Share

KABANATA 11

Author: janeebee
last update Last Updated: 2023-06-19 18:55:22

Hindi na mabilang ni Catriona kung nakailang lukot at hagis na siya ng papel sa tuwing hindi nagugustuhan ang daloy ng kuwentong ginagawa niya. Ang kaniyang kuwarto ay halos mapuno na ng kalat dahil sa mga pinaghalo-halong papel at balat ng mga pagkaing nagsilbing tanghalian at hapunan niya mula pa kahapon. Kasalukuyang siyang nagtitipa sa makinilya, sinusubukang magbalik loob sa pagsusulat ngunit hindi niya mahanap ang puso niya.

" Señorita Catriona? Narito na po ang tanghalian niyo. " Napatigil sa pagtitipa ng mga letra si Catriona nang marinig ang katok sa pinto sa kaniyang kuwarto. Inangat niya ang tingin sa orasang nakasabit sa dingding, alas onse na ng tanghali. Wala pa siyang tulog dahil ginugol niya ang buong oras sa paglikha ng bagong akda at sa dami ng kape na nainom niya, hindi pa rin siya nakaramdam ng antok ngunit kumakalam na ang sikmura niyan.

" Sa baba ako kakain. Ilagay mo na lang sa mesa, " sagot ni Catriona saka tumayo upang ayusin ang mga papel na nasa gilid ng
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App
Comments (6)
goodnovel comment avatar
janeebee
Thank you rin po sa pagbabasa niyo! ≧ω≦
goodnovel comment avatar
Catalina Tacusalme
thank U miss A sa update..labyuuu mwah.
goodnovel comment avatar
janeebee
Maraming salamat din po sa pagbabasa! ♡
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Isabella Flores   KABANATA 12

    " Huwag po kayong mag-alala, wala pa po kaming balak gibain ngayon ang mansyon ninyo hangga't walang utos mula sa itaas. Maaga lang ho kaming pinapunta rito para masimulan ang pagsusukat at ang pagpa-plano tungkol sa establisyemetong itatayo sa lupaing ito." " Aba't, tinatarantado mo ba ako?! " Galit na tanong ni Don Hector sa lalaking humarap sa kaniya para ipaliwanag ang pagdating ng isang uri ng sasakyang ginagamit para gumiba ng mga naglalakihang pader. " Sino bang may sabing ipagigiba ko na ito? Wala pa namang bente-kuwatro oras para magsimula kayo ng gulo! " " Don Bustamente, sumusunod lang ho kami sa utos. " Kalmadong sagot ng lalaki. " Katunayan noong nakaraang buwan pa kami tinalagang gumawa dito pero sa hindi malamang dahilan, hindi ito pinatuloy. Ngayon, mukhang desedido na ang Don Castellano na ituloy ang planong pagpapatayo ng bagong establisyemento dito, dahil binigyan niya kami ng oras kung kailan puwedeng simulan ang demolisyon. " Napahilamos na lamang sa mukha si D

    Last Updated : 2023-06-21
  • Isabella Flores   KABANATA 13

    Nagising si Don Hector mula sa pagkakatulog nang maramdaman ang mainit na paligid at tagaktak niyang pawis. Naimulat na niya ang mata subalit wala siyang makita kundi itim at ilang butil-butil na liwanag mula sa bagay na nakasuot sa ulo niya. Sinubukan niyang kumilos pero nakatali ang kaniyang mga kamay at paa sa silyang kaniyang kinalalagyan dahilan para siya'y balutin ng kaba. " Mabuti naman at gising ka na, " mula sa harapan ni Don Hector, narinig niya ang isang malalim na boses ng lalaki. Hindi iyon pamilyar sa kaniyang pandinig kaya wala siyang ideya kung sino ang taong nasa harapn niya. " Anong kailangan mo? " buong-tapang na tanong ni Don Hector sa kabila ng takot na nararamdaman niya. Pilit niyang inaaninag ang labas, sa pagbabakasakaling makita ang hitssura ng lalaki sa maliliit na butas ngunit bigo siya. " Sino ka ba? Ano bang kailangan mo saakin? " " Baliktad yata ang sitwsyon, Don Bustamente. Baka kayo ang may kailangan saakin? " Nagsalubong ang kilay ng Don at sa mg

    Last Updated : 2023-06-22
  • Isabella Flores   KABANATA 14

    Marahang sinusuklay ni Isabella ang kaniyang mahaba at paalon-alon na buhok habang nakaharap sa salamin ng tukador. Lumilipad ang kaniyang isipan, ibinablik siya nito sa naging usapan nila ni Frida sa plaza kanina. " Hindi ba siya nagpapakita ng interes sa'yo? Nagtatabi naman kayo sa kama, hindi ba? Hindi nangangalabit? Walang tumutusok? " Inihinto ni Isabella ang ginagawa at buntong-hiningang ibinaba ang suklay sa ibabaw ng mesa bago niya takpan ang mukha niya. Hindi niya maunawaan kung bakit paulit-ulit niyang naririnig sa isip ang tanong ni Frida at nahihiya siya sa sarili niya dahil apektado siya. Malaking bagay ang kumpiyansa sa sarili at iyon ang bagay na wala si Isabella. Ang kaniyang paalon-alon na buhok ay isa sa mga nagpapababa ng tingin niya sa sarili dahil pakiramdam niya'y iba siya sa mga kababaihang may makikintab at bagsak na mga buhok. Isama pa ang mga hindi mawala-walang peklat na pangunahing dahilan para walang magandang makita si Isabella sa sarili niya. " Umii

    Last Updated : 2023-06-24
  • Isabella Flores   KABANATA 15

    Mahigit isang oras ang binyahe ni Catriona patungo sa bayang kinatitirikan ng mansyon ng mga Castellano. Ngayong naririto na siya, hindi niya maiwasan ang humanga sa malaki at malawak na ari-arian ng taong sadya niya. Mas lalo siyang nakararamdam ng panghihinayang sa naging desisyon niya noon dahil iniisip pa lang niya na naging maganda ang buhay ni Isabella simula noong ito'y mawala sa kanila, inis at panggigil na ang nararamdaman niya. Hindi inaasahan ni Catriona na babaliktad ang mundo nilang magkapatid kaya naman narito siya ngayon upang itama ang naging desisyon niya. " Puwede na raw ho kayong pumasok. " Napatingin si Catriona sa guwardiyang nagbukas ng maliit na pinto sa malaking tarangkahan. " Nasa salas ho ang Señor. Sasamahan ho kayo ng kasambahay patungo roon. " Kinailangan pang kumuha muli nang lakas ng loob ni Catriona bago humakbang papasok sa loob ng pintuan. Nakita niya sa gilid ang isang kasambahay na sa tingin niya ay ang magdadala sa kaniya kung saan naroroon ang

    Last Updated : 2023-06-27
  • Isabella Flores   KABANATA 16

    Sa isang malit na kubo napiling magpatila nina Isabella at Maximo, kasama ang puting kabayo na si Angela na nakatali sa isang puno ng santol malapit sa kanila. Malakas pa rin ang buhos ng ulan subalit ang kanina'y makapal na ulap ay unti-unti ng nagkakaroon ng liwanag. Pasimpleng dinaanan ng tingin ni Isabella ang asawa sa tabi niya na kanina pa walang imik nang sumilong sila. Nakapako ang mata nito sa kawalan, tila ba tinatangay ng hangin ang isipan at dinadala sa kung saan. Mayroong parte sa loob ni Isabella na nais buksan ang naudlot nilang usapin kanina ngunit mayroon ring takot sa dibdib niya na baka hind niya mapaghandaan ang maririnig niya. " Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na, " unang pinihit ni Maximo ang ulo niya palingon kay Isabella bago sinalubong ang mata nito. " Mukhang matagal pa tayo rito dahil hindi pa tumitila ang ulan. " " Ha? W-Wala naman. " Inalis ni Isabella ang tingin sa asawa at inilipat ito sa mga pumapatak na butil ng ulan mula sa bubungan ng ku

    Last Updated : 2023-06-29
  • Isabella Flores   KABANATA 17

    Mula sa loob ng tarangkahan, sama-samang nanonood ang mga kasambahay sa nagaganap na parada sa gitna ng kalsada. Tumutugtog ang banda ng musiko habang sinasabayan ito ng mga nag gagandahang dalagang nagsasayaw gamit ang kanilang mga hawak na baton. " Ano kaya ang palabas mamaya sa bayan? " tanong ng kasambahay habang nakapulupot ang kamay sa braso ng kasama. " Gusto ko sanang manood kaso ang dami pa nating kailangang gawin. " " Mamayang gabi pa maraming palabas. Ngayong tanghali 'yong street dance, " sagot ng isa, " Paalam kaya tayo mamayang gabi? Sa tingin mo papayagan tayo? " " Naku, ikaw na ang magpaalam kay Señor Maximo. Suportahan na lang kita. " Sunod-sunod na pag-iling ng isa, batid na malabo silang payagan ng amo nilang ni minsan ay hindi lumalabas sa bayan para manood ng mga kaganapan sa piyestahan. Maraming nagpapadala ng imbitasyon kay Maximo, umaasa na makakadalo ito bilang isa sa mga mahahalagang panauhin ng isang importanteng okasyon ngunit ang kanang kamay na si Leona

    Last Updated : 2023-06-30
  • Isabella Flores   KABANATA 18

    " May problema ba? " Agad nabawi ni Isabella ang tingin sa kapatid nang marinig ang boses ni Maximo at ang marahang pag pisil nito sa kaniyang kamay. " H-Ha? Wala naman... " Binalik ni Isabella ang tingin sa direksyon kung saan niya nakita si Catriona pero sa kasamaang palad, wala na ito sa puwesto nito. Mariin siyang napalunok at pinakalma muna ang sarili bago harapin si Maximo. " G-Gusto mo bang kumain muna? May nakita akong mga kakanin na tinitinda sa tapat ng simbahan. Punta tayo? " " Walang problema saakin. Pero paano ka? Hindi ba't gusto mong panoorin 'to? " Ngumiti si Isabella. " Babalik tayo. Sa ngayon, bumili na muna tayo ng makakain natin para habang nanonood tayo, may nginunguya tayo. " Hindi alam ni Isabella kung ano ang dahilan ng kaniyang takot at biglaang pangamba. Wala na siyang itinatago pa sa asawa pero naroon pa rin ang pag-aalala sa posibilidad na magtagpo ang landas ni Maximo at ng totoong Catriona. Maraming puwedeng mangyari na ikinakatakot ni Isabella at is

    Last Updated : 2023-07-04
  • Isabella Flores   KABANATA 19

    Sanay na si Isabella sa mga masasakit na salitang natatanggap niya mula sa pamilyang unang kumupkop sa kaniya. Tila ba naging parte na ito ng buhay niya dahil mula sa pagputok ng araw at pagpatak ng dilim, hindi mabibilang kung gaano karami ang natatanggap na mura at pananakit kay Isabella mula sa kaniyang madrastang si Doña Leticia at sa kapatid na si Catriona. Ang padre de pamilya na si Don Hector ay saksi kung paano pagmalupitan si Isabella ngunit ni minsan ay wala itong ginagawa upang ipagtanggol o pigilan man lang ang sitwasyong unti-unting dumudurog sa anak niya. " Bakit hindi ka makapagsalita? " Nakataas na kilay na tanong ni Catriona matapos paliparin ang palad sa pisngi ni Isabella. " Masakit ba? Dapat lang sa'yo 'yan nang magising ka sa katotohanan. Oo nga't mabait sa'yo ang lalaking pinakasalan mo, pero paano ka nakakasiguro na magtatagal ka sa sitwasyon mo? Baka magulat ka isang araw, itatapon ka na dahil sino ba namang tao ang may gusto sa peke, 'di ba? Lahat ng tao gust

    Last Updated : 2023-07-10

Latest chapter

  • Isabella Flores   Author's Note:

    Maraming salamat po sa lahat ng mga sumuporta ng nobelang ito! Nawa'y nagustuhan niyo po ang buong kuwento at huwag pong mahihiya na mag iwan ng komento dahil natutuwa ako sa tuwing nakakabasa ng mga opinyon mula sainyo. Wala na pong susunod na kabanata. Hayaan na po nating makapagpahinga ang ating mga bida dahil masyado rin akong naging malupit sa kanila. Katunayan, kamuntikan ng maiba iyong wakas at mapunta sa trahedya iyong nobela. Mabuti na lang nakapag muni-muni pa ako at napagtantong masyado ng kawawa ang ating mga bida kung may papatayin akong isa sa kanila.Ayon lang, gusto ko lang naman ibahagi iyon sainyo dahil nanakit ang ulo ko kaiisip kung paano wawakasan ito, hehe. Muli, salamat po sainyong lahat! Suportahan niyo rin po ang iba kong storya at mga paparating pa. Hanggang sa muli!

  • Isabella Flores   WAKAS

    Mataas ang sikat ng araw nang makababa si Isabella mula sa kotse dala ang isang basket na may mga puting rosas. Iginala niya ang paningin sa paligid, tanghaling tapat ngunit marami-rami ngayon ang tao sa sementeryo. Karamihan sa mga nakikita niya ay isang pamilya na tahimik na nagku-kuwentuhan habang nakapalibot sa puntod na dinadalaw nila. " Madame, ako na ang magdadala ng basket. May kabigatan iyan." Napatingin si Isabella sa isang mataas at malaking babae na tumabi sa gilid niya habang may hawak na payong upang isilong siya. " Hindi na, Abi. Kayo ko namang bitbitin na 'to. " Nakangiting sagot ni Isabella sa kaniyang guwardiya na nag ngangalang Abigail. Ilang buwan na niya itong kasama ngunit hindi pa rin siya sanay sa presensya nito dahil ito na ang nagsisilbing anino niya sa tuwing siya'y lalabas ng mansyon. " Saka sasaglit lang naman ako kaya kahit dito mo na ako hintayin sa sasakyan." " Pero Madame..." Ngumiti si Isabella at inilahad ang kamay upang hingin ang payong na hawa

  • Isabella Flores   KABANATA 80 ( Huling parte )

    " Wala pa po ba sina Mama? Bakit po hindi natin sila kasama umuwi?" Naiinip na tanong ni Leonel sa lalaking naghatid sa kaniya pauwi ng mansyon. Kasalukuyan silang na sa hardin kung saan pinili ni Leonel na laruin ang mga bago niyang laruan." Mamaya lang ay nandito na sila, Señorito. Mayroon lang kailangan asikasuhin doon sa pinuntahan niyo kanina kaya hindi natin sila nakasabay umuwi. " Mahinahong sagot ng lalaki na may malaking katawan at naka-uniporme ng itim. Kagaya ng bilin ni Maximo, hindi dapat maalis sa kaniyang paningin ang bata kaya palagi siyang nakasunod dito saan man ito magpunta." Señorito? Hindi naman po 'yon pangalan ko. Ako po si Leonel. " Binitawan ni Leonel ang laruang sasakyan nang manawa sa paglalaro nang mag-isa. Inilibot niya ang tingin sa paligid at dumaan ito sa isang batang babae na nakasilip sa beranda. Namukhaan niya ito kaya agad niya itong nilapitan habang nakabuntot sa likuran ang guwardiya. " Gusto mo maglaro? "Nahihiyang umiling si Samara at umalis s

  • Isabella Flores   KABANATA 80 ( Unang parte )

    Alas kuwatro ng umaga nagising si Catriona mula sa hindi pamilyar na kuwarto habang katabi sa kama ang isang estranghero. Bumangon siya at kinuha ang panali niya sa buhok sa ibabaw ng lamesitang nasa gilid niya upang itali ang kaniyang magulong buhok. Bumaba siya sa kama, pinulot isa-isa ang mga damit niya upang isuot muli ang mga ito." Aalis ka na? Aga pa, ah? " Napalingon si Catriona sa likuran nang marinig ang boses ng lalaki. Nakangisi ito sa kaniya habang kinakamot-kamot ang malaki nitong tiyan. " Mahiga ka pa dito at baka pagod ka pa. Hindi naman kita pinapaalis kaagad kaya walang rason para magmadali ka."" Isang gabi lang ang usapan natin, 'di ba? " Paalala ni Catriona habang isinusuot ang pantalon niya." Nasaan na pala 'yong baril na binili ko? Baka magkalimutan tayo. "Tamad na bumangon ang lalaki sa kama na walang kahit na anong saplot sa katawan upang buksan ang kabinet na nasa silid at kuhanin ang rebolber na binili sa kaniya ni Catriona. " Alam mo ba kung paano gumamit n

  • Isabella Flores   KABANATA 79

    Tulalang nakatingin si Isabella sa bumungad sa kaniya sa aparador nang buksan niya ito para ilagay ang mga dala niyang gamit. Karmihan ngayon sa mga nakikita niyang nakasampay ay halatang bago habang ang iba ay ang mga pamilyar na damit na pagmamay-ari niya anim na taon na ang nakararan. " Hindi niya itinapon..." wala sa sariling sambit ni Isabella, pinagmamasdan 'yong dalawang bulaklaking bestida na paborito niyang sinusuot noon na ngayon ay na sa harapan niya. Napahawak siya sa dibdib dahil tila may humaplos dito bagay na kinainit ng dalawa niyang mga mata kaya bago pa siya muling maiyak ay kumilos na siya at inilagay na ang dalang damit sa aparador na para sa kaniya. Bago isarado, kumuha muna siya ng pamalit pantulog at dumiretso sa banyo para maglinis ng katawan. Alas nuebe na ng gabi, si Maximo ay nasa kuwarto ni Leonel at tinutulungan itong ayusin ang 'sangkatutak na laruan na nakakalat ngayon sa kuwarto. Iniwanan ni Isabella ang mag-ama para magkaroon ito kahit sandaling oras

  • Isabella Flores   KABANATA 78

    Hindi alam ni Isabella kung tama ba ang ginagawa niya dahil sa bawat paglagay niya ng mga damit sa maletang nasa harap niya, siya ring bigat ng dibdib niya dahilan para mahirapan siyang huminga. Sandali siyang huminto sa ginagawa para punasan ang luhang lumalandas sa kaniyang pisngi at kumuha ulit nang lakas nang loob sa pamamagitan ng paghinga nang malalim." Mama..." Napalingon si Isabella sa likuran nang madinig ang boses ng anak na kanina pa gising at pinanonood ang ginagawa ng ina. Naupo mula sa pagkakahiga si Leonel at kinusot-kusot ang mata habang nakatingin sa maleta. " Ano po ginagawa niyo, Ma? Aalis po ba tayo? "Inalis ni Isabella ang tingin sa anak at pasimpleng pinunasan ang luha sa pisngi niya bago siya lumapit sa kama at maupo sa gilid ni Leonel. " Anak, kagigising mo lang? Kumusta...kumusta ang tulog mo? "" Kanina pa po ako gising. Ngayon lang po ako bumangon, " ani Leonel saka nilipat ang tingin sa maleta. " Uuwi na po ba tayo saatin? Nasaan po si Papa? May pangingi

  • Isabella Flores   KABANATA 77

    Makapal na usok ng sigrilyo ang kumawala sa bibig ni Gael na kasalukuyang nakaupo sa dulo ng padulasan sa parke. Halos wala ng tao sa kalsada dahil alas nuebe na ng gabi at ang tanging ingay na naririnig niya ay mula sa isang tindero ng balot na nakatambay sa isang kanto malapit sa parke kung nasaan siya." Nagmamakaawa na ako, Gael. Hayaan mo na kaming bumalik kay Maximo..." hindi na mabilang ni Gael kung makailang beses na niyang naririnig sa isip niya ang boses ni Isabella. Nagmakaawa man ito at nakiusap sa kaniya na palayain na sila, hindi iyon tumalab kay Gael na desididong hindi isauli ang mag-ina sa totoo nitong pamilya.Bumalik man ang mga alaalang nawala kay Isabella, hindi iyon sapat na rason kay Gael para agad na bitawan ang pamilyang mayroon siya. Anim na taon niyang nakasama sa iisang bubong si Isabella at kaniyang ibinuhos rito ang pagmamahal niya. Ipinakita niya na karapatdapat siyang asawa at ama sa batang hindi man kaniya ay ibinigay pa rin niya nang buong-buo ang sar

  • Isabella Flores   KABANATA 76

    " Regina, sandali, mag-usap na muna tayo. Huwag namang ganito..." Pagmamakaawa ni Matias sa asawa na ngayo'y abala sa pagkuha ng mga damit sa parador nila para ilagay sa inihandang maleta." Regina, pakiusap huminahon ka na muna. Alam kong galit ka pero mag-usap muna tayo. Hayaan mo akong magpaliwanag—"" Hindi ko na kailangan ng kahit na anong paliwanag, Matias! Niloko mo ako—niloko mo kami ng mga anak mo! " Pabagsak na ibinaba ni Regina ang mga damit sa kama niya nang mawalan siya ng lakas. Nanginginig siya sa galit, subalit hindi iyon hadlang para ihinto niya ang ginagawang pag-iimpake ng mga gamit niya. " Hindi ko akalaing magagawa mo saamin 'to, Matias. Talagang iyong asawa pa ng kapatid mo ang tinira mo? Diyos ko, ni hindi mo man lang inisip si Maximo? Ang daming naitulong saatin ng kapatid mo, tapos ito ang igaganti mo?! "" Regina, nagkakamali ka. Walang kahit na anong namamagitan saamin ni Catriona! " Depensa ni Matias. " Si Samara, oo saakin siya pero parte lang siya noong ka

  • Isabella Flores   KABANATA 75

    Pabagsak na napaupo si Frances sa ibabaw ng kaniyang kama nang mabawi niya ang brasong hawak ni Gael. Nalaglag sa sahig ang saklay at laking gulat niya nang sipain ito palayo ni Gael dahilan para lalong sumama ang loob niya." Frances, alam mo hindi ko na mabasa ang ugali mo. Bakit ba nagkakaganiyan ka? Saating dalawa, ikaw ang hindi ko na makilala! " May gigil na wika ni Gael, nanlilisik pa rin ang mga matang nakatingin sa kapatid. " Bakit mo ginawa 'yon? Bakit mo siya tinawag sa pangalan na 'yon? "" Bakit hindi? Totoong pangalan naman niya 'yon, hindi ba? " Sarkastikong tanong pabalik ni Frances, sinubukang umayos ng pagkakaupo sa kama niya nang mapatungan ng kaniyang kamay ang kahon ng sapatos na nasa likuran niya rason para bumuhal ito at lumitaw ang mga bagay na nasa loob kasama ang libo-libong perang nanggaling sa Castellano." Saan galing ang mga 'yan? " Gulat at pagtatakang tanong ni Gael. Mabilis namang kumilos si Frances para ligpitin ito at muling mailagay sa sobre pero ma

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status