TAON 1979" Nakagayak na ba ang lahat? Mayamaya lang ay aalis na tayo, " boses mula sa itaas ang nagpatigil sa pagtitipa ng binatang si Matias sa teklado ng kanilang piyano. Dumako ang kaniyang paningin sa hagndan at nakita roon ang pagbaba ng ama habang inaayos ang butones sa dulo ng manggas nito. " Luisana, nasaan ka na? Tawagin mo na ang mga bata at aalis na tayo. "Nagkatinginan ang dalawang magkapatid na kanina pa nasa ibaba at hinihintay na lamang matapos gumayak ang kanilang magulang. " Sandali lang, wala sila sa kanilang mga kuwarto! " Natatarantang boses na wika ng Doña Luisana habang ikinakabit ang malaking perlas sa kaniyang kaliwang tainga nang masalubong ang mayordma sa pasilyo. " Hindi kaya naglaro pa sa labas ang mga bata? Nakabihis na sila kanina pa—Manang, pakihanap nga ang dalawang bata. Sabihin mong aalis na kamo tayo. "" Señora, kanina pa ho nasa ibaba ang mga bata..." Nakangiting paliwanag ng mayordoma dahilan para mapadungaw si Doña Luisana sa barandilya at naki
" Naubos ang santan? " hindi makapaniwalang tanong ni Isabella sa balita ni Mang Nando. " Iyong pitong santan po na nasa labas, Nabili lahat? "" Ganoon na nga po, Madame." Nakangiting sagot ng matanda. " Itatanim daw nila ang mga 'yon sa harap ng kanilang bahay. Diyan lang daw po ang bahay nila sa kabilang kanto, halos kalilipat lang at kasalukuyan nilang pinagaganda 'yong bakanteng lote pa sa harap nila. "Hindi na maalis ang ngiti sa labi ni Isabella sa narinig. Bukod sa masaya siya dahil sila'y nakabenta, labis rin ang tuwa sa puso niya dahil sa pagpansin sa santan na tila pangkaraniwang bulaklak na lang sa ilan. Sa rami ng klaseng bulaklak na kanilang binibenta, rosas ang kadalasang mabili at santan naman ang hindi pansinin. " Madame, kumain na po kayo. Kami na muna po ang bahala rito, " saad ni Darla na napatakip nang bibig sa biglaang pagdighay niya. Bahagyang natawa si Isabella saka tumango at mabilis na tinapos ang ginagawang listahan ng ilang kasangkapan na kailangang bilhi
" Magbabago ba isip mo kung sabihin ko na kasali ako sa grupo ng mga taong gustong magpabagsak sa'yo? " tanong ni Matias, walang kurap ang mga matang naktingin kay Maximo na mababakasan ng gulat at pagkabigo sa mukha. Inilipat ni Matias ang tingin sa baril na nakatutok pa rin sa kaniya bago ibalik ang tingin sa kapatid niyang tila ba nahihirapang mag desisyon kung tama bang kalabitin ang gatilyo nito. " Pero hindi bilang miyembro, dahil pag e-espiya ang ginagawa ko. "Sa pagkakataong ito, lalong nagbanggaan ang mga kilay ni Maximo. " Ano'ng pinagsasasabi mo? "" Hindi susugod ang kaaway sa kuta ng kalaban kung kaunti lang sila. Kailangan nila ng maraming tao para sa mas malakas na puwersa. " Ibinaba ni Matias ang dalawa niyang nakataas na kamay nang hindi inaalis ang tingin sa kapatid niyang puno pa rin ng pagdududa. " Dalawang beses pa lang akong nakadalo sa isang tagong pagpupulong ng mga taong may galit sa mga Castellano. Lahat ng miyembro doon ay ang mga nawalan at nasira ang bu
" Kuya? " Nagtatakang tanong ni Isabella nang marinig na may naghahanap sa kaniyang lalaking nagpakilala bilang kaniyang kuya. " Iyon po ang sinabi niya, Madame. Mataas po na lalaki, mestizo at medyo mahaba po ang buhok niya na hanggang batok..." sandaling tumigil sa paglalarawan si Marta, inalala kung sino ang kamukha ng lalaki pero hindi pa rin niya makuha. " Sige, lalabas na lang ako. " Tumayo si Isabella mula sa pagkakaupo at sabay silang lumabas ni Marta sa opisina. May ideya na si Isabella kung sino ang taong tinutukoy ni Marta at upang makasiguro ay kailangan itong makita ng mismong mga mata niya." Naroon po siya, Madame. Iyong nasa dulobg mesa. " Pagturo ni Marta sa lalaking mag-isang nakaupo sa dulo. Nananatiling kunot ang noo ni Isabella nang maglakad palapit sa lalaking nakatalikod mula sa kaniya at nang makita ang hitsura, agad siyang naalarma. " Kuya Matias? " Gulat at bahagyang pagkataranta ang naging reaksyon ni Isabella nang makumpirmang tama ang hinala niya. " N-N
Nakilala ni Isabella si Gael bilang isang mabait at pala-ngiting tao. Magaan ito kasama at hindi mahirap lapitan dahil sa tinataglay nitong positibong awra na ngayon ay hindi na makita ni isabella sa lalaking nakatayo sa kaniyang harapan, may ngiting malayo sa nakasanayan niyang makita." Gael, ano bang...ano bang nangyayari sa'yo? " May takot man, mababakas ang lungkot sa boses ni Isabella habang nakatingin sa mata ng lalaki na unti-unting lumamlam kasabay ng pag-iwas nito ng tingin. " Gusto ko lang sabihin sa'yo na huwag mong hayaang bulagin ka ng emosyon mo, " saad ni Gael sa pagitan ng pagpapakalma sa kaniyang sarili. " Sabihin na nating kilala mo nga ang asawa mo, pero hindi bilang isang Maximo Castellano. "Mariing napalunok si Isabella. " Una ko siyang nakilala bilang isang Maximo Castellano. Isang misteryosong tao na kinatakutan ko noong una, pero ngayong nakilala ko na siya, masasabi kong mapalad ako sa kaniya. "Tiim-bagang na binalik ni Gael ang tingin kay Isabella. " Nasa
" Gael, ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo, ha? Huwag mo silang pababayaan at ilayo mo sila sa kapahamakan... " ang huling habilin ni Doña Muñoz bago ito bawian ng buhay sa labis na kabiguan at kalungkutan. Banig ang ginamit upang balutin ang wala ng buhay nitong katawan at inilibing sa ilalim ng puno katabi ng puntod ng mahal nitong asawa.Ang dating masaya at marangyang pamilya ay sa isang lumang bahay na lamang nakatira. Nawala sa kanila ang lahat matapos ng nangyaring sunog na nagpatupok sa kanilang mga ari-arian. Napalitan silang ibenta sa maliit na halaga ang malaking lupain upang may pagkunan na panggastos sa araw-araw nilang buhay na hindi rin nagtagal ay naubos na. " Kuya, ang taas ng lagnat ni Farah. Dalhin na po natin siya sa malapit na ospital. " Mangiyak-ngiyak na saad ng trese anyos na si Franco, karga ang bunsong kapatid na babaeng inaapoy ng lagnat. Malakas man ang buhos ng ulan, walang pagdadalawang isip nilang isinugod sa ospital ang bunsong si Farah na namumutla
" Salamat pero, hindi na, Catriona..." Unti-unting napawi ang ngiti sa mukha ni Catriona nang madinig ang tugon ni Isabella. " B-Bakit naman? Wala ka bang balak hanapin siya? " Nagtatakang tanong ni Catriona, hindi maitago ang pagkadismaya sa mukha niya. Dumaan ang lungkot sa mukha ni Isabella. " Hindi pa ako handang makita siya. H-Hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ko o mararamdaman ko kung sakaling magkita kaming dalawa. "Hindi agad nakakibo si Catriona, subalit habang pinagmamasdan niya ang ekspresyon ng mukha ni Isabella ay mabilis niyang naunawaan ang naging sagot nito. " Malaki ba ang galit mo sa kaniya? "Napayuko si Isabella at marahang umiling. " Sa loob ng maraming taon, hindi naman ako nakaramdam ng galit sa ginawa niyang pag-iwan saakin dito. "" Kung ganoon anong pumipigil sa'yo na hanapin siya? "" Takot. " Inangat ni Isabella ang ulo ubang salubungin ang tingin ni Catriona. " Natatakot akong harapin siya dahil hindi maalis sa isip ko na paano kung mayroon na siy
Halos kalahati ng sakahan ang tinupok ng apoy sa lupain ng Castellano. Mula sa pinaka una kung saan makikita ang mga bulaklak at halaman, umabot ito hanggang sa taniman ng mga kagulayan. Mabilis kumalat ang apoy, animo'y isang malaking ahas na sinisilaban ang bawat parte na kaniyang magapangan. Kinailangan ng maraming bombero mula sa iba't ibang lugar para sa mabilisang pag-apula ng apoy at hindi na madamay pa ang ilang parte ng malaking lupain ng Castellano. " Wala ng apoy sa dulo, Señor. Tanging usok na lang po ang naroon pero nakaantabay pa rin po ang dalawang truck ng bombero, " hayag ng isa sa mga trabahador ni Maximo, basang-basa ito mula ulo hanggang paa dahil sa pagtulong rumisponde sa sunog na patuloy pa ring inaapula. Dalawang oras na ang nakalilipas, ngunit natatanaw pa rin mula sa labas ang apoy mula sa loob ng sakahan. " Salamat, Mang Berto. Magpahinga muna po kayo rito sa labas, alam kong pagod na kayo. Hayaan niyo na ang mga bombero sa loob, " ani Maximo na sa kabila