Sa isang malit na kubo napiling magpatila nina Isabella at Maximo, kasama ang puting kabayo na si Angela na nakatali sa isang puno ng santol malapit sa kanila. Malakas pa rin ang buhos ng ulan subalit ang kanina'y makapal na ulap ay unti-unti ng nagkakaroon ng liwanag. Pasimpleng dinaanan ng tingin ni Isabella ang asawa sa tabi niya na kanina pa walang imik nang sumilong sila. Nakapako ang mata nito sa kawalan, tila ba tinatangay ng hangin ang isipan at dinadala sa kung saan. Mayroong parte sa loob ni Isabella na nais buksan ang naudlot nilang usapin kanina ngunit mayroon ring takot sa dibdib niya na baka hind niya mapaghandaan ang maririnig niya. " Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na, " unang pinihit ni Maximo ang ulo niya palingon kay Isabella bago sinalubong ang mata nito. " Mukhang matagal pa tayo rito dahil hindi pa tumitila ang ulan. " " Ha? W-Wala naman. " Inalis ni Isabella ang tingin sa asawa at inilipat ito sa mga pumapatak na butil ng ulan mula sa bubungan ng ku
Mula sa loob ng tarangkahan, sama-samang nanonood ang mga kasambahay sa nagaganap na parada sa gitna ng kalsada. Tumutugtog ang banda ng musiko habang sinasabayan ito ng mga nag gagandahang dalagang nagsasayaw gamit ang kanilang mga hawak na baton. " Ano kaya ang palabas mamaya sa bayan? " tanong ng kasambahay habang nakapulupot ang kamay sa braso ng kasama. " Gusto ko sanang manood kaso ang dami pa nating kailangang gawin. " " Mamayang gabi pa maraming palabas. Ngayong tanghali 'yong street dance, " sagot ng isa, " Paalam kaya tayo mamayang gabi? Sa tingin mo papayagan tayo? " " Naku, ikaw na ang magpaalam kay Señor Maximo. Suportahan na lang kita. " Sunod-sunod na pag-iling ng isa, batid na malabo silang payagan ng amo nilang ni minsan ay hindi lumalabas sa bayan para manood ng mga kaganapan sa piyestahan. Maraming nagpapadala ng imbitasyon kay Maximo, umaasa na makakadalo ito bilang isa sa mga mahahalagang panauhin ng isang importanteng okasyon ngunit ang kanang kamay na si Leona
" May problema ba? " Agad nabawi ni Isabella ang tingin sa kapatid nang marinig ang boses ni Maximo at ang marahang pag pisil nito sa kaniyang kamay. " H-Ha? Wala naman... " Binalik ni Isabella ang tingin sa direksyon kung saan niya nakita si Catriona pero sa kasamaang palad, wala na ito sa puwesto nito. Mariin siyang napalunok at pinakalma muna ang sarili bago harapin si Maximo. " G-Gusto mo bang kumain muna? May nakita akong mga kakanin na tinitinda sa tapat ng simbahan. Punta tayo? " " Walang problema saakin. Pero paano ka? Hindi ba't gusto mong panoorin 'to? " Ngumiti si Isabella. " Babalik tayo. Sa ngayon, bumili na muna tayo ng makakain natin para habang nanonood tayo, may nginunguya tayo. " Hindi alam ni Isabella kung ano ang dahilan ng kaniyang takot at biglaang pangamba. Wala na siyang itinatago pa sa asawa pero naroon pa rin ang pag-aalala sa posibilidad na magtagpo ang landas ni Maximo at ng totoong Catriona. Maraming puwedeng mangyari na ikinakatakot ni Isabella at is
Sanay na si Isabella sa mga masasakit na salitang natatanggap niya mula sa pamilyang unang kumupkop sa kaniya. Tila ba naging parte na ito ng buhay niya dahil mula sa pagputok ng araw at pagpatak ng dilim, hindi mabibilang kung gaano karami ang natatanggap na mura at pananakit kay Isabella mula sa kaniyang madrastang si Doña Leticia at sa kapatid na si Catriona. Ang padre de pamilya na si Don Hector ay saksi kung paano pagmalupitan si Isabella ngunit ni minsan ay wala itong ginagawa upang ipagtanggol o pigilan man lang ang sitwasyong unti-unting dumudurog sa anak niya. " Bakit hindi ka makapagsalita? " Nakataas na kilay na tanong ni Catriona matapos paliparin ang palad sa pisngi ni Isabella. " Masakit ba? Dapat lang sa'yo 'yan nang magising ka sa katotohanan. Oo nga't mabait sa'yo ang lalaking pinakasalan mo, pero paano ka nakakasiguro na magtatagal ka sa sitwasyon mo? Baka magulat ka isang araw, itatapon ka na dahil sino ba namang tao ang may gusto sa peke, 'di ba? Lahat ng tao gust
Maingat na ibinaba ni Isabella ang tasa sa ibabaw ng pabilog na mesa. Isinara naman ni Maximo ang librong binabasa at inilapag ito sa gilid nang maamoy ang aroma ng tsaang gawa sa isang uri ng bulaklak. " Tapos mo na? " Maingat na inilusot ni Maximo ang daliri sa tainga ng tasa upang iangat ito mula sa mesa. Itinapat niya ito sa ilong upang malanghap ang ibinibigay na aroma ng tsaang gawa sa bougainvillea (bougain-villea). " Puwede mo siyang lagyan ng kaunting asukal para mas malasa siya, " suhestiyon ni Isabella saka kinuha sa bandeha ang isang maliit na babasaging garapon na naglalaman ng minatamis. Balak niya pa lang sanang magsalok gamit ang kutsarita nang makitang sumimsim na si Maximo sa tsaa. Napalunok si Isabella, kinakabahan sa komentong ibibigay ng asawa dahil ngayon na lamang niya ulit nasubukang magtimpla ng tsaa. Kung mayroon isang magandang alaala si Isabella mula sa kaniyang ina, iyon ay ang pagturo nito sa kaniyang gumawa ng inuming gawa sa bougainvillea noong musmos
Maingat na inihiga ni Maximo si Isabella sa malambot na sopa nang hindi tinatagkang paghiwalayin ang mga labi nila. Lumandas ang malapad na palad ng lalaki pababa sa baywang ng asawa saka hiwakan ang balakang nito upang iusod palapit sa kaniya. Saglit na iminulat ni Maximo ang mga mata upang tignan ang ekspresyon ni isabella bago ilipat muli ang labi sa leeg nito hanggang maabot ang isa sa sensitibong parte ng katawan na kanina lang ay kaniyang minamasahe. Kumawala ang mahinang boses kay Isabella nang maramdaman ang dila ng lalaki sa kaniyang korona. Bagamat may saplot pa rin ang katawan, tumatagos sa balat ni Isabella ang init na ibinibigay ng lalaking nasa itaas niya. " Puwede kong buksan? " tanong ni Maximo, patukoy sa unang butones ng bestida na nakapuwesto sa kuwelyo ni Isabella. " I-Ikaw..." Nahihiyang pag-amin ni Isabella, nalulunod na sa sensasyong ibinibigay ni Maximo sa kaniya. Nakangiting binalikan ni Maximo ang labi ni Isabella kasabay ng pagkilos ng mga daliri niya sa
" Nagugutom ako... " Mahinang sambit ni Isabella nang maramdaman ang pagkalam ng sikmura habang itinitirintas ang kaniyang buhok sa harap ng salamin sa tukador. Tinapos na muna niya hanggang dulo ang ginagawa at nilagyan ito ng panali sa buhok bago tumayo para lumabas ng kuwarto. Naroon pa rin ang pananakit sa parte ng katawan na pinanggalingan ngunit nagagawa ng makapaglakad nang maayos ni Isabella. Isang simple at mahabang bestida ang kaniyang suot na tinernuhan ng balabal na nakasampay sa kaniyang balikat upang itago ang mga markang kagagawan ng asawa. Masyado itong marami kumpara noong una at hindi nais ni Isabella na ipaglandakan ito sa iba. " Hala, nakita ko rin iyon kanina sa salas! Ang sweet nga nilang tignan, malayong-malayo noong unang buwan dito ng Señora. " Napatigil sa paglalakad si Isabella patungong kusina nang marinig iyon mula sa isang kasambahay. " Saka ito yata ang unang pagkakataon na nakita kong ngumiti si Señor na labas ang ngipin. Nakakatuwa, 'no? Mukhang nag
Hindi alam ni Isabella kung anong dapat na maramdaman habang kaharap ang taong malaki ang galit sa kaniya. Hanggang ngayon nga'y ramdam pa rin niya ang init ng yakap ni Catriona na sumalubong sa kaniya at ni minsan, hindi pumasok sa isip ni Isabella na yayakapin siya nang mahigipit ng kapatid niya. " Pasensya na kung nabigla kita kanina, ha? Masaya lang ako na makita kita. " Nakangiting hayag ni Catriona kasabay ng paglapag ng isang baso ng tubig sa harap niya. Inangat ni Catriona ang tingin sa kasambahay. " Salamat po. " " Ano'ng sadya ng isang Bustamente sa pamamahay ko? " tanong ni Maximo, katabi si Isabella sa sopa na hindi magawang umimik magmula nang dumating ang hindi nila inaasahang bisita. Hinawakan ni Maximo ang kamay ng asawa upang ipadama ang kaniyang presensya at nakita iyon ni Catriona. " G-Gusto ko lang bisitahin ang kapatid ko... " anito saka ibinalik ang tingin sa mag-asawa. " At sa totoo lang, naghahanap ako ng trabaho para suportahan ang sarili ko. M-Magmula ka