Isang iyak ng bata ang nagpagising kay Frances na tumatagaktak ang pawis at hinihingal na nababangon sa kama. Nanginginig ang kamay niyang hinawakan ang tiyan, bakas ang takot sa mukha dahil sa panaginip tungkol sa umiiyak na bata." Hindi, wala lang 'yon, Frances. Kailangan mong kumalma. Kailangan mong kumalma..." Paulit-ulit na bigkas ni Frances, sinasabayan ng marahang paghinga para pakalmahin ang sarili na inabot ng ilang minuto bago tumigil ang panginginig ng kaniyang kamay at bumalik sa normal ang kabog ng dibdib niya. Hindi na mabilang ni Frances kung makailang beses na siyang nananaginip tungkol sa isang sanggol na madalas ay umiiyak sa bisig niya. Durog ang puso niya sa tuwing gumigising mula sa isang eksena kung saan may hinehele siyang sanggol na panay ang iyak ngunit kahit na anong gawin niyang pagpapatahan ay walag epekto hanggang sa palakas nang palakas ang iyak ng bata at doon siya magigising na puno ng takot at pakabigo. Nababatid ni Frances na hindi siya patatahimik
Hindi magawang tumingin nang diretso ni Isabella sa lalaking nakaupo sa mahabang sopa sa harap niya, habang siya'y nakatayo sa likuran ng pang-isahang sopa, abala sa pagkutkot ang isa niyang hinlalaki sa kaliwang kuko ng kaniya ring hinlalaki na sinabayan niya ng pag-iisip kung tama ba ang ginawa niyang pagpapapasok sa lalaking minsan niyang hiniling na hindi na sana magtagpo ang landas nila. " Hndi ka ba mauupo? " tanong ni Maximo, batid ang pag-aalinlangan sa mukha ni Isabella dahil simula nang pumasok siya sa loob ay hindi na siya nito magawang tignan sa mata. " H-Hindi na. Sabihin niyo na lang kung ano ang gusto niyong sabihin. " Saglit na dinaanan ng tingin ni Isabella si Maximo bago ibalik ang atensyon sa dulo ng kaniyang kuko na may dugo na sa loob dahilan para ihinto niya ang ginagawa. Tumayo si Maximo at naglakad palapit kay Isabella para kuhanin ang kaliwa nitong kamay. Nakita niya ang kalagayan ng kuko sa hinlalaki nito na bago pa man niya bigyan ng komento ay mabilis bi
Marahang ipinarada ni Maximo ang kotse sa garahe ng mansyon nang siya'y makauwi. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinawalan niya bago niya napagpasyahang bumaba. Dire-diretso siyang lumakad, hindi na nagawang pansinin ang presensya ng mga kasambahay na nakasalubong niya sa pagpasok dahil pumanhik agad siya sa taas para makapagpahinga. Wala sa plano niya ngayon ang makipag-usap sa kahit na sino ngunit napahinto siya sa paglalakad sa pasilyo nang makita si Catriona." N-Nandito ka na pala..." Nakangiting pagbati ni Catriona na nakasuot na ng manipis na pantulog. Nakaladlad ang mahaba at makintab nitong buhok habang humahalimuyak ang pabango nitong maihahalintulad sa banilya. " Napagabi ka yata ng uwi? Marami bang trabaho sa farm? "Walang buhay na inalis ni Maximo ang tingin sa babae saka siya nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kuwarto habang isa-isang inaalis ang butones ng suot niyang polo. Hinubad niya ito at binuksan ang aparador para kumuha ng damit pamalit. Naramdaman ni
" Akala ko hindi ka na darating, " sa kaswal na pagkakabati ni Maximo kay Gael, aakalain ng iba'y magkaibigan ang dalawa na matagal hindi nagkita. " Sa wakas nagkaharap ulit tayo, Guerra. Plano mo ba ulit tumakas? " Hindi alam ni Gael kung ano ang hitsura ng mukha niya ngayon dahil pinipigilan niyang maglabas ng emosyon sa harap ng taong kinamumuhian niya. Ayaw niyang magpakita ng takot kahit namumuo na ang pawis sa sentido niya. Nilalamon siya ng kaba pero nanatli siya sa tindig na hindi paghihinalaan ng nasa harap niya." Hindi ko alam ang sinasabi niyo, " sagot ni Gael, " Bakit ko kailangan tumakas mula sainyo, Señor Maximo? "" Bakit nga ba? " tanong pabalik ni Maximo. " Bakit nga ba magsasayang pa ng oras tumakas ang isang kriminal kung alam niya sa sariling wala na siyang tatakbuhan pa? "Hindi nagawang magsalita ni Gael. Sa halip, pasimple niyang inilibot ang paningin sa terminal ng mga bus at napansin na may ilang mga matang nakamasid sa kinatatayuan niya. Agad siyang nangamb
" Sigurado ba kayo na hindi niyo gustong pumasok sa loob? " sa ikatlong pagkakataon, tinanong ni Leonardo si Isabella na kasalukuyanag nakatayo sa labas ng opisina. " Hindi na po. Dito ko na lang po siya sa labas hihintayin. " Magalang na sagot ni Isabella, hindi mapigilan ang sariling hindi titigan si Leonardo dahil sa laki ng pinagbago ng hitsura nito kumpara sa natatandaan niyang hitsura nito anim na taon na ang nakararaan. Marami-rami na itong puting buhok ngayon at kapansin-pansin na rin ang pangungulubot ng balat nito, lalo na sa bandang noo. Nakasuot pa rin ito ng salamin sa mata kagaya ng dati." May kahabaan kasi ang byahe patungo rito sa farm kaya mangangawit kayo kung tatayo lang kayo rito sa labas, " ani Leonardo, lumingon-lingon sa paligid para humanap ng puwedeng maupuan nang madako ang paningin sa dulo ng opisina. " Pero maaari naman kayong maupo roon sa may ilalim ng puno ng aratilis. Tatawagin ko na lang kayo kapag nakarating na ang Señor Maximo. "Nakangiting tumang
Hindi malaman ni Gael kung paano kikilos sa harap ni Isabella na kasalukuyang naghuhugas ng plato sa lababo. Gusto niyang humingi ng tawad sa nangyari kaninang umaga ngunit sa tuwing ibinubuka niya ang bibig, hindi lumalabas ang mga salitang ninanais niyang sabihin kaya naman sa bawat paglipas ng oras, lalo siyang nilalamon ng konsensya. Hindi sya mapakali at dumagdag pa sa nagpapabigat ngayon ng sitwasyon ay ang naging engkuwentro nila ni Maximo sa estasyon ng bus kung saan naganap ang pagbabanta nito dahilan para siya'y labis na maapektuhan." Papa, tapos na po kayo? " Nabalik sa reyalidad ang isip ni Gael nang maramdaman ang paglapit ni Leonel sa puwesto niya sabay kuha ng turumpong hawak niya. " Gawa na po pala 'yong tali, eh. Nalinis ko na po iyong puwesto natin. Laro na po tayo! "Nagmadali namang lumabas sa salas si Leonel para tumungo sa tapat ng beranda. Tinapunan muna ng tingin ni Gael ang kusina para silipin si Isabella na abala pa rin sa paghuhugas ng plato bago sumunod kay
Pabagsak na napaupo si Frances sa ibabaw ng kaniyang kama nang mabawi niya ang brasong hawak ni Gael. Nalaglag sa sahig ang saklay at laking gulat niya nang sipain ito palayo ni Gael dahilan para lalong sumama ang loob niya." Frances, alam mo hindi ko na mabasa ang ugali mo. Bakit ba nagkakaganiyan ka? Saating dalawa, ikaw ang hindi ko na makilala! " May gigil na wika ni Gael, nanlilisik pa rin ang mga matang nakatingin sa kapatid. " Bakit mo ginawa 'yon? Bakit mo siya tinawag sa pangalan na 'yon? "" Bakit hindi? Totoong pangalan naman niya 'yon, hindi ba? " Sarkastikong tanong pabalik ni Frances, sinubukang umayos ng pagkakaupo sa kama niya nang mapatungan ng kaniyang kamay ang kahon ng sapatos na nasa likuran niya rason para bumuhal ito at lumitaw ang mga bagay na nasa loob kasama ang libo-libong perang nanggaling sa Castellano." Saan galing ang mga 'yan? " Gulat at pagtatakang tanong ni Gael. Mabilis namang kumilos si Frances para ligpitin ito at muling mailagay sa sobre pero ma
" Regina, sandali, mag-usap na muna tayo. Huwag namang ganito..." Pagmamakaawa ni Matias sa asawa na ngayo'y abala sa pagkuha ng mga damit sa parador nila para ilagay sa inihandang maleta." Regina, pakiusap huminahon ka na muna. Alam kong galit ka pero mag-usap muna tayo. Hayaan mo akong magpaliwanag—"" Hindi ko na kailangan ng kahit na anong paliwanag, Matias! Niloko mo ako—niloko mo kami ng mga anak mo! " Pabagsak na ibinaba ni Regina ang mga damit sa kama niya nang mawalan siya ng lakas. Nanginginig siya sa galit, subalit hindi iyon hadlang para ihinto niya ang ginagawang pag-iimpake ng mga gamit niya. " Hindi ko akalaing magagawa mo saamin 'to, Matias. Talagang iyong asawa pa ng kapatid mo ang tinira mo? Diyos ko, ni hindi mo man lang inisip si Maximo? Ang daming naitulong saatin ng kapatid mo, tapos ito ang igaganti mo?! "" Regina, nagkakamali ka. Walang kahit na anong namamagitan saamin ni Catriona! " Depensa ni Matias. " Si Samara, oo saakin siya pero parte lang siya noong ka