Isang nakabibinging katahimikan ang namayani sa apat na sulok ng silid matapos ng hindi planadong komprontasyon sa pagitan ng magkapatid na Castellano. Hindi sa ganitong paraan at sitwasyon balak ni Maximo tanungin si Matias tungkol kay Samara subalit dala ng mga salitang binibitawan nito, iyon ang umudyok sa kaniya para buksan ang katotohanan at tuluyang putulin ang kasinungalingan. Noon pa man ay may pagdududa na si Maximo tungkol sa bata. Sa loob ng limang taon, wala siyang maramdamam koneksyon kay Samara ngunit hindi niya iyon masyadong pinagtuunan ng pansin dahil buong akala niya hindi lang niya magawang tanggapin ang realidad na sa ibang tao siya nakabuo ng isang pamilya. Akala niya nahihirapan lang siya magpaka-ama sa batang bunga ng pagkakamali niya, pero iba maglaro ang tadhana dahil ang nakatatandang kapatid pala niya ang ama ng batang inaakala niyang anak niya.Mariing napapikit si Maximo, humugot nang malalim na hininga upang pigilan ang paglabas ng emosyon niya. Namamanh
Hindi mahanap ni Isabella ang angkop na salita sa nararamdaman niya habang nakatingin sa harap ng establisyementong may pangalang Isabella's. Nagwawala ang puso niya, tila ba hindi ito makapaghintay na pumasok siya sa loob ng tindahang may pangungulilang binibigay sa kaniya." Puwede kang pumasok sa loob, " wika ni Maximo na ang mga tingin ay nakapako na sa babaeng nasa tabi niya magmula nang iparada niya ang sasakyan sa bakanteng lote ng tindahan. Araw ng linggo kalimitan napupuno ng mga parokyano ang establisyemento, subalit ngayon ay tahimik ang paligid dahil sila lamang ngayon ang tao. " Guto mo bang bumaba na? "Napalunok si Isabella at saglit na inalis ang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan. " B-Bakit dito niyo 'ko dinala? "Napasandal si Maximo sa kinauupuan at dumalas pababa ang kamay sa manibela. " Gustuhin man kitang dalhin sa mansyon, hindi ko ginawa dahil baka hindi ako makatupad sa pangako. "Nagsalubong ang kilay ni Isabella na tumingin kay Maximo. " Ano'ng ibig ni
" Pasensya na, pero hindi ko kayang talikuran ang buhay na mayroon ako ngayon nang dahil lang sa mga sinabi niyo. " Hindi na mabilang ni Maximo kung makailang beses na niyang naririnig sa isip niya ang huling katagang sinabi ni isabella bago siya nito iwanan sa tindahan. Hindi sa ganoong paraan niya nais matapos ang usapan nila ngunit wala siyang nagawa para ito'y ayusin dahil hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong habulin ito kanina sa takot na baka sundan siya ni Catriona na simula't sapul pa lang ay hindi na nya pinagkakatiwalaan. Tiim-bagang na sinandal ni Maximo ang ulo sa sandalan ng kaniyang inuupuan sa loob ng kotse. Kalahating oras magmula nang makarating siya sa mansyon pero hindi pa siya bumababa ng sasakyan. Wala siyang lakas na kumilos dahil sa bigat sa kaniyang dibdib. Sa kabila ng pag-asang nakikita, naroon ang pangamba na baka yakapin na ng tuluyan ni Isabella ang buhay na mayroon ito ngayon bagay na kinakatakutan niyang mangyari.Napalingon si Maximo nang may kumato
" Hindi ko po siya nakilala, " may pagdadalawang isip na sagot ni Gael nang alisin ang tingin sa litrato. " Pasensya na po. "" Ganoon ba? " Bakas ang kabiguan sa mukha ng ginang sa narinig bagay na kinabigat ng dibdib ni Gael dahil sa pagsisinungaling niya sa maaaring ina ni Isabella. " G-Gaano niyo po ba siya katagal ng hinahanap? " tanong ni Gael. " Mukha po kasing mahihirapan talaga kayo sa paghahanap dahil lumang larawan na po ang hawak niyo. Sa halos tatlong dekada po na nakalipas, paniguradong marami na rin pong nabago sa hitsura ng anak niyo. "Marahan itong tumango. " Alam ko naman ang bagay na iyan pero ito lang kasi talaga ang pag-asa ko para mahanap ang kaisa-isa kong anak na labis kong pinagsisisihan na iniwanan ko sa podèr ng ama niya. Akala ko kasi doon mapapabuti ang kalagayan niya dahil maganda ang buhay ng ama niya pero isang malaking pagkakamali pala ang ginawa kong 'yon."Mariing napalunok si Gael. Nagtatalo ang kaniyang isipan kung dapat bang tulungan ang ginang
Isang iyak ng bata ang nagpagising kay Frances na tumatagaktak ang pawis at hinihingal na nababangon sa kama. Nanginginig ang kamay niyang hinawakan ang tiyan, bakas ang takot sa mukha dahil sa panaginip tungkol sa umiiyak na bata." Hindi, wala lang 'yon, Frances. Kailangan mong kumalma. Kailangan mong kumalma..." Paulit-ulit na bigkas ni Frances, sinasabayan ng marahang paghinga para pakalmahin ang sarili na inabot ng ilang minuto bago tumigil ang panginginig ng kaniyang kamay at bumalik sa normal ang kabog ng dibdib niya. Hindi na mabilang ni Frances kung makailang beses na siyang nananaginip tungkol sa isang sanggol na madalas ay umiiyak sa bisig niya. Durog ang puso niya sa tuwing gumigising mula sa isang eksena kung saan may hinehele siyang sanggol na panay ang iyak ngunit kahit na anong gawin niyang pagpapatahan ay walag epekto hanggang sa palakas nang palakas ang iyak ng bata at doon siya magigising na puno ng takot at pakabigo. Nababatid ni Frances na hindi siya patatahimik
Hindi magawang tumingin nang diretso ni Isabella sa lalaking nakaupo sa mahabang sopa sa harap niya, habang siya'y nakatayo sa likuran ng pang-isahang sopa, abala sa pagkutkot ang isa niyang hinlalaki sa kaliwang kuko ng kaniya ring hinlalaki na sinabayan niya ng pag-iisip kung tama ba ang ginawa niyang pagpapapasok sa lalaking minsan niyang hiniling na hindi na sana magtagpo ang landas nila. " Hndi ka ba mauupo? " tanong ni Maximo, batid ang pag-aalinlangan sa mukha ni Isabella dahil simula nang pumasok siya sa loob ay hindi na siya nito magawang tignan sa mata. " H-Hindi na. Sabihin niyo na lang kung ano ang gusto niyong sabihin. " Saglit na dinaanan ng tingin ni Isabella si Maximo bago ibalik ang atensyon sa dulo ng kaniyang kuko na may dugo na sa loob dahilan para ihinto niya ang ginagawa. Tumayo si Maximo at naglakad palapit kay Isabella para kuhanin ang kaliwa nitong kamay. Nakita niya ang kalagayan ng kuko sa hinlalaki nito na bago pa man niya bigyan ng komento ay mabilis bi
Marahang ipinarada ni Maximo ang kotse sa garahe ng mansyon nang siya'y makauwi. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinawalan niya bago niya napagpasyahang bumaba. Dire-diretso siyang lumakad, hindi na nagawang pansinin ang presensya ng mga kasambahay na nakasalubong niya sa pagpasok dahil pumanhik agad siya sa taas para makapagpahinga. Wala sa plano niya ngayon ang makipag-usap sa kahit na sino ngunit napahinto siya sa paglalakad sa pasilyo nang makita si Catriona." N-Nandito ka na pala..." Nakangiting pagbati ni Catriona na nakasuot na ng manipis na pantulog. Nakaladlad ang mahaba at makintab nitong buhok habang humahalimuyak ang pabango nitong maihahalintulad sa banilya. " Napagabi ka yata ng uwi? Marami bang trabaho sa farm? "Walang buhay na inalis ni Maximo ang tingin sa babae saka siya nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kuwarto habang isa-isang inaalis ang butones ng suot niyang polo. Hinubad niya ito at binuksan ang aparador para kumuha ng damit pamalit. Naramdaman ni
" Akala ko hindi ka na darating, " sa kaswal na pagkakabati ni Maximo kay Gael, aakalain ng iba'y magkaibigan ang dalawa na matagal hindi nagkita. " Sa wakas nagkaharap ulit tayo, Guerra. Plano mo ba ulit tumakas? " Hindi alam ni Gael kung ano ang hitsura ng mukha niya ngayon dahil pinipigilan niyang maglabas ng emosyon sa harap ng taong kinamumuhian niya. Ayaw niyang magpakita ng takot kahit namumuo na ang pawis sa sentido niya. Nilalamon siya ng kaba pero nanatli siya sa tindig na hindi paghihinalaan ng nasa harap niya." Hindi ko alam ang sinasabi niyo, " sagot ni Gael, " Bakit ko kailangan tumakas mula sainyo, Señor Maximo? "" Bakit nga ba? " tanong pabalik ni Maximo. " Bakit nga ba magsasayang pa ng oras tumakas ang isang kriminal kung alam niya sa sariling wala na siyang tatakbuhan pa? "Hindi nagawang magsalita ni Gael. Sa halip, pasimple niyang inilibot ang paningin sa terminal ng mga bus at napansin na may ilang mga matang nakamasid sa kinatatayuan niya. Agad siyang nangamb