Walang mapaglagyan ang tuwa ni Catriona nang matanggap na niya ang unang kopya ng kaniyang ika-apat na libro. May kalakihan na ito kumpara sa mga nauna niyang inilimbag at may katigasan rin ang pabalat ng libro na hindi basta-basta maitutupi." Congrats po ulit, Madame Catriona. Hindi na po ako makapaghintay na mailabas ang bagong libro niyo na tiyak dudumugin na naman ng mga taga-hanga niyo. " Nakangiting sabi ng isa sa mga empleyado ng kompanyang naglilimbag ng mga libro. " At sa katunayann nga po, isa ako sa mga nag-aabang na magkaroon ng kopya dahil sobra po akong hanga sa galing niyong sumulat. Ang dami ko pong nakukuhang aral at inspirasyon sa buhay kada binabasa ko ang akda niyo, Madame."Lalong lumaki ang ulo ni Catriona sa narinig ngunit hindi niya pinahalata ang kagalakang nararamdaman at taas-noong ngumiti sa empleyadong kaharap niya. " Salamat kung ganoon. Nakakatuwa naman dahil nagagawa ko pala talagang haplusin ang mga puso ng tao sa pamamagitan ng mga isinusulat ko.""
" Aalis ka? " Nakataas na kilay na tanong ni Catriona nang makita ang pagdiretso ni Maximo sa sasakyang kalalabas lamang mula sa garahe ng mansyon. " Kauuwi lang natin. Hindi ka pa nga nakakaapak sa loob, aalis ka ulit?"" May kailangan akong asikasuhin." Matipid na sagot ni Maximo nang buksan ang pinto ng sasakyan at agad na pumasok sa loob. Isasara na niya ang pinto nang pigilan ito ni Catriona na may nanghihinalang mga mata." Saan ang punta mo? Sabi ni Leonardo, wala ka naman ng mga meetings ngayong araw. " Napabuga sa hangin si Maximo bago tumingin sa likuran ni Catriona upang silipin kung naroon pa si Samara pero nang makita niyang naglalakad na ito papasok sa mansyon kasama ang tagapag-alaga nito, binalik niya ang tingin kay Catriona. " Kung pupunta ba ako sa impyerno sasama ka? "Gumuhit ang pagtataka sa mukha nito. " Maximo—"Puwersahang isinara ni Maximo ang pinto dahilan para mapabitaw si Catriona at mapaatras nang umandar na ang kotse papalayo sa kaniya. Pigil ang inis ni
Hindi malaman ni Isabella kung paaano kauusapin si Gael, ramdam na ramdam niya ang lamig ng pakikitungo nito sa kaniya magmula pa kanina at alam niyang wala siyang karapatang magalit o mag reklamo dahil may kasalanan siya. Mabigat sa loob niya ang nangyaring pagtatalo na sinamahan pa ng konsensya dahil palaging sumisingit sa isip niya ang lalaking nakausap kanina sa parke. Hindi maunawaan ni Isabella ang nangyayari sa kaniya dahil tila hindi magkasundo ang isip at puso niya sa kung ano ba ang dapat na pagtuunan niya ng pansin ngayon.“ Mama? “ Nilingon ni Isabella ang anak niyang kumakalabit sa kaniya habang siya’y abala sa paghuhugas ng mga pinagkainan nila sa lababo. “ Inaatok na po ako, Ma. Punta na po ako sa kuwarto? ““ Nakapagsipilyo ka na ba? “ Tumango-tango naman si Leonel sa tanong ng ina sabay pakita ng ngipin niya. Pinatay ni Isabella ang gripo at idampi ang basang kamay sa tuwalyang nakasabit sa gilid ng lababo habang tila may hinahanap sa salas. “ Ang Papa mo? Nasaan? “
" Dito po tayo sasakay, Pa? " Sabik na nilapitan ni Leonel ang isang pulang padyak na nasa labas ng bakuran ng bahay. Mayroon itong bubungan at ang bisikleta ay nasa harapan na tila ba isang kalesa kung titignan. Nirentahan ito ni Gael ng dalawang oras mula sa isang tindahan upang makapaglibot sila sa bayan bago umuwi sa susunod na linggo. " Puwede po ba ako sumubok mag bisikleta? Kaya ko po ito! "" Hindi mo kaya 'yan, Leonel. Masyadong malaki at mabigat sa'yo ang pedicab, " ani Isabella na kalalabas lamang ng bahay, suot ang isang itim na sumbrero na pinasuot sa kaniya ni Gael." Halika na? " Nilahad ni Gael ang kamay kay Isabella upang yayain itong sumakay sa padyak na kanilang gagamitin sa paglilibot sa bayan kagaya ng ipinangako ni Gael sa mag-ina." Kakayanin mo ba kami ni Leonel? Baka sumakit ang mga binti mo, ha? " Biro ni Isabella bago tanggapin ang kamay ni Gael na inalalayan siyang sumakay sa likuran ng padyak. Maingat na naupo si Isabella, ganoon rin si Leonel na hindi na
" Buntisin mo 'ko. " ang eksaktong salitang binitiwan ni Catriona sa harap mismo ng nakatatandang kapatid ni Maximo na si Matias. Makikita sa mukha ng dalaga ang pagiging desperada na bagamat walang kasiguraduhan kung may patutunguhan ang plano niya, nais niya pa ring sumugal sa abot ng kaniyag makakaya. " Kailangan ng bagong pamilya ng kapatid niyo, Señor Matias. Gusto niyo bang magluksa na lang siya habangbuhay dahil sa pagmatay ng kaniyang asawa? Isang taon na ang nakakalipas pero halos walang pagbabago sa Señor Maximo. Hindi ba kayo naaawa sa kaniya? "Hindi malaman ni Matias ang dapat niyang sabihin dahil sa labis na pagkabigla sa sinabi ng isa sa mga kasambahay ng mansyon na si Catriona. Wala ng paligoy-ligoy, tila ba matagal itong ikinimkim sa loob kaya ganoon na lamang ito kabilis ilabas ng bibig." Talagang hinarang mo ako dito para sabihin 'yan? " hindi makapaniwalang saad ni Matias, inilibot ang tingin sa paligid ng mansyon upang silipin kung may ibang taong nakarinig sa si
Isang nakabibinging katahimikan ang namayani sa apat na sulok ng silid matapos ng hindi planadong komprontasyon sa pagitan ng magkapatid na Castellano. Hindi sa ganitong paraan at sitwasyon balak ni Maximo tanungin si Matias tungkol kay Samara subalit dala ng mga salitang binibitawan nito, iyon ang umudyok sa kaniya para buksan ang katotohanan at tuluyang putulin ang kasinungalingan. Noon pa man ay may pagdududa na si Maximo tungkol sa bata. Sa loob ng limang taon, wala siyang maramdamam koneksyon kay Samara ngunit hindi niya iyon masyadong pinagtuunan ng pansin dahil buong akala niya hindi lang niya magawang tanggapin ang realidad na sa ibang tao siya nakabuo ng isang pamilya. Akala niya nahihirapan lang siya magpaka-ama sa batang bunga ng pagkakamali niya, pero iba maglaro ang tadhana dahil ang nakatatandang kapatid pala niya ang ama ng batang inaakala niyang anak niya.Mariing napapikit si Maximo, humugot nang malalim na hininga upang pigilan ang paglabas ng emosyon niya. Namamanh
Hindi mahanap ni Isabella ang angkop na salita sa nararamdaman niya habang nakatingin sa harap ng establisyementong may pangalang Isabella's. Nagwawala ang puso niya, tila ba hindi ito makapaghintay na pumasok siya sa loob ng tindahang may pangungulilang binibigay sa kaniya." Puwede kang pumasok sa loob, " wika ni Maximo na ang mga tingin ay nakapako na sa babaeng nasa tabi niya magmula nang iparada niya ang sasakyan sa bakanteng lote ng tindahan. Araw ng linggo kalimitan napupuno ng mga parokyano ang establisyemento, subalit ngayon ay tahimik ang paligid dahil sila lamang ngayon ang tao. " Guto mo bang bumaba na? "Napalunok si Isabella at saglit na inalis ang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan. " B-Bakit dito niyo 'ko dinala? "Napasandal si Maximo sa kinauupuan at dumalas pababa ang kamay sa manibela. " Gustuhin man kitang dalhin sa mansyon, hindi ko ginawa dahil baka hindi ako makatupad sa pangako. "Nagsalubong ang kilay ni Isabella na tumingin kay Maximo. " Ano'ng ibig ni
" Pasensya na, pero hindi ko kayang talikuran ang buhay na mayroon ako ngayon nang dahil lang sa mga sinabi niyo. " Hindi na mabilang ni Maximo kung makailang beses na niyang naririnig sa isip niya ang huling katagang sinabi ni isabella bago siya nito iwanan sa tindahan. Hindi sa ganoong paraan niya nais matapos ang usapan nila ngunit wala siyang nagawa para ito'y ayusin dahil hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong habulin ito kanina sa takot na baka sundan siya ni Catriona na simula't sapul pa lang ay hindi na nya pinagkakatiwalaan. Tiim-bagang na sinandal ni Maximo ang ulo sa sandalan ng kaniyang inuupuan sa loob ng kotse. Kalahating oras magmula nang makarating siya sa mansyon pero hindi pa siya bumababa ng sasakyan. Wala siyang lakas na kumilos dahil sa bigat sa kaniyang dibdib. Sa kabila ng pag-asang nakikita, naroon ang pangamba na baka yakapin na ng tuluyan ni Isabella ang buhay na mayroon ito ngayon bagay na kinakatakutan niyang mangyari.Napalingon si Maximo nang may kumato