" Hindi ko alam, " ani Isabella, salubong ang kilay. " P-Pero para saakin, siguro dapat lagyan din natin siya ng bubungan dito sa labas para magkaroon din ng mga mesa at silya? May mga tao kasing mas gusto ang preskong hangin kaysa sa lamig noong air-con sa loob, hindi ba? Isa pa, mabubusog rin sila sa tanawin sa labas dahil palilibutan natin 'to ng mga halaman at bulaklak." Tumango-tango si Maximo bilang pagsang-ayon. " Tama ka. Maganda ang suhestiyon mo. " " P-Pero ayos lang kung hindi siya puwede, ah? Ayoko namang makagulo sa pagtatayo nila. " Nahihiyang sagot ni Isabella saka ibinalik ang tingin sa malaking kulay asul na papel kung saan nakaguhit ang panlabas na hitsura ng establisyementong sinisimulan ng itayo sa lote kung saan dating nakatirik ang mansyon ng mga Bustamente. " Hindi naman makakagulo ang suhestiyon mo. Nagsisimula pa lang naman silang magtayo kaya maihahabol pa 'yan, " ani Maximo saka kinuha ang atensyon ng inhenyerong nasa tapat nila upang kausapin ito tungkol
Napasinghap si Agustina nang dumampi ang bulak na mayroong pulang gamot sa mahabang kalmot sa leeg niya. Pikit-mata niya itong idinampi-dampi habang tinitiis ang hapdi dahil mayroon pa siyang kailangang dampian na sugat sa kaliwang braso at bandang dibdib na nakalmot ng mahahabang kuko ni Catriona. " Tina, tapos ka na? " Napaangat ang tingin ni Agustina nang pumasok sa kuwarto si Aling Rosal. " Naku, ang haba pala ng kalmot sa leeg mo. Ako na nga r'yan, sandali. " Lumapit si Aling Rosal kay Agustina upang kuhanin ang bulak sa kamay nito at siya mismo ang umasikaso sa panggagamot sa mga natamong galos ni Agustina sa naging away kanina. " Nasaan na ho si Catriona? " tanong ni Agustina dahil isang oras na ang nakakalipas matapos ng nangyaring gulo at hindi pa rin niya nakikita ang nakaaway sa loob ng mansyon. Umalis ito matapos maawat ang gulo. " Kausap ngayon ng mayordoma natin. Iniiyak ang maliit na kalmot sa pisngi niya, " sagot ni Aling Rosal matapos lagyan ng bendahe ang ilang
Nakangiting pinagmamasdan ni Isabella ang kabuuan ng establisyementong nasa kaniyang harapan. Pagpipintura at paglalagay na lamang ng mga kagamitan sa loob ang tanging kulang para masabing malapit ng magbukas ang munting tindahan ng mga bulaklak at tsaa. Nakaayos na ang ilang mesa at silya sa labas alinsunod sa kagustuhan ni Isabella habang ang mga bulaklak at halaman sa entrada ay sinisimulan na ring ayusin. " Señora, gusto niyo bang kumain na? " Napalingon si Isabella sa likuran nang madinig si Leonardo. " Mag a-alas dose na ng tanghali. Nasa loob na 'yong pagkain niyo. "" Mayamaya na po siguro, Kuya Leonardo. Mauna na po kayo kumain, busog pa kasi ako, " ani Isabella saka napatingin sa mga trabahador na abala sa mga kaniya-kaniyang trabaho. " Yayain niyo na rin po silang kumain. Susunod na lang po ako. "" Sigurado kayo? " tanong ni Leonardo, " Baka hindi niyo gusto ang ulam? Ano ba ang gusto niyong kainin? "Napabuga sa hangin si Isabella. " Afritada. "Nakunot naman ang noo ni L
Napagod man si Isabella sa maghapong pag-aasikaso sa kaniyang magiging tindahan, hindi naman iyon naging dahilan para mawalan siya ng oras sa pagdidilig ng mga halaman sa hardin ng mansyon. Nakagawian na niya ito tuwing sasapit ang umaga at hapon kahit mayroon namang nakatalagang kasambahay sa gawaing ito ay kumikilos pa rin si Isabella sa pag-alaga ng mga tanim dito. " Señora, ako na po diyan. " Nilapitan si Isabella ng kasambahay upang kuhain ang regadera mula sa kaniya. " Narumihan na ang laylayan ng bestida niyo. Mas mabuting ako na po ang tumapos ng mga dinidiligan niyo. " Napatingin naman si Isabella sa laylayan ng kaniyang bestida at nakitang basa ito dahilan para makapitan kaagad ito ng mga alikabok na galing sa lupa. " Sige po, salamat. Itong parte na lang naman na ang hindi ko nadidiligan, 'yong iba, ayos na po, Manang, " sagot ni Isabella patukoy sa mga kamuning na nakahilera sa harap nila. Nang makapagpaalam ay dumiretso na rin si Isabella papasok ng mansyon para pumanhi
Walang pagsisisi sa mukha ni Catriona habang nakatigin sa dulo ng hagdan kung saan naroroon si Isabella na hindi magawang kumilos habang umaagos sa magkabila niyang binti ang pulang likido na sinabayan ng pananakit ng kaniyang tiyan. " C-Catriona..." Nanginginig ang kamay ni Isabella nang hawakan ang pulang likido na unti-unting kumakalat sa malamig na sahig. Inangat ni Isabella ang tingin kay Catriona na tila ba wala man lang planong tulungan siya. " Catriona, tulungan mo 'ko. I-Iyong anak ko..." Nanatiling nakatayo sa hagdan si Catriona, blangko ang ekspresyon ng mukha habang pinagmamasdan ang kaniyang kapatid na nakararanas ngayon ng matinding emosyon dahil sa sitwasyong kinalalagyan ngayon. Naroon ang hindi maipaliwanag na takot at matinding pag-aalala sa tatlong buwang sanggol na nasa sinapupunan niya, kabaliktaran kay Catriona na walang ibang maramdaman kundi galit at sama ng loob. Ni katiting na awa ay hindi makikita sa kaniyang mukha habang pinanonood ang unti-unting pagbag
Maingat na sinindihan ni Isabella ang dalawang kandila na nasa tabi ng maliit na urna (urn) kung saan naroroon ang abo ng kaniyang munting anghel. Naglagay rin siya ng puting rosas sa tabi nito bago niya patakan ng halik ang ibabaw ng urna. Tatlong araw na ang nakalilipas magmula nang makunan si Isabella at sa mga nagdaang araw na iyon, palagi niyang nakikita ang sarili na lumuluha. Nalulungkot at nasasaktan pa rin sa nangyaring trahedya. Hindi niya magawang ngumiti kahit kaunti, ngunit sa tuwing siya'y nananagip na may buhat na bata, nakararamdam siya ng saya na susundan ng lungkot kapag nagising na siya. " Señora Isabella? " Lumingon si Isabella sa kasambahay na tumawag sa kaniya. " Nakahanda na sa mesa ang inyong umagahan. " Tumango si Isabella saka inilibot ang tingin sa buong salas. " Si Maximo ba, nandoon na? " " Ah, nakaalis na ang Señor, kanina pa bago kayo nakababa, " sa narinig na sagot ni Isabella, doon niya nakumpirma ang tila unti-unting paglayo ng loob ni Maximo sa
Magkatabi sa iisang kama ngunit tila hindi ramdam ang presensya ng isa't isa. Nasa magkabilang dulo nakapuwesto ang mag-asawa, magkatalikurang nakahiga at ang isang kumot na para sa kanila ay malapit ng umunat dahil sa layo ng pagitan nila sa isa't isa. Idinilat ni Isabella ang mga mata, hindi niya magawang makatulog dahil sa bigat ng loob niya. Maingat siyang naupo sa kama, nilingon ang puwesto ng katabi na nakatalikod mula sa kaniya. Bukod sa sakit na naramdaman ni Isabella sa malamig na pakikitungo ni Maximo sa kaniya, mas lalong nadagdagan ang kaniyang kalungkutan dahil pakiramdam niya'y mag-isa na lang siya. Naroon pa rin ang kanilang pagdadalamhati sa pagkawala ng dapat sana'y panganay nila, subalit tila magkaiba ang kanilang pamamaraan upang malagpasan ang pinagdadaanan. Umalis si Isabella sa kama at walang ingay na lumabas ng kuwarto nila para bumaba sa salas. Ilaw sa labas ang nagsilbing liwanag ni Isabella para makarating sa lokasyon kung saan nakalagay ang urna ng anak. K
Alas otso na ng gabi no'ng makauwi sa mansyon si Maximo. Tahimik ang loob nang makapasok siya, pasimple niyang inilibot ang paningin sa pagbabakasakaling mahanap ang asawa sa paligid ngunit hindi niya ito nakita. " Nakauwi na pala kayo, Señor. " Lumapit ang mayordoma kay Leonardo na nasa likuran lamang ni Maximo upang kuhanin ang mga bitbit nito. " Nakapaghapunan na ba kayo? Ipaghahain ko na kayo kung hindi pa. "" Hindi na, busog pa ako. " Nilingon ni Maximo si Leonardo upang senyasan itong sumama sa mayordoma sa silid-kainan ngunit tumanggi ito at nagpaalam na kailangan na ring umalis dahil may nakatakda itong gawin ngayong gabi kasama ang pamilya. " Si Isabella? " tanong ni Maximo sa mayordoma habang nilalakad ang daan patungong hagdan. " Kanina pa po nasa kuwarto at nagpapahinga," sagot nito habang naglalakad sa likuran ni Maximo. " Mukhang napagod po ngayong araw dahil nagpunta ang Señora sa tindahan."Huminto si Maximo sa paglalakad at takhang nilingon nag mayordoma. " Nagpun