" Kuya? " Nagtatakang tanong ni Isabella nang marinig na may naghahanap sa kaniyang lalaking nagpakilala bilang kaniyang kuya. " Iyon po ang sinabi niya, Madame. Mataas po na lalaki, mestizo at medyo mahaba po ang buhok niya na hanggang batok..." sandaling tumigil sa paglalarawan si Marta, inalala kung sino ang kamukha ng lalaki pero hindi pa rin niya makuha. " Sige, lalabas na lang ako. " Tumayo si Isabella mula sa pagkakaupo at sabay silang lumabas ni Marta sa opisina. May ideya na si Isabella kung sino ang taong tinutukoy ni Marta at upang makasiguro ay kailangan itong makita ng mismong mga mata niya." Naroon po siya, Madame. Iyong nasa dulobg mesa. " Pagturo ni Marta sa lalaking mag-isang nakaupo sa dulo. Nananatiling kunot ang noo ni Isabella nang maglakad palapit sa lalaking nakatalikod mula sa kaniya at nang makita ang hitsura, agad siyang naalarma. " Kuya Matias? " Gulat at bahagyang pagkataranta ang naging reaksyon ni Isabella nang makumpirmang tama ang hinala niya. " N-N
Nakilala ni Isabella si Gael bilang isang mabait at pala-ngiting tao. Magaan ito kasama at hindi mahirap lapitan dahil sa tinataglay nitong positibong awra na ngayon ay hindi na makita ni isabella sa lalaking nakatayo sa kaniyang harapan, may ngiting malayo sa nakasanayan niyang makita." Gael, ano bang...ano bang nangyayari sa'yo? " May takot man, mababakas ang lungkot sa boses ni Isabella habang nakatingin sa mata ng lalaki na unti-unting lumamlam kasabay ng pag-iwas nito ng tingin. " Gusto ko lang sabihin sa'yo na huwag mong hayaang bulagin ka ng emosyon mo, " saad ni Gael sa pagitan ng pagpapakalma sa kaniyang sarili. " Sabihin na nating kilala mo nga ang asawa mo, pero hindi bilang isang Maximo Castellano. "Mariing napalunok si Isabella. " Una ko siyang nakilala bilang isang Maximo Castellano. Isang misteryosong tao na kinatakutan ko noong una, pero ngayong nakilala ko na siya, masasabi kong mapalad ako sa kaniya. "Tiim-bagang na binalik ni Gael ang tingin kay Isabella. " Nasa
" Gael, ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo, ha? Huwag mo silang pababayaan at ilayo mo sila sa kapahamakan... " ang huling habilin ni Doña Muñoz bago ito bawian ng buhay sa labis na kabiguan at kalungkutan. Banig ang ginamit upang balutin ang wala ng buhay nitong katawan at inilibing sa ilalim ng puno katabi ng puntod ng mahal nitong asawa.Ang dating masaya at marangyang pamilya ay sa isang lumang bahay na lamang nakatira. Nawala sa kanila ang lahat matapos ng nangyaring sunog na nagpatupok sa kanilang mga ari-arian. Napalitan silang ibenta sa maliit na halaga ang malaking lupain upang may pagkunan na panggastos sa araw-araw nilang buhay na hindi rin nagtagal ay naubos na. " Kuya, ang taas ng lagnat ni Farah. Dalhin na po natin siya sa malapit na ospital. " Mangiyak-ngiyak na saad ng trese anyos na si Franco, karga ang bunsong kapatid na babaeng inaapoy ng lagnat. Malakas man ang buhos ng ulan, walang pagdadalawang isip nilang isinugod sa ospital ang bunsong si Farah na namumutla
" Salamat pero, hindi na, Catriona..." Unti-unting napawi ang ngiti sa mukha ni Catriona nang madinig ang tugon ni Isabella. " B-Bakit naman? Wala ka bang balak hanapin siya? " Nagtatakang tanong ni Catriona, hindi maitago ang pagkadismaya sa mukha niya. Dumaan ang lungkot sa mukha ni Isabella. " Hindi pa ako handang makita siya. H-Hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ko o mararamdaman ko kung sakaling magkita kaming dalawa. "Hindi agad nakakibo si Catriona, subalit habang pinagmamasdan niya ang ekspresyon ng mukha ni Isabella ay mabilis niyang naunawaan ang naging sagot nito. " Malaki ba ang galit mo sa kaniya? "Napayuko si Isabella at marahang umiling. " Sa loob ng maraming taon, hindi naman ako nakaramdam ng galit sa ginawa niyang pag-iwan saakin dito. "" Kung ganoon anong pumipigil sa'yo na hanapin siya? "" Takot. " Inangat ni Isabella ang ulo ubang salubungin ang tingin ni Catriona. " Natatakot akong harapin siya dahil hindi maalis sa isip ko na paano kung mayroon na siy
Halos kalahati ng sakahan ang tinupok ng apoy sa lupain ng Castellano. Mula sa pinaka una kung saan makikita ang mga bulaklak at halaman, umabot ito hanggang sa taniman ng mga kagulayan. Mabilis kumalat ang apoy, animo'y isang malaking ahas na sinisilaban ang bawat parte na kaniyang magapangan. Kinailangan ng maraming bombero mula sa iba't ibang lugar para sa mabilisang pag-apula ng apoy at hindi na madamay pa ang ilang parte ng malaking lupain ng Castellano. " Wala ng apoy sa dulo, Señor. Tanging usok na lang po ang naroon pero nakaantabay pa rin po ang dalawang truck ng bombero, " hayag ng isa sa mga trabahador ni Maximo, basang-basa ito mula ulo hanggang paa dahil sa pagtulong rumisponde sa sunog na patuloy pa ring inaapula. Dalawang oras na ang nakalilipas, ngunit natatanaw pa rin mula sa labas ang apoy mula sa loob ng sakahan. " Salamat, Mang Berto. Magpahinga muna po kayo rito sa labas, alam kong pagod na kayo. Hayaan niyo na ang mga bombero sa loob, " ani Maximo na sa kabila
Agosto 2003 Alas diyes ng umaga, mula sa mansyon ng Castellano ay may isang batang babae ang nakaupo sa duyan, masayang inuugoy ang sarili sa pamamagitan ng pagtulak ng kaniyang mga paa sa lupa. Bawat paghampas ng hangin sa kaniya ay siyang dahilan ng hagikhik niya dahil sa nararamdamang pagkalula at tuwa sa tuwing siya'y babagsak sa ibaba mula sa taas ng pagkakaduyan niya. " Samara! " Napatingin ang batang babae sa tumawag sa kaniya, agad napanguso nang makita ang tagapag-alaga niyang nagmamadaling tumungo sa kaniya. " Diyos kong bata ka, kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagsususuot? Bumama ka na riyan at baka mahulog ka pa! " Walang nagawa ang batang babae na nag ngangalang Samara kundi ang ihinto ang pag-duyan sa sarili bago iangat ang tingin sa kaniyang tagapag-alaga na si Manang Lani. " Yaya, nandiyan na po ba si Papa? " Umiling ito. " Wala pa ang Papa mo, pero naroon naman sa loob ang mga pinsan mo. Bakit hindi ka makipaglaro sa kanila? Mag-isa ka lang dito." Umuling i
" Malayo po ba ang pupuntahan natin? " tanong ng batang lalaki sa kaniyang ina na abalang ikinakandado ang pinto ng bahay nila. " Matagal po ba tayo doon nila Papa? "" Hindi ko pa sigurado, pero malaki ang posibilidad dahil kailangan nating asikasuhin ang Tita Frances mo, " sagot ng ina ng batang lalaki saka kinuha ang maletang dala niya nang masigurong naikandado na ang pinto ng bahay nila. " Dalawang oras mahigit ang magiging byahe natin sabi ng Papa mo kaya kailangang may baon tayong pagkain at inumin. Silipin mo nga ang dala mong bag at baka mamaya wala diyan 'yong baon natin. "" Nandito na po sa loob, Ma. Iyon po ang unang-una kong nilagay kanina sa bag ko bago po ako gumayak kanina. " Kumpiyansang sagot ng batang lalaki saka binuksan ang bag na sukbit niya upang ipakita ang isang baunan na may kanin at ulam sa loob. May dalawang baunan rin ng tubig para sa kanilang panulak. " Oh, mabuti at naabutan ko pa kayo ngayon. Akala ko'y nakaalis na kayo. " Napatingin ang mag-ina sa ka
Hindi na mabilang ni Leonardo kung makailang beses na siyang pabalik-balik ng tingin sa salaming nakasabit sa harapan ng kotse upang silipin si Maximo na tahimik na nakaupo sa likuran. Trenta minutos na silang buma-byahe pauwi ngunit nananatiling tikom ang bibig nito matapos mabitawan ang cellphone sa hindi malamang dahilan. Hindi malinaw kay Leonardo kung mayroon bang sinabi sa kabilang linya ang Señora na naging dahilan ng halo-halong emosyon na nakita niya kanina kay Maximo, subalit nababatid niya na iyon ang bumabagabag ngayon rito." Nakita ko si Isabella... " Napatingin muli si Leonardo sa salamin, hindi niya sigurado kung totoo bang narinig niyang nagsalita si Maximo o guni-guni niya lang kaya hindi siya agad nakasagot nang biglang magsalita ulit ito. " Nakita ko si Isabella sa plaza kanina, Leonardo. "" Nagpakita ho sainyo ang Señora Isabella? " may halong gulat na tanong ni Leonardo bago ibinalik ang tingin sa daan," Sa loob ng anim na taon, parang ngayon niyo lang po nabang