Share

KABANATA 30

Maingat na sinindihan ni Isabella ang dalawang kandila na nasa tabi ng maliit na urna (urn) kung saan naroroon ang abo ng kaniyang munting anghel. Naglagay rin siya ng puting rosas sa tabi nito bago niya patakan ng halik ang ibabaw ng urna.

Tatlong araw na ang nakalilipas magmula nang makunan si Isabella at sa mga nagdaang araw na iyon, palagi niyang nakikita ang sarili na lumuluha. Nalulungkot at nasasaktan pa rin sa nangyaring trahedya. Hindi niya magawang ngumiti kahit kaunti, ngunit sa tuwing siya'y nananagip na may buhat na bata, nakararamdam siya ng saya na susundan ng lungkot kapag nagising na siya.

" Señora Isabella? " Lumingon si Isabella sa kasambahay na tumawag sa kaniya. " Nakahanda na sa mesa ang inyong umagahan. "

Tumango si Isabella saka inilibot ang tingin sa buong salas. " Si Maximo ba, nandoon na? "

" Ah, nakaalis na ang Señor, kanina pa bago kayo nakababa, " sa narinig na sagot ni Isabella, doon niya nakumpirma ang tila unti-unting paglayo ng loob ni Maximo sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status