Hindi alam ni Isabella kung anong dapat na maramdaman habang kaharap ang taong malaki ang galit sa kaniya. Hanggang ngayon nga'y ramdam pa rin niya ang init ng yakap ni Catriona na sumalubong sa kaniya at ni minsan, hindi pumasok sa isip ni Isabella na yayakapin siya nang mahigipit ng kapatid niya. " Pasensya na kung nabigla kita kanina, ha? Masaya lang ako na makita kita. " Nakangiting hayag ni Catriona kasabay ng paglapag ng isang baso ng tubig sa harap niya. Inangat ni Catriona ang tingin sa kasambahay. " Salamat po. " " Ano'ng sadya ng isang Bustamente sa pamamahay ko? " tanong ni Maximo, katabi si Isabella sa sopa na hindi magawang umimik magmula nang dumating ang hindi nila inaasahang bisita. Hinawakan ni Maximo ang kamay ng asawa upang ipadama ang kaniyang presensya at nakita iyon ni Catriona. " G-Gusto ko lang bisitahin ang kapatid ko... " anito saka ibinalik ang tingin sa mag-asawa. " At sa totoo lang, naghahanap ako ng trabaho para suportahan ang sarili ko. M-Magmula ka
" Ito ang uniporme mo. " Iniabot ng mayordoma ang dalawang pares ng uniporme kay Catriona na ngayon ay nasa loob na ng mansyon. " Bukas ay maaari mo na siyang suotin. Sa ngayon ay titignan ko muna kung saan kita puwedeng ilagay. Ito ang unang beses mo na mamasukan bilang kasambahay, tama? " " Ganoon na nga ho. " Nakangiting sagot ni Catriona saka inilibot ang tingin sa mansyon upang hanapin ang mag-asawa. " Nasaan po pala si Isabella? Natutulog pa rin ho ba sila ng Señor? " " Maaga silang umalis. Mamayang hapon na siguro ang balik nila, " anito saka tumikhim." Paalala lang hija, hindi mo puwedeng banggitin na lang basta-basta ang ngalan ng mga amo natin. Kung tinatawag mong 'Señor' si Señor Maximo, nararapat ring tawaging Señora ang kaniyang asawa. " Natigilan si Catriona, kasunod ang unti-unting pagkawala ng ngiti sa labi niya. Pakiramdam niya'y sinampal siya ng katotohanan dahilan para mabalik siya sa ulirat. " Pasensya na, nasanay lang ho ako..." sagot na lamang ni Catriona, i
" Hindi ko alam, " ani Isabella, salubong ang kilay. " P-Pero para saakin, siguro dapat lagyan din natin siya ng bubungan dito sa labas para magkaroon din ng mga mesa at silya? May mga tao kasing mas gusto ang preskong hangin kaysa sa lamig noong air-con sa loob, hindi ba? Isa pa, mabubusog rin sila sa tanawin sa labas dahil palilibutan natin 'to ng mga halaman at bulaklak." Tumango-tango si Maximo bilang pagsang-ayon. " Tama ka. Maganda ang suhestiyon mo. " " P-Pero ayos lang kung hindi siya puwede, ah? Ayoko namang makagulo sa pagtatayo nila. " Nahihiyang sagot ni Isabella saka ibinalik ang tingin sa malaking kulay asul na papel kung saan nakaguhit ang panlabas na hitsura ng establisyementong sinisimulan ng itayo sa lote kung saan dating nakatirik ang mansyon ng mga Bustamente. " Hindi naman makakagulo ang suhestiyon mo. Nagsisimula pa lang naman silang magtayo kaya maihahabol pa 'yan, " ani Maximo saka kinuha ang atensyon ng inhenyerong nasa tapat nila upang kausapin ito tungkol
Napasinghap si Agustina nang dumampi ang bulak na mayroong pulang gamot sa mahabang kalmot sa leeg niya. Pikit-mata niya itong idinampi-dampi habang tinitiis ang hapdi dahil mayroon pa siyang kailangang dampian na sugat sa kaliwang braso at bandang dibdib na nakalmot ng mahahabang kuko ni Catriona. " Tina, tapos ka na? " Napaangat ang tingin ni Agustina nang pumasok sa kuwarto si Aling Rosal. " Naku, ang haba pala ng kalmot sa leeg mo. Ako na nga r'yan, sandali. " Lumapit si Aling Rosal kay Agustina upang kuhanin ang bulak sa kamay nito at siya mismo ang umasikaso sa panggagamot sa mga natamong galos ni Agustina sa naging away kanina. " Nasaan na ho si Catriona? " tanong ni Agustina dahil isang oras na ang nakakalipas matapos ng nangyaring gulo at hindi pa rin niya nakikita ang nakaaway sa loob ng mansyon. Umalis ito matapos maawat ang gulo. " Kausap ngayon ng mayordoma natin. Iniiyak ang maliit na kalmot sa pisngi niya, " sagot ni Aling Rosal matapos lagyan ng bendahe ang ilang
Nakangiting pinagmamasdan ni Isabella ang kabuuan ng establisyementong nasa kaniyang harapan. Pagpipintura at paglalagay na lamang ng mga kagamitan sa loob ang tanging kulang para masabing malapit ng magbukas ang munting tindahan ng mga bulaklak at tsaa. Nakaayos na ang ilang mesa at silya sa labas alinsunod sa kagustuhan ni Isabella habang ang mga bulaklak at halaman sa entrada ay sinisimulan na ring ayusin. " Señora, gusto niyo bang kumain na? " Napalingon si Isabella sa likuran nang madinig si Leonardo. " Mag a-alas dose na ng tanghali. Nasa loob na 'yong pagkain niyo. "" Mayamaya na po siguro, Kuya Leonardo. Mauna na po kayo kumain, busog pa kasi ako, " ani Isabella saka napatingin sa mga trabahador na abala sa mga kaniya-kaniyang trabaho. " Yayain niyo na rin po silang kumain. Susunod na lang po ako. "" Sigurado kayo? " tanong ni Leonardo, " Baka hindi niyo gusto ang ulam? Ano ba ang gusto niyong kainin? "Napabuga sa hangin si Isabella. " Afritada. "Nakunot naman ang noo ni L
Napagod man si Isabella sa maghapong pag-aasikaso sa kaniyang magiging tindahan, hindi naman iyon naging dahilan para mawalan siya ng oras sa pagdidilig ng mga halaman sa hardin ng mansyon. Nakagawian na niya ito tuwing sasapit ang umaga at hapon kahit mayroon namang nakatalagang kasambahay sa gawaing ito ay kumikilos pa rin si Isabella sa pag-alaga ng mga tanim dito. " Señora, ako na po diyan. " Nilapitan si Isabella ng kasambahay upang kuhain ang regadera mula sa kaniya. " Narumihan na ang laylayan ng bestida niyo. Mas mabuting ako na po ang tumapos ng mga dinidiligan niyo. " Napatingin naman si Isabella sa laylayan ng kaniyang bestida at nakitang basa ito dahilan para makapitan kaagad ito ng mga alikabok na galing sa lupa. " Sige po, salamat. Itong parte na lang naman na ang hindi ko nadidiligan, 'yong iba, ayos na po, Manang, " sagot ni Isabella patukoy sa mga kamuning na nakahilera sa harap nila. Nang makapagpaalam ay dumiretso na rin si Isabella papasok ng mansyon para pumanhi
Walang pagsisisi sa mukha ni Catriona habang nakatigin sa dulo ng hagdan kung saan naroroon si Isabella na hindi magawang kumilos habang umaagos sa magkabila niyang binti ang pulang likido na sinabayan ng pananakit ng kaniyang tiyan. " C-Catriona..." Nanginginig ang kamay ni Isabella nang hawakan ang pulang likido na unti-unting kumakalat sa malamig na sahig. Inangat ni Isabella ang tingin kay Catriona na tila ba wala man lang planong tulungan siya. " Catriona, tulungan mo 'ko. I-Iyong anak ko..." Nanatiling nakatayo sa hagdan si Catriona, blangko ang ekspresyon ng mukha habang pinagmamasdan ang kaniyang kapatid na nakararanas ngayon ng matinding emosyon dahil sa sitwasyong kinalalagyan ngayon. Naroon ang hindi maipaliwanag na takot at matinding pag-aalala sa tatlong buwang sanggol na nasa sinapupunan niya, kabaliktaran kay Catriona na walang ibang maramdaman kundi galit at sama ng loob. Ni katiting na awa ay hindi makikita sa kaniyang mukha habang pinanonood ang unti-unting pagbag
Maingat na sinindihan ni Isabella ang dalawang kandila na nasa tabi ng maliit na urna (urn) kung saan naroroon ang abo ng kaniyang munting anghel. Naglagay rin siya ng puting rosas sa tabi nito bago niya patakan ng halik ang ibabaw ng urna. Tatlong araw na ang nakalilipas magmula nang makunan si Isabella at sa mga nagdaang araw na iyon, palagi niyang nakikita ang sarili na lumuluha. Nalulungkot at nasasaktan pa rin sa nangyaring trahedya. Hindi niya magawang ngumiti kahit kaunti, ngunit sa tuwing siya'y nananagip na may buhat na bata, nakararamdam siya ng saya na susundan ng lungkot kapag nagising na siya. " Señora Isabella? " Lumingon si Isabella sa kasambahay na tumawag sa kaniya. " Nakahanda na sa mesa ang inyong umagahan. " Tumango si Isabella saka inilibot ang tingin sa buong salas. " Si Maximo ba, nandoon na? " " Ah, nakaalis na ang Señor, kanina pa bago kayo nakababa, " sa narinig na sagot ni Isabella, doon niya nakumpirma ang tila unti-unting paglayo ng loob ni Maximo sa