" Salamat, Gael. " Nakangiting tinanggap ni Isabella ang inuming dinala ni Gael sa kaniya matapos ng halos kalahating oras na naging pag-uusap nilang mag-ama. " Kung hindi niyo mamasanain ang tanong ko, siya ba ang inyong ama? " tanong ni Gael na kanina pa nilalamon ng kuryusidad magmula noong labasin ni Isabella ang matandang lalaki sa harap ng entrada. " Siya nga, " sagot ni Isabella, " Pero hindi niya ako kinikilala bilang anak niya. "Hindi agad nakaimik si Gael na hindi inasahan na may mabigat na dahilan kung bakit ganoon ang reaksyon ni Isabella kanina sa biglaang paglitaw ng matandang lalaki sa harap nila. Pakiramdam ni Gael mali ang kaniyang pagtatanong kaya hindi na ito nasundan pa at nagpaalam ng babalik sa trabaho niya. Dire-diretsong ininom ni Isabella ang malamig na tubig upang mahimasmasan sa naging daloy ng usapan nila ng kaniyang ama. Maayos naman ang kanilang paghihiwalay ngunit habang binabalikan ni Isabella ang mga napag-usapan nila, pakiramdam niya'y mayroon siy
" Ano'ng problema? " tanong ni Maximo nang manahimik ang mga kasambahay nang pumasok siya sa kusina. Ang iba ay nagsialisan at bumalik sa kaniya-kaniyang trabaho habang naiwang nakatayo sina Catriona at Agustina na parehong nagulat sa biglaang pagsulpot ni Maximo na ang alam nila'y nakaalis na kanina. " S-Señor, may nakalimutan ba kayo? " si Catriona ang unang nagsalita at bahagyang lumapit kay Maximo upang kuhanin ang atensyon nito ngunit ibinaling ni Maximo ang paningin kay Agustina na nilalamon pa rin ngayon ng kaba. " Agustina, " pagkuha ng atensyon ni Maximo sa dalaga, " May problema ba? " Kita ang gulat sa mukha ni Agustina na ilang segundo bago nakasagot. " W-Wala naman po, Señor. " Inilipat ni Maximo ang paningin kay Catriona na mahinhing ngumiti na animo'y isang inosenteng dalaga. Walang ideya si Maximo sa biglaang pagbabago ng ihip ng hangin nang pumasok siya sa kusina at naabutang nag-uusap ang mga kasambahay, ngunit sa nakikita niya, nababatid niyang walang may gustong
Nakatulalang nakamasid si Maximo sa labas ng bintana ng kotse habang nalulunod sa lalim ng iniisip. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nagpapaapekto sa balitang kumakalat ngayon sa mansyon gayong ang tiwalang pinanghahawakan niya sa asawa ay kasing lalim ng pagmamahal niya rito. " Wala akong masamang intensyon, Señor Maximo. Sinasabi ko lang ang nakita ko noong araw na napadaan ako sa dati naming mansyon. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagiging malapit ng dalawa na para bang napakatagal na nilang magkakilala, " ang hayag ni Catriona, hindi makakakitaan ng takot sa mukha habang ipanaliliwanag ang sarili niya. " Noong una, wala naman po talaga akong balak pansinin ang nakita ko dahil hindi ko gustong makialam sa inyong mag-asawa, pero nang maglakas loob na ihatid ng lalaki si Isabella rito sa mismong teritoryo niyo, hindi ko na napigilan ang sarili ko na mag tanong-tanong para sa kumpirmasyon. "" Kumpirmasyon? " tila sarkastikong tanong ni Maximo, seryoso ang mga m
" Maximo, puwede ba tayong mag-usap? " tanong ni Isabella nang makapasok sila sa loob ng kuwartong mag-asawa. " Alam kong may mga kailangan akong ipaliwanag sa'yo. Ayokong umabot na naman ng ilang linggo ang hindi natin pagkakaintindihan. "Nanatiling nakatalikod si Maximo sa asawa habang inaalis ang mga butones ng polo niya. Mula sa salamin ng bintanang nasa harap niya, kita niya ang sariling repleksyon at ng asawa na nakatayo sa kaniyang likuran. " Maximo..." Hinawakan ni Isabella ang braso ni Maximo upang kuhanin ang atensyon nito. " Gusto kong humingi ng tawad sa pagiging insensitibo ko kaninang umaga. Hindi ko...hindi ko namalayan na mali ang ikinilos ko sa harap mo gayong gusto mo lang naman ay masiguro ang kaligtasan ko. "Hinarap ni Maximo ang asawa. " Hindi kita paghihigpitan kung walang malalim na dahilan, Isabella. "" Naiintindihan ko, pero wala ka namang dapat ipag-alala. K-Kung Si Gael ang problema mo, mabuti siyang tao. Wala kang dapat ikabahala sa kaniya—"" Mas kakam
" Ako na ang magdadala niyan sa opisina niya. " Nakangiting inagaw ni Catriona mula sa isang kasambahay ang bandeha na may lamang baso at isang bote ng alak na gawa sa ubas. " Bumaba ka na. Pinatatawag ka ni Manang sa kusina. "Nag-aalangan man ay sumunod na lamang ito sa sinabi ni Catriona na agad sumilay ang matagumpay na ngiti sa labi nang mawala sa paningin niya ang kasambahay na dapat ay magdadala ng alak sa opisina ni Maximo. Nagpatuloy sa paglalakad si Catriona sa pasilyo. Nakapatay na ang malaking aranya (chandelier) at tanging maliliit na bumbilya na lamang ang mga nakabukas sa loob ng mansyon. Tahimik na ang paligid, mga yabag na lamang ng sapin sa paa ang tanging nadidinig ni Catriona hanggang sa siya'y tumigil sa harap ng silid at marahang kumatok rito bago buksan ang pinto. " Señor... " Mahinang tinawag ni Catriona ang ngalan ng lalaki. Madilim ang silid, liwanag mula sa labas ng nakabukas na bintana at sa isang nakasinding pantalya ang nagsisilbing ilaw sa loob ng opisi
" Kung ganoon, siya pala ang nakatatandang kapatid ni Maximo, " ani Isabella habang nakatitig sa lumang larawan na nakakabit sa dingding. " Matias ang pangalan niya, tama po ba? "Marahang tumango ang mayordoma na buntong hiningang ngumiti nang alisin ang tingin sa lumang larawan ng pamilyang Castellano. Ito ang huling kuha ng larawan kung saan kompleto pa ang miyembro ng pamilya at sa kalumaan nito, halos kumupas na rin ang kulay ng litraro. " Kamukhang-kamukha ni Matias ang kaniyang ama ngayon, " sambit ng mayordoma na hindi maiwasang maging emosyonal sa pagbabalik ng taong matagal nawalay sa kanila. " Kay tagal hinanap ng Doña Luisana ang kaniyang panganay at tiyak akong matutuwa siya kapag nalaman niyang umuwi na si Matias dito sa mansyon. "Taon 1979 nang mamatay ang padre de pamilya ng Castellano at kasabay nito ang biglaang paglaho ng panganay na anak na si Matias sa hindi malamang dahilan. Bigla na lamang itong hindi umuwi ng mansyon isang araw nang maihatid sa huling hantung
Ibinaba ni Isabella ang nakatuping papel sa mesang nasa pagitan nila ni Maximo. Kasalukuyan silang nasa loob pa rin ng opisina, magkaharap at hindi pa nagtatama ang mga mata magmula nang humiwalay ng yakap sa isa't isa. " Galing ang sulat kay Tina, " ani Isabella habang nakatingin sa sulat na ipinatong niya sa ibabaw ng mesa. " Ibinigay niya kay Aling Rosal kaninang madaling araw bago siya umalis ng mansyon. " Salubong ang kilay ni Maximo nang kuhanin ang papel at agad na binasa ang nilalaman ng sulat. " Sinasabi niya rito na wala siyang kasalanan, pero sa ginawa niyang pag-alis nang hindi man lang nakikipag-usap nang maayos, ano sa tingin mo ang iisipin ko? " Mariing napalunok si Isabella. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sagutin ang tanong ng asawa na batid niyang para kay Agustina. " N-Nauunawaan ko naman si Tina..." Mahina ngunit sapat na para lumipat ang tingin ni Maximo kay Isabella. "...at naniniwala rin ako sa kaniya. " Ibinaba ni Maximo ang hawak na sulat nang hi
TAON 1979" Nakagayak na ba ang lahat? Mayamaya lang ay aalis na tayo, " boses mula sa itaas ang nagpatigil sa pagtitipa ng binatang si Matias sa teklado ng kanilang piyano. Dumako ang kaniyang paningin sa hagndan at nakita roon ang pagbaba ng ama habang inaayos ang butones sa dulo ng manggas nito. " Luisana, nasaan ka na? Tawagin mo na ang mga bata at aalis na tayo. "Nagkatinginan ang dalawang magkapatid na kanina pa nasa ibaba at hinihintay na lamang matapos gumayak ang kanilang magulang. " Sandali lang, wala sila sa kanilang mga kuwarto! " Natatarantang boses na wika ng Doña Luisana habang ikinakabit ang malaking perlas sa kaniyang kaliwang tainga nang masalubong ang mayordma sa pasilyo. " Hindi kaya naglaro pa sa labas ang mga bata? Nakabihis na sila kanina pa—Manang, pakihanap nga ang dalawang bata. Sabihin mong aalis na kamo tayo. "" Señora, kanina pa ho nasa ibaba ang mga bata..." Nakangiting paliwanag ng mayordoma dahilan para mapadungaw si Doña Luisana sa barandilya at naki