Share

KABANATA 02

Author: janeebee
last update Last Updated: 2023-05-14 22:40:55

Alas-dos na ng madaling araw, ngunit hindi pa rin magawang makatulog ni Isabella sa dami ng pumapasok sa isip niya. Maingat siyang bumangon at bumaba mula sa kaniyang kama. Mahimbing ng natutulog ang dalawang kasambahay na kasama ni Isabella sa kuwarto kaya dahan-dahan siyang kumilos palabas ng kuwarto nila. 

Tanging liwanag lamang mula sa labas ang nagbibigay ng ilaw sa madilim na pasilyong nilalakaran ni Isabella. Malaki at bilog na bilog ang buwan ngayon, tumatagos ang liwanag nito mula sa salaming bintana papasok sa loob ng mansyon dahilan para marating ni Isabella ang kusina nang walang kahit na anong nagagawang ingay. Kumuha siya ng baso at pinuno ito ng tubig upang ito'y kaniyang dire-diretsong inumin.

" Hindi ka makatulog? " halos mapatalon si Isabella sa kinatatayuan niya nang marinig ang boses ni Catriona mula sa likuran niya. Nilingon ito ni isabella at nakitang may hawak itong baso na may kalahating laman na gatas.

" K-Kanina ka pa rito? " tanong ni Isabella ngunit tinaasan lamang siya ng isang kilay ni Catriona. Pinunasan na lamang ni Isabella ang baba niya dahil sa tumapon na tubig sa kaniya nang magulat siya. Binuhos na rin niya sa lababo ang natirang tubig sa baso at hinugasan na rin bago ito ibalik sa lagayan. Binalik niya ang tingin kay Catriona. " M-Mauna na ako..."

" Sa totoo lang, labag sa loob ko na ipagamit ang pangalan ko sa'yo, Isabella. " Lumakad si Catriona patungo sa gilid ng lababo upang sumandal. " Pero wala akong ibang pagpipilian dahil ayokong matali sa isang matandang hukluban. Wala kang dapat ikalungkot dahil mayaman naman ang mga Castellano. Kayang-kaya mo ng makuha ang lahat ng gusto mo, iyon ay kung gagalingan mo sa pagpapaamo. "

Piniling hindi magsalita ni Isabella.  Pinanood lamang niyang bumungisngis si Catriona na ilang saglit lang ay tumigil rin nang mapansing walang epekto kay Isabella ang binitawang salita. Tumikhim ito at inalis ang tingin sa kapatid bago ibinuhos ang gatas niya sa lababo. 

" Galingan mo na lang ang pagpapanggap dahil kapag nahuli ka nila, siguradong malilintikan ka sa mga Castellano. Ikaw ang unang mananagot dahil naroon ka na sa poder nila." Tumingin muli si Catriona kay Isabella. " Huwag kang sumimangot. Sanayin mo ang mukha mo na laging nakangiti dahil iyon si Catriona. Ayusin mo rin ang kilos at pananalita mo. Lagyan mo ng class. Huwag mong gawing katawa-tawa ang imahe ko dahil sa oras na madungisan mo ang pangalan ko, ingungudngod ko ang pagmumukha mo sa putik. Maliwanag ba? "

Upang hindi na humaba ang diskusyon, tahimik na lamang na tumango si Isabella bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Batid niya na wala siyang laban kay Catriona dahil bata pa lamang sila, wala ng ibang ginawa si Isabella kundi ang sumunod sa lahat ng utos ng kapatid niya. Hindi puwedeng hindi sumunod si Isabella dahil may mga pagkakataon na sinasaktan ito ni Catriona. Alam ng lahat ng tao sa mansyon kung anong totoong pagkatao ni Isabella pero isang kasambahay lamang din ang trato nila sa dalaga kagaya ng utos ni Doña Leticia.

Sa buong magdamag ay hindi na nagawang makatulog ni Isabella. Ilang beses sumagi sa isip niya na tumakas pero wala siyang ibang matutuluyan dahil wala naman siyang kaibigan. Labis ang pag-aalala niya dahil sa oras na magpakita ang araw, tapos na ang tungkulin ni Isabella sa mga Bustamente dahil ibang pamilya naman ang pagsisilbihan niya. 

" Ayusin mo ang sarili mo. Hindi ka makikipaglibing kaya walang dahilan para umiyak ka nang ganiyan. " Matigas na wika ni Don Hector sa anak nang makita ang pagbagsak ng luha ni Isabella. " Mayamaya lang ay narito na ang susundo sa'yo. Tandaan mo ang mga ibinilin ko. Huwag na huwag kang gagawa ng ikapapahamak ko dahil sa oras na sabihin mo kung sino ka talaga, wala ka ng babalikan pa rito. "

Mariing napalunok si Isabella. " P-Paano po kung sila mismo ang makaaalam na hindi talaga ako si Catriona? "

" Puwes huwag kang gagawa ng katangahan para hindi ka paghinalaan. Tandaan mo, hindi ikaw si Isabella at wala akong ibang anak na Isabella ang pangalan. Ikaw ngayon si Catriona, ang unica hija ng pamilyang Bustamente. Malinaw ba sa'yo? "

" Malinaw po..." Pinunasan ni Isabella ang pisngi niya. Hindi niya alam kung maayos pa ba ang mga kolorete na nilagay sa mukha niya dahil sa mga kumakawalang luha sa kaniya dulot ng lungkot, takot at pagkabahala.

" Bakit umaarte 'yan? " tanong ni Doña Leticia na kabababa lamang sa salas. Dumiretso siya sa gawi ng dalawa at pinasadahan ng tingin si Isabella mula ulo hanggang paa." Huwag mong sayangin ang ayos mo. Ngayon ka nga lang nagmukhang tao, iiyak ka pa. Ngumiti ka! "

Nanginginig ang labi ni Isabella na ngumiti sa harap ng kaniyang ama at madrasta. Sa ginawa niya, tila lalong naipon ang luha sa kaniyang mga mata, ngunit bago pa may muling bumagsak na luha, dumating ang mayordoma at ibinalita ang pagdating ng sasakyan sa labas. 

" Nariyan na sila. " Hinawakan ni Don Hector sa braso si Isabella at iniharap ito sa kaniya. " Huwag mong kalilimutan ang mga pinag-usapan natin. Maging masaya ka na lang dahil hindi ka na maghihirap dito sa poder ko. Ituring mong isang biyaya ang mangyayari sa'yo dahil isang mayaman ang mapapangasawa mo. "

" Mapapangasawa? " Gulat at pagtataka ang gumuhit sa mukha ni Isabella. " Ibig niyong sabihin, pakakasalan ko rin iyong taong pinagkakautangan ninyo? "

" Aba, nagtatanong ka pa, ha? " Kumawala ang sarkastikong tawa mula kay Doña Leticia. " Ano naman ngayon sa'yo kung iyon nga ang gagawin mo? Para namang makakaatras ka pa? "

" Pero ang sabi niyo po saakin kagabi—"

" Huwag ka ng magsalita. Hindi namin kailangan ng opinyon mo, " tila naaalibadbaran na sambit ni Doña Leticia saka binaling ang tingin sa asawa. " Ihatid mo na iyan sa labas, Hector. Umagang-umaga, ayokong masira ang araw ko. Palayasin mo na 'yan. "

Gustong magsalita ni Isabella pero tila nawalan siya ng boses. Buong akala niya ay dadalhin lamang siya sa mga Castellano bilang kabayaran sa utang, subalit hindi nabanggit sa kaniya na kailangan rin pala niyang pakasalan ang pinagkakautangan ng kaniyang ama. Pakiramdam niya'y nabuhay lang siya para pagbayaran ang mga kasalanan ng magulang niya.

" Catriona, anak, mahal na mahal ka ni Papà. Patawarin mo ako kung kailangan kong gawin 'to sa'yo, pero pinapangako ko, kukuhanin kita sa oras na magkapera na 'ko... " Naluluhang wika ni Don Hector kay Isabella bago ito bigyan ng isang mahigpit na yakap. Saglit niyang tinapunan ng tingin ang dalawang taong nag-aabang sa labas ng sasakayan bago bumitaw sa pagkakayakap sa anak niya na kahit anong pigil ng emosyon, tuloy-tuloy pa rin ang pagbasak ng mga luha. Tumikhim ang Don upang kuhanin ang atensyon ng dalawang lalaki. " K-Kasama niyo ba sa loob ng sasakyan si Don Castellano? "

" Hindi po namin kasama ngayon ang Don. May kliyente itong kailangang kitain ngayong umaga kaya kami lang ang nakapunta sainyo, " sagot ng isang lalaki. Napatango na lamang si Don Hector bago balingan ng tingin si Isabella.

" Catriona, anak ko. Patawarin mo sana ang Papà. Hindi ko 'to gustong gawin pero wala akong ibang pagpipilian..." Binalak muling hawakan ni Don Hector ang anak ngunit nagulat siya nang umatras ito palayo sa kaniya. 

" Wala po ba talaga, Papà? " Makahulugang tanong ni Isabella dahilan para hindi agad makaimik ang kaniyang ama. Pinunasan ni Isabella ang pisngi bago lumingon sa dalawang lalaking sumusundo sa kaniya. Wala pang lumalabas sa bibig niya pero binuksan na ng lalaki ang pinto ng sasakyan. Agad namang sumakay si Isabella, hindi na kayang sikmurain ang ka-plastikan na pinapakit ng kaniyang ama. 

***

Sa kabila ng bigat ng nararamdaman ni Isabella, hindi niya maiwasang hindi humanga habang nakatingin sa malaking mansyon na pagmamay-ari ng Castellano. Kulay krema ang pintura ng kabuuan ng mansyon at pula ang kulay ng bubungan. Mayroon itong dalawang palapag at ang napakalaking balkonahe sa harapan ay napapalibutan ng mga bulaklak at halaman. Pabilog ang hugis ng barandilya, animo'y kapag nakapuwesto ka roon ay magmumukha kang prinsesa o isang reyna na kumakaway sa mga mamamayang iyong nasasakupan. 

" Señorita, pasok na po tayo sa loob? " Napatingin si Isabella sa kumuha ng bagaheng dala niya. " Ako na po ang magdadala ng mga gamit niyo. Ilalagay ko po ito sa magiging kuwarto ninyo."

Hindi alam ni Isabella kung anong dapat na maramdaman sa pagtrato ng mga taong ito sa kaniya dahil sobrang laki ng pagkakaiba sa nakasanayan niya. Sa kauna-unahang pagkakaton, may tumawag sa kaniyang 'Señorita'. Nakapagsuot rin si Isabella ng isang magara at mamahaling bestida na galing pa kay Catriona. Kulay puti ito na napapalibutan ng mga disenyong bulaklak. May manipis na sinturon sa bandang baywang na nagpahapit sa hubog ng kaniyang katawan. Inayusan rin siya upang mag mukhang presentable sa harap ng taong kukuha sa kaniya. Tinawag siyang anak ng kaniyang ama at nagawa rin niyang tawaging ama ang taong dahilang ng sakripisyo niya. Ngayong nasa poder na si Isabella ng mga Castellano, hindi niya alam kung ano bang dapat niyang asahan sa mga ito. Sanay na si Isabella sa hirap at pagmamalupit ng mga Bustamente, kaya kung ano man ang naghihintay sa kaniya sa loob ng mala-palasyong bahay na ito, wala siyang ibang nakikitang paraan kundi ang magtiis.

Sa silid-kainan dinala si Isabella upang mag umagahan sa isang parihabang mesa. Wala siyang kasamang kumain at hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkailang dahil pinagsisilbihan siya ng mga kasambahay na nakapalibot sa kaniya. Ultimo ang paglalagay ng tubig sa baso ay ibang tao ang gumagawa noon sa kaniya.

" Dito po ang kuwarto niyo, Señorita. Ito po ang susi niyo." Inihatid si Isabella sa isang kuwartong tila kumpleto na ang mga kagamitan. May isang kama, sopa, tukador, at aparador. Nakita ni Isabella ang mga bagaheng dala niya na nasa gilid ng kama." Kung may kailangan po kayo, kahit sino pong kasambahay rito ay puwede niyong lapitan. "

" S-Salamat..." hindi maipaliwanag ni Isabella ang nararamdaman niya dahil hindi nagtutugma ang sinasabi ng isip niya sa kabog ng dibdib niya. Mainit ang pagtanggap sa kaniya, taliwas sa iniisip niya sa buong gabing hindi siya nakatulog. " Siya nga pala, n-nasaan si Don Castellano? "

" Wala pa po rito ang Señor, pero pauwi na rin ito mayamaya lang. Ako ang tatawag sainyo kapag narito na siya, " sagot ng kasambahay. Naiilang na nagpasalamat si Isabella rito at hinintay makaalis bago siya pumasok sa loob ng kuwarto. Ang paraan ng pakikipag-usap ng mga tao sa mansyon kay Isabella ay bagay na hindi niya akalaing mararanasan niya. Maliit na bagay sa ilan, subalit para kay Isabella na dekadada na kung bastusin at pagmalupitan ng mga taong pinagsisilbihan niya, malaking bagay sa kaniya ang mainit na pagtanggap mula sa iba. 

Mahigit tatlong oras nanatili si Isabella sa kuwarto habang inaayos ang mga gamit niya. Hinihintay niyang may kumatok sa pinto para tawagin siya ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naririnig. Hindi sanay na walang ginagawa kaya nagpasya si Isabella na lumabas ng kuwarto. Walang tao sa pasilyo at tahimik ang buong mansyon. Iba sa nakasanayan ni Isabella na puro sigaw at mga utos mula sa madrasta ang unang bumubungad sa kaniya. 

Naglakad-lakad si Isabella habang inililibot ang tingin sa paligid. Bumaba siya ng hagdan hanggang sa mahinto siya sa gitna at pinagmasdan ang isang lumang larawan na  nakasabit sa dingding. Litarto ng isang lalaking may katandaan na ang hitsura. Kung huhulaan ay tila na sa singkuweta anyos ito. Mestizo, matangos ang ilong at bilugan ang mga mata. Makapal ang kilay at mahahaba rin ang pilik mata. Bumaba ang tingin ni Isabella sa mga letrang nakaukit sa lalagyan ng larawan.

" Castellano... " Ibinalik ni Isabella ang tingin larawan. Kutob niya na ang lalaking nasa larawan ay ang taong pinagkakautangan ng kaniyang ama at ang pakakasalan niya. Ngayon lamang niya nakita ang hitsura nito. 

" Sino ka? " halos mapatalon sa gulat si Isabella nang may marinig siyang malaking boses na nagsalita sa likuran niya. Mabilis siyang napalingon rito at nakita ang isang lalaking matalim ang tingin na pinupukol sa kaniya. Mataas ito, mestizo at mayroong tinataglay na kakisigan. Suot ang asul na polo na nakaparagan at nakarolyo ang manggas hanggang siko. Ang pantalon ay kulay-kape na tinernuhan ng itim na sinturon.

" M-Magandang hapon, Señor. " Napayuko si Isabella, pinakalma muna ang sarili bago ipakilala ang sarili. " Ako ho pala si Catriona. Anak po ako ni Hector Bustamente at Leticia Bustamente... "

Walang narinig na sagot si Isabella kaya inangat niya ang tingin sa lalaki. Diretso pa rin ang tingin nito sa kaniya,animo'y pati ang kaluluwa sa loob ng katawan niya ay kinikilala. Walang ideya si Isabella kung sino ang lalaking nasa harapan niya subalit nababatid niyang hindi ito basta-bastang tauhan ng Bustamente kung pagbabasehan lang rin ang hitsura at pananamit nito. 

" Pasensya na po kung pakalat-kalat ako sa mansyon, pero huwag kayong mag-alala, babalik na po ako kaagad sa itaas—"

" Catriona, " sambit ng lalaki, " Catriona ang pangalan mo? "

HIndi alam ni Isabella kung saan nanggaling ang biglaang pagkabog ng dibdib niya sa tanong ng lalaki. Nagawa niyang lukutin ang palda ng kaniyang bestida upang doon ibuhos ang tensyong nararamdaman niya. " Ako nga ho si Catriona..."

Humakbang palapit kay Isabella ang lalaki dahilan upang mapaatras ang dalaga. Madilim ang ekspresyon nito sa mukha, nahihirapan si Isabella hulaan kung anong tumatakbo sa isip ng lalaki ngunit sa mga daga pa lamang sa dibdib niya, sapat na dahilan na iyon upang lalong nerbyosin si Isabella.

" Señor—"

" Tumabi ka, " may awtoridad nitong utos dahilan upang gumilid si Isabella upang bigyan ng daan ang lalaki. Walang salita itong pumanhik sa hagdan habang si Isabella naman ay napahawak sa pasamano (handrail) nang manlambot ang parehas niyang mga tuhod. Nilingon niya ang lalaki, ngunit mabilis rin itong nawala sa paningin niya. 

Walang kahit na anong ideya si Isabella kung sino ang lalaking nagbigay ng nerybos sa kaniya sa ilang minutong nagkausap sila. Buong akala nga niya ay mananatiling estranghero at misteryoso kung sino ang taong iyon, subalit laking gulat ni Isabella nang magtagpo muli ang landas nila. 

" Hindi ako ang pakakasalan niyo, Señorita. Hindi ako isang Castellano. " Nakangiting paglilinaw ng isang lalaking inakala ni Isabella na pakakasalan niya. 

" A-Ano pong ibig niyong sabihin? " Napatingin si Isabella sa mga taong kasama nila sa kuwarto na tila ba nagpipigil ng tawa dahil sa pagkakamali na nagawa niya. 

" Ang lalaking nasa tabi ko ay ang taong hinahanap niyo. " Inilahad ng matandang lalaki ang kamay sa direksyon ng binatang nakausap ni Isabella kahapon. Blangko pa rin ang ekspresyon nito sa mukha. Animo'y buryong-buryo sa nangyayari sa buhay niya. " Siya po si Señor Maximo Castellano—ang taong pakakasalan niyo. "

Related chapters

  • Isabella Flores   KABANATA 03

    " Ang gutong gawin ni Don Bustamente ay ibigay sainyo ang unica hija niya bilang kabayaran sa utang niya. Catriona ang ngalang ng dalaga, bente sais anyos, " hayag ni Leonardo, edad apatnapu at ang kanang kamay ni Maximo Castellano. " Nakiusap siya na bigyan niyo pa siya ng isang taon para magbayad. Nagmakaawa rin siya na huwag kuhanin ang bahay niya dahil iyon na lang ang ari-arian na mayroon sila ng pamilya niya. Wala na itong trabaho dahil nasesante na siya sa unibersidad na pinapasukan niya at hindi na rin niya magamit ang pagiging abogado dahil kliyente na mismo ang umiiwas sa kaniya. " Ibinaba ni Maximo ang binabasang dyaryo sa mesa bago alisin ang suot na salamin sa mata para tignan si Leonardo. " Hindi niya gustong mawalan ng ari-arian pero gagawin niyang pambayad utang ang anak niya? " Tumango ito at inilapag ang isang papel sa mesa. " Gumawa siya ng kasulatan na kapag hindi niya pa nabayaran ang sampung milyon sa loob ng isang taon, maaari niyo siyang taanggalan ng karapat

    Last Updated : 2023-05-20
  • Isabella Flores   KABANATA 04

    Hindi maipinta ang hitsura ni Isabella habang sinusukatan siya sa baywang ni Sarina—ang babaeng nakatalagang gumawa ng trahe de boda at barong ng dalawang taong nakatakdang ikasal sa darating na linggo. " Ang liit ng baywang niyo, Señorita. 24-inch lang? Size na ng hita ko 'to. " Makuwelang wika ni Sarina habang inililista ang sukat ng baywang ni Isabella sa dala nitong kuwaderno. Nahihiyang ngumiti si Isabella, hindi sigurado kung dapat bang tignan ito bilang pagpuri gayong ang dahilan ng liit ng baywang niya ay dahil isa hanggang dalawang beses lang siya kung kumain sa isang araw. Minsan patago pa dahil sa buong araw ay puro utos ang naririnig niya mula sa madrasta. Pasimpleng dinaanan ng tingin ni Isabella ang sopa kung saan naroroon si Maximo, kasama ang kanang kamay nito na si Leonardo na nakatayo sa likuran nito. Abala si Maximo sa pagtingin ng larawan ng mga modelo na may suot na barong. Nagbabakasakali na may magustuhang estilo at hindi na magpatahi ng bago. Saglit itong

    Last Updated : 2023-05-31
  • Isabella Flores   KABANATA 05

    " Wala ito..." sagot ni Isabella matapos alisin ang tingin kay Maximo. " Nakuha ko lang siya dahil sa kagaslawan ng kilos ko. " Hindi alam ni Maximo kung dapat ba niyang paniwalaan ang sinagot ng dalaga gayong nagsisimula na namang lumikot ang mga mata nito. " Sinabi mo kanina na nakahanda kang mag trabaho dito sa mansyon, " ani Maximo, " Maalam ka sa gawaing bahay? " Nakahanda ng sumagot si Isabella nang maalala ang ginagampanan niyang kasinungalingan. Wala siyang magawa kundi ang mag-isip agad ng ibang idadahilan. " M-Marami sa kasambahay namin sa mansyon ang kinailangang tanggalin ni Papà dahil sa kakulangan ng ipapasuweldo sa kanila. D-Dahil na rin sa kakulangan ng tao, natuto akong kumilos kaya maaasahan niyo ako na magagawa ko ng maayos ang trabaho ko. " " At doon mo nakuha ang mga galos mo? " wala sa sariling tumango si Isabella sa tanong nito. Bumalik si Maximo sa pagkakasandal sa upuan saka kinuha ang tasa niya." Kung ganoon tama lang talaga ang desisyon ko na tanggihan

    Last Updated : 2023-06-01
  • Isabella Flores   KABANATA 06

    Sa bawat buka ng bibig ni Don Hector, masusi itong binabasa ni Maximo. Hindi niya dinig kung ano ang pinag-uusapan nila Leonardo dahil may kalayuan ang puwesto nila kung saan nakaparada ang kotseng sinasakyan niya. " A-Ang akala ko kasi ay bukas pa ang kasal. Linggo na pala ngayon? " Napakamot si Don Hector sa ulo, naghahanap nang kapani-paniwalang idadahilan. " Pasensya na at nalito ako sa petsa. Hindi ko alam na ngayong araw pala iyon. " Napatango si Leonardo saka inayos ang kaniyang salamin sa mata. " Sayang naman kung ganoon. Inaasahan pa naman kayo ng mga Castellano. " Tila may kuminang sa mata ni Don Hector nang marinig ang sinabi nito. " Talaga? Hinanap ako ng mga Castellano? " " Hindi niyo man lang ba muna tatanungin kung kumusta ang anak niyo? " tanong ni Leonardo na naging rason upang magising si Don Hector. Nawala ang aliwalas sa mukha nito at sinadyang palitang ng lungkot ang mga mata. " Sa katunayan, kaya rin ako bumalik rito sa sa casino ay dahil sa kaniya. Ginagawa

    Last Updated : 2023-06-03
  • Isabella Flores   KABANATA 07

    " A-Ano pala ang pangalan niya? " Nahihiyang tanong ni Isabella habang sila'y naglalakad sa pasilyo ng ospital patungo sa silid ng ina ni Maximo. Kanina pa niya ito nais tanungin magmula nang sabihin ni Maximo ang pupuntahan nila subalit pinangunahan siya ng hiya dahil hanggang ngayon ay wala siyang alam sa pangalan ng magulang ng kaniyang napangasawa. " Luisana, " matipid na sagot ng lalaki saka huminto sa isang pinto. Nilingon nito si Isabella. " Huwag mong kalilimutan ang mga binilin ko kanina. Sikapin mong ibahin ang usapan kapag nakaramdam ka ng pagkailang sa itinatanong niya. " Wala sa sariling tumango si Isabella na hanggang ngayon ay kinakabahan. Ito ang unang beses na makikita't makikilala niya ang ina ni Maximo at hindi niya alam kung anong naghihintay sa kaniya sa loob ng kuwartong nasa harap nila. Nakilala na ni Isabella ang ibang miyembro ng pamilyang Castellano at sa loob ng isang buong araw na iyon, ramdam niyang hindi siya tanggap ng mga ito, kung kaya naman sa mga

    Last Updated : 2023-06-05
  • Isabella Flores   KABANATA 08

    Sa loob ng opisina ng mansyon, tahimik na nakaupo si Maximo sa harap ng mesa, ang kaniyang mga mata ay nakatutok sa mga letrang nakasulat sa papel na hawak niya. May kinalaman ito sa negosyo, subalit ang kaniyang isip ay wala sa binabasa dahil okupado ito ng mga impormasyong nakalap tungkol kay Catriona. Buntong hininga na ibinaba ni Maximo ang hawak na papel at isinandal ang likod sa kinauupuan niya. Inangat niya ang tingin sa orasang nakasabit sa dingdig, pasado alas nuebe na ng gabi at hanggang ngayon hindi niya magawang tapusin ang trabaho. Buong akala ni Maximo ay makakatulong ang ginawa niyang pagpapa-imibistiga sa unica hija ni Don Hector, subalit lalo pang lumaki ang mga tanong na nabuo sa isip niya matapos mabasa ang mga impormasyong nakalap ng taong inutusan niyang nag ngangalang Simon. Si Catriona Bustamente ay dalawangput anim na taong gulang na babae. Kaisa-isang anak ng dating abogado at propesor na si Don Hector Bustamente at ng matapobreng si Doña Leticia Bustamen

    Last Updated : 2023-06-09
  • Isabella Flores   KABANATA 09

    Maingat na inilapag ng isang kasambahay ang dalawang tasa sa lamesita kung saan pinaggigitnaan ito ng dalawang taong nasa kalagitnaan ng diskusyon. " Talaga? Nagustuhan niyo ang libro ko? " hindi makapaniwalang wika ni Catriona matapos pakinggan ang lalaking nagpakilalang 'editor' ng kompanyang naglalathala ng mga libro. " Sa pagkakaalala ko, nasa isang daan lang ang kopya ng libro ko at karamihan pa sa mga may kopya noon ay kakilala ko. Paano niyo nagawang makahanap ng 'Kalayaan sa Kaligayahan'? "" Sa isang pambublikong silid-aklatan ko siya nakita. Binasa ko ang nakasulat sa likuran ng libro hanggang sa hindi ko namalayan na nangangalahati na ako ng pahina, " sagot ni Simon, " Sinubukan ko rin siyang ipabasasa mga kasama ko at lahat sila ay nagustuhan ang laman ng libro. Bukod sa maganda ang pagkakasulat, makabuluhan rin talaga ang mensahe nito."Wala sa sariling napangiti si Catriona. Hanggang ngayon ay kumakabog ang dibdib niya sa tuwa at pagkasabik sa mga naririnig niya. Tatlon

    Last Updated : 2023-06-13
  • Isabella Flores   KABANATA 10

    " Pasensya na po, Madame, pero mukhang nagkamali kayo ng publishing company na sinadya. Wala po kaming kilalang Simon at wala rin hong may pangalan na Simon ang nagta-trabaho dito. " Halos lumuwa ang mata ni Catriona sa narinig na sagot mula sa babaeng napagtanungan niya. " Sigurado ka ba? " Nakataas kilay na tanong ni Catriona saka inilabas ang maliit na parihabang papel na iniabot sakaniya ng lalaking nakausap kaninang umaga sa mansyon. " Hindi ba't sainyo itong company card na 'to? Iyong Simon ang nag-abot nito saakin at sinabi niya na isa siyang editor dito. Matangkad na lalaki siya at nakasuot ng salamin. " Kinuha ng babae ang iniabot ni Catriona upang suriin kung sa kompanya nga ba ito. " Saamin nga po itong company card, pero wala po talaga kaming tao dito na ang pangalan ay Simon. " " Imposibleng wala! Kung ganoon sino 'yong nakausap ko kaninang umaga? Multo? " pabalang na sagot ni Catriona. Umuusok na ang ilong niya pero nang mapansin na pinagtitinginan siya ng mga empleya

    Last Updated : 2023-06-16

Latest chapter

  • Isabella Flores   Author's Note:

    Maraming salamat po sa lahat ng mga sumuporta ng nobelang ito! Nawa'y nagustuhan niyo po ang buong kuwento at huwag pong mahihiya na mag iwan ng komento dahil natutuwa ako sa tuwing nakakabasa ng mga opinyon mula sainyo. Wala na pong susunod na kabanata. Hayaan na po nating makapagpahinga ang ating mga bida dahil masyado rin akong naging malupit sa kanila. Katunayan, kamuntikan ng maiba iyong wakas at mapunta sa trahedya iyong nobela. Mabuti na lang nakapag muni-muni pa ako at napagtantong masyado ng kawawa ang ating mga bida kung may papatayin akong isa sa kanila.Ayon lang, gusto ko lang naman ibahagi iyon sainyo dahil nanakit ang ulo ko kaiisip kung paano wawakasan ito, hehe. Muli, salamat po sainyong lahat! Suportahan niyo rin po ang iba kong storya at mga paparating pa. Hanggang sa muli!

  • Isabella Flores   WAKAS

    Mataas ang sikat ng araw nang makababa si Isabella mula sa kotse dala ang isang basket na may mga puting rosas. Iginala niya ang paningin sa paligid, tanghaling tapat ngunit marami-rami ngayon ang tao sa sementeryo. Karamihan sa mga nakikita niya ay isang pamilya na tahimik na nagku-kuwentuhan habang nakapalibot sa puntod na dinadalaw nila. " Madame, ako na ang magdadala ng basket. May kabigatan iyan." Napatingin si Isabella sa isang mataas at malaking babae na tumabi sa gilid niya habang may hawak na payong upang isilong siya. " Hindi na, Abi. Kayo ko namang bitbitin na 'to. " Nakangiting sagot ni Isabella sa kaniyang guwardiya na nag ngangalang Abigail. Ilang buwan na niya itong kasama ngunit hindi pa rin siya sanay sa presensya nito dahil ito na ang nagsisilbing anino niya sa tuwing siya'y lalabas ng mansyon. " Saka sasaglit lang naman ako kaya kahit dito mo na ako hintayin sa sasakyan." " Pero Madame..." Ngumiti si Isabella at inilahad ang kamay upang hingin ang payong na hawa

  • Isabella Flores   KABANATA 80 ( Huling parte )

    " Wala pa po ba sina Mama? Bakit po hindi natin sila kasama umuwi?" Naiinip na tanong ni Leonel sa lalaking naghatid sa kaniya pauwi ng mansyon. Kasalukuyan silang na sa hardin kung saan pinili ni Leonel na laruin ang mga bago niyang laruan." Mamaya lang ay nandito na sila, Señorito. Mayroon lang kailangan asikasuhin doon sa pinuntahan niyo kanina kaya hindi natin sila nakasabay umuwi. " Mahinahong sagot ng lalaki na may malaking katawan at naka-uniporme ng itim. Kagaya ng bilin ni Maximo, hindi dapat maalis sa kaniyang paningin ang bata kaya palagi siyang nakasunod dito saan man ito magpunta." Señorito? Hindi naman po 'yon pangalan ko. Ako po si Leonel. " Binitawan ni Leonel ang laruang sasakyan nang manawa sa paglalaro nang mag-isa. Inilibot niya ang tingin sa paligid at dumaan ito sa isang batang babae na nakasilip sa beranda. Namukhaan niya ito kaya agad niya itong nilapitan habang nakabuntot sa likuran ang guwardiya. " Gusto mo maglaro? "Nahihiyang umiling si Samara at umalis s

  • Isabella Flores   KABANATA 80 ( Unang parte )

    Alas kuwatro ng umaga nagising si Catriona mula sa hindi pamilyar na kuwarto habang katabi sa kama ang isang estranghero. Bumangon siya at kinuha ang panali niya sa buhok sa ibabaw ng lamesitang nasa gilid niya upang itali ang kaniyang magulong buhok. Bumaba siya sa kama, pinulot isa-isa ang mga damit niya upang isuot muli ang mga ito." Aalis ka na? Aga pa, ah? " Napalingon si Catriona sa likuran nang marinig ang boses ng lalaki. Nakangisi ito sa kaniya habang kinakamot-kamot ang malaki nitong tiyan. " Mahiga ka pa dito at baka pagod ka pa. Hindi naman kita pinapaalis kaagad kaya walang rason para magmadali ka."" Isang gabi lang ang usapan natin, 'di ba? " Paalala ni Catriona habang isinusuot ang pantalon niya." Nasaan na pala 'yong baril na binili ko? Baka magkalimutan tayo. "Tamad na bumangon ang lalaki sa kama na walang kahit na anong saplot sa katawan upang buksan ang kabinet na nasa silid at kuhanin ang rebolber na binili sa kaniya ni Catriona. " Alam mo ba kung paano gumamit n

  • Isabella Flores   KABANATA 79

    Tulalang nakatingin si Isabella sa bumungad sa kaniya sa aparador nang buksan niya ito para ilagay ang mga dala niyang gamit. Karmihan ngayon sa mga nakikita niyang nakasampay ay halatang bago habang ang iba ay ang mga pamilyar na damit na pagmamay-ari niya anim na taon na ang nakararan. " Hindi niya itinapon..." wala sa sariling sambit ni Isabella, pinagmamasdan 'yong dalawang bulaklaking bestida na paborito niyang sinusuot noon na ngayon ay na sa harapan niya. Napahawak siya sa dibdib dahil tila may humaplos dito bagay na kinainit ng dalawa niyang mga mata kaya bago pa siya muling maiyak ay kumilos na siya at inilagay na ang dalang damit sa aparador na para sa kaniya. Bago isarado, kumuha muna siya ng pamalit pantulog at dumiretso sa banyo para maglinis ng katawan. Alas nuebe na ng gabi, si Maximo ay nasa kuwarto ni Leonel at tinutulungan itong ayusin ang 'sangkatutak na laruan na nakakalat ngayon sa kuwarto. Iniwanan ni Isabella ang mag-ama para magkaroon ito kahit sandaling oras

  • Isabella Flores   KABANATA 78

    Hindi alam ni Isabella kung tama ba ang ginagawa niya dahil sa bawat paglagay niya ng mga damit sa maletang nasa harap niya, siya ring bigat ng dibdib niya dahilan para mahirapan siyang huminga. Sandali siyang huminto sa ginagawa para punasan ang luhang lumalandas sa kaniyang pisngi at kumuha ulit nang lakas nang loob sa pamamagitan ng paghinga nang malalim." Mama..." Napalingon si Isabella sa likuran nang madinig ang boses ng anak na kanina pa gising at pinanonood ang ginagawa ng ina. Naupo mula sa pagkakahiga si Leonel at kinusot-kusot ang mata habang nakatingin sa maleta. " Ano po ginagawa niyo, Ma? Aalis po ba tayo? "Inalis ni Isabella ang tingin sa anak at pasimpleng pinunasan ang luha sa pisngi niya bago siya lumapit sa kama at maupo sa gilid ni Leonel. " Anak, kagigising mo lang? Kumusta...kumusta ang tulog mo? "" Kanina pa po ako gising. Ngayon lang po ako bumangon, " ani Leonel saka nilipat ang tingin sa maleta. " Uuwi na po ba tayo saatin? Nasaan po si Papa? May pangingi

  • Isabella Flores   KABANATA 77

    Makapal na usok ng sigrilyo ang kumawala sa bibig ni Gael na kasalukuyang nakaupo sa dulo ng padulasan sa parke. Halos wala ng tao sa kalsada dahil alas nuebe na ng gabi at ang tanging ingay na naririnig niya ay mula sa isang tindero ng balot na nakatambay sa isang kanto malapit sa parke kung nasaan siya." Nagmamakaawa na ako, Gael. Hayaan mo na kaming bumalik kay Maximo..." hindi na mabilang ni Gael kung makailang beses na niyang naririnig sa isip niya ang boses ni Isabella. Nagmakaawa man ito at nakiusap sa kaniya na palayain na sila, hindi iyon tumalab kay Gael na desididong hindi isauli ang mag-ina sa totoo nitong pamilya.Bumalik man ang mga alaalang nawala kay Isabella, hindi iyon sapat na rason kay Gael para agad na bitawan ang pamilyang mayroon siya. Anim na taon niyang nakasama sa iisang bubong si Isabella at kaniyang ibinuhos rito ang pagmamahal niya. Ipinakita niya na karapatdapat siyang asawa at ama sa batang hindi man kaniya ay ibinigay pa rin niya nang buong-buo ang sar

  • Isabella Flores   KABANATA 76

    " Regina, sandali, mag-usap na muna tayo. Huwag namang ganito..." Pagmamakaawa ni Matias sa asawa na ngayo'y abala sa pagkuha ng mga damit sa parador nila para ilagay sa inihandang maleta." Regina, pakiusap huminahon ka na muna. Alam kong galit ka pero mag-usap muna tayo. Hayaan mo akong magpaliwanag—"" Hindi ko na kailangan ng kahit na anong paliwanag, Matias! Niloko mo ako—niloko mo kami ng mga anak mo! " Pabagsak na ibinaba ni Regina ang mga damit sa kama niya nang mawalan siya ng lakas. Nanginginig siya sa galit, subalit hindi iyon hadlang para ihinto niya ang ginagawang pag-iimpake ng mga gamit niya. " Hindi ko akalaing magagawa mo saamin 'to, Matias. Talagang iyong asawa pa ng kapatid mo ang tinira mo? Diyos ko, ni hindi mo man lang inisip si Maximo? Ang daming naitulong saatin ng kapatid mo, tapos ito ang igaganti mo?! "" Regina, nagkakamali ka. Walang kahit na anong namamagitan saamin ni Catriona! " Depensa ni Matias. " Si Samara, oo saakin siya pero parte lang siya noong ka

  • Isabella Flores   KABANATA 75

    Pabagsak na napaupo si Frances sa ibabaw ng kaniyang kama nang mabawi niya ang brasong hawak ni Gael. Nalaglag sa sahig ang saklay at laking gulat niya nang sipain ito palayo ni Gael dahilan para lalong sumama ang loob niya." Frances, alam mo hindi ko na mabasa ang ugali mo. Bakit ba nagkakaganiyan ka? Saating dalawa, ikaw ang hindi ko na makilala! " May gigil na wika ni Gael, nanlilisik pa rin ang mga matang nakatingin sa kapatid. " Bakit mo ginawa 'yon? Bakit mo siya tinawag sa pangalan na 'yon? "" Bakit hindi? Totoong pangalan naman niya 'yon, hindi ba? " Sarkastikong tanong pabalik ni Frances, sinubukang umayos ng pagkakaupo sa kama niya nang mapatungan ng kaniyang kamay ang kahon ng sapatos na nasa likuran niya rason para bumuhal ito at lumitaw ang mga bagay na nasa loob kasama ang libo-libong perang nanggaling sa Castellano." Saan galing ang mga 'yan? " Gulat at pagtatakang tanong ni Gael. Mabilis namang kumilos si Frances para ligpitin ito at muling mailagay sa sobre pero ma

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status