" A-Ano pala ang pangalan niya? " Nahihiyang tanong ni Isabella habang sila'y naglalakad sa pasilyo ng ospital patungo sa silid ng ina ni Maximo. Kanina pa niya ito nais tanungin magmula nang sabihin ni Maximo ang pupuntahan nila subalit pinangunahan siya ng hiya dahil hanggang ngayon ay wala siyang alam sa pangalan ng magulang ng kaniyang napangasawa. " Luisana, " matipid na sagot ng lalaki saka huminto sa isang pinto. Nilingon nito si Isabella. " Huwag mong kalilimutan ang mga binilin ko kanina. Sikapin mong ibahin ang usapan kapag nakaramdam ka ng pagkailang sa itinatanong niya. " Wala sa sariling tumango si Isabella na hanggang ngayon ay kinakabahan. Ito ang unang beses na makikita't makikilala niya ang ina ni Maximo at hindi niya alam kung anong naghihintay sa kaniya sa loob ng kuwartong nasa harap nila. Nakilala na ni Isabella ang ibang miyembro ng pamilyang Castellano at sa loob ng isang buong araw na iyon, ramdam niyang hindi siya tanggap ng mga ito, kung kaya naman sa mga
Sa loob ng opisina ng mansyon, tahimik na nakaupo si Maximo sa harap ng mesa, ang kaniyang mga mata ay nakatutok sa mga letrang nakasulat sa papel na hawak niya. May kinalaman ito sa negosyo, subalit ang kaniyang isip ay wala sa binabasa dahil okupado ito ng mga impormasyong nakalap tungkol kay Catriona. Buntong hininga na ibinaba ni Maximo ang hawak na papel at isinandal ang likod sa kinauupuan niya. Inangat niya ang tingin sa orasang nakasabit sa dingdig, pasado alas nuebe na ng gabi at hanggang ngayon hindi niya magawang tapusin ang trabaho. Buong akala ni Maximo ay makakatulong ang ginawa niyang pagpapa-imibistiga sa unica hija ni Don Hector, subalit lalo pang lumaki ang mga tanong na nabuo sa isip niya matapos mabasa ang mga impormasyong nakalap ng taong inutusan niyang nag ngangalang Simon. Si Catriona Bustamente ay dalawangput anim na taong gulang na babae. Kaisa-isang anak ng dating abogado at propesor na si Don Hector Bustamente at ng matapobreng si Doña Leticia Bustamen
Maingat na inilapag ng isang kasambahay ang dalawang tasa sa lamesita kung saan pinaggigitnaan ito ng dalawang taong nasa kalagitnaan ng diskusyon. " Talaga? Nagustuhan niyo ang libro ko? " hindi makapaniwalang wika ni Catriona matapos pakinggan ang lalaking nagpakilalang 'editor' ng kompanyang naglalathala ng mga libro. " Sa pagkakaalala ko, nasa isang daan lang ang kopya ng libro ko at karamihan pa sa mga may kopya noon ay kakilala ko. Paano niyo nagawang makahanap ng 'Kalayaan sa Kaligayahan'? "" Sa isang pambublikong silid-aklatan ko siya nakita. Binasa ko ang nakasulat sa likuran ng libro hanggang sa hindi ko namalayan na nangangalahati na ako ng pahina, " sagot ni Simon, " Sinubukan ko rin siyang ipabasasa mga kasama ko at lahat sila ay nagustuhan ang laman ng libro. Bukod sa maganda ang pagkakasulat, makabuluhan rin talaga ang mensahe nito."Wala sa sariling napangiti si Catriona. Hanggang ngayon ay kumakabog ang dibdib niya sa tuwa at pagkasabik sa mga naririnig niya. Tatlon
" Pasensya na po, Madame, pero mukhang nagkamali kayo ng publishing company na sinadya. Wala po kaming kilalang Simon at wala rin hong may pangalan na Simon ang nagta-trabaho dito. " Halos lumuwa ang mata ni Catriona sa narinig na sagot mula sa babaeng napagtanungan niya. " Sigurado ka ba? " Nakataas kilay na tanong ni Catriona saka inilabas ang maliit na parihabang papel na iniabot sakaniya ng lalaking nakausap kaninang umaga sa mansyon. " Hindi ba't sainyo itong company card na 'to? Iyong Simon ang nag-abot nito saakin at sinabi niya na isa siyang editor dito. Matangkad na lalaki siya at nakasuot ng salamin. " Kinuha ng babae ang iniabot ni Catriona upang suriin kung sa kompanya nga ba ito. " Saamin nga po itong company card, pero wala po talaga kaming tao dito na ang pangalan ay Simon. " " Imposibleng wala! Kung ganoon sino 'yong nakausap ko kaninang umaga? Multo? " pabalang na sagot ni Catriona. Umuusok na ang ilong niya pero nang mapansin na pinagtitinginan siya ng mga empleya
Hindi na mabilang ni Catriona kung nakailang lukot at hagis na siya ng papel sa tuwing hindi nagugustuhan ang daloy ng kuwentong ginagawa niya. Ang kaniyang kuwarto ay halos mapuno na ng kalat dahil sa mga pinaghalo-halong papel at balat ng mga pagkaing nagsilbing tanghalian at hapunan niya mula pa kahapon. Kasalukuyang siyang nagtitipa sa makinilya, sinusubukang magbalik loob sa pagsusulat ngunit hindi niya mahanap ang puso niya. " Señorita Catriona? Narito na po ang tanghalian niyo. " Napatigil sa pagtitipa ng mga letra si Catriona nang marinig ang katok sa pinto sa kaniyang kuwarto. Inangat niya ang tingin sa orasang nakasabit sa dingding, alas onse na ng tanghali. Wala pa siyang tulog dahil ginugol niya ang buong oras sa paglikha ng bagong akda at sa dami ng kape na nainom niya, hindi pa rin siya nakaramdam ng antok ngunit kumakalam na ang sikmura niyan. " Sa baba ako kakain. Ilagay mo na lang sa mesa, " sagot ni Catriona saka tumayo upang ayusin ang mga papel na nasa gilid ng
" Huwag po kayong mag-alala, wala pa po kaming balak gibain ngayon ang mansyon ninyo hangga't walang utos mula sa itaas. Maaga lang ho kaming pinapunta rito para masimulan ang pagsusukat at ang pagpa-plano tungkol sa establisyemetong itatayo sa lupaing ito." " Aba't, tinatarantado mo ba ako?! " Galit na tanong ni Don Hector sa lalaking humarap sa kaniya para ipaliwanag ang pagdating ng isang uri ng sasakyang ginagamit para gumiba ng mga naglalakihang pader. " Sino bang may sabing ipagigiba ko na ito? Wala pa namang bente-kuwatro oras para magsimula kayo ng gulo! " " Don Bustamente, sumusunod lang ho kami sa utos. " Kalmadong sagot ng lalaki. " Katunayan noong nakaraang buwan pa kami tinalagang gumawa dito pero sa hindi malamang dahilan, hindi ito pinatuloy. Ngayon, mukhang desedido na ang Don Castellano na ituloy ang planong pagpapatayo ng bagong establisyemento dito, dahil binigyan niya kami ng oras kung kailan puwedeng simulan ang demolisyon. " Napahilamos na lamang sa mukha si D
Nagising si Don Hector mula sa pagkakatulog nang maramdaman ang mainit na paligid at tagaktak niyang pawis. Naimulat na niya ang mata subalit wala siyang makita kundi itim at ilang butil-butil na liwanag mula sa bagay na nakasuot sa ulo niya. Sinubukan niyang kumilos pero nakatali ang kaniyang mga kamay at paa sa silyang kaniyang kinalalagyan dahilan para siya'y balutin ng kaba. " Mabuti naman at gising ka na, " mula sa harapan ni Don Hector, narinig niya ang isang malalim na boses ng lalaki. Hindi iyon pamilyar sa kaniyang pandinig kaya wala siyang ideya kung sino ang taong nasa harapn niya. " Anong kailangan mo? " buong-tapang na tanong ni Don Hector sa kabila ng takot na nararamdaman niya. Pilit niyang inaaninag ang labas, sa pagbabakasakaling makita ang hitssura ng lalaki sa maliliit na butas ngunit bigo siya. " Sino ka ba? Ano bang kailangan mo saakin? " " Baliktad yata ang sitwsyon, Don Bustamente. Baka kayo ang may kailangan saakin? " Nagsalubong ang kilay ng Don at sa mg
Marahang sinusuklay ni Isabella ang kaniyang mahaba at paalon-alon na buhok habang nakaharap sa salamin ng tukador. Lumilipad ang kaniyang isipan, ibinablik siya nito sa naging usapan nila ni Frida sa plaza kanina. " Hindi ba siya nagpapakita ng interes sa'yo? Nagtatabi naman kayo sa kama, hindi ba? Hindi nangangalabit? Walang tumutusok? " Inihinto ni Isabella ang ginagawa at buntong-hiningang ibinaba ang suklay sa ibabaw ng mesa bago niya takpan ang mukha niya. Hindi niya maunawaan kung bakit paulit-ulit niyang naririnig sa isip ang tanong ni Frida at nahihiya siya sa sarili niya dahil apektado siya. Malaking bagay ang kumpiyansa sa sarili at iyon ang bagay na wala si Isabella. Ang kaniyang paalon-alon na buhok ay isa sa mga nagpapababa ng tingin niya sa sarili dahil pakiramdam niya'y iba siya sa mga kababaihang may makikintab at bagsak na mga buhok. Isama pa ang mga hindi mawala-walang peklat na pangunahing dahilan para walang magandang makita si Isabella sa sarili niya. " Umii