" Wala pa po ba sina Mama? Bakit po hindi natin sila kasama umuwi?" Naiinip na tanong ni Leonel sa lalaking naghatid sa kaniya pauwi ng mansyon. Kasalukuyan silang na sa hardin kung saan pinili ni Leonel na laruin ang mga bago niyang laruan." Mamaya lang ay nandito na sila, Señorito. Mayroon lang kailangan asikasuhin doon sa pinuntahan niyo kanina kaya hindi natin sila nakasabay umuwi. " Mahinahong sagot ng lalaki na may malaking katawan at naka-uniporme ng itim. Kagaya ng bilin ni Maximo, hindi dapat maalis sa kaniyang paningin ang bata kaya palagi siyang nakasunod dito saan man ito magpunta." Señorito? Hindi naman po 'yon pangalan ko. Ako po si Leonel. " Binitawan ni Leonel ang laruang sasakyan nang manawa sa paglalaro nang mag-isa. Inilibot niya ang tingin sa paligid at dumaan ito sa isang batang babae na nakasilip sa beranda. Namukhaan niya ito kaya agad niya itong nilapitan habang nakabuntot sa likuran ang guwardiya. " Gusto mo maglaro? "Nahihiyang umiling si Samara at umalis s
Mataas ang sikat ng araw nang makababa si Isabella mula sa kotse dala ang isang basket na may mga puting rosas. Iginala niya ang paningin sa paligid, tanghaling tapat ngunit marami-rami ngayon ang tao sa sementeryo. Karamihan sa mga nakikita niya ay isang pamilya na tahimik na nagku-kuwentuhan habang nakapalibot sa puntod na dinadalaw nila. " Madame, ako na ang magdadala ng basket. May kabigatan iyan." Napatingin si Isabella sa isang mataas at malaking babae na tumabi sa gilid niya habang may hawak na payong upang isilong siya. " Hindi na, Abi. Kayo ko namang bitbitin na 'to. " Nakangiting sagot ni Isabella sa kaniyang guwardiya na nag ngangalang Abigail. Ilang buwan na niya itong kasama ngunit hindi pa rin siya sanay sa presensya nito dahil ito na ang nagsisilbing anino niya sa tuwing siya'y lalabas ng mansyon. " Saka sasaglit lang naman ako kaya kahit dito mo na ako hintayin sa sasakyan." " Pero Madame..." Ngumiti si Isabella at inilahad ang kamay upang hingin ang payong na hawa
Maraming salamat po sa lahat ng mga sumuporta ng nobelang ito! Nawa'y nagustuhan niyo po ang buong kuwento at huwag pong mahihiya na mag iwan ng komento dahil natutuwa ako sa tuwing nakakabasa ng mga opinyon mula sainyo. Wala na pong susunod na kabanata. Hayaan na po nating makapagpahinga ang ating mga bida dahil masyado rin akong naging malupit sa kanila. Katunayan, kamuntikan ng maiba iyong wakas at mapunta sa trahedya iyong nobela. Mabuti na lang nakapag muni-muni pa ako at napagtantong masyado ng kawawa ang ating mga bida kung may papatayin akong isa sa kanila.Ayon lang, gusto ko lang naman ibahagi iyon sainyo dahil nanakit ang ulo ko kaiisip kung paano wawakasan ito, hehe. Muli, salamat po sainyong lahat! Suportahan niyo rin po ang iba kong storya at mga paparating pa. Hanggang sa muli!
Agosto 2003 Isang pamilyar na ihip ng hangin ang sumalubong sa babaeng kababa lamang ng bus. Bitbit ang isang maleta, maingat niya itong ipinuwesto sa gilid niya habang inililibot ang tingin sa plaza. Puno ng makukulay na banderitas ang itaas. Maingay ang paligid dahil sa rami ng tao at nakadagdag pa sa ingay ang mga musiko na pumaparada sa gitna ng kalsada. " Mama, piyesta po ngayon dito? " Napatingin ang babae sa batang lalaking kumapit sa kamay niya. " Ang daming tao sa kalsada. Paano mo natin mahahanap si Papa? " Nakangiting tumango ang babae sa tanong ng kaniyang anak. " Tiyak naman na hahanapin rin tayo ng ama mo. Sa ngayon, tapusin muna natin ang parada para makatawid tayo sa kabilang kalsada. " Tumango ang batang lalaki saka ibinalik ang tingin sa harap. Sa rami ng tao sa harapan nila, wala siyang masyadong maaninag sa mga pumaparada. Sinubukan niyang tumingkayad upang silipin ang dahilan ng sigawan ng mga tao pero bigo pa rin siyang makita ang mga banda ng musiko at mga d
Hulyo 21, 1996" Isabella, pinatatawag ka ni Madame Leticia. " Napatigil sa paglalampaso ng sahig ang dalagang nag ngangalang Isabella nang lapitan siya ng Mayordoma. " Bilisan mo ang kilos. Mamaya mo na 'yan tapusin. "" Sige po, susunod na 'ko. " Itinabi ni Isabella ang basahan at timba na naglalaman ng tubig na kaniyang ginamit sa paglalampaso ng sahig sa balkonahe ng mansyon. Pumasok si Isabella sa loob at tumungo sa kusina para hugasan ang kaniyang kamay. Nakakita siya ng goma sa lababo na batid niya'y galing sa isang tali ng sitaw na binili kaninang umaga sa bayan. Ginamit niya ito upang itali ang mahaba at paalon-alon niyang buhok na kanina pa sumasagabal sa paglilinis niya. " Isabella, pinatatawag ka ni Madame sa kuwarto niya. Bilisan mo raw. " Napalingon si Isabella sa likuran nang marinig ang boses ng kasambahay na si Frida. Bakas sa mukha ng babae ang pag-aalala at pagkabalisa. " Mainit na naman ang ulo kaya ihanda mo na ang sarili mo. Tiyak na sa'yo ibubuhos 'yon."isang
Alas-dos na ng madaling araw, ngunit hindi pa rin magawang makatulog ni Isabella sa dami ng pumapasok sa isip niya. Maingat siyang bumangon at bumaba mula sa kaniyang kama. Mahimbing ng natutulog ang dalawang kasambahay na kasama ni Isabella sa kuwarto kaya dahan-dahan siyang kumilos palabas ng kuwarto nila. Tanging liwanag lamang mula sa labas ang nagbibigay ng ilaw sa madilim na pasilyong nilalakaran ni Isabella. Malaki at bilog na bilog ang buwan ngayon, tumatagos ang liwanag nito mula sa salaming bintana papasok sa loob ng mansyon dahilan para marating ni Isabella ang kusina nang walang kahit na anong nagagawang ingay. Kumuha siya ng baso at pinuno ito ng tubig upang ito'y kaniyang dire-diretsong inumin. " Hindi ka makatulog? " halos mapatalon si Isabella sa kinatatayuan niya nang marinig ang boses ni Catriona mula sa likuran niya. Nilingon ito ni isabella at nakitang may hawak itong baso na may kalahating laman na gatas. " K-Kanina ka pa rito? " tanong ni Isabella ngunit tinaa
" Ang gutong gawin ni Don Bustamente ay ibigay sainyo ang unica hija niya bilang kabayaran sa utang niya. Catriona ang ngalang ng dalaga, bente sais anyos, " hayag ni Leonardo, edad apatnapu at ang kanang kamay ni Maximo Castellano. " Nakiusap siya na bigyan niyo pa siya ng isang taon para magbayad. Nagmakaawa rin siya na huwag kuhanin ang bahay niya dahil iyon na lang ang ari-arian na mayroon sila ng pamilya niya. Wala na itong trabaho dahil nasesante na siya sa unibersidad na pinapasukan niya at hindi na rin niya magamit ang pagiging abogado dahil kliyente na mismo ang umiiwas sa kaniya. " Ibinaba ni Maximo ang binabasang dyaryo sa mesa bago alisin ang suot na salamin sa mata para tignan si Leonardo. " Hindi niya gustong mawalan ng ari-arian pero gagawin niyang pambayad utang ang anak niya? " Tumango ito at inilapag ang isang papel sa mesa. " Gumawa siya ng kasulatan na kapag hindi niya pa nabayaran ang sampung milyon sa loob ng isang taon, maaari niyo siyang taanggalan ng karapat
Hindi maipinta ang hitsura ni Isabella habang sinusukatan siya sa baywang ni Sarina—ang babaeng nakatalagang gumawa ng trahe de boda at barong ng dalawang taong nakatakdang ikasal sa darating na linggo. " Ang liit ng baywang niyo, Señorita. 24-inch lang? Size na ng hita ko 'to. " Makuwelang wika ni Sarina habang inililista ang sukat ng baywang ni Isabella sa dala nitong kuwaderno. Nahihiyang ngumiti si Isabella, hindi sigurado kung dapat bang tignan ito bilang pagpuri gayong ang dahilan ng liit ng baywang niya ay dahil isa hanggang dalawang beses lang siya kung kumain sa isang araw. Minsan patago pa dahil sa buong araw ay puro utos ang naririnig niya mula sa madrasta. Pasimpleng dinaanan ng tingin ni Isabella ang sopa kung saan naroroon si Maximo, kasama ang kanang kamay nito na si Leonardo na nakatayo sa likuran nito. Abala si Maximo sa pagtingin ng larawan ng mga modelo na may suot na barong. Nagbabakasakali na may magustuhang estilo at hindi na magpatahi ng bago. Saglit itong