Tila nakadikit na ang mga mata ni Maximo sa palamuting nasa dingding ng opisina ng establisyementong kinaroronan niya ngayon. Animo'y hinihintay niya itong gumalaw, ngunit ang totoo ay kanina pa naglalakbay ang kaniyang isipan sa kawalan.Nasa Isabella's siya ngayon—ang tindahan na pagmamay-ari ni Isabella na bagamat anim na taon ng wala sa buhay ni Maximo, pinanatili niyang buhay ang negosyo. Sa loob ng anim na taon ay walang binago si Maximo sa tindahan, mula sa orihinal na sangkap at paraan na paggawa ng mga tsaa hanggang sa pagkakaayos ng mga bulaklak sa loob at labas ng tindahan. Walang inalis ngunit may mga kinailangang idagdag para hindi mapag-iwanan ng panahon at makasabay sa takbo at pagbabago sa mundo ng negosyo.Mula sa pagkakaupo ay tumayo si Maximo upang puntahan ang palamuti na kanina pa niya pinagmamasdan. Kinuha niya ang tabla kung saan nakaukit ang pangalan at logo ng establisyemento na pinasadya niya pa. Bitbit ang palamuti, inilipat ito ni Maximo sa istante, katabi
Kasalukuyang naglalakad si Maximo sa isang kalye kasama ang batang lalaki na nakilala niya sa kalsada. Palinga-linga ito sa daan, hinahanap kung saan nakatirik ang bahay na tinutuluyan. Hindi maunawaan ni Maximo ang sarili kung bakit siya nag-abalang samahan ang paslit gayong may sarili siyang lakad na kailangan asikasuhin bago lumubog ang araw.“ Dito po kami hinabol ng aso kanina,” ani Leonel habang nakaturo ang hintuturo sa isang bahay na kanilang madadaanan. “ Marami pong aso dito baka habulin po tayo. ““ Hindi tayo hahabulin kung hindi tayo tatakbo, “ sagot ni Maximo at kasunod noon ang sunod-sunod na kahol ng mga aso mula sa bakuran ng bahay na itinuro ni Leonel. Naglabasan roon ang tatlong aso na patuloy sa pag-iingay habang sinusundan sila at inaamoy-amoy. Tumingin si Maximo sa batang kasama niya nang mabilis itong kumapit sa sinturon niya. “ Kakagatin po ako…” anito, takot na takot sa asong tumigil nga sa pagkahol, hindi naman ito huminto sa pagsunod sa kanila habang kumak
" Mahal, mauna na 'ko, " paalam ni Gael bago patakan ng halik sa labi si Isabella na inihatid siya sa labas ng pintuan ng bahay. " Kita na lang tayo mamaya. " Tumango si Isabella. " Ingat sa byahe, ha? Iyong pagkain niyo ni Frances, nasa loob na ng bag. Doblehin ang pag-iingat at marami 'yong sabaw ng sinigang. Baka tumapon. " Nakangising napailing si Gael. " Ang akala ko ba naman ako ang sinasabihan mong mag-ingat. Iyong ulam pala. " Bumungisngis si Isabela, binalak tugunan ang sinabi ng asawa nang bigla siyang makaramdam ng kirot sa sentido dahilan para siya'y manahimik sandali at mariing napapikit. " Diana, ayos ka lang? " Agad inalalayan ni Gael si Isabella nang mapakaipit ito sa pintuan. " Anong problema? Nahihilo ka ba? Sumasakit ang ulo mo?" " Bigla lang kumirot 'yong sentido ko...pero ayos na 'ko. " Napahawak si Isabella sa kaniyang noo, pinakikiramdaman ang sarili bago iangat ang tingin kay Gael. " Sige na, lumaka ka na. Ayos lang ako, huwag kang mag-alala. " Kita ang p
“ Ma, nagugutom ako. Gusto ko ng maruya…” Nakangusong panlalmbing ni Leonel sa kaniyang ina na kasalukuyang nakaupo sa sopa na nasa salas. “ Mayroon pong tinda no’n sa labas natin sa may kabilang kanto. ““ Anak, hindi ba’t nangako ka saakin kahapon na hindi ka na lalabas? ” ani Isabella saka hininaan ang telebisyon bago harapin ang bata. “ Nagsilbing aral na ‘yong nangyari satin kahapon kaya huwag na tayong sumuway pa sa bilin ng Papa mo. ““ Pero hindi naman po ako sasama sainyo. Kayo na lang po lalabas, hintayin ko na lang kayo rito bumalik sa bahay, “ katwiran ni Leonel, “ Saglit lang naman po bibili, eh. Hindi po ba paborito niyo ring kainin iyon? Iyon po madalas natin bilhin saatin saka ‘yong kutsinta na binibenta ni Aling Mimi. “Hindi agad nakapagsalita si Isabella na aminadong natakam sa pagkaing binaggit ni Leonel. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sopa at kinuha ang pitaka niya na nasa ibabaw ng aparador. Inangat niya sandali ang tingin sa orasan bago ibaling ang tingin sa
Hindi na mabilang ni Isabella kung makailang ulit siyang nagpapabaling-baling sa kama sa paghahanap ng puwestong makakatulog siya. Patay na ang ilaw sa loob ng kabahayan, tanging ilaw na lamang mula sa labas ang nagbibigay liwanag sa madilim na kuwarto kung saan magkakatabing natutulog sina Isabella, Leonel at si Gael na nasa kabilang dulo naman ng kama.Marahang bumangon si Isabella mula sa pagkakahiga habang nakatigin sa kawalan. Hindi siya mapakali, pakiramdam niya ay mayroon siyang nalimutang gawin na anumang pilit niyang alalahanin ay hindi niya magawa kaya nagpasya siyang lumabas ng kuwarto at magtungo sa salas. Ilang minuto siyang nakatayo lang, binabalikan muli ang engkwentro niya sa misteryosong lalaki at sa ginang na nagbigay ng halo-halong emosyon sa kaniya." Ano ba, Diana? Ano bang nangyayari sa'yo?" Tinapik-tapik ni Isabella ang magkabilang pisngi saka binuksan ang ilaw sa salas para tumungo sa kusina at kumuha ng isang baso ng tubig. Umaapaw pa rin ang emosyon niya, hir
Walang mapaglagyan ang tuwa ni Catriona nang matanggap na niya ang unang kopya ng kaniyang ika-apat na libro. May kalakihan na ito kumpara sa mga nauna niyang inilimbag at may katigasan rin ang pabalat ng libro na hindi basta-basta maitutupi." Congrats po ulit, Madame Catriona. Hindi na po ako makapaghintay na mailabas ang bagong libro niyo na tiyak dudumugin na naman ng mga taga-hanga niyo. " Nakangiting sabi ng isa sa mga empleyado ng kompanyang naglilimbag ng mga libro. " At sa katunayann nga po, isa ako sa mga nag-aabang na magkaroon ng kopya dahil sobra po akong hanga sa galing niyong sumulat. Ang dami ko pong nakukuhang aral at inspirasyon sa buhay kada binabasa ko ang akda niyo, Madame."Lalong lumaki ang ulo ni Catriona sa narinig ngunit hindi niya pinahalata ang kagalakang nararamdaman at taas-noong ngumiti sa empleyadong kaharap niya. " Salamat kung ganoon. Nakakatuwa naman dahil nagagawa ko pala talagang haplusin ang mga puso ng tao sa pamamagitan ng mga isinusulat ko.""
" Aalis ka? " Nakataas na kilay na tanong ni Catriona nang makita ang pagdiretso ni Maximo sa sasakyang kalalabas lamang mula sa garahe ng mansyon. " Kauuwi lang natin. Hindi ka pa nga nakakaapak sa loob, aalis ka ulit?"" May kailangan akong asikasuhin." Matipid na sagot ni Maximo nang buksan ang pinto ng sasakyan at agad na pumasok sa loob. Isasara na niya ang pinto nang pigilan ito ni Catriona na may nanghihinalang mga mata." Saan ang punta mo? Sabi ni Leonardo, wala ka naman ng mga meetings ngayong araw. " Napabuga sa hangin si Maximo bago tumingin sa likuran ni Catriona upang silipin kung naroon pa si Samara pero nang makita niyang naglalakad na ito papasok sa mansyon kasama ang tagapag-alaga nito, binalik niya ang tingin kay Catriona. " Kung pupunta ba ako sa impyerno sasama ka? "Gumuhit ang pagtataka sa mukha nito. " Maximo—"Puwersahang isinara ni Maximo ang pinto dahilan para mapabitaw si Catriona at mapaatras nang umandar na ang kotse papalayo sa kaniya. Pigil ang inis ni
Hindi malaman ni Isabella kung paaano kauusapin si Gael, ramdam na ramdam niya ang lamig ng pakikitungo nito sa kaniya magmula pa kanina at alam niyang wala siyang karapatang magalit o mag reklamo dahil may kasalanan siya. Mabigat sa loob niya ang nangyaring pagtatalo na sinamahan pa ng konsensya dahil palaging sumisingit sa isip niya ang lalaking nakausap kanina sa parke. Hindi maunawaan ni Isabella ang nangyayari sa kaniya dahil tila hindi magkasundo ang isip at puso niya sa kung ano ba ang dapat na pagtuunan niya ng pansin ngayon.“ Mama? “ Nilingon ni Isabella ang anak niyang kumakalabit sa kaniya habang siya’y abala sa paghuhugas ng mga pinagkainan nila sa lababo. “ Inaatok na po ako, Ma. Punta na po ako sa kuwarto? ““ Nakapagsipilyo ka na ba? “ Tumango-tango naman si Leonel sa tanong ng ina sabay pakita ng ngipin niya. Pinatay ni Isabella ang gripo at idampi ang basang kamay sa tuwalyang nakasabit sa gilid ng lababo habang tila may hinahanap sa salas. “ Ang Papa mo? Nasaan? “