" Akala ko hindi ka na darating, " sa kaswal na pagkakabati ni Maximo kay Gael, aakalain ng iba'y magkaibigan ang dalawa na matagal hindi nagkita. " Sa wakas nagkaharap ulit tayo, Guerra. Plano mo ba ulit tumakas? " Hindi alam ni Gael kung ano ang hitsura ng mukha niya ngayon dahil pinipigilan niyang maglabas ng emosyon sa harap ng taong kinamumuhian niya. Ayaw niyang magpakita ng takot kahit namumuo na ang pawis sa sentido niya. Nilalamon siya ng kaba pero nanatli siya sa tindig na hindi paghihinalaan ng nasa harap niya." Hindi ko alam ang sinasabi niyo, " sagot ni Gael, " Bakit ko kailangan tumakas mula sainyo, Señor Maximo? "" Bakit nga ba? " tanong pabalik ni Maximo. " Bakit nga ba magsasayang pa ng oras tumakas ang isang kriminal kung alam niya sa sariling wala na siyang tatakbuhan pa? "Hindi nagawang magsalita ni Gael. Sa halip, pasimple niyang inilibot ang paningin sa terminal ng mga bus at napansin na may ilang mga matang nakamasid sa kinatatayuan niya. Agad siyang nangamb
" Sigurado ba kayo na hindi niyo gustong pumasok sa loob? " sa ikatlong pagkakataon, tinanong ni Leonardo si Isabella na kasalukuyanag nakatayo sa labas ng opisina. " Hindi na po. Dito ko na lang po siya sa labas hihintayin. " Magalang na sagot ni Isabella, hindi mapigilan ang sariling hindi titigan si Leonardo dahil sa laki ng pinagbago ng hitsura nito kumpara sa natatandaan niyang hitsura nito anim na taon na ang nakararaan. Marami-rami na itong puting buhok ngayon at kapansin-pansin na rin ang pangungulubot ng balat nito, lalo na sa bandang noo. Nakasuot pa rin ito ng salamin sa mata kagaya ng dati." May kahabaan kasi ang byahe patungo rito sa farm kaya mangangawit kayo kung tatayo lang kayo rito sa labas, " ani Leonardo, lumingon-lingon sa paligid para humanap ng puwedeng maupuan nang madako ang paningin sa dulo ng opisina. " Pero maaari naman kayong maupo roon sa may ilalim ng puno ng aratilis. Tatawagin ko na lang kayo kapag nakarating na ang Señor Maximo. "Nakangiting tumang
Hindi malaman ni Gael kung paano kikilos sa harap ni Isabella na kasalukuyang naghuhugas ng plato sa lababo. Gusto niyang humingi ng tawad sa nangyari kaninang umaga ngunit sa tuwing ibinubuka niya ang bibig, hindi lumalabas ang mga salitang ninanais niyang sabihin kaya naman sa bawat paglipas ng oras, lalo siyang nilalamon ng konsensya. Hindi sya mapakali at dumagdag pa sa nagpapabigat ngayon ng sitwasyon ay ang naging engkuwentro nila ni Maximo sa estasyon ng bus kung saan naganap ang pagbabanta nito dahilan para siya'y labis na maapektuhan." Papa, tapos na po kayo? " Nabalik sa reyalidad ang isip ni Gael nang maramdaman ang paglapit ni Leonel sa puwesto niya sabay kuha ng turumpong hawak niya. " Gawa na po pala 'yong tali, eh. Nalinis ko na po iyong puwesto natin. Laro na po tayo! "Nagmadali namang lumabas sa salas si Leonel para tumungo sa tapat ng beranda. Tinapunan muna ng tingin ni Gael ang kusina para silipin si Isabella na abala pa rin sa paghuhugas ng plato bago sumunod kay
Pabagsak na napaupo si Frances sa ibabaw ng kaniyang kama nang mabawi niya ang brasong hawak ni Gael. Nalaglag sa sahig ang saklay at laking gulat niya nang sipain ito palayo ni Gael dahilan para lalong sumama ang loob niya." Frances, alam mo hindi ko na mabasa ang ugali mo. Bakit ba nagkakaganiyan ka? Saating dalawa, ikaw ang hindi ko na makilala! " May gigil na wika ni Gael, nanlilisik pa rin ang mga matang nakatingin sa kapatid. " Bakit mo ginawa 'yon? Bakit mo siya tinawag sa pangalan na 'yon? "" Bakit hindi? Totoong pangalan naman niya 'yon, hindi ba? " Sarkastikong tanong pabalik ni Frances, sinubukang umayos ng pagkakaupo sa kama niya nang mapatungan ng kaniyang kamay ang kahon ng sapatos na nasa likuran niya rason para bumuhal ito at lumitaw ang mga bagay na nasa loob kasama ang libo-libong perang nanggaling sa Castellano." Saan galing ang mga 'yan? " Gulat at pagtatakang tanong ni Gael. Mabilis namang kumilos si Frances para ligpitin ito at muling mailagay sa sobre pero ma
" Regina, sandali, mag-usap na muna tayo. Huwag namang ganito..." Pagmamakaawa ni Matias sa asawa na ngayo'y abala sa pagkuha ng mga damit sa parador nila para ilagay sa inihandang maleta." Regina, pakiusap huminahon ka na muna. Alam kong galit ka pero mag-usap muna tayo. Hayaan mo akong magpaliwanag—"" Hindi ko na kailangan ng kahit na anong paliwanag, Matias! Niloko mo ako—niloko mo kami ng mga anak mo! " Pabagsak na ibinaba ni Regina ang mga damit sa kama niya nang mawalan siya ng lakas. Nanginginig siya sa galit, subalit hindi iyon hadlang para ihinto niya ang ginagawang pag-iimpake ng mga gamit niya. " Hindi ko akalaing magagawa mo saamin 'to, Matias. Talagang iyong asawa pa ng kapatid mo ang tinira mo? Diyos ko, ni hindi mo man lang inisip si Maximo? Ang daming naitulong saatin ng kapatid mo, tapos ito ang igaganti mo?! "" Regina, nagkakamali ka. Walang kahit na anong namamagitan saamin ni Catriona! " Depensa ni Matias. " Si Samara, oo saakin siya pero parte lang siya noong ka
Makapal na usok ng sigrilyo ang kumawala sa bibig ni Gael na kasalukuyang nakaupo sa dulo ng padulasan sa parke. Halos wala ng tao sa kalsada dahil alas nuebe na ng gabi at ang tanging ingay na naririnig niya ay mula sa isang tindero ng balot na nakatambay sa isang kanto malapit sa parke kung nasaan siya." Nagmamakaawa na ako, Gael. Hayaan mo na kaming bumalik kay Maximo..." hindi na mabilang ni Gael kung makailang beses na niyang naririnig sa isip niya ang boses ni Isabella. Nagmakaawa man ito at nakiusap sa kaniya na palayain na sila, hindi iyon tumalab kay Gael na desididong hindi isauli ang mag-ina sa totoo nitong pamilya.Bumalik man ang mga alaalang nawala kay Isabella, hindi iyon sapat na rason kay Gael para agad na bitawan ang pamilyang mayroon siya. Anim na taon niyang nakasama sa iisang bubong si Isabella at kaniyang ibinuhos rito ang pagmamahal niya. Ipinakita niya na karapatdapat siyang asawa at ama sa batang hindi man kaniya ay ibinigay pa rin niya nang buong-buo ang sar
Hindi alam ni Isabella kung tama ba ang ginagawa niya dahil sa bawat paglagay niya ng mga damit sa maletang nasa harap niya, siya ring bigat ng dibdib niya dahilan para mahirapan siyang huminga. Sandali siyang huminto sa ginagawa para punasan ang luhang lumalandas sa kaniyang pisngi at kumuha ulit nang lakas nang loob sa pamamagitan ng paghinga nang malalim." Mama..." Napalingon si Isabella sa likuran nang madinig ang boses ng anak na kanina pa gising at pinanonood ang ginagawa ng ina. Naupo mula sa pagkakahiga si Leonel at kinusot-kusot ang mata habang nakatingin sa maleta. " Ano po ginagawa niyo, Ma? Aalis po ba tayo? "Inalis ni Isabella ang tingin sa anak at pasimpleng pinunasan ang luha sa pisngi niya bago siya lumapit sa kama at maupo sa gilid ni Leonel. " Anak, kagigising mo lang? Kumusta...kumusta ang tulog mo? "" Kanina pa po ako gising. Ngayon lang po ako bumangon, " ani Leonel saka nilipat ang tingin sa maleta. " Uuwi na po ba tayo saatin? Nasaan po si Papa? May pangingi
Tulalang nakatingin si Isabella sa bumungad sa kaniya sa aparador nang buksan niya ito para ilagay ang mga dala niyang gamit. Karmihan ngayon sa mga nakikita niyang nakasampay ay halatang bago habang ang iba ay ang mga pamilyar na damit na pagmamay-ari niya anim na taon na ang nakararan. " Hindi niya itinapon..." wala sa sariling sambit ni Isabella, pinagmamasdan 'yong dalawang bulaklaking bestida na paborito niyang sinusuot noon na ngayon ay na sa harapan niya. Napahawak siya sa dibdib dahil tila may humaplos dito bagay na kinainit ng dalawa niyang mga mata kaya bago pa siya muling maiyak ay kumilos na siya at inilagay na ang dalang damit sa aparador na para sa kaniya. Bago isarado, kumuha muna siya ng pamalit pantulog at dumiretso sa banyo para maglinis ng katawan. Alas nuebe na ng gabi, si Maximo ay nasa kuwarto ni Leonel at tinutulungan itong ayusin ang 'sangkatutak na laruan na nakakalat ngayon sa kuwarto. Iniwanan ni Isabella ang mag-ama para magkaroon ito kahit sandaling oras