Hindi na mabilang ni Catriona kung nakailang lukot at hagis na siya ng papel sa tuwing hindi nagugustuhan ang daloy ng kuwentong ginagawa niya. Ang kaniyang kuwarto ay halos mapuno na ng kalat dahil sa mga pinaghalo-halong papel at balat ng mga pagkaing nagsilbing tanghalian at hapunan niya mula pa kahapon. Kasalukuyang siyang nagtitipa sa makinilya, sinusubukang magbalik loob sa pagsusulat ngunit hindi niya mahanap ang puso niya. " Señorita Catriona? Narito na po ang tanghalian niyo. " Napatigil sa pagtitipa ng mga letra si Catriona nang marinig ang katok sa pinto sa kaniyang kuwarto. Inangat niya ang tingin sa orasang nakasabit sa dingding, alas onse na ng tanghali. Wala pa siyang tulog dahil ginugol niya ang buong oras sa paglikha ng bagong akda at sa dami ng kape na nainom niya, hindi pa rin siya nakaramdam ng antok ngunit kumakalam na ang sikmura niyan. " Sa baba ako kakain. Ilagay mo na lang sa mesa, " sagot ni Catriona saka tumayo upang ayusin ang mga papel na nasa gilid ng
" Huwag po kayong mag-alala, wala pa po kaming balak gibain ngayon ang mansyon ninyo hangga't walang utos mula sa itaas. Maaga lang ho kaming pinapunta rito para masimulan ang pagsusukat at ang pagpa-plano tungkol sa establisyemetong itatayo sa lupaing ito." " Aba't, tinatarantado mo ba ako?! " Galit na tanong ni Don Hector sa lalaking humarap sa kaniya para ipaliwanag ang pagdating ng isang uri ng sasakyang ginagamit para gumiba ng mga naglalakihang pader. " Sino bang may sabing ipagigiba ko na ito? Wala pa namang bente-kuwatro oras para magsimula kayo ng gulo! " " Don Bustamente, sumusunod lang ho kami sa utos. " Kalmadong sagot ng lalaki. " Katunayan noong nakaraang buwan pa kami tinalagang gumawa dito pero sa hindi malamang dahilan, hindi ito pinatuloy. Ngayon, mukhang desedido na ang Don Castellano na ituloy ang planong pagpapatayo ng bagong establisyemento dito, dahil binigyan niya kami ng oras kung kailan puwedeng simulan ang demolisyon. " Napahilamos na lamang sa mukha si D
Nagising si Don Hector mula sa pagkakatulog nang maramdaman ang mainit na paligid at tagaktak niyang pawis. Naimulat na niya ang mata subalit wala siyang makita kundi itim at ilang butil-butil na liwanag mula sa bagay na nakasuot sa ulo niya. Sinubukan niyang kumilos pero nakatali ang kaniyang mga kamay at paa sa silyang kaniyang kinalalagyan dahilan para siya'y balutin ng kaba. " Mabuti naman at gising ka na, " mula sa harapan ni Don Hector, narinig niya ang isang malalim na boses ng lalaki. Hindi iyon pamilyar sa kaniyang pandinig kaya wala siyang ideya kung sino ang taong nasa harapn niya. " Anong kailangan mo? " buong-tapang na tanong ni Don Hector sa kabila ng takot na nararamdaman niya. Pilit niyang inaaninag ang labas, sa pagbabakasakaling makita ang hitssura ng lalaki sa maliliit na butas ngunit bigo siya. " Sino ka ba? Ano bang kailangan mo saakin? " " Baliktad yata ang sitwsyon, Don Bustamente. Baka kayo ang may kailangan saakin? " Nagsalubong ang kilay ng Don at sa mg
Marahang sinusuklay ni Isabella ang kaniyang mahaba at paalon-alon na buhok habang nakaharap sa salamin ng tukador. Lumilipad ang kaniyang isipan, ibinablik siya nito sa naging usapan nila ni Frida sa plaza kanina. " Hindi ba siya nagpapakita ng interes sa'yo? Nagtatabi naman kayo sa kama, hindi ba? Hindi nangangalabit? Walang tumutusok? " Inihinto ni Isabella ang ginagawa at buntong-hiningang ibinaba ang suklay sa ibabaw ng mesa bago niya takpan ang mukha niya. Hindi niya maunawaan kung bakit paulit-ulit niyang naririnig sa isip ang tanong ni Frida at nahihiya siya sa sarili niya dahil apektado siya. Malaking bagay ang kumpiyansa sa sarili at iyon ang bagay na wala si Isabella. Ang kaniyang paalon-alon na buhok ay isa sa mga nagpapababa ng tingin niya sa sarili dahil pakiramdam niya'y iba siya sa mga kababaihang may makikintab at bagsak na mga buhok. Isama pa ang mga hindi mawala-walang peklat na pangunahing dahilan para walang magandang makita si Isabella sa sarili niya. " Umii
Mahigit isang oras ang binyahe ni Catriona patungo sa bayang kinatitirikan ng mansyon ng mga Castellano. Ngayong naririto na siya, hindi niya maiwasan ang humanga sa malaki at malawak na ari-arian ng taong sadya niya. Mas lalo siyang nakararamdam ng panghihinayang sa naging desisyon niya noon dahil iniisip pa lang niya na naging maganda ang buhay ni Isabella simula noong ito'y mawala sa kanila, inis at panggigil na ang nararamdaman niya. Hindi inaasahan ni Catriona na babaliktad ang mundo nilang magkapatid kaya naman narito siya ngayon upang itama ang naging desisyon niya. " Puwede na raw ho kayong pumasok. " Napatingin si Catriona sa guwardiyang nagbukas ng maliit na pinto sa malaking tarangkahan. " Nasa salas ho ang Señor. Sasamahan ho kayo ng kasambahay patungo roon. " Kinailangan pang kumuha muli nang lakas ng loob ni Catriona bago humakbang papasok sa loob ng pintuan. Nakita niya sa gilid ang isang kasambahay na sa tingin niya ay ang magdadala sa kaniya kung saan naroroon ang
Sa isang malit na kubo napiling magpatila nina Isabella at Maximo, kasama ang puting kabayo na si Angela na nakatali sa isang puno ng santol malapit sa kanila. Malakas pa rin ang buhos ng ulan subalit ang kanina'y makapal na ulap ay unti-unti ng nagkakaroon ng liwanag. Pasimpleng dinaanan ng tingin ni Isabella ang asawa sa tabi niya na kanina pa walang imik nang sumilong sila. Nakapako ang mata nito sa kawalan, tila ba tinatangay ng hangin ang isipan at dinadala sa kung saan. Mayroong parte sa loob ni Isabella na nais buksan ang naudlot nilang usapin kanina ngunit mayroon ring takot sa dibdib niya na baka hind niya mapaghandaan ang maririnig niya. " Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na, " unang pinihit ni Maximo ang ulo niya palingon kay Isabella bago sinalubong ang mata nito. " Mukhang matagal pa tayo rito dahil hindi pa tumitila ang ulan. " " Ha? W-Wala naman. " Inalis ni Isabella ang tingin sa asawa at inilipat ito sa mga pumapatak na butil ng ulan mula sa bubungan ng ku
Mula sa loob ng tarangkahan, sama-samang nanonood ang mga kasambahay sa nagaganap na parada sa gitna ng kalsada. Tumutugtog ang banda ng musiko habang sinasabayan ito ng mga nag gagandahang dalagang nagsasayaw gamit ang kanilang mga hawak na baton. " Ano kaya ang palabas mamaya sa bayan? " tanong ng kasambahay habang nakapulupot ang kamay sa braso ng kasama. " Gusto ko sanang manood kaso ang dami pa nating kailangang gawin. " " Mamayang gabi pa maraming palabas. Ngayong tanghali 'yong street dance, " sagot ng isa, " Paalam kaya tayo mamayang gabi? Sa tingin mo papayagan tayo? " " Naku, ikaw na ang magpaalam kay Señor Maximo. Suportahan na lang kita. " Sunod-sunod na pag-iling ng isa, batid na malabo silang payagan ng amo nilang ni minsan ay hindi lumalabas sa bayan para manood ng mga kaganapan sa piyestahan. Maraming nagpapadala ng imbitasyon kay Maximo, umaasa na makakadalo ito bilang isa sa mga mahahalagang panauhin ng isang importanteng okasyon ngunit ang kanang kamay na si Leona
" May problema ba? " Agad nabawi ni Isabella ang tingin sa kapatid nang marinig ang boses ni Maximo at ang marahang pag pisil nito sa kaniyang kamay. " H-Ha? Wala naman... " Binalik ni Isabella ang tingin sa direksyon kung saan niya nakita si Catriona pero sa kasamaang palad, wala na ito sa puwesto nito. Mariin siyang napalunok at pinakalma muna ang sarili bago harapin si Maximo. " G-Gusto mo bang kumain muna? May nakita akong mga kakanin na tinitinda sa tapat ng simbahan. Punta tayo? " " Walang problema saakin. Pero paano ka? Hindi ba't gusto mong panoorin 'to? " Ngumiti si Isabella. " Babalik tayo. Sa ngayon, bumili na muna tayo ng makakain natin para habang nanonood tayo, may nginunguya tayo. " Hindi alam ni Isabella kung ano ang dahilan ng kaniyang takot at biglaang pangamba. Wala na siyang itinatago pa sa asawa pero naroon pa rin ang pag-aalala sa posibilidad na magtagpo ang landas ni Maximo at ng totoong Catriona. Maraming puwedeng mangyari na ikinakatakot ni Isabella at is