hindi niya magawang makatulog dahil sa bigat ng loob niya. Maingat siyang naupo sa kama, nilingon ang puwesto ng katabi na nakatalikod mula sa kaniya. Bukod sa sakit na naramdaman ni Isabella sa malamig na pakikitungo ni Maximo sa kaniya, mas lalong nadagdagan ang kaniyang kalungkutan dahil pakiramdam niya'y mag-isa na lang siya. Naroon pa rin ang kanilang pagdadalamhati sa pagkawala ng dapat sana'y panganay nila, subalit tila magkaiba ang kanilang pamamaraan upang malagpasan ang pinagdadaanan. Umalis si Isabella sa kama at walang ingay na lumabas ng kuwarto nila para bumaba sa salas. Ilaw sa labas ang nagsilbing liwanag ni Isabella para makarating sa lokasyon kung saan nakalagay ang urna ng anak. K
Alas otso na ng gabi no'ng makauwi sa mansyon si Maximo. Tahimik ang loob nang makapasok siya, pasimple niyang inilibot ang paningin sa pagbabakasakaling mahanap ang asawa sa paligid ngunit hindi niya ito nakita. " Nakauwi na pala kayo, Señor. " Lumapit ang mayordoma kay Leonardo na nasa likuran lamang ni Maximo upang kuhanin ang mga bitbit nito. " Nakapaghapunan na ba kayo? Ipaghahain ko na kayo kung hindi pa. "" Hindi na, busog pa ako. " Nilingon ni Maximo si Leonardo upang senyasan itong sumama sa mayordoma sa silid-kainan ngunit tumanggi ito at nagpaalam na kailangan na ring umalis dahil may nakatakda itong gawin ngayong gabi kasama ang pamilya. " Si Isabella? " tanong ni Maximo sa mayordoma habang nilalakad ang daan patungong hagdan. " Kanina pa po nasa kuwarto at nagpapahinga," sagot nito habang naglalakad sa likuran ni Maximo. " Mukhang napagod po ngayong araw dahil nagpunta ang Señora sa tindahan."Huminto si Maximo sa paglalakad at takhang nilingon nag mayordoma. " Nagpun
" Bakit hindi mo isinama si Isabella? " tanong ni Doña Luisana sa anak niyang abala sa paghihiwa ng mansanas sa mesa. " Tapatin mo nga ako, magkaaway ba kayo? Napansin ko noong nakaraang araw na nagpunta kayo rito, hindi kayo masyadong nagkikibuan na dalawa? May problema ba? "" Wala hong problema, " sagot ni Maximo saka binitbit ang platito na naglalaman ng apat na hiwang mansanas para dalhin sa ina. " Hindi ako pinanganak kahapon, Maximo. Malakas ang kutob ko na mayroong hidwaan sa pagitan ninyo, " hindi pinansin ni Doña Luisana ang mansanas na pinahiwa niya dahil ipinako niya ang mata sa anak. " Parang mahirap paniwaaan kung sasabihin mong inaway ka niya. Inaway mo ba si Isabella? "Hindi alam ni Maximo kung dapat ba siyang mainsulto sa sinabi ng ina ngunit naging rason iyon para manahimik siya. Agad namang nabasa ni Doña Luisana ang ekspresyong ipinapakita ni Maximo kaya napabuga siya sa hangin at sumandal sa dalawang patong na unan na nasa kaniyang likuran. " May kinalaman ba a
" Maraming salamat po, Madame. Balik po kayo sa susunod. " Nakangiting pasasalamat ng kaherang mula sa isang kilalang establisyemento ng mga damit pambabae sa parokyano niyang bumili ng bestida. " Sige, sa susunod na lang ulit. " Malawak na ngiti ang binigay ni Catriona sa kahera bago siya taas-noong lumakad palabas ng establisyemento dala ang supot na naglalaman ng bago niyang bestida. Pahinga niya ngayong araw, nabuburyong manatili sa mansyon kaya nagpasya siyang lumabas at tumungo sa isang Mall upang bumili ng damit na halos kalahati na ng sahod niya ang halaga.Dumiretso si Catriona sa banyo ng mga babae upang isuot ang kaniyang bago biling bestida. Ito ay kulay pula na may mga disenyong maliliit na bulaklak. Hanggang ibabaw ng tuhod ang haba ng palda at hugis parisukat naman ang kuwelyo nito. May kasama itong manipis na itim na sinturon na bumagay sa kulay ng bestida.Hindi mapigilan ni Catriona na puriin sa isip ang sarili niya nang humarap sa salamin. Hinawi niya sa likod ang
" Gusto mo bang tumawag na ako ng mga pulis? Mukha kasing wala siyang balak umalis sa harap, " suhestiyon ni Gael na nakamasid sa bintana kung saan makikita si Don Hector na nasa labas pa rin ng entrada. " Hindi na, Gael. Hayaan mo na siya, siguradong aalis rin siya mayamaya, " sagot ni Isabella, abala sa pagtimpla ng tsaa para sa mga kasama. " Ito, uminom na muna kayo habang mainit-init pa. Kung makulangan kyo sa lasa, lagyan niyo na lang ng asukal. "Nagkumpulan ang mga ito sa mesa kung saan ibinaba ni Isabella ang bandeha na naglalaman ng mga tsaa na gawa sa bougainvillea. Nilingon ni Isabella ang bintana at sumulip sa labas para tignan kung nakatayo pa ba roon ang kaniyang ama at kagaya ng inaasahan, naroroon pa rin ito sa tapat, animo'y isang kawawang matandang palaboy sa lansangan, naghihintay ng taong mag-aabot ng tulong sa kaniya. " Sa nakikita ko, mukhang kilala niyo ang matandang lalaking nasa labas, " rinig ni Isabella kay Gael na lumapit sa gawi niya. " Pero mukhang hind
" Salamat, Gael. " Nakangiting tinanggap ni Isabella ang inuming dinala ni Gael sa kaniya matapos ng halos kalahating oras na naging pag-uusap nilang mag-ama. " Kung hindi niyo mamasanain ang tanong ko, siya ba ang inyong ama? " tanong ni Gael na kanina pa nilalamon ng kuryusidad magmula noong labasin ni Isabella ang matandang lalaki sa harap ng entrada. " Siya nga, " sagot ni Isabella, " Pero hindi niya ako kinikilala bilang anak niya. "Hindi agad nakaimik si Gael na hindi inasahan na may mabigat na dahilan kung bakit ganoon ang reaksyon ni Isabella kanina sa biglaang paglitaw ng matandang lalaki sa harap nila. Pakiramdam ni Gael mali ang kaniyang pagtatanong kaya hindi na ito nasundan pa at nagpaalam ng babalik sa trabaho niya. Dire-diretsong ininom ni Isabella ang malamig na tubig upang mahimasmasan sa naging daloy ng usapan nila ng kaniyang ama. Maayos naman ang kanilang paghihiwalay ngunit habang binabalikan ni Isabella ang mga napag-usapan nila, pakiramdam niya'y mayroon siy