" Ako na ang magdadala niyan sa opisina niya. " Nakangiting inagaw ni Catriona mula sa isang kasambahay ang bandeha na may lamang baso at isang bote ng alak na gawa sa ubas. " Bumaba ka na. Pinatatawag ka ni Manang sa kusina. "Nag-aalangan man ay sumunod na lamang ito sa sinabi ni Catriona na agad sumilay ang matagumpay na ngiti sa labi nang mawala sa paningin niya ang kasambahay na dapat ay magdadala ng alak sa opisina ni Maximo. Nagpatuloy sa paglalakad si Catriona sa pasilyo. Nakapatay na ang malaking aranya (chandelier) at tanging maliliit na bumbilya na lamang ang mga nakabukas sa loob ng mansyon. Tahimik na ang paligid, mga yabag na lamang ng sapin sa paa ang tanging nadidinig ni Catriona hanggang sa siya'y tumigil sa harap ng silid at marahang kumatok rito bago buksan ang pinto. " Señor... " Mahinang tinawag ni Catriona ang ngalan ng lalaki. Madilim ang silid, liwanag mula sa labas ng nakabukas na bintana at sa isang nakasinding pantalya ang nagsisilbing ilaw sa loob ng opisi
" Kung ganoon, siya pala ang nakatatandang kapatid ni Maximo, " ani Isabella habang nakatitig sa lumang larawan na nakakabit sa dingding. " Matias ang pangalan niya, tama po ba? "Marahang tumango ang mayordoma na buntong hiningang ngumiti nang alisin ang tingin sa lumang larawan ng pamilyang Castellano. Ito ang huling kuha ng larawan kung saan kompleto pa ang miyembro ng pamilya at sa kalumaan nito, halos kumupas na rin ang kulay ng litraro. " Kamukhang-kamukha ni Matias ang kaniyang ama ngayon, " sambit ng mayordoma na hindi maiwasang maging emosyonal sa pagbabalik ng taong matagal nawalay sa kanila. " Kay tagal hinanap ng Doña Luisana ang kaniyang panganay at tiyak akong matutuwa siya kapag nalaman niyang umuwi na si Matias dito sa mansyon. "Taon 1979 nang mamatay ang padre de pamilya ng Castellano at kasabay nito ang biglaang paglaho ng panganay na anak na si Matias sa hindi malamang dahilan. Bigla na lamang itong hindi umuwi ng mansyon isang araw nang maihatid sa huling hantung
Ibinaba ni Isabella ang nakatuping papel sa mesang nasa pagitan nila ni Maximo. Kasalukuyan silang nasa loob pa rin ng opisina, magkaharap at hindi pa nagtatama ang mga mata magmula nang humiwalay ng yakap sa isa't isa. " Galing ang sulat kay Tina, " ani Isabella habang nakatingin sa sulat na ipinatong niya sa ibabaw ng mesa. " Ibinigay niya kay Aling Rosal kaninang madaling araw bago siya umalis ng mansyon. " Salubong ang kilay ni Maximo nang kuhanin ang papel at agad na binasa ang nilalaman ng sulat. " Sinasabi niya rito na wala siyang kasalanan, pero sa ginawa niyang pag-alis nang hindi man lang nakikipag-usap nang maayos, ano sa tingin mo ang iisipin ko? " Mariing napalunok si Isabella. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sagutin ang tanong ng asawa na batid niyang para kay Agustina. " N-Nauunawaan ko naman si Tina..." Mahina ngunit sapat na para lumipat ang tingin ni Maximo kay Isabella. "...at naniniwala rin ako sa kaniya. " Ibinaba ni Maximo ang hawak na sulat nang hi
TAON 1979" Nakagayak na ba ang lahat? Mayamaya lang ay aalis na tayo, " boses mula sa itaas ang nagpatigil sa pagtitipa ng binatang si Matias sa teklado ng kanilang piyano. Dumako ang kaniyang paningin sa hagndan at nakita roon ang pagbaba ng ama habang inaayos ang butones sa dulo ng manggas nito. " Luisana, nasaan ka na? Tawagin mo na ang mga bata at aalis na tayo. "Nagkatinginan ang dalawang magkapatid na kanina pa nasa ibaba at hinihintay na lamang matapos gumayak ang kanilang magulang. " Sandali lang, wala sila sa kanilang mga kuwarto! " Natatarantang boses na wika ng Doña Luisana habang ikinakabit ang malaking perlas sa kaniyang kaliwang tainga nang masalubong ang mayordma sa pasilyo. " Hindi kaya naglaro pa sa labas ang mga bata? Nakabihis na sila kanina pa—Manang, pakihanap nga ang dalawang bata. Sabihin mong aalis na kamo tayo. "" Señora, kanina pa ho nasa ibaba ang mga bata..." Nakangiting paliwanag ng mayordoma dahilan para mapadungaw si Doña Luisana sa barandilya at naki
" Naubos ang santan? " hindi makapaniwalang tanong ni Isabella sa balita ni Mang Nando. " Iyong pitong santan po na nasa labas, Nabili lahat? "" Ganoon na nga po, Madame." Nakangiting sagot ng matanda. " Itatanim daw nila ang mga 'yon sa harap ng kanilang bahay. Diyan lang daw po ang bahay nila sa kabilang kanto, halos kalilipat lang at kasalukuyan nilang pinagaganda 'yong bakanteng lote pa sa harap nila. "Hindi na maalis ang ngiti sa labi ni Isabella sa narinig. Bukod sa masaya siya dahil sila'y nakabenta, labis rin ang tuwa sa puso niya dahil sa pagpansin sa santan na tila pangkaraniwang bulaklak na lang sa ilan. Sa rami ng klaseng bulaklak na kanilang binibenta, rosas ang kadalasang mabili at santan naman ang hindi pansinin. " Madame, kumain na po kayo. Kami na muna po ang bahala rito, " saad ni Darla na napatakip nang bibig sa biglaang pagdighay niya. Bahagyang natawa si Isabella saka tumango at mabilis na tinapos ang ginagawang listahan ng ilang kasangkapan na kailangang bilhi
" Magbabago ba isip mo kung sabihin ko na kasali ako sa grupo ng mga taong gustong magpabagsak sa'yo? " tanong ni Matias, walang kurap ang mga matang naktingin kay Maximo na mababakasan ng gulat at pagkabigo sa mukha. Inilipat ni Matias ang tingin sa baril na nakatutok pa rin sa kaniya bago ibalik ang tingin sa kapatid niyang tila ba nahihirapang mag desisyon kung tama bang kalabitin ang gatilyo nito. " Pero hindi bilang miyembro, dahil pag e-espiya ang ginagawa ko. "Sa pagkakataong ito, lalong nagbanggaan ang mga kilay ni Maximo. " Ano'ng pinagsasasabi mo? "" Hindi susugod ang kaaway sa kuta ng kalaban kung kaunti lang sila. Kailangan nila ng maraming tao para sa mas malakas na puwersa. " Ibinaba ni Matias ang dalawa niyang nakataas na kamay nang hindi inaalis ang tingin sa kapatid niyang puno pa rin ng pagdududa. " Dalawang beses pa lang akong nakadalo sa isang tagong pagpupulong ng mga taong may galit sa mga Castellano. Lahat ng miyembro doon ay ang mga nawalan at nasira ang bu
" Kuya? " Nagtatakang tanong ni Isabella nang marinig na may naghahanap sa kaniyang lalaking nagpakilala bilang kaniyang kuya. " Iyon po ang sinabi niya, Madame. Mataas po na lalaki, mestizo at medyo mahaba po ang buhok niya na hanggang batok..." sandaling tumigil sa paglalarawan si Marta, inalala kung sino ang kamukha ng lalaki pero hindi pa rin niya makuha. " Sige, lalabas na lang ako. " Tumayo si Isabella mula sa pagkakaupo at sabay silang lumabas ni Marta sa opisina. May ideya na si Isabella kung sino ang taong tinutukoy ni Marta at upang makasiguro ay kailangan itong makita ng mismong mga mata niya." Naroon po siya, Madame. Iyong nasa dulobg mesa. " Pagturo ni Marta sa lalaking mag-isang nakaupo sa dulo. Nananatiling kunot ang noo ni Isabella nang maglakad palapit sa lalaking nakatalikod mula sa kaniya at nang makita ang hitsura, agad siyang naalarma. " Kuya Matias? " Gulat at bahagyang pagkataranta ang naging reaksyon ni Isabella nang makumpirmang tama ang hinala niya. " N-N
Nakilala ni Isabella si Gael bilang isang mabait at pala-ngiting tao. Magaan ito kasama at hindi mahirap lapitan dahil sa tinataglay nitong positibong awra na ngayon ay hindi na makita ni isabella sa lalaking nakatayo sa kaniyang harapan, may ngiting malayo sa nakasanayan niyang makita." Gael, ano bang...ano bang nangyayari sa'yo? " May takot man, mababakas ang lungkot sa boses ni Isabella habang nakatingin sa mata ng lalaki na unti-unting lumamlam kasabay ng pag-iwas nito ng tingin. " Gusto ko lang sabihin sa'yo na huwag mong hayaang bulagin ka ng emosyon mo, " saad ni Gael sa pagitan ng pagpapakalma sa kaniyang sarili. " Sabihin na nating kilala mo nga ang asawa mo, pero hindi bilang isang Maximo Castellano. "Mariing napalunok si Isabella. " Una ko siyang nakilala bilang isang Maximo Castellano. Isang misteryosong tao na kinatakutan ko noong una, pero ngayong nakilala ko na siya, masasabi kong mapalad ako sa kaniya. "Tiim-bagang na binalik ni Gael ang tingin kay Isabella. " Nasa