Share

KABANATA 47

Author: janeebee
last update Last Updated: 2023-10-26 00:41:23

Nakilala ni Isabella si Gael bilang isang mabait at pala-ngiting tao. Magaan ito kasama at hindi mahirap lapitan dahil sa tinataglay nitong positibong awra na ngayon ay hindi na makita ni isabella sa lalaking nakatayo sa kaniyang harapan, may ngiting malayo sa nakasanayan niyang makita.

" Gael, ano bang...ano bang nangyayari sa'yo? " May takot man, mababakas ang lungkot sa boses ni Isabella habang nakatingin sa mata ng lalaki na unti-unting lumamlam kasabay ng pag-iwas nito ng tingin.

" Gusto ko lang sabihin sa'yo na huwag mong hayaang bulagin ka ng emosyon mo, " saad ni Gael sa pagitan ng pagpapakalma sa kaniyang sarili. " Sabihin na nating kilala mo nga ang asawa mo, pero hindi bilang isang Maximo Castellano. "

Mariing napalunok si Isabella. " Una ko siyang nakilala bilang isang Maximo Castellano. Isang misteryosong tao na kinatakutan ko noong una, pero ngayong nakilala ko na siya, masasabi kong mapalad ako sa kaniya. "

Tiim-bagang na binalik ni Gael ang tingin kay Isabella. " Nasa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Leni Isla
Sinu Kaya Un baka Un kapatid ni maximo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Isabella Flores   KABANATA 48

    " Gael, ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo, ha? Huwag mo silang pababayaan at ilayo mo sila sa kapahamakan... " ang huling habilin ni Doña Muñoz bago ito bawian ng buhay sa labis na kabiguan at kalungkutan. Banig ang ginamit upang balutin ang wala ng buhay nitong katawan at inilibing sa ilalim ng puno katabi ng puntod ng mahal nitong asawa.Ang dating masaya at marangyang pamilya ay sa isang lumang bahay na lamang nakatira. Nawala sa kanila ang lahat matapos ng nangyaring sunog na nagpatupok sa kanilang mga ari-arian. Napalitan silang ibenta sa maliit na halaga ang malaking lupain upang may pagkunan na panggastos sa araw-araw nilang buhay na hindi rin nagtagal ay naubos na. " Kuya, ang taas ng lagnat ni Farah. Dalhin na po natin siya sa malapit na ospital. " Mangiyak-ngiyak na saad ng trese anyos na si Franco, karga ang bunsong kapatid na babaeng inaapoy ng lagnat. Malakas man ang buhos ng ulan, walang pagdadalawang isip nilang isinugod sa ospital ang bunsong si Farah na namumutla

    Last Updated : 2023-10-27
  • Isabella Flores   KABANATA 49

    " Salamat pero, hindi na, Catriona..." Unti-unting napawi ang ngiti sa mukha ni Catriona nang madinig ang tugon ni Isabella. " B-Bakit naman? Wala ka bang balak hanapin siya? " Nagtatakang tanong ni Catriona, hindi maitago ang pagkadismaya sa mukha niya. Dumaan ang lungkot sa mukha ni Isabella. " Hindi pa ako handang makita siya. H-Hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ko o mararamdaman ko kung sakaling magkita kaming dalawa. "Hindi agad nakakibo si Catriona, subalit habang pinagmamasdan niya ang ekspresyon ng mukha ni Isabella ay mabilis niyang naunawaan ang naging sagot nito. " Malaki ba ang galit mo sa kaniya? "Napayuko si Isabella at marahang umiling. " Sa loob ng maraming taon, hindi naman ako nakaramdam ng galit sa ginawa niyang pag-iwan saakin dito. "" Kung ganoon anong pumipigil sa'yo na hanapin siya? "" Takot. " Inangat ni Isabella ang ulo ubang salubungin ang tingin ni Catriona. " Natatakot akong harapin siya dahil hindi maalis sa isip ko na paano kung mayroon na siy

    Last Updated : 2023-10-28
  • Isabella Flores   KABANATA 50

    Halos kalahati ng sakahan ang tinupok ng apoy sa lupain ng Castellano. Mula sa pinaka una kung saan makikita ang mga bulaklak at halaman, umabot ito hanggang sa taniman ng mga kagulayan. Mabilis kumalat ang apoy, animo'y isang malaking ahas na sinisilaban ang bawat parte na kaniyang magapangan. Kinailangan ng maraming bombero mula sa iba't ibang lugar para sa mabilisang pag-apula ng apoy at hindi na madamay pa ang ilang parte ng malaking lupain ng Castellano. " Wala ng apoy sa dulo, Señor. Tanging usok na lang po ang naroon pero nakaantabay pa rin po ang dalawang truck ng bombero, " hayag ng isa sa mga trabahador ni Maximo, basang-basa ito mula ulo hanggang paa dahil sa pagtulong rumisponde sa sunog na patuloy pa ring inaapula. Dalawang oras na ang nakalilipas, ngunit natatanaw pa rin mula sa labas ang apoy mula sa loob ng sakahan. " Salamat, Mang Berto. Magpahinga muna po kayo rito sa labas, alam kong pagod na kayo. Hayaan niyo na ang mga bombero sa loob, " ani Maximo na sa kabila

    Last Updated : 2023-11-01
  • Isabella Flores   KABANATA 51

    Agosto 2003 Alas diyes ng umaga, mula sa mansyon ng Castellano ay may isang batang babae ang nakaupo sa duyan, masayang inuugoy ang sarili sa pamamagitan ng pagtulak ng kaniyang mga paa sa lupa. Bawat paghampas ng hangin sa kaniya ay siyang dahilan ng hagikhik niya dahil sa nararamdamang pagkalula at tuwa sa tuwing siya'y babagsak sa ibaba mula sa taas ng pagkakaduyan niya. " Samara! " Napatingin ang batang babae sa tumawag sa kaniya, agad napanguso nang makita ang tagapag-alaga niyang nagmamadaling tumungo sa kaniya. " Diyos kong bata ka, kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagsususuot? Bumama ka na riyan at baka mahulog ka pa! " Walang nagawa ang batang babae na nag ngangalang Samara kundi ang ihinto ang pag-duyan sa sarili bago iangat ang tingin sa kaniyang tagapag-alaga na si Manang Lani. " Yaya, nandiyan na po ba si Papa? " Umiling ito. " Wala pa ang Papa mo, pero naroon naman sa loob ang mga pinsan mo. Bakit hindi ka makipaglaro sa kanila? Mag-isa ka lang dito." Umuling i

    Last Updated : 2023-11-03
  • Isabella Flores   KABANATA 52

    " Malayo po ba ang pupuntahan natin? " tanong ng batang lalaki sa kaniyang ina na abalang ikinakandado ang pinto ng bahay nila. " Matagal po ba tayo doon nila Papa? "" Hindi ko pa sigurado, pero malaki ang posibilidad dahil kailangan nating asikasuhin ang Tita Frances mo, " sagot ng ina ng batang lalaki saka kinuha ang maletang dala niya nang masigurong naikandado na ang pinto ng bahay nila. " Dalawang oras mahigit ang magiging byahe natin sabi ng Papa mo kaya kailangang may baon tayong pagkain at inumin. Silipin mo nga ang dala mong bag at baka mamaya wala diyan 'yong baon natin. "" Nandito na po sa loob, Ma. Iyon po ang unang-una kong nilagay kanina sa bag ko bago po ako gumayak kanina. " Kumpiyansang sagot ng batang lalaki saka binuksan ang bag na sukbit niya upang ipakita ang isang baunan na may kanin at ulam sa loob. May dalawang baunan rin ng tubig para sa kanilang panulak. " Oh, mabuti at naabutan ko pa kayo ngayon. Akala ko'y nakaalis na kayo. " Napatingin ang mag-ina sa ka

    Last Updated : 2023-11-04
  • Isabella Flores   KABANATA 53

    Hindi na mabilang ni Leonardo kung makailang beses na siyang pabalik-balik ng tingin sa salaming nakasabit sa harapan ng kotse upang silipin si Maximo na tahimik na nakaupo sa likuran. Trenta minutos na silang buma-byahe pauwi ngunit nananatiling tikom ang bibig nito matapos mabitawan ang cellphone sa hindi malamang dahilan. Hindi malinaw kay Leonardo kung mayroon bang sinabi sa kabilang linya ang Señora na naging dahilan ng halo-halong emosyon na nakita niya kanina kay Maximo, subalit nababatid niya na iyon ang bumabagabag ngayon rito." Nakita ko si Isabella... " Napatingin muli si Leonardo sa salamin, hindi niya sigurado kung totoo bang narinig niyang nagsalita si Maximo o guni-guni niya lang kaya hindi siya agad nakasagot nang biglang magsalita ulit ito. " Nakita ko si Isabella sa plaza kanina, Leonardo. "" Nagpakita ho sainyo ang Señora Isabella? " may halong gulat na tanong ni Leonardo bago ibinalik ang tingin sa daan," Sa loob ng anim na taon, parang ngayon niyo lang po nabang

    Last Updated : 2023-11-07
  • Isabella Flores   KABANATA 54

    Ala sais pa lang ng umaga, gising na si Isabella upang magluto ng pagkaing ipapabaon kay Gael na pupunta ng ospital para makipagpalit kay Franco sa pababantay kay Frances. " Leonel, anak, pakibantayan muna saglit itong niluluto ko. Halu-haluhin mo na rin at kukuha lang ako ng okra sa bakuran, " ani Isabella nang ibaba sa mesa ang sandok. " Hahaluhin lang po ba, Ma? " Paniniguro ni Leonel saka hinila ang isang silya upang tuntungan ito at makita ang niluluto ng ina sa kalan de uling sa likuran ng bahay. " Ano po ba niluluto niyo? Isda? "" Sinigang na bangus, anak. Paborito ng Papa mo, " sagot ni Isabella, saglit na sinilip ang paraan ng paghalo ng anak sa niluluto niya bago ito iwanan para magtungo sa bakuran kung saan may mga pananim na gulay.Maganda ang sikat ng araw ngayon katulad kahapon, at dahil mahaba-haba ang naging pahinga ni Isabella, pakiramdam niya ay marami siyang lakas ngayon para kumilos at abalahin ang sarili sa pag-aasikaso ng mga gawaing bahay. " Ang lalaki ng bu

    Last Updated : 2023-11-12
  • Isabella Flores   KABANATA 55

    Tila nakadikit na ang mga mata ni Maximo sa palamuting nasa dingding ng opisina ng establisyementong kinaroronan niya ngayon. Animo'y hinihintay niya itong gumalaw, ngunit ang totoo ay kanina pa naglalakbay ang kaniyang isipan sa kawalan.Nasa Isabella's siya ngayon—ang tindahan na pagmamay-ari ni Isabella na bagamat anim na taon ng wala sa buhay ni Maximo, pinanatili niyang buhay ang negosyo. Sa loob ng anim na taon ay walang binago si Maximo sa tindahan, mula sa orihinal na sangkap at paraan na paggawa ng mga tsaa hanggang sa pagkakaayos ng mga bulaklak sa loob at labas ng tindahan. Walang inalis ngunit may mga kinailangang idagdag para hindi mapag-iwanan ng panahon at makasabay sa takbo at pagbabago sa mundo ng negosyo.Mula sa pagkakaupo ay tumayo si Maximo upang puntahan ang palamuti na kanina pa niya pinagmamasdan. Kinuha niya ang tabla kung saan nakaukit ang pangalan at logo ng establisyemento na pinasadya niya pa. Bitbit ang palamuti, inilipat ito ni Maximo sa istante, katabi

    Last Updated : 2023-11-14

Latest chapter

  • Isabella Flores   Author's Note:

    Maraming salamat po sa lahat ng mga sumuporta ng nobelang ito! Nawa'y nagustuhan niyo po ang buong kuwento at huwag pong mahihiya na mag iwan ng komento dahil natutuwa ako sa tuwing nakakabasa ng mga opinyon mula sainyo. Wala na pong susunod na kabanata. Hayaan na po nating makapagpahinga ang ating mga bida dahil masyado rin akong naging malupit sa kanila. Katunayan, kamuntikan ng maiba iyong wakas at mapunta sa trahedya iyong nobela. Mabuti na lang nakapag muni-muni pa ako at napagtantong masyado ng kawawa ang ating mga bida kung may papatayin akong isa sa kanila.Ayon lang, gusto ko lang naman ibahagi iyon sainyo dahil nanakit ang ulo ko kaiisip kung paano wawakasan ito, hehe. Muli, salamat po sainyong lahat! Suportahan niyo rin po ang iba kong storya at mga paparating pa. Hanggang sa muli!

  • Isabella Flores   WAKAS

    Mataas ang sikat ng araw nang makababa si Isabella mula sa kotse dala ang isang basket na may mga puting rosas. Iginala niya ang paningin sa paligid, tanghaling tapat ngunit marami-rami ngayon ang tao sa sementeryo. Karamihan sa mga nakikita niya ay isang pamilya na tahimik na nagku-kuwentuhan habang nakapalibot sa puntod na dinadalaw nila. " Madame, ako na ang magdadala ng basket. May kabigatan iyan." Napatingin si Isabella sa isang mataas at malaking babae na tumabi sa gilid niya habang may hawak na payong upang isilong siya. " Hindi na, Abi. Kayo ko namang bitbitin na 'to. " Nakangiting sagot ni Isabella sa kaniyang guwardiya na nag ngangalang Abigail. Ilang buwan na niya itong kasama ngunit hindi pa rin siya sanay sa presensya nito dahil ito na ang nagsisilbing anino niya sa tuwing siya'y lalabas ng mansyon. " Saka sasaglit lang naman ako kaya kahit dito mo na ako hintayin sa sasakyan." " Pero Madame..." Ngumiti si Isabella at inilahad ang kamay upang hingin ang payong na hawa

  • Isabella Flores   KABANATA 80 ( Huling parte )

    " Wala pa po ba sina Mama? Bakit po hindi natin sila kasama umuwi?" Naiinip na tanong ni Leonel sa lalaking naghatid sa kaniya pauwi ng mansyon. Kasalukuyan silang na sa hardin kung saan pinili ni Leonel na laruin ang mga bago niyang laruan." Mamaya lang ay nandito na sila, Señorito. Mayroon lang kailangan asikasuhin doon sa pinuntahan niyo kanina kaya hindi natin sila nakasabay umuwi. " Mahinahong sagot ng lalaki na may malaking katawan at naka-uniporme ng itim. Kagaya ng bilin ni Maximo, hindi dapat maalis sa kaniyang paningin ang bata kaya palagi siyang nakasunod dito saan man ito magpunta." Señorito? Hindi naman po 'yon pangalan ko. Ako po si Leonel. " Binitawan ni Leonel ang laruang sasakyan nang manawa sa paglalaro nang mag-isa. Inilibot niya ang tingin sa paligid at dumaan ito sa isang batang babae na nakasilip sa beranda. Namukhaan niya ito kaya agad niya itong nilapitan habang nakabuntot sa likuran ang guwardiya. " Gusto mo maglaro? "Nahihiyang umiling si Samara at umalis s

  • Isabella Flores   KABANATA 80 ( Unang parte )

    Alas kuwatro ng umaga nagising si Catriona mula sa hindi pamilyar na kuwarto habang katabi sa kama ang isang estranghero. Bumangon siya at kinuha ang panali niya sa buhok sa ibabaw ng lamesitang nasa gilid niya upang itali ang kaniyang magulong buhok. Bumaba siya sa kama, pinulot isa-isa ang mga damit niya upang isuot muli ang mga ito." Aalis ka na? Aga pa, ah? " Napalingon si Catriona sa likuran nang marinig ang boses ng lalaki. Nakangisi ito sa kaniya habang kinakamot-kamot ang malaki nitong tiyan. " Mahiga ka pa dito at baka pagod ka pa. Hindi naman kita pinapaalis kaagad kaya walang rason para magmadali ka."" Isang gabi lang ang usapan natin, 'di ba? " Paalala ni Catriona habang isinusuot ang pantalon niya." Nasaan na pala 'yong baril na binili ko? Baka magkalimutan tayo. "Tamad na bumangon ang lalaki sa kama na walang kahit na anong saplot sa katawan upang buksan ang kabinet na nasa silid at kuhanin ang rebolber na binili sa kaniya ni Catriona. " Alam mo ba kung paano gumamit n

  • Isabella Flores   KABANATA 79

    Tulalang nakatingin si Isabella sa bumungad sa kaniya sa aparador nang buksan niya ito para ilagay ang mga dala niyang gamit. Karmihan ngayon sa mga nakikita niyang nakasampay ay halatang bago habang ang iba ay ang mga pamilyar na damit na pagmamay-ari niya anim na taon na ang nakararan. " Hindi niya itinapon..." wala sa sariling sambit ni Isabella, pinagmamasdan 'yong dalawang bulaklaking bestida na paborito niyang sinusuot noon na ngayon ay na sa harapan niya. Napahawak siya sa dibdib dahil tila may humaplos dito bagay na kinainit ng dalawa niyang mga mata kaya bago pa siya muling maiyak ay kumilos na siya at inilagay na ang dalang damit sa aparador na para sa kaniya. Bago isarado, kumuha muna siya ng pamalit pantulog at dumiretso sa banyo para maglinis ng katawan. Alas nuebe na ng gabi, si Maximo ay nasa kuwarto ni Leonel at tinutulungan itong ayusin ang 'sangkatutak na laruan na nakakalat ngayon sa kuwarto. Iniwanan ni Isabella ang mag-ama para magkaroon ito kahit sandaling oras

  • Isabella Flores   KABANATA 78

    Hindi alam ni Isabella kung tama ba ang ginagawa niya dahil sa bawat paglagay niya ng mga damit sa maletang nasa harap niya, siya ring bigat ng dibdib niya dahilan para mahirapan siyang huminga. Sandali siyang huminto sa ginagawa para punasan ang luhang lumalandas sa kaniyang pisngi at kumuha ulit nang lakas nang loob sa pamamagitan ng paghinga nang malalim." Mama..." Napalingon si Isabella sa likuran nang madinig ang boses ng anak na kanina pa gising at pinanonood ang ginagawa ng ina. Naupo mula sa pagkakahiga si Leonel at kinusot-kusot ang mata habang nakatingin sa maleta. " Ano po ginagawa niyo, Ma? Aalis po ba tayo? "Inalis ni Isabella ang tingin sa anak at pasimpleng pinunasan ang luha sa pisngi niya bago siya lumapit sa kama at maupo sa gilid ni Leonel. " Anak, kagigising mo lang? Kumusta...kumusta ang tulog mo? "" Kanina pa po ako gising. Ngayon lang po ako bumangon, " ani Leonel saka nilipat ang tingin sa maleta. " Uuwi na po ba tayo saatin? Nasaan po si Papa? May pangingi

  • Isabella Flores   KABANATA 77

    Makapal na usok ng sigrilyo ang kumawala sa bibig ni Gael na kasalukuyang nakaupo sa dulo ng padulasan sa parke. Halos wala ng tao sa kalsada dahil alas nuebe na ng gabi at ang tanging ingay na naririnig niya ay mula sa isang tindero ng balot na nakatambay sa isang kanto malapit sa parke kung nasaan siya." Nagmamakaawa na ako, Gael. Hayaan mo na kaming bumalik kay Maximo..." hindi na mabilang ni Gael kung makailang beses na niyang naririnig sa isip niya ang boses ni Isabella. Nagmakaawa man ito at nakiusap sa kaniya na palayain na sila, hindi iyon tumalab kay Gael na desididong hindi isauli ang mag-ina sa totoo nitong pamilya.Bumalik man ang mga alaalang nawala kay Isabella, hindi iyon sapat na rason kay Gael para agad na bitawan ang pamilyang mayroon siya. Anim na taon niyang nakasama sa iisang bubong si Isabella at kaniyang ibinuhos rito ang pagmamahal niya. Ipinakita niya na karapatdapat siyang asawa at ama sa batang hindi man kaniya ay ibinigay pa rin niya nang buong-buo ang sar

  • Isabella Flores   KABANATA 76

    " Regina, sandali, mag-usap na muna tayo. Huwag namang ganito..." Pagmamakaawa ni Matias sa asawa na ngayo'y abala sa pagkuha ng mga damit sa parador nila para ilagay sa inihandang maleta." Regina, pakiusap huminahon ka na muna. Alam kong galit ka pero mag-usap muna tayo. Hayaan mo akong magpaliwanag—"" Hindi ko na kailangan ng kahit na anong paliwanag, Matias! Niloko mo ako—niloko mo kami ng mga anak mo! " Pabagsak na ibinaba ni Regina ang mga damit sa kama niya nang mawalan siya ng lakas. Nanginginig siya sa galit, subalit hindi iyon hadlang para ihinto niya ang ginagawang pag-iimpake ng mga gamit niya. " Hindi ko akalaing magagawa mo saamin 'to, Matias. Talagang iyong asawa pa ng kapatid mo ang tinira mo? Diyos ko, ni hindi mo man lang inisip si Maximo? Ang daming naitulong saatin ng kapatid mo, tapos ito ang igaganti mo?! "" Regina, nagkakamali ka. Walang kahit na anong namamagitan saamin ni Catriona! " Depensa ni Matias. " Si Samara, oo saakin siya pero parte lang siya noong ka

  • Isabella Flores   KABANATA 75

    Pabagsak na napaupo si Frances sa ibabaw ng kaniyang kama nang mabawi niya ang brasong hawak ni Gael. Nalaglag sa sahig ang saklay at laking gulat niya nang sipain ito palayo ni Gael dahilan para lalong sumama ang loob niya." Frances, alam mo hindi ko na mabasa ang ugali mo. Bakit ba nagkakaganiyan ka? Saating dalawa, ikaw ang hindi ko na makilala! " May gigil na wika ni Gael, nanlilisik pa rin ang mga matang nakatingin sa kapatid. " Bakit mo ginawa 'yon? Bakit mo siya tinawag sa pangalan na 'yon? "" Bakit hindi? Totoong pangalan naman niya 'yon, hindi ba? " Sarkastikong tanong pabalik ni Frances, sinubukang umayos ng pagkakaupo sa kama niya nang mapatungan ng kaniyang kamay ang kahon ng sapatos na nasa likuran niya rason para bumuhal ito at lumitaw ang mga bagay na nasa loob kasama ang libo-libong perang nanggaling sa Castellano." Saan galing ang mga 'yan? " Gulat at pagtatakang tanong ni Gael. Mabilis namang kumilos si Frances para ligpitin ito at muling mailagay sa sobre pero ma

DMCA.com Protection Status